Share

Chapter 3 - Bawal Umibig

Penulis: JV Writes
last update Tanggal publikasi: 2026-02-03 10:03:24

Natuto si Mira ng isang mahalagang bagay matapos niyang mahuli si Carlo na may kasamang ibang babae sa kama. Ang kahihiyan ay may bisa lamang kung papayagan mo itong yurakan ka.

Kaya nang lumabas siya ng apartment ni Bea noong hapong iyon, isa lang ang malinaw sa isip niya. Hinding hindi na siya muling yuyuko para sa isang lalaking tulad niya ni Carlo.

Matalas ang malamig na hangin ng taglamig sa Makati, kumakagat sa pisngi niya habang naglalakad sila ni Bea sa loob ng mall. Maingay at puno ng tao ang paligid, pero kakaiba ang pakiramdam ni Mira, parang hiwalay siya sa mundo, na para bang bumagal ang lahat habang ang isip niya ay patuloy na nauuna.

“Hindi ka na mukhang malungkot,” maingat na sabi ni Bea, sinisilip siya mula sa gilid ng mata.

“Hindi na,” tapat na sagot ni Mira. “Pagod na lang ako. Tapos na.”

Papaliko na sana sila papunta sa escalator nang biglang huminto si Bea. Humigpit ang hawak niya sa braso ni Mira. Sinundan ni Mira ang tingin niya at biglang lumubog ang sikmura niya.

Nakatayo si Carlo hindi kalayuan, nakasandal sa railing na parang may inaabangan. Maayos ang buhok, mamahalin ang suot, at puno ng kumpiyansa ang mukha. Isang matalim at agarang pagkasuklam ang umakyat sa dibdib ni Mira. 

“Tara na,” sabi niya, hinihila si Bea palayo.

Pero huli na ang lahat, nakita na siya ni Carlo.

“Mira!”

Gumapang ang boses ni Carlo sa balat niya, nakakadiri. Agad na humakbang ang kaibigan nitong si Bea sa harap niya, parang kalasag. “Huwag mong—”

Inabot ni Mira ang braso ni Bea at marahang hinila siya pabalik. “Ako na ang kakausap.”

Diretso niyang tiningnan si Carlo, malamig ang mga mata. “Anong meron?”

Ngumiti si Carlo, pero walang kahit anong init ang ngiting iyon. “Sinira mo ang buhay ko. Hindi ba dapat mag-sorry ka sa mga ginawa mo?”

Sa loob ng kalahating segundo, napatigil si Mira sa kapal ng mukha nito. Pagkatapos, tumawa siya. Sino ba naman kasing nasa matinong pag-iisip ang magso-sorry kahit siya naman ang naloko?

“Ako, hihingi ng tawad?” ulit niya. “Niloko mo ako. Inilantad kita. Ang tawag doon ay karma, Carlo.”

“Kung hindi ka bumalik nang maaga, hindi sana nangyari ang lahat ng ito!”

Doon natiyak ni Mira na hinding hindi aamin ng pagkakamali ang lalaking ito. Ang kapal ng mukha!

“Ang kapal talaga ng apog mo,” mahinang sabi niya.

Inabot ni Carlo ang pulsuhan niya.

Mas mabilis kumilos si Mira kaysa sa inaasahan nito. Malakas niyang sinampal ang ex-boyfriend niya. Ang tunog ay malinaw at matalim, umalingawngaw at agad na nagpalingon sa mga tao sa paligid.

Nanigas si Carlo, nanlaki ang mga mata sa gulat.

“Magpasalamat ka at wala akong dalang kutsilyo,” kalmadong sabi ni Mira kahit naglalagablab ang galit sa dibdib niya. “Hawakan mo pa ako ulit, at hindi na ako titigil sa sampal.”

Nagsisimula nang magtipon ang mga tao, may mga bulungan na kumakalat. Hinila ni Bea ang braso ni Mira. “Tara na.”

Hinimas ni Carlo ang pisngi niya, ang kahihiyan ay bumaluktot sa mukha niya at naging pangit. “Makikita natin kung gaano ka katapang,” sigaw niya habang papalayo sila.

Hindi lumingon si Mira.

Hindi niya nakita ang lalaking nakatayo sa kabilang bahagi ng pasilyo. Hindi rin niya alam na mula nang itaas ni Carlo ang kamay nito, may isa nang nanonood.

Tahimik na pinagmamasdan ni Sebastian Montenegro ang eksena.

Nakita niya ang sampal. Ang tapang. Ang paraan ng hindi pagliit ni Mira, hindi pagmamakaawa, hindi pag iyak.

Interesante.

