Share

Chapter 24

     MATAAS ang sikat ng araw at nakakapaso sa balat ang sinag niyon, pero hindi iyon alintana nina Camille at Aleng Carmen na kaninang umaga pa paikot-ikot sa kalye para hanapin si Joana. Namigay narin sila ng flyers sa mga tao na may mukha ni Joana.

Kahapon pa nawawala ang bata, at kahapon pa walang maayos na kain at tulog si Camille sa sobrang pag-aalala niya sa anak.

"Ano? Nakita mo na ba siya? Nahanap mo na ba? Alam mo na ba kung nasaan si Joana?" sunod-sunod na tanong ni Camille kay Damon nang lumapit ito sa kanila. Nananakit na ang mga paa niya kakalakad pero hindi niya iyon iniinda.

Umiling si Damon na nakapagpalumo sa kaniya. "Diyos ko. Saan natin hahanapin si Joana? Damon, gumawa ka naman paraan para mahanap natin ang anak ko," nagsisimula nang mag-unahan sa pagbagsak ang mga luha niya.

Napalunok naman si Damon maging siya ay hindi rin malaman kung saan hahagilapin ang anak nila. "Don't worry, nagpakalat na ako ng mga tauhan ko sa

Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status