로그인Magdamag akong nagbantay kay Yael sa ospital. Paminsan-minsan ay gumigising ito para tanungin kung okay lang ako at babalik na rin sa pagtulog. Paano ba naman ako makakatulog e ganitong medyo mainit ito?
Nang sumipit ang umaga ay dumating si Belinda na may dalang mga pagkain. Hindi ko maiwasang mapangiti at makaramdam ng hiya at the same time.
“Thank you talaga, Belinda.” Hilaw ko itong nginitian.
“It’s fine,” masungit nitong wika ngunit agad din itong ngumiti. “Ano ka ba naman! H’wag ka nga puro pasalamat. Hindi naman big deal sa akin itong ginagawa ko para sa inyo ni Yael. Kaibigan kita at nakababatang kapatid na rin ang turing ko kay Yael. This is what friends are for, ‘di ba?”
Napangiti ako sa turan nito at tumango. Nag-offer ako ng silya rito at umupo rin ako sa kama.
Tulog pa ngayon si Yael dahil hindi naging matino ang tulog nito kagabi. Mamayang seven ay aalis na ako para maging cashier sa isang coffee shop. Hindi ako pwedeng mag-absent doon.
“May duty ka pa sa café?” tanong sa ‘kin ni Belinda. “Hindi ka ba pwedeng mag-stop diyan?”
“Bakit naman?” Kumunot ang noo ko sa pagtataka. “Maganda naman ang pasahod. At isa pa, hinihintay ko rin ang thirteenth month pay ko saka bonus. Hindi ko pwedeng iwanan ‘yon. At saka, close ko na rin ang mga katrabaho ko.”
Umismid ito. “Yung sahod mo riyan sa isang kinsenas ay isang gabi mo lang ag paglilinis sa penthouse. H’wag kang mag-alala. Kapag may nalaman pa akong raket, isasalang kita.”
I nodded my head.
Nakakatuwang isipin na kahit sa mga ganitong pagkakataon ay may tao pa rin pala akong masasandalan, lalong-lalo na sa mga panahong ginigipit ako ng pagkakataon. And heaven knows how thankful I am for having this kind of friend in my life.
“Maraming salamat talaga, Belinda.”
Muli siyang napairap sa ‘kin at mahinang natawa. “Umuwi ka na at magbihis. Ibibili kita ng eye cream mamayang gabi para hindi masyadong haggard ang eyebags mo.”
I frowned again. “Huh?”
Tinulak ako nito palayo sa kama ni Yael na tila’y tinataboy ako. “Go and get changed. Baka ma-late ka pa. Kaunti na nga lang ang sahod mo, magkaka-penalty ka pa sa late mo.”
Napipilitan akong tumango. “S-sige. Baka hindi na ako makakaraan dito. Pakisabi na lang kay Yael na babalik din ako.”
“Sige.”
Agad akong lumabas ng ospital at pumara ng tricycle para ihatid ako sa bahay ni Belinda. Hindi ko naman kasi pwedeng lakarin dahil aabutin ako ng bente minuto. Sayang ang oras.
“Maraming salamat, Manong!” nakangiti kong wika.
“Walang anuman, Asli!”
Hindi naman sa nagmamayang ngunit kilala ako ng mga tricycle driver dito sa amin. Kadalasan ay binigyan nila ako ng ‘free ride’ lalo na sa tuwing gipit ako at kulang ang pamasahe ko. Minsan nga ay hindi na nila hinihingi ang pamasahe ko, e.
Naligo muna ako kahit kulang na kulang sa tulog at nagbihis sa aking uniform. Nagdala ako ng extra damit na pagpapalitan ko mamaya pagkauwi saka dumiretso sa café.
“Good morning… Alsi…” Agad na ngumiwi si Leah nang makita ang hitsura ko. “Ayos ka lang? Bakit mukha kang panda?”
“Oo, ayos lang ako.” Dumiretso ako sa locker area at pinasok ang sling bag sa loob ng aking locker. “Medyo hindi lang nakatulog nang mahimbing kakabantay kay Yael.”
