Share

Chapter 29

     WALANG tigil sa pagtulo ang luha ni Camille habang nakasakay sila ng anak sa bus pauwi ng Samar. Halos dalawang araw rin ang biniyahe nila dahil barko ang sinakyan nila.

"Mommy, umiiyak ka po ba?" biglang tanong sa kaniya ni Joana nang mag-angat ito ng tingin sa kaniya.

Pasimple niyang pinunas ang luha at tipid na nginitian ang anak. "Hindi, anak. Napuwing lang si mommy,"

"Mi-miss ko si daddy, mommy. Susunod po ba siya sa atin?" Joana asked.

Kumirot ang puso ni Camille at bumaling na lamang siya sa bintana at doon itinuon ang kaniyang paningin habang nakaunan sa hita niya si Joana at nagbalik na lamang ito sa pagtulog.

She wanted to sobb pero pinipigilan niya ang emosyon at pilit pinapatatag ang sarili.

Alas tres ng hapon nang dumating sa terminal ang bus, pagkababa nila ni Joana dala ang kaunting gamit na dala nila ay natanaw agad ni Camille ang kaniyang tito Pareng na kumakaway sa kanila.

"Mommy, si lolo Pareng,"

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status