Tahimik na nagsalita si Nico Agustin, ang lalaking sekretarya ni Sebastian, na nasa kaniyang tabi. “Iyan si Carlo, ex-boyfriend ni Mira. Yung video na kumalat noong nakaraang linggo, si Mira ang nagpakalat no'n.”

Walang sinabi si Sebastian. Sinundan ng tingin niya ang papalayong likod ni Mira hanggang tuluyan itong lamunin ng karamihan.

“Hinding hindi ito palalampasin ni Carlo,” dagdag ni Nico.

Sa huli, hindi pa rin nagsalita si Sebastian.

***

Noong gabing iyon, pinilit ni Mira ang sarili niyang manatili sa lumang tirahan ng mga Montenegro kasama si Sebastian. Hindi iyon desisyon na nagmula sa kanya, kundi isang utos na malinaw  mula kay Madam Cecilia, ang ina ni Sebastian. Bilang legal na asawa, wala raw siyang karapatang manatili sa labas ng bahay ng kanyang asawa.

Sa gitna ng katahimikan ng gabing iyon, pumasok na sa loob ng kwarto si Mira upang matulog. Ito ang unang beses na magsasama sila sa isang kwarto kaya hindi alam ni Mira kung paano siya kikilos.

Pagpasok nito, salita agad ni Sebastian ang bumungad sa kaniya. “Bukas ng umaga, alas otso, sa Civil Affairs Bureau. I want a divorce.”

Agad na umupo nang tuwid si Mira sa sahig. Hindi nito sinubukang lumapit sa kama ni Sebastian pagkatapos linawin ng huli na hindi sila pwedeng magsama. “Talagang mapilit ka,” 

“Talagang nakakairita ka,” walang emosyon na tugon ni Sebastian.

Bahagyang ngumiti si Mira. “Hindi ako papayag.”

Nagkaroon ng mahabang katahimikan bago muling nagsalita ang lalaki, mas mababa at mas mapanganib ang tono. “Gusto mo bang maging balo?”

Tumama ang salita sa dibdib ni Mira nang mas malakas kaysa inaasahan niya. Saglit siyang natahimik bago nilunok ang laway. “Mataas na ang teknolohiya sa medisina ngayon,” sagot niya. “May mga himala.”

Mahinang tumawa si Sebastian. “Napaka inosente mo.”

“O optimistic lang,” sagot ni Mira.

Hindi na nagsalita si Sebastian at tuluyan na lamang humiga. Ganon din si Mira na nasa sahig at tila nakahiga lamang sa isang manipis na matres. Kahit may heater ay tila nilalamig pa rin ito.

***

ANG MGA SUMUNOD na araw ay lumipas sa isang uri ng katahimikang puno ng tensyon, hanggang sa dumating ang tawag na tuluyang bumago sa takbo ng lahat.

Isang hapon, nadulas si Mira sa banyo ni Sebastian. Biglang umakyat ang sakit sa binti niya na parang apoy, at napasinghap siya habang dumudulas palayo ang telepono sa sahig. Inabot niya ang telepono at tinawagan ang tanging numerong pumasok sa isip niya.

“Sebastian,” pabulong niyang sabi nang sagutin nito. “Nadulas ako.”

“Kung nadulas ka, tumayo ka,” malamig na sagot nito.

“Hindi ko kaya.”

Sandaling katahimikan ang sumunod, saka isang mahinang mura. Ilang minuto lang ang lumipas nang biglang bumukas ang pinto ng banyo. Nakatayo si Sebastian doon, madilim ang mukha at mabigat ang tingin. Nang makita niya si Mira na kalahating bihis at nakahandusay sa sahig, may dumaan sa mukha niya na hindi mabasa.

Wala siyang sinabi. Lumapit lamang siya at binuhat si Mira. Nang dumating si Madam Cecilia kasama ang doktor, pilit ngumiti si Mira kahit masakit ang buong katawan.

Nang magtanong ang doktor sa kaniyang estado ngayon bilang asawa, agad na sumagot si Mira kahit na may alinlangan. “Sa ngayon po, sinusubukan po naming magka anak.” Agad na tumama sa kanya ang matalim na tingin ni Sebastian, sapat para balaan siyang manahimik.

Pagkaalis ng mga iyon, inihagis ni Sebastian ang isang papel sa ibabaw ng kumot. Isa itong kasunduan... kontrata. Na dapat wala silang pisikal na kontak. Walang pampublikong pagpapakilala.

At kasunduan na dapat hindi sila mahulog at umibig sa isa't isa.

Kinuha iyon ni Mira at agad pumirma, walang pag aalangan, tila ba't tanggap nito na hindi mangyayari ang mga nakasulat dito. 