Napatango ito. “Nga pala, Kamusta na si Yael? Ayos na ba siya? Nalaman namin kay Manager ang tungkol sa nangyari sa kapatid mo. Sabi niya ay ipaalam daw sa ‘yo na pwede kang mag-cash advance.”
I shook my head, dismissing that idea. “Hindi na. Nakakatamad pumasok sa trabaho kapag wala ka nang sweldong matatanggap.”
Ngumuso si Leah at tumango. “Oo nga, ‘no?”
“Anong pinag-uusapan niyo riyan? Marami ng customers sa labas pero nagtsi-tsismisan kayo rito,” masungit na wika ng bagong dating.
It was Elsie. Isa mga kasamahan ko na hindi ko alam… o baka assuming lang ako?
Feeling ko kasi ay hate niya ako kaya ganito siya kasungit. Ngunit hindi naman siguro. Baka masyado lang akong feelingera.
Nagpalitan muna kami ng tingin ni Leah bago ako nagtungo sa counter. Saka ko pa lang ini-on ang monitor. Hindi pa nga nakaka-on ngunit nagsisimula na ang mahabang pila. Hindi ko tuloy maiwasang alalahanin ang mga pangyayari noon. Nang mga panahong nagsisimula pa lamang ang café. Tuwang-tuwa na kami ng may-ari kapag sa isang araw nagkakaroon na kami ng sampung customer. Ngunit ngayon…
“Good morning, Ma’am. What’s your order?” I asked. Abot tenga ang ngiti ko kahit na sobrang pagod na ng katawan ko.
“I’ll get the Honey Almondmilk Flat White,” wika nito. “And two caffé latte.”
Agad kong tinipa ang kanyang order at tinanong ang kanyang pangalan. I asked her to take a seat dahil tatawagin ko na lang ang kanyang pangalan.
Sunod-sunod ang mga naging customer. Kahit ‘yung mga kasamahan ko ay nagsisimula nang magkaroon ng adrenaline rush. Paniguradong pagtuntong ng tanghali ay bagsak na ang mga ito sa locker room.
I was all smiles. May iilang customer pa na hino-hold ang linya sa likod nito dahil busy pa sa kakapili. Since malapit lang din naman kasi sa malalaking building itong coffee shop ay marami ang dumarayo rito para bumili ng kape. Most of them are assistants. They’re always in a rush.
“Good morning, Sir. What can I…” Kumunot ang aking noo nang mamukhaan ko kung sino ito. “Sir Ethan?”
“Good morning too, Alsi.”
My lips parted.
Siya ‘yung lalaking palaging bumibili sa akin ng sigarilyo! Kung gaano ito kagwapo sa gabi, mas gwapo ito sa umaga dahil kitang-kita ko ang mukha nito. He looks like someone from billboards.
Wala sa sarili akong napaigtad nang mayroong bahagyang kumurot sa likod ko. Wala sa sarili ko itong nilingon at nakita ang pagdaan ni Jenna. Pansin ko pa ang simple nitong pagkindat. Mga sira talaga.
“W-what can I get you today?” medyo kinakabahan kong tanong.
Sino ba naman kasing hindi kakabahan kung sobrang gwapo ng kaharap mo?
He has this tanned skin, brown eyes, pointed nose, and a clenching jaw. Shet! Sobrang gwapo, te! Feeling ko tuloy ‘yung panty ko nawawalan na ng garter!
“I’ll get the Triple Mocha. Two orders of Dark Caramel, and…” Nag-angat ito ng tingin sa menu namin sa taas. “Chai Tea Latte. How much.”
Agad kong tinipa ang kanyang order. “A total of eight hundred and… Sir, hindi po ako nagpapa-keep a change rito,” agad kong wika nang mapansing blue bill na naman ang ibibigay nito.
Mahina itong natawa sa aking sinabi. “It’s fine. Here.”
Lumabi ako at tinanggap ang pera na kanyang inaabot. Agad akong nagkuha ng sukli nang magsalita ito ulit.
“I didn’t know you also worked here.”
Mariin kong kinagat ang ibabang labi ko at nag-angat ng tingin sa kanya sabay abot ng sukli. “Ito po talaga ang main job ko.”
