Beranda / Romance / The Obsessive CEO’s Contract Wife / Chapter 6 - Their Violations

Share

Chapter 6 - Their Violations

Penulis: JV Writes
last update Tanggal publikasi: 2026-03-23 13:36:39

Hinawakan ni Sebastian ang kamay ni Mira, at sa pagkakataong iyon ay walang pag-aalinlangan sa pagitan nila. Hindi iyon aksidente, hindi rin iyon basta reflex—sadyang pinili nilang hindi bumitaw. Magkatabi silang nakatayo habang pinapanood si Carlo na pinoposasan ng mga pulis, ang ilaw ng patrol car ay paulit-ulit na tumatama sa kanilang mga mukha, parang nagpapaalala na totoo ang lahat ng nangyayari.

Isang malinaw na paglabag iyon sa kasunduan nila.

At alam ni Mira kung sino ang unang lumabag.

Napangiti siya nang bahagya, isang ngiting may halong hiya at kakaibang saya na pilit niyang tinatago. Si Sebastian ang nauna. Hindi lang sa paghawak ng kamay niya—kundi sa mas mabigat na bagay.

“She’s my wife.”

Paulit-ulit na umalingawngaw ang mga salitang iyon sa isip niya.

Ipinagbabawal iyon. Malinaw sa kontrata nila na hindi dapat isapubliko ang kasal. Hindi ito dapat maging totoo sa paningin ng iba, at lalong hindi dapat maging totoo sa pagitan nilang dalawa.

Pero ginawa iyon ni Sebastian—walang pag-aatubili, walang paliwanag.

At iyon ang mas nakakapagtaka.

Ngunit may isang bagay na mas mahalaga kaysa sa lahat ng iyon.

Isang patakaran na hindi nila kailanman dapat sirain.

Hindi sila dapat mahulog sa isa’t isa.

Iyon ang sentro ng kasunduan. Iyon ang linya na hindi dapat tawirin.

Dahil sa sandaling gawin nila iyon, wala nang babalikan.

At para masigurong hindi iyon mangyayari, si Sebastian mismo ang nagtakda ng parusa.

Kapag may lumabag, kailangan nitong pumunta sa sentro ng siyudad, mag-squat at tumalon habang tumatahol na parang aso.

Isang kahihiyang parusa.

Isang bagay na hindi mo iisiping manggagaling sa isang Sebastian Montenegro.

Ngunit sa likod ng pagiging katawa-tawa nito, malinaw ang intensyon—gawin itong sapat na nakakahiya para walang maglakas-loob sumugal.

At sa totoo lang, hindi iyon ginawa para sa kanya.

Ginawa iyon para kay Mira.

Isang paalala kung gaano niya ito kaayaw noon.

Kung gaano niya gustong manatili ang lahat sa pagitan nila bilang isang kasunduan lang.

At wala nang higit pa.

***

Sa loob ng presinto, malamig at tahimik, ngunit puno ng tensyon ang paligid. Nakaupo si Mira sa isang silyang bakal, tahimik na pinagmamasdan ang mga taong abala sa kani-kanilang gawain. Nandoon ang ilang pulis na nag-uusap, ang iba’y nag-aasikaso ng papeles, ngunit ang atensyon niya ay nakatuon lamang sa isang direksyon.

Kay Sebastian.

At sa lalaking katabi nito.

Si Nico Agustin—ang personal assistant at pinakamalapit na pinagkakatiwalaan ni Sebastian. Maayos ang tindig nito, kalmado ang boses, ngunit halatang sanay sa ganitong sitwasyon. Hawak nito ang mga dokumento habang kausap ang mga pulis, detalyadong ipinapaliwanag ang mga kasong isasampa laban kay Carlo.

“Attempted abduction, harassment, at physical assault,” malinaw niyang sabi. “Siguraduhin nating hindi siya agad makakalabas.”

Tumango ang pulis, tinanggap ang mga papeles.

Walang emosyon sa mukha ni Sebastian habang nakatayo sa tabi, ngunit halata ang presensya nito—mabigat, mapanganib, at handang gumalaw anumang oras.

Hindi siya lumalapit.

Pero hindi rin siya umaalis.

At sapat na iyon para kay Mira.

Makalipas ang ilang sandali, lumapit si Nico sa kanila.

“Naayos ko na ang initial filing,” sabi niya kay Sebastian. “Pwede nang ipagpatuloy bukas ang formal statement.”

Tumango si Sebastian. “Good.”

Saglit na tumingin si Nico kay Mira. “Miss Mira, kung may kailangan po kayo, sabihin niyo lang.”