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 140

    Ngumiti si Mira. “Miss Helena.”Habang papalapit si Helena sa kanila, kusang tumayo ang taong nakaupo sa gilid at ibinigay ang upuan para rito. Sa huli, nauwi sa tabi-tabi ang tatlo, ngunit si Helena ang naupo sa mismong katabi ni Mira.Sa kabutihang-palad, hindi nito pinilit na makipag-usap agad kay Mira. Sa halip, nakihalubilo ito sa iba at nakipagkuwentuhan nang magaan, na para bang napakadali nitong pakisamahan at napakabait nitong kasama. Magaan ang kilos nito, maayos ang ngiti, at walang anumang bakas ng tensyon sa mukha. Kung hindi alam ni Mira ang buong sitwasyon, baka maisip pa niyang talagang likas na mahinahon at kaaya-aya si Helena.“Sino ang gustong kumanta nito kasama sa duet?” tanong ni Adrian habang nakalahad ang mikropono sa grupo.Agad na tumayo si Helena. “Ako.”Sumulyap si Adrian kina Mira at Sebastian bago iniabot ang mikropono kay Helena.Tinanggap iyon ni Helena, ngunit sa halip na tumayo nang tuluyan para pumunta sa gitna, nanatili lamang itong nakaupo sa puwes

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 139

    Binasa ni Mira ang pangungusap na iyon at wala naman siyang napansing mali rito.[’Yun lang.]Pagkatapos ipadala ang dalawang salitang iyon, para bang bumalik na naman ang lahat sa dati. Ang usapan nila ay muling naging payak, malamig, at walang anumang dagdag na ibig sabihin. Walang paliwanag. Walang kasunod. Walang pagpipilit. At sa totoo lang, unti-unti nang nasasanay si Mira sa ganoong takbo ng mga bagay sa pagitan nila.Pagsapit ng uwian, ganoon pa rin ang chat nila ni Sebastian.Nakatigil pa rin iyon sa parehong dalawang salita.Napakahirap talagang hulaan ng puso ng isang lalaki—parang karayom na nahulog sa kailaliman ng dagat. Naroon man, hindi mo naman makita. At kahit hanapin mo pa, hindi rin tiyak kung matatagpuan mo.Sabay-sabay lumabas si Mira at ang mga katrabaho niya mula sa kumpanya. Tulad ng dati, may ilan na nag-uusap pa tungkol sa trabaho, may ilan namang nagbibiruan na lamang habang naglalakad. Habang palapit siya sa gilid ng kalsada at naghahanda nang mag-book o t

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 138

    Kinabukasan.Pagkagising ni Mira, agad siyang humarap sa salamin. Maingat niyang tiningnan ang mukha niya, at nang makitang wala na ang bakas ng palad na tumama roon kagabi, saka lang siya nakahinga nang maluwag. Para bang nabawasan ang bigat na pasan niya sa dibdib. Hindi man nawala agad ang alaala ng nangyari, kahit paano ay gumaan ang pakiramdam niya nang malamang hindi na iyon makikita ng iba sa mukha niya.Isinuot niya ang mga damit ni Bea at kinuha ang kotse nito papuntang opisina.Pagkahinto ng sasakyan sa tapat ng kumpanya, agad nilang nakita si Timothy na nakatayo roon.“Naghihintay siya sa’yo?” kunot-noong sabi ni Bea. “Hindi pa ba sapat sa kanya ang sampal na inabot mo mula sa nanay niya?”Nanatiling kalmado si Mira habang inaalis ang seatbelt niya. “Pumasok ka na sa trabaho.”“Mag-ingat ka,” paalala ni Bea.“Huwag kang mag-alala. Hindi naman niya ako sasaktan.”Pagkababa ni Mira ng sasakyan, agad siyang napansin ni Timothy at napatingin ito sa kanya.Punong-puno ng paghing

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 137

    Tumanggap si Mira ng isang sampal, at nang lumabas siya, mahigpit at naninigas ang mukha niya.Wala na siyang pakialam kung paano pa magtatalo si Timothy at ang ina nito pagkatapos niyon, dahil sa puntong iyon, wala nang saysay ang lahat. Wala na iyong halaga sa kanya. Kanina lamang, sinabi pa ni Bea na matagumpay na si Timothy sa trabaho at dapat ay kaya na nitong magpasya para sa sarili nito. Ngunit ang totoo, kung ang mga magulang mo ay katulad ng sa kanya, ang isang taong hindi marunong magpasya para sa sarili niya ay mananatiling ganoon, gaano man siya katanda o gaano man kalaki ang narating niya sa buhay.Sa loob-loob ni Mira, napakalaking bagay na napanatili niyang malinaw ang isip niya. Mabuti na lang at hindi siya tuluyang nalunod sa mga dati niyang naramdaman para kay Timothy, at hindi rin siya nasilaw sa katotohanang napakaayos at napakagaling na nito ngayon. May mga taong hindi nagkatuluyan noon, at ang hindi nila pagkakatuluyan sa nakaraan ay hindi nangangahulugang maaari