He nodded. Tinanggap nito ang sukli at hindi ko inaaasahan ang parang kuryenteng dumaloy mula sa ‘king kamay nang magdikit ang aming mga balat. Wala sa sarili kong hinila pabalik ang aking kamay.
“Uhm… please take seat, Sir. Tatawagin na lang po namin ang order niyo.”
“Sige,” he replied. “Have it for take out. Thank you, Asli.”
“You’re welcome po.”
Ngumiti si Sir Ethan sa akin at agad na tumalikod. Ngunit bago pa nito tuluyang iwanan ang pila ay nilingon siya nito.
“By the way, you look better without your heavy makeup.”
Wala sa sarili akong napalunok habang naglalakad kami ni Sir Axton palabas ng venue.Kakatapos pa lamang ng event at parang sobrang na-drain yata ang buo kong katawan. Kahit ang paghakbang ng aking mga paa ay hirap ako. Hindi rin nakakatulong ang suot kong heels. Feeling ko, isang maling apak, matutumba na ako.Sa kalagitnaan ng aming paglalakad, nagtaka ako nang biglang tumigil sa paglalakad si Sir Axton. Wala sa sarili ko itong nilingon at kumunot ang aking noo. Wala akong sapat na lakas ng loob pa para magtanong kung ano ang meron at bakit ito tumigil sa paglalakad.Tumingin lang ako rito na may halong pagtataka.“Give me your purse,” wika nito sa mababa at malamig na tinig.“B-bakit…” Agad akong napangiwi nang mapansin ko ang malamig at matalim nitong tingin. “S-sige po.”Wala sa sarili ko itong binigay sa kanya kahit na hindi ko mapigilan ang sarili kong magtaka.Ganoon na lang ang gulat ko nang bigla ako nitong binuhat gamit ang isang braso. Wala sa sarili akong napayakap sa kan
“Andreev?” wala sa sarili kong sambit. “K-kaano-ano mo si Axton?”Ngumisi ito sa akin na para bang alam niya kung sino ako. Agad namang bumilis ang tibok ng aking dibdib. Hindi pa nga nagsisimula ang pagpapanggap ko ngayong gabi, nabuking na ba kaagad ako?“I’m his twin,” sagot nito na mayroong mapaglarong ngiti sa labi. “Bakit parang kinakabahan ka?”Wala sa sarili akong napalunok. “Uh—”“Don’t worry.” Binaling nito ang atensyon sa salamin sa harap namin. “I am not telling a thing.”Tinapat pa nito ang hintuturo sa harap ng nakangusong labi niya. Hindi ko tuloy maiwasang mapatitig sa kanyang mukha.Ang ganda niya. Yung natural niyang makapal at pormadong kilay, ‘yung hugis oval niyang mukha, tas ‘yung pagiging maputi niya na para bang araw-araw nililigo sa gatas…ang ganda niya talaga! Hindi na ako magtataka kung totoo ang iniisip kong araw-araw itong naliligo sa gatas dahil mayaman naman sila.Pero back to the topic nga. Anong ibig niyang sabihin.“Hindi mo sasabihin ang alin?” Magpa
“Why are you with Axton?”Bakas sa hitsura ng mga ito na hindi sila basta-bastang mga babaeng matatagpuan lang sa mga event. They looked like they come from prominent families. At sa totoo lang, nagsisimula na akong makaramdam ng kaba.Bakit ko nga ba hindi naisip ang ganitong bagay? Of course, gwapo si Sir Axton. Kung may babaeng aaligid sa binata ay paniguradong magiging puntirya ng mga babaeng matagal nang may gusto sa kanya.Ano ba naman ‘yan, Asli!“Uh…” Napakamot ako ng kilay.Ano ba dapat ang sabihin ko? Na girlfriend niya ako? Dapat ko bang banggitin ‘yung salitang pretend? E ‘di sobrang tanga ko na non? Ano ba ang tamang salitang isasagot ko?Na sa kalagitnaan ako ng pakikipagdebate sa sarili ko nang bigla nitong hinigpitan ang pagkakahawak sa braso ko. Wala sa sarili akong napasinghap sa sakit. Kung makatingin ito sa ‘kin ay para bang babalatan na ako nito ng buhay.“B-bitiwan mo ako,” mahinang sambit ko.“Answer me, bitch. Why are you with him? Yaya ka ba niya?”Yaya?Bahag