Bahagya siyang ngumiti at tumango. “Salamat.”

Pagkatapos noon ay muling bumalik si Nico sa kanyang trabaho, at si Sebastian naman ay tumayo nang tuwid.

“Tara na,” maikli nitong sabi.

Wala nang tanong si Mira. Sumunod na lang siya.

Tahimik ang biyahe pauwi.

Walang nagsasalita, pero hindi iyon komportableng katahimikan—iyon ay punong-puno ng mga bagay na hindi masabi.

Nakatingin si Mira sa labas ng bintana, ngunit ang isip niya ay nananatili sa lalaking nasa tabi niya.

“She’s my wife.”

Hindi niya iyon maalis sa isip niya.

“Bakit mo sinabi ‘yon?” sa wakas ay tanong niya.

Huminto ang sasakyan sa isang traffic light. Hindi agad sumagot si Sebastian. Ilang segundo ang lumipas bago ito nagsalita.

“Kailangan.”

Isang simpleng sagot.

Pero hindi sapat.

“Hindi iyon parte ng kasunduan natin,” dagdag niya, mas mahina na ang boses.

Dahan-dahang lumingon si Sebastian sa kanya. Ang titig nito ay diretso, matalim, at tila sinusukat ang bawat reaksyon niya.

“At ang paghawak mo sa kamay ko,” sagot nito, “parte ba ‘yon?”

Napatigil si Mira.

Wala siyang maisagot.

Dahil pareho silang may kasalanan.

Pareho silang lumabag.

At pareho nilang alam iyon.

Muling umandar ang sasakyan, at muling bumalot ang katahimikan.

Ngunit iba na ito ngayon.

Mas mabigat.

Mas totoo.

Pagdating sa bahay, agad bumaba si Mira at pumasok sa loob. Ramdam niya ang pagod sa buong katawan, ngunit higit pa roon ang pagod na hindi niya maipaliwanag.

Sumunod si Sebastian, ngunit huminto ito sa may pintuan.

“Kailangan kong umalis,” sabi nito.

“Work?” tanong niya.

Tumango ito. “May aasikasuhin pa.”

Sandaling nagkatinginan ang dalawa. Parang may gustong sabihin si Mira, pero hindi niya alam kung paano sisimulan.

Kaya tumango na lang siya. “Mag-ingat ka.”

Walang ngiti.

Walang dagdag na salita.

Pero may kung anong nanatili sa pagitan nila.

Bago tuluyang umalis, saglit siyang tiningnan ni Sebastian—isang tingin na masyadong matagal para maging casual, ngunit masyadong tahimik para mabasa.

Pagkatapos ay tumalikod ito at umalis.

At muli, naiwan si Mira.

Mag-isa.

Tahimik ang bahay.

Masyadong tahimik.

Dahan-dahan siyang naupo sa sofa, parehong lugar kung saan nagsimula ang lahat ng pagdududa niya tungkol kay Sebastian. Napahinga siya nang malalim, ngunit hindi pa rin humuhupa ang kaba sa dibdib niya.

Hindi dahil kay Carlo.

Kundi dahil sa nangyari pagkatapos.

Sa mga salitang hindi dapat sinabi.

Sa mga kilos na hindi dapat ginawa.

At sa pakiramdam na hindi na niya kayang balewalain.

Dahan-dahan niyang kinuha ang telepono at tinitigan iyon ng ilang segundo bago tuluyang tumawag.

Ilang ring lang ang lumipas bago may sumagot.

“Mira?”

Si Bea.

At sa simpleng pagkarinig ng boses nito, parang biglang bumigay ang lahat ng pinipigilan niya.

“Bea…” mahina niyang tawag.

“Ano’ng nangyari? Okay ka lang ba?” agad na tanong nito.

Napapikit si Mira, pilit inaayos ang boses.

“May nangyari kanina… pero okay na ako.”

Hindi iyon ang totoo.

Alam niya.

At alam din ni Bea.

“Hindi lang ‘yon,” dugtong niya, mas tahimik na ngayon. “Parang… may nagbabago.”

Tahimik sa kabilang linya.

“At natatakot ako,” amin niya.

Dahil alam niya kung saan patungo iyon.

At kapag nangyari iyon—

Kapag tuluyan nilang nilabag ang pinakamahalagang patakaran—

Wala nang paraan para umatras.

