AKALA ni Camille dahil sa nilinaw na niya kay George na hindi niya kayang suklian ang nararamdaman nito para sa kaniya ay titigil na ang binata na gustuhin siya. But hell. Mukhang mas na-challenge pa yata si George sa kaniya at mas lalo pa itong nagpursigi na ipakita sa kaniya na mahal talaga siya nito.
Araw-araw kung gumawi sa bahay nila si George para sunduin siya at isabay pagpasok sa Sapphire J-well. Kahit na sinabihan na niya si George na itigil na nito ang ginagawa dahil wala itong aasahan sa kaniya, pero hindi nagpapatinag ang lalaki. Minsan ay naiinis na siya pero nahihiya siyang pagsalitaan ito dahil ayaw niyang ma-offend si George.
Kaya naman tinatakasan nalang niya ito, sinasadya niyang mas maagang pumasok sa kumpanya para hindi na siya nito maisabay papasok.
"Is that your all presentation, ms. Carlejo?" Bumadha ang kaba sa kaniyang mukha dahil sa seryosong tanong na iyon ng kaniyang boss na si Damon.
Nandito siya sa confere
MALAKAS na bumuga ng hangin si Camille matapos nilang pabalyang ibagsak si George sa sofa. Pinagtulungan nila ng kaniyang ina na buhatin ang lalaki papasok sa loob ng bahay nila habang hinihintay nilang dumating si Damon. Umaambon na rin kasi at hindi maaatim ni Camille na pabayaan si George sa labas.Hay, kung bakit ba naman kasi naglasing ang lalaki? May problema kaya ito? Ayaw naman niyang isiping siya ang dahilan ng pagpapakalango nito sa alak."Ano ba ang nangyayari sa batang ito at nagpakalasing? 'Di kaya'y broken hearted 'yan," iiling-iling na nameywang si Aleng Carmen."Siguro nga, 'Nay," tugon naman niya, siguro nga ay may problema ito sa girlfriend na modela at nasa ibang bansa. 'Di kaya'y nag-break ito at ang girlfriend. Kung anuman ang problema ni George, hinihiling niya na sana ay maayos iyon ng lalaki."Mommy, nandiyan na po si daddy," sigaw naman ni Joana na kanina pa nakasilip sa bintana magmula nang malaman nitong dara
MATALIM ang mga mata ni Anton habang pinaglalaruan ng daliri niya ang susi ng sasakyan niya at ang isang kamay niya ay nakahawak sa cellphone niya na nasa tenga habang may kausap sa kabilang linya."Ibig mong sabihin ay mayroong anak si Damon sa dati niyang nobya?" Tumango-tango siya habang nakangising demonyo. "Thank you for your information. Magagamit ko rin iyan balang araw." Humalakhak na siya this time. "Sige. Paikutin mo lang ang ulo niyang babae mo, sabihin mo sa kaniya na galingan ang pag-arte para mas maniwala ang Monteverde na iyon. Ako na ang bahala sa anak ni Damon,"Matapos niyang kausapin ang nasa kabilang linya ay ibinaba na ni Anton ang cellphone saka ngingisi-ngising sumimsim ng alak sa hawak na champagne glass.Maya-maya ay tumunog naman ang cellphone ni Anton, ang tauhan naman niya ang tumatawag. "Balita?""Boss Anton, good news, nakakuha na ako ng invitation card para sa anniversary party ng Sapphire J-well," sabi n
NAGSALIN ng wine sa kaniyang mamahaling baso si Damon pagkatapos ay nilaghok niya iyon at saka muling nagsalin ulit. Mag-isa siya ngayon dito sa kaniyang private bar sa mansion niya. Nakakailang tungga na siya ng alak nang dumating naman ang pinsan niyang si George. "Saan ka galing kanina, dude? Bakit hindi kita naabutan sa kumpanya kanina?" ito ang bungad ni George at wala nang paa-paalam na naupo at kumuha ng isa pang baso saka nagsalin agad ng alak at dahan-dahan iyong sinimsim. "Sinamahan ko si Camille kanina, namili kami ng mga damit for Joana," tugon niya at sinalinan muli ang kaniyang baso. "Tsk," singhal naman ni George. Paunti-unti lang nitong iniinom ang alak. "madaya ka, dude. Sinabi ko lang sa iyo na susundan ko sina Camille kanina sa Dangwa bigla ka namang may iniutos sa akin, ayun pala ikaw ang susunod sa kanila sa Dangwa," may bahid ng pagtatampo at inis ang boses ni George. Hindi naman umimik si Damon at mab
