Share

CHAPTER 12

THE ONE-YEAR CONTRACT

CHAPTER TWELVE

APPLE'S POV

"Sumuko ka na, Hipolito! Wala ka nang kawala sa amin ni Dora!" sigaw ko kay Hipolito na may hawak na baril, habang ako naman ay may hawak na wand.

"Hinding hindi mo ako mapapasuko, Apple! Ibigay mo sa akin si Dalisay!"

"Wala na si Dalisay! Pumunta na ng Hawaii!"

Pinutok ni Hipolito ang baril, pero nakalipad ako. Pinagbabaril pa n'ya ako pero ginamitan ko s'ya ng magic kaya siya'y naging hito. Nang dahil doon ay walang habas akong humagalpak.

"Akala mo matatalo mo ako Hipolito?! Huh! Mag-seminar ka muna sa Tondo!"

"Apple!"

Umalingawngaw ang isang pamilyar na boses, na naging dahilan para mapatingin ako sa gawing kanan. Nakita ko si, teka, si Drav ba iyon? Nakasuot s'ya ng helmet tapos may katabi s'yang motor. Sabi na e! Kamag-anak talaga nito ay GRAB rider! May itinaas s'yang parang papel, pinapakita n'ya sa'kin. Baliw. Paano ko naman makikita kung anong nakalagay doon e malayo ako sa kan'ya?

"Nawawala ang teddy bear! Nawawala ang teddy bear, Apple!" sigaw n'ya sabay luhod at umiyak. Dahil sa labis na pagkabigla at kalungkutan, naiyak din ako.

"Why?! Pangit ba ang teddy bear ko?! Kapalit-palit ba ang teddy bear ko?! Bakit mo winala ang teddy bear ko?!" pagdradrama ko.

"Akala mo lang winala ko! Akala mo lang ang lahat! Alam mo ba kung gaano kadalas ang minsan?! Ha?! Apple! Gumising ka na!"

"Apple!"

"Apple!"

"A-Aray!" d***g ko nang may maramdaman akong kung ano na tumama sa aking kaliwang pisngi. Nakapikit pa ako habang hinihimas iyon.

"I've been waking you up kanina pa. Tsk. Talaga bang nagsasalita ka habang tulog?" ani isang boses na kanino pa ba magmumula edi sa timang na kasama ko.

"Eeihhh, hanapin mo na muna ang teddy bear ko," inaantok ko pang saad saka napakamot sa may pwetan ko. Makati e! Ang hirap pang gumalaw gawa ng seatbelt saka ng paa ko na mapadiit lang ng konti sa matigas na bagay ay sumasakit.

"Anong ginagawa mo?"

"Shh. Hindi ko maabot ang pwet ko. Makati."

"Tsss. Gusto mong kamutin ko para sa'yo?"

Agad na napabukas ang mga mata ko at napatingin sa kan'ya. Nakangisi s'ya sa'kin. 

"Aba! May pwet kang sarili kaya iyan ang kamutin mo! Walang pakialaman ng pwet!"

Gagi! Parang may kung anong bulate na gumagapang? Makati talaga e! Hanggang sa biglang umangat 'yung seatbelt, dahilan para matigilan ako at mapalunok.

"'Y-Yung seatbelt, g-gumalaw mag-isa y-yung seatbelt..."

"Tsk. Huwag kang lalabas ng kotse. May dadaanan lang ako."

Dahan-dahan akong lumingon sa kan'ya, at s'ya naman ay palabas na ng kotse. Bago pa s'ya tuluyang makalabas ay hinawakan ko s'ya sa braso.

"Saan ka pupunta? Iiwan mo na ako? Aabandonahin mo na ako? Matapos ang lahat ng pinagsamahan natin? Matapos ang lahat ng saya at pait? Ng mga halakhak at halik? Handa ka na bang itapon ang lahat? Ha? Bakit naman ganun babe?" 

Muli niyang isinara ang pinto at umayos ng upo habang nakatingin sa'kin. Napaatras ako at napasiksik sa may bintana nang unti-unti niyang inilapit ang katawan n'ya sa'kin. Napasandal na ang ulo ko sa bintana. May something yata akong nadali kaya bumukas ang bintana sa may gawi ko. Nang mabuksan na nga ay inatras ko ulit ang ulo ko palabas ng bintana. Hindi pa kasi s'ya lumalayo!

"Darn! What the hell are you doing?!" madiin pero hindi naman pasigaw na saad n'ya sabay hila sa damit ko para mapapasok ulit ang ulo ko sa kotse, at narinig ko na ulit ang pagsara ng bintana.

"Tsk! Huwag mo kasing ilapit ang ulo mo! P-Para kang ano!"

Hawak n'ya pa rin ang damit ko kaya hinawakan ko na gamit ang dalawang kamay ang kamay n'yang nakahawak sa damit ko. Aking inalis iyon.

"Saan ka ba kasi pupunta?! Ha?!"

Sa halip na sumagot ay ngumisi ulit s'ya. Bakit ba panay ang ngisi n'ya sa'kin?! 

"Bakit? Sama ka?"

Pesteng yawa! Bakit gan'yan din s'yang makatitig?! Mas nanlaki ang mga mata ko nang bigla n'yang idampi ang kamay n'ya sa pisngi ko. Inangat ko ang kamay ko para sana alisin iyon pero nahuli rin ng isa n'yang kamay ang kamay ko at mahigpit na hinawakan.