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 136

    “Kung hindi pa kami diborsiyado, ibig sabihin puwede pang magpatuloy ang kasal na ito.” Pinaglaruan ni Mira ang sarili niyang mga daliri habang nagsasalita, tila kalmado sa labas ngunit malinaw na pinipili nang mabuti ang bawat salitang bibitawan niya. “At kahit pa nagdiborsiyo kami, imposible pa rin ang para sa ating dalawa.”Biglang umabot si Timothy, tila gustong hawakan ang kamay niya.Ngunit mas mabilis si Mira kaysa sa kaniya. Agad niyang itinago ang mga kamay sa ilalim ng mesa, na para bang hindi niya hahayaang magkaroon ng kahit anong maling pag-asa ang lalaki. Maliwanag ang kilos na iyon—hindi lamang simpleng pag-iwas, kundi isang tahimik na paglalagay ng hangganan sa pagitan nilang dalawa.“Napagdaanan na nating mapalampas ang pagkakataon natin noon,” sabi ni Timothy, halatang hindi pa rin tanggap ang naririnig niya. “Ngayong nagkaroon ulit tayo ng isa pang pagkakataon, bakit hindi natin puwedeng ituloy?”Huminga nang malalim si Mira bago sumagot. “Ikaw na rin ang nagsabi—na

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 135

    Sa tuwing nababanggit si Helena, laging tila may bahagyang pag-aatubili si Sebastian na pag-usapan ito.Hindi na ipinilit ni Mira ang pagtatanong.Kung hindi lang naman sobrang kapit ni Helena kay Sebastian, bakit pa siya mag-aaksaya ng ganitong karaming pakialam? Hindi—hindi nga ba talaga pakialam iyon. Sa totoo lang, hindi siya basta nagseselos lamang; mas tama sigurong sabihing labis lang siyang mausisa sa kung ano ba talaga ang namamagitan sa kanilang dalawa. May mga bagay na ayaw niyang palampasin, ngunit may mga bagay ding alam niyang kapag hinukay pa niya nang hinukay ay siya rin ang masasaktan sa huli.Ayaw ni Mira na lalo lamang sumama ang loob niya, kaya tumahimik na siya at tahimik na tinapos ang pagkain.Ang biglaan niyang pananahimik ang siyang medyo ikinapanibago ni Sebastian.Parang sanay na ito na may sinasabi siya, may tinatanong, may ibinabatong pang-aasar o patutsada. Kaya ngayong bigla siyang naging tahimik, may kakaibang puwang na nabuo sa pagitan nila. Gusto sana

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 131

    Litaw na litaw ang mga ugat sa likod ng kamay nito, at ang kalahating nakalantad na mga daliri ay mahahaba at napakaganda ng hubog. Magaan lamang na nakapatong ang dulo ng mga daliri ni Mira sa likod ng kamay nito, at nang magkatabi ang mga kamay nila, para itong isang obrang sining.Napakaganda.D

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 130

    Pagkabukas na pagkabukas ng pinto ng elevator, tila nakahinga rin nang maayos si Sebastian.Mabilis siyang lumabas habang buhat pa si Mira. Hindi na siya nag-aksaya ng kahit isang segundo. Pagdating sa harap ng pinto, agad niya itong binuksan, ipinasok si Mira, at saka siya dumiretso sa loob. Pagka

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 129

    Kagabi, walang maipagtanggol si Sebastian sa sarili niya.Totoong nangyari ang nangyari—muntik na talaga nilang lampasan ang hangganan, at totoo rin na muntik na rin siyang tuluyang mawalan ng kontrol. Wala siyang paraan para itanggi iyon. Kahit pa gaano niya gustuhing manatiling malamig, mahinahon

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 128

    Umiling si Helena.“Kung gano’n, bakit ka umiiyak?” nagsalubong ang mga kilay ni Sebastian, at halatang nauubos na ang pasensiya niya. May tigas ang boses niya, walang bahid ng paglalambing, at lalo lamang iyong tumalim sa katahimikan ng sandali. “Kung hindi alam ng ibang tao ang totoo, iisipin nil

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status