A pretend girlfriend?Kaya ko bang gawin ‘yon? At isa pa, itong hitsura kong ‘to? May maniniwalang girlfriend ako ni Sir Axton? Grabe naman. Compliment ba ito? Anong isasagot ko?Sa dami ng mga tanong na umiikot sa aking isipan, iba ang lumabas sa aking bibig.“Bakit ako?” wala sa sarili kong tanong. “H-hindi naman po sa nagrereklamo ako. Pero baka po pumalpak ako. Baka hindi sila maniwalang kasintahan ako ni Sir Axton. Hindi naman po ako maganda at hindi ko mapapantayan ang mga babaeng nakapalibot kay Sir—”“Don’t worry,” pagpuputol nito sa kung ano pa man ang sasabihin ko. “Let’s just trust Mr. Axton’s judgment, okay? Basta, maging natural ka lang. Minsan lang manghingi ng tulong ang taong katulad ni Mr. Axton. Let’s help him as much as we can.”Wala sa sarili akong napalunok at tumango.Ngayon lamang nag-sink in sa ‘king isipan na nagiging reklamador pala ako. Ako na nga itong tinulungan, dapat kahit papano ay masuklian ko ang pagmamagandang loob nito sa ‘kin. Wala rin akong dapat
Tahimik lamang akong nakaupo habang kinakalikot ng mga tauhan ni Miss Catarina ang buhok ko at mga daliri ko. May abala rin sa paglalagay ng makeup sa ‘king mukha at panay pa ang panliliit ng mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin.Wala nang tao sa loob ng shop nito. Amoy na amoy ko ang mga damit na bagong design ni Miss Catarina na suot-suot ng mga manikin dito sa loob.“Why aren’t you taking care of yourself?” tanong ni Catarina sa ‘kin habang pinapanood akong ayusan ng kanyang mga tauhan.Lumunok muna ako bago hilaw na ngumiti. “A-ano po kasi…”“Kaano-ano mo si Mr. A?” muling tanong nito na hindi man lang hinintay na makasagot ako sa nauna nitong tanong. “Why are you getting dolled up. Are you his girlfriend?”“Po?” Wala sa sarili akong napakurap. Hindi naman ako pwedeng makailing dahil may naglalagay ng contour sa ‘king mukha. Baka masira ko pa ang momentum niya. “H-hindi po. Ano niya lang po ako…maid.”Agad na nanliit ang mga mata nito habang nakatingin sa ‘kin. Bakas sa mukha n
Sa isiping ‘yon, nagmamadali akong nagpalaam sa aming manager dahil baka hindi lang si Sir Oli ang nandoon. Pero most of the time, si Sir Oli lang naman. Isang busy person si Sir Axton. Hindi naman siguro ito personal na pupunta sa akin, ‘di ba?“Sir Oli…”“Miss Bernardo, busy ka ba? May oras ka ba kahit saglit?” tanong nito.Bakas ang pagmamadali sa boses nito, kaya naman agad akong naalarma.“B-bakit po? May problema po ba?” Hindi ko na rin mapigilan ang pag-aalala ko.“Mukhang kailangan tayo ni Sir Axton ngayon.”“K-kailangan—ay! Saan po tayo?”Wala sa sarili akong napasinghap nang bigla nitong hilahin ang aking pulso at binuksan ang backseat ng sasakyan. Wala sa sarili naman akong napahakbang papasok at umupo sa isang bakanteng upuan.Sumunod naman sa akin si Sir Oli na agad sinarado ang pinto. Bumilis ang tibok ng aking dibdib sa kaba habang nakatingin dito. Hindi ko alam kung ano una kong sasabihin o itatanong.Bago ko pa man mabuksan ang aking bibig para sa mga katanungan, may







