PARANG punyal na isinaksak sa puso ni Camille ang sinabi ni Kathleen. Pakiramdam niya ay binagsakan siya ng langit at matinding pagkirot ng puso niya ang nararamdaman niya sa mga sandaling ito.
"You heard that, Damon? Magkakaanak na tayo," bumuhos ang luha ni Kathleen, ang mga mata nito ay tila nakikiusap sa lalaki.
Naestatwa naman sa kinatatayuan niya si Damon. "Your just lying, aren't you?"
Pagak na tumawa si Kathleen. "Mukha ba akong nagsisinungaling, Damon?"
"Teka nga. Teka nga. Naguguluhan kami," sabat ng mga kamag-anak ni Camille. "Damon, totoo ba na nabuntis mo ang babaeng clown na ito na mas makapal pa sa kalyo ng paa ko ang make up?" Usisa ni Anjaneth.
Hindi naman makasagot si Damon at napako ang tingin nito kay Kathleen.
"Narinig niyo sinabi ko, right. I'm pregnant and Damon is a father," pagalit na sabi ni Kathleen at talagang hinarap pa nito ang mga kaanak ni Camille.
"Eh gago pala itong lalaking 'to, e
NALAMAN ni Camille mula kay George na ikakasal na sina Damon at Kathleen kaya naman nagpasiya siyang bumalik ng Maynila at iniwan niya si Joana sa ina at mga kamag-anak niya na kampante siyang poprotektahan ng mga ito ang anak niya.Humingi siya ng tulong sa dalawa niyang kaibigang sina Shana at Dancey para alamin kung saan ang venue ng kasal nina Damon at Kathleen at kung anong oras."Shock parin ako, girl. Akala ko kayo na ni Damon ang endgame, pero bakit ikaw ang pinangakuan niya pero sa iba siya ikakasal?" naguguluhang tanong ni Dancey, sa condo unit siya nito dumiretso pagkarating niya ng Maynila."Mahabang kuwento, Dan, saka ko na ikukuwento sa inyo," tugon niya saka bumaling kay Shana na kanina pa nakaharap sa cellphone nito. "Ano? Nalaman mo na ba kung saan ang venue ng kasal nila at kung anong oras?""Ito. Ito. Nagpost sa IG account niya si Kathleen Ovindo. Sa Callahan beach resort ang venue ng wedding at doon na rin ang recep
ONE month passed, and because of what had happened, Damon and Camille decided to postpone their wedding. Just three months before the upcoming holiday season, they decided that they would get married next year. Hindi naman na nagpakita sa kanila si Kathleen at hindi nila alam kung saan ito nagtatago ngayong pinaghahanap ito ng mga pulis matapos ng insidenteng iyon. Samantalang si Cedric ay nagawang ipakulong ni Damon, bukod kasi sa pananakit nito kay Kathleen physically ay napatunayan ding isang drug dealer ang lalaki at patong-patong na kaso ang kinahaharap nito ngayon. Balik sa normal ang buhay nila, samantalang hindi na nagtatrabaho si Camille bilang secretary ni Damon dahil isa na siya ngayong ganap na may-ari ng kabubukas palang ulit na Chef's Kusinas. Hindi nga napigilan ni Camille ang sarili niya na mapahagulgol ng iyak nang magharap muli sila ng dating owner ng restaurant. Naging emosyunal masyado ang pagkikita nilang muli at ipinaubaya na
PAPASIKAT palang ang araw, maagang bumangon sina Camille at Damon at inaya siya ng lalaki na mag-jet ski. Noong una ay ayaw pumayag ni Camille dahil natatakot siya at first time lang niyang makakasakay sa jet ski. Wala pa man pero para nang bumabaliktad ang sikmura niya.Pero sa huli ay napapayag din siya ni Damon na sumakay sila ng jet ski."Don't worry, ako ang bahala sa iyo," nakangiting sabi sa kaniya ni Damon nang mapansin nitong kinakabahan siya.Idinaan nalang niya sa pagngiti ang kaba at ibinigay ang buong tiwala kay Damon.Inalalayan siya nitong sumakay sa jet ski at sinabihang kumapit ng mahigpit sa bewang nito na agad naman niyang sinunod. At mas lalo pang humigpit ang kapit niya sa bewang ni Damon nang magsimula nang humarurot sa dagat ang jet ski.Napakalakas ng tili niya habang binabaybay ng jet ski ang gitna ng karagatan, at halos hindi niya maimulat ang mga mata dahil sa takot niya. Tinatawanan lang naman siya ni