At wala nang kasunduan ang makakapigil sa kung anong mangyayari sa kanila.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 152

    “Hindi pa siya kasal!” Sa wakas ay nag-angat ng mukha si Courtney. “Hindi ako ang ibang babae.”Matagal siyang tinitigan ni Mira. “Pero hindi ka naman niya pakakasalan. Kung ganoon, ano ang balak mong gawin? Mananatili ka lang sa tabi niya at hahayaan mong ituring ka niyang kabit?”Muling yumuko si Courtney. “Pero mahal ko siya.” Huminga siya nang malalim bago muling tumingin kay Mira. “Ako ang unang nagmahal sa kaniya. Mahal na mahal namin ang isa’t isa. Kaya bakit sa huli, ako pa ang naging tinatawag na ibang babae?”“Kung tunay kayong nagmamahalan, hindi niya tatanggihan ang pagpapakasal sa’yo.” Kalma ang boses ni Mira habang direkta siyang nakatingin kay Courtney. “Hindi ka niya mahal. Ang mahal niya ay ang katawan mo. Kung totoong mahal ka niya, hindi siya makikipag-blind date sa ibang babae at hindi rin siya magpaplanong magpakasal sa iba. Higit sa lahat, hindi ka niya ilalagay sa sitwasyong buong mundo ang maaaring humusga at magsabi na isa kang kabit.”Namula ang mga mata ni C

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 151

    Nang marinig ang mga salitang iyon, hindi maiwasang mapatingin ang lahat kay Sebastian. Malinaw na hindi pangkaraniwan ang relasyon nina Sebastian at Helena, at dahil matatalas ang pag-iisip ng lahat ng naroon, mabilis nilang nabasa ang sitwasyon. Hindi na kailangan ng mahabang paliwanag upang maunawaan nila kung ano ang maaaring namamagitan sa dalawa.“Huwag kayong magkakamali ng iniisip,” mabilis na paliwanag ni Helena. “Marami nang taon na magkakilala sina Sebastian at ako. Matagal na kaming magkaibigan. Kakaopera lang niya kamakailan, kaya sa ngayon ay hindi pa siya maaaring uminom. Kaya mamaya, sana ay huwag ninyo siyang masyadong pilitin at pagbibigyan ninyo na lang siya.”Para bang siya ang tagapagsalita ni Sebastian, nagpatuloy pa si Helena, “At kung talagang kailangan ninyong uminom, kung hindi ninyo mamasamain, maaari naman akong sumama sa inyo. Maaari akong makipag-inuman hanggang gusto ninyo.”Agad na naunawaan ng lahat ang ipinahihiwatig nito. Tila isa itong dating pag-ii

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 150

    Ang paglitaw ni Helena ay isang bagay na hindi talaga inaasahan ni Mira. Nagtagpo ang kanilang mga mata, at agad na napunta ang tingin ni Helena sa ring finger ni Mira; sa mismong sandaling makita niya ang singsing, tila may matalim na kirot na tumusok sa kaniyang puso. Hindi man niya iyon ipinakita, hindi niya maikakaila ang sakit na idinulot sa kaniya ng simpleng singsing na iyon.“Ms. Mira, napakagandang pagkakataon naman,” unang bati ni Helena.Sa totoo lang, humanga si Mira kay Helena. Kahit malinaw na ayaw nitong makitungo sa kaniya, nagagawa pa rin nitong bumati nang napakakalma at natural, na para bang wala silang anumang hindi magandang ugnayan sa pagitan nila.“Totoong nagkataon nga,” sagot ni Mira. Hindi niya alam kung talagang nagkataon lamang ba ang lahat o kung sadyang inalam ni Helena ang iskedyul ni Sebastian at sinadya nitong pumunta rito.“Siguro, itinadhana talaga na magkita tayo,” sabi ni Helena na may ngiti.Gusto sanang tumawa nang malamig ni Mira sa narinig, ngu

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 149

    Sinabi ni Sebastian na may kailangan siyang gawin, at totoo naman iyon. Noong una, balak talaga ni Mira na sumama sa kaniya, ngunit nang makita niyang halos lahat ng mga taong makikipagkita kay Sebastian ay may pambihirang tindig at kilos at halatang sanay sa mga pormal at seryosong pagtitipon, napagpasyahan niyang huwag na lamang sumama.“Hindi ka sasama?” tanong ni Sebastian.Umiling si Mira. “Hindi. Hahanap na lang ako ng café at maghihintay sa’yo roon.”Hindi naman siya pinilit ni Sebastian, kaya pagkatapos noon ay nagkanya-kanyang lakad ang dalawa.Nainip si Mira habang mag-isang nakaupo sa café. Kumain siya ng kaunting dessert, uminom ng isang tasa ng mainit na gatas, at nagpadala ng mensahe kay Bea upang tanungin kung libre ba ito at maaari silang mag-shopping nang magkasama.Sa halip na sumagot nang maayos, nagpadala si Bea ng makapal na bungkos ng mga dokumento.[Busy hanggang mamatay.][Hindi na kita guguluhin. Kaya mo ’yan.]Kapag wala ka talagang trabaho, saka mo mararamda