NANGINGITI si Camille habang pinapanood niya sina Damon at Joana na masayang nagtatampisaw sa dagat. Parang may kung anong humahaplos sa puso niya habang nakikita niya ang saya sa mga mata ng anak habang ka-bonding nito ang amang si Damon. Ngunit naagaw ang atensyon ni Camille ng may maramdaman siyang mag-vibrate. Nang ibaba niya ang tingin sa mesa kung saan siya nakaupo ay nakita niya ang cellphone ni Damon na umiilaw habang nagba-vibrate. Iniwan pala nito roon ang cellphone nito. Agad namang nabasa ni Camille sa screen niyon ang pangalang Kathleen Ovindo na tumatawag. Sandaling sinulyapan niya muna si Damon, abala parin naman ito sa pakikipagharutan kay Joana kaya naman dinampot niya ang cellphone nito at sinagot ang tawag ni Kathleen. "Hello babe, narito na ako sa resort mo dito sa Florida USA. Nasaan ka ba?" Parang tinambol ang puso niya at hindi makapaniwala sa narinig. Nandito sa Florida USA din si Kathleen? Hindi siy
KATATAPOS palang makapagpalit ng pantulog ni Camille at hihiga na sana siya sa tabi ng anak at ina ng biglang tumunog ang cellphone niya.Damon's calling...Nagdalawang isip pa siya kung sasagutin niya ang tawag nito. Saka bakit ba ito tumatawag ng ganitong oras na halos madaling araw na?Sa huli ay napagpasyahan din niyang sagutin ang tawag ng boss niyang saksakan ng pagkamanyak. "Boss, may ipag-uutos ka ba,""Good evening, may I speak to ms. Camille Carlejo?" Anang boses ng lalaki sa kabilang linya, at nasisiguro ni Camille na hindi iyon boses ni Damon. It wasn't him."Speaking," nangangatal niyang tugon dito."Oh, hi ma'am, this is Rembrandt, I am the bar manager here at the bottom of the hotel. I called you to say that mr. Damon is here at the bar and he is drunk. If it's okay with you, ma'am, can you come to him here?"She took a deep breath. "Okay, I'll go there. Thanks," then she hang up.Agad na dina
NAGISING si Camille nang maramdaman niyang huminto na ang sinasakyan nila, at nang sumilip siya sa bintana ay bumungad sa paningin niya ang bahay nila."Hay salamat, nakarating din tayo," pagpapasalamat naman ni Aleng Carmen na sinundan pa ng magaang buntong-hininga.Naunang bumaba ng sasakyan ang kaniyang ina. Pagkababa naman ni Camille ay napansin niya mula sa peripheral vision niya na bumaba rin si Damon habang karga-karga nito ang nakatulog nang anak nila.Para sa anak ay napilitan siyang humarap kay Damon. "Akina si Joana," lumapit siya at akmang kukunin dito ang bata ngunit natigilan siya at unti-unting nag-angat ng tingin kay Damon kaya napagtanto niya na iilang pulgada nalang ang pagitan ng mga labi nila. Wala sa sariling napalunok siya ng sunod-sunod.Walang kakurap-kurap namang nakatitig sa kaniya si Damon at tumitig din siya sa mga mata nito, ang tibok ng kaniyang puso ay hindi nanaman normal."Ehem," bigla ay tumikhi
ANG nangyari sa gabi ng party na iyon ay masyadong makasaysayan para sa isang batang katulad ni Joana. Kinailangan pang ipaliwanag ni Camille sa bata ang nangyari ng gabi ng party yamang naroon rin naman ang bata at nasaksihan at narinig nito ang lahat ng iyon."Mommy, hindi naman po bad si daddy, diba? Hindi naman po siya monster katulad no'ng sinabi ng lalaki," nakangusong sabi ni Joana, tinuturuan niya ang anak na magbasa pero hindi doon natutuon ang atensyon ng bata. Hindi parin nito makalaimutan ang kaganapang iyon."Joana," hinaplos niya ang pisngi ng anak. "let's read alphabet letters, huh. Alisin mo muna sa utak mo 'yang nangyari sa party na iyon,"Joana frowned. "Eh kasi po mommy, hindi ko po matanggap na bad si daddy. Hindi naman po siya bad eh, siya po ang pinaka-best daddy in the whole world for me,""Anak, focus on the flashcard hindi sa nangyari no'ng isang gabi, okay. Anong letter ito?" Ipinakita niya sa bata ang flash c
"BOSS, finish na," nakangiting saad ni Camille pagkalabas niya sa kusina at nahanap niya si Damon sa malawak na salas ng bahay nito habang abala sa laptop nito.Nag-angat naman sa kaniya ng tingin ang lalaki. "Great!" Anito at saka inilapag ang laptop at tumayo.Siya ang inutusan ni Damon na ipagluto ito ng hapunan ngayong gabi, pumayag naman siya dahil naawa rin siya sa lalaki at walang magluluto ng pagkain para rito."Nga pala, tumawag sa akin si Nanay, nag-i-enjoy daw sila ni Joana sa Baguio and salamat daw dahil pinagbakasyon mo sila doon," nakangiting aniya habang ang paningin ay nasa laptop na iniwan ng lalaki. Naningkit na lamang ang mga mata ni Camille nang makita niya ang nasa screen ng laptop."Good to hear that," tatango-tangong ani Damon habang kumukuha ito ng red wine sa cellar."At itinatanong rin ni Nanay kung susunod daw ba tayo doon?" Inalis na niya ang paningin sa lap top at nilingon ang lalaki."Yep. Bu