"SIR Damon, this is Myra, a famous designer, at siya ang sinasabi ko sa iyo na nakausap kong pwedeng magtahi ng wedding gown ng bride," nakangiting sabi ng bagong sekretarya ni Damon.Sa isang coffee shop sa Tagaytay sila nakipagkita sa designer na magtatahi ng wedding gown ni Camille.Damon was very excited and he can't wait himself seeing his bride walking on the aisle on the day their wedding. Masyadong nananabik ang puso niya sa araw na iyon."Good afternoon, mr. Monteverde," nakangiti at may paggalang na bati sa kaniya ng designer na si Myra."Have a sit," iminuwestra ni Damon ang kamay niya upang paupuin ang babae sa katapat niyang upuan."Nasabi na sa akin ng secretary mo ang details regarding to your bride, mr. Monteverde. Mula sa waistband nito, at maging favorite color and dream design ng wedding gown na susuutin niya," anito.Tumango-tango naman si Damon. Sinadya niya talagang ipaalam sa sekretarya niya ang det
NAIINIS na pinagsalikop ni Damon ang mga braso niya sa tapat ng dibdib. Maya't-maya ang pagsulyap niya sa suot na relo para bantayan ang oras. 2: 45 am. Naiinis na bumuga siya ng hangin. "Damon hijo," tawag ni Aleng Carmen, nilingon naman niya ang matandang babae. "Nay Carmen, kamusta na ho si Joana?" tanong niya. "Okay naman na siya. Allergy lang naman iyon, dahil sa mga nakain niya kaya siya nagkaroon ng pantal-pantal sa katawan. Pero ngayon, matapos niyang uminom ng gamot ay nawala narin paunti-unti ang pantal ng bata," tugon nito, nakahinga naman na si Damon ng ayos at marahang tumango. "Wala parin ba si Camille? Anong oras na, ah," "Kanina ko pa nga ho tinatawagan ang cellphone niya pero hindi niya sinasagot," ramdam ni Damon ang inis sa dibdib niya. "Naku, ano na kaya ang nangyari sa batang iyon?" Maging si Aleng Carmen ay nag-aalala na rin para sa anak. "Baka ho marami paring tao sa restaurant
MASAYANG pumasok si Camille sa restaurant. Magiliw din naman siyang binabati ng mga servers, pagkatapos ay tinutugon din naman niya ng matamis na ngiti ang mga ito.Masaya ang unang pasok ng taon para kay Camille dahil unang beses na nakasama nila si Damon na mag-celebrate ng pasko at bagong taon. Iyon na ang pinakamasayang pasko at bagong taon na dumaan sa kanilang buhay.Ang buong akala rin ni Camille ay magtatampo sa kanila si Joana kapag nasabi na nila dito na buntis siya at magkakaroon na ito ng kapatid, kaya naman nang magtatalon ito sa sobrang tuwa ay natuwa rin ang kaniyang puso.Paulit-ulit ding sinasabi ni Joana na excited na itong maging ate sa magiging kapatid nito, at sa tuwing sasabihin iyon ni Joana sa kanila ay natutuwa siya.Pagkatapos kausapin ni Camille ang server na si Marie ay dumiretso na siya sa manager's office at doon ay nagpahinga siya sa swivel chair. Dahil buntis siya ay bawal siyang ma-stress at mapag
MATINDI ang panginginig ng mga kamay at tuhod ni Damon habang hinihintay niya ang bawat patak ng oras. Isa-isa na ring nagdadatingan ang mga bisita nila, ilan sa mga ito ay matatalik pang kaibigan ng kaniyang mga magulang. Now, he's wearing a white suit wedding polo and pants. Walang mapaglagyan ang kaligayahan sa kaniyang puso at hindi na siya makapaghintay na masilayan ang kaniyang bride."Congrats," tinapik ng matandang lalaki ang balikat niya. Ngumiti at nagpasalamat naman si Damon dito.Maya't-maya ang sulyap niya sa relo, hinihiling na sana ay dumating na ang kaniyang bride. Halos lahat na ng mga bisita ay naroon na, maging si Joana na isinabay na ni Shamille at ng anak nito na invited na rin sa kasal nila ay naroon na rin.Ang bride nalang talaga ang hinihintay."Wala pa ba siya?" pang-sampong tanong na yata niya ito sa driver niyang si Peach.Umiling naman si Peach. "Wala pa rin, boss,"Sunod-sunod ang naging pagb
NABABALOT na ng dugo at sugat ang buong katawan ni Aleng Carmen dahil sa paulit-ulit na bugbog na natatamo nito mula kay Kathleen.Halos pumutok na ang labi nito sa paulit-ulit na sampal, suntok at sapak ng kamay ni Kathleen, at mula roon ay umaagos ang masaganang dugo."Ano, huh, hindi ka parin magmamakaawa sa akin? Hindi ka parin makikiusap na itigil ko na itong pambubugbog ko sa iyo, huh, tanda?" bigla pa niyang dinuraan ang duguang mukha ni Aleng Carmen.Bagamat mahapdi na ang buo niyang katawan dahil sa mga sugat niyang natamo ay nanatili paring matatag ang ekspresyon ni Aleng Carmen. "Patayin mo na lang ako, Kathleen," bakas ang galit sa boses nito."Aww! Too bad ho, Aleng Carmen, kasi nasisiyahan pa akong paglaruan ka, eh. Tsk. Kundi kasi dahil sa anak mong ambisyosa sana masaya ako ngayon sa piling ni Damon. Dapat buhay reyna ako ngayon at hindi ako naghihirap. Sana limpak-limpak ang pera ko ngayon,"Tumawa si Aleng Carm