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 148

    Nang magising si Mira, tuluyan nang nawala ang sakit sa kaniyang puson, ngunit naroon pa rin ang mainit na kamay ni Sebastian na nakapatong sa kaniyang ibabang bahagi ng tiyan. Tuloy-tuloy na dumadaloy ang init mula sa palad nito papunta sa kaniyang puson, unti-unting pinapainit ang malamig niyang katawan at nagbibigay ng kakaibang ginhawa.Hindi gumalaw si Mira at hindi rin siya nagsalita. Gusto lamang niyang manatili sa ganoong ayos at hayaan ang sandaling iyon ng lambing na tumagal pa nang kaunti.“Hanggang kailan mo balak na nakahiga riyan?” tanong ni Sebastian mula sa likuran niya.Lumingon si Mira at napangiti nang bahagya. “Paano mo nalaman na gising na ako?”“Hindi ako tanga.”Inalis ni Sebastian ang kamay nito mula sa kaniyang tiyan, ngunit agad iyong hinawakan ni Mira at ibinalik sa kaniyang baywang. Humarap siya rito habang nakatitig sa lalaki. “Gusto mo bang maghalikan?”Hindi sumagot si Sebastian.“Gusto kitang halikan,” dagdag ni Mira, habang hindi inaalis ang tingin sa

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 147

    Nais sana ni Mira na tanungin si Sebastian kung ano ang ginagawa nito.Ngunit naisip niya na sa lagay ng kaniyang katawan ngayon, kahit humiga pa ito sa tabi niya, ano naman ang magagawa nito? Kaya hindi na siya nagtanong.Humiga si Sebastian sa likuran niya, isiningit ang isang braso sa ilalim ng kaniyang ulo, idiniit ang dibdib sa likod niya, at ang isa pa nitong kamay ay maingat na pumasok sa ilalim ng kaniyang palda upang ipatong sa ibabang bahagi ng kaniyang tiyan.Agad na bumalot ang init ng palad ni Sebastian sa malamig na bahagi ng kaniyang puson. Unti-unting tumagos ang init nito sa kaniyang balat, at kasabay noon ay tila dahan-dahan ding nababawasan ang sakit na kanina pa nagpapahirap sa kaniya.Hindi kailanman inakala ni Mira na gagawa si Sebastian ng ganito para sa kaniya.“Sebastian, marunong ka pala nito.”Gaya ng inaasahan, marahil ay dahil minsan na itong umibig, kaya alam na nito kung paano alagaan ang isang tao.Ipinatong ni Sebastian ang baba sa tuktok ng ulo ni Mir

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 4 - Take Care Of It

    Matapos ang kasunduang pinirmahan nila ni Sebastian, may katahimikan na bumalot sa buhay ni Mira—hindi ang uri ng katahimikang payapa, kundi iyong mabigat, mapagmatyag, at puno ng hindi binibigkas na tensyon.Sa papel, malinaw ang lahat.Sa loob ng bahay, wala ni isa ang talagang malaya.Magkasama

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 3 - Bawal Umibig

    Natuto si Mira ng isang mahalagang bagay matapos niyang mahuli si Carlo na may kasamang ibang babae sa kama. Ang kahihiyan ay may bisa lamang kung papayagan mo itong yurakan ka.Kaya nang lumabas siya ng apartment ni Bea noong hapong iyon, isa lang ang malinaw sa isip niya. Hinding hindi na siya mu

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 2 - Sebastian Montenegro

    Parang kutsilyong nakatutok sa lalamunan ang lamig ng taglamig sa Makati City. Kahit nasa loob si Mira ng van, todo na ang heater, ramdam pa rin niya ang lamig. Isang uri ng lamig na hindi galing sa hangin kundi sa loob mismo ng dibdib niya.Nakatitig siya sa bintana habang mabilis na tumatakbo ang

  • The Obsessive CEO’s Contract Wife   Chapter 1 - Mira Alcantara

    Bumukas ang pinto sa isang marahang klik—ang tunog na dapat sana’y nagdala ng init, sorpresa, marahil tawanan. Sa halip, sumabog ang mundo ni Mira sa katahimikan.Sa sofa, nagkakabuhol ang mga kamay at paa, hubad na balat, hingal na paghinga—si Carlo at ang isa pang babae, magkayakap na parang wal

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status