"A-Ano ba? B-Bitawan mo nga ang kamay ko!"

"Pfft. Bakit ka nauutal?"

"A-Ako? Nauutal?! H-Hindi ah! Ang nauutal ay ang hindi na naiintindihan ang mga sinasabi—"

"Ssshhhh," sabi n'ya saka ipinwesto ang hintuturo n'ya sa labi ko. Napatingin s'ya sa labi ko saka sa mga mata ko ulit.

Napalunok ako ng laway. Parang napanood ko na ito. Madalas itong nangyayari sa mga teleserye. 

"D-Drav—"

"Hush babe. Don't shout. They might hear us."

Waaaa! Yung pananalita n'ya! Aaannoo, yung, anngg, wwaaa! Ito na nga baa? 

Mas bumilis ang tibok ng puso ko nang bigla n'yang idampi ang kamay kong hawak n'ya sa kaniyang labi. At...hindi lang basta dampi! Hinalikan n'ya ito! Saka ito ipinwesto sa may dibdib n'ya—ay hindi, p-pababa! Binabawi ko ang kamay ko pero hinihigpitan n'ya lang lalo ng hawak!

"Akin na ang kamay ko!"

"I said don't shout."

Lumipat ulit ang isa n'yang kamay sa pisngi ko, at unti-unti na naman niyang nilalapit ang mukha n'ya sa mukha ko.

"Sobrang...ganda mo, Apple," halos pabulong nang saad n'ya.

Nablanko na talaga ako. Wala na akong ibang nagawa kundi ang tanggapin ang katotohanang...wwaaa! 

Hahalikan n'ya ako!

At waaa! Sobrang lapit nnaaa! Napapikit na s'ya kaya napapikit na rin ako huhu! Hindi ko alam kung pagsisisihan ko ba ito pero, nakakainis kasi! Ayokong nakawin n'ya ang unang halik ko pero, hindi ko naman s'ya maitulak palayo!

Hinintay ko ang pagdampi ng labi n'ya sa labi ko. Napanguso pa ako para mas dama. Pero teka nga, bakit ang tagal? Dapat naramdanan ko na ang labi n'ya kanina pa!

Naku! Ang manyak kkoo! Hindi naman ako ganito ah!

At teka nga! Bakit nga ba ako papayag na makipaghalikan sa kan'ya?! Conversative ako! Tama! Conversative ako!

"Hindi ito maaa—"

Binuksan ko na ang mga mata ko, at nadatnan ko s'yang nakaayos ng upo sa kinauupuan n'ya habang nakakunot ang noong nakatingin sa akin. Teka nga. K-Kanina lang...

Hindi ba...

"Gising ka na?" tanong n'ya.

"I-Ikaw. P-Pinaglalaruan mo na naman ba ako?!"

"Pfft. What? I was about to get out when you grabbed my arm, then you started acting weird."

"A-Ano na naman?!"

"Uh, what I mean is, palabas na ako ng kotse nang bigla mong hawakan ang braso ko, tapos kung ano-ano nang ginawa at pinagsasasabi mo kahit na nananahimik lang ako habang pinapanood ka," paliwanag n'ya na ikinakunot ng noo ko.

"H-Hindi maaari! Hindi ba, n-nilapit mo pa ang mukha mo sa mukha ko, hinawakan mo pa ang kamay ko tapos nilagay mo pa sa may dibdib mo tapos pinababa mo pa, tapos hinawakan mo ang pisngi ko tapos ano—h-hindi mo natatandaan?"

Nang may maisip ako ay agad kong ibinaling ang katawan ko paharap sa kan'ya.

"Nabagok ba ang ulo mo tapos nagka-amnesia ka kaya hindi mo na matandaan ang mga katimangan mo?"

Matapos kong sabihin iyon ay kinuha n'ya ang phone n'ya at itinuktok sa noo ko.

"Aray! Gusto mo bang ihampas ko sa iyo itong wheelchair na nasa kotse?!"

"Tsss. Hintayin mo ako rito. May aasikasuhin lang. Babalik ako agad."

"Hindi! Magpaliwanag ka muna!"

"Tsk. Ano bang kailangan kong ipaliwanag?!"

"Kung bakit pinaglalaruan mo na naman ako!"

Sa halip na sagutin ako ay umiling lamang s'ya at binuksan ang pinto. Bubuksan ko na rin sana itong sa may gawi ko nang,

"Huwag kang lalabas ng kotse," sabi n'ya nang makalabas na s'ya. Bwiset talaga!

Yung mga nangyari kanina. Totoo 'yon! Hindi iyon guni-guni lang! Anong akala n'ya sa'kin, nababaliw na?!

Maya-maya ay biglang bumukas ulit ang pinto sa may drayber, at nakita ko ulit s'ya.

"Ano?! Bumalik ka pa?! May nakalimutan ka?!"

"Tsss. Meron."

Ipinasok n'ya ang katawan n'ya, pero hindi sya umupo. Nakatingin lang ako sa kan'ya nang biglang...

"Para naman hindi ka masyadong mapahiya," sabi n'ya pa bago ngumiti at lumabas na ulit ng kotse. Hindi man makapaniwala ay hinabol ko pa s'ya ng tingin, hanggang sa makapasok na s'ya sa building.

G-Gagi?!

Bab terkait

Bab terbaru

DMCA.com Protection Status