Share

CHAPPTER 06

"Hoy! Maghunos dili ka!" Kaagad kong tinulak palayo si Alexis na sa sobrang kalasingan ay nahulog mula sa kanyang kinauupuan.

Lumapit naman sa puwesto namin ang guard kanina na naghatid sa akin dito sa VIP Area at inalalayan siya.

"Sir X, kaya n'yo pa ho ba?" tanong niya sa nahihimbing na lalaki.

Kung ako lang ang masusunod ay lalagyan ko na talaga ng betchin ang inumin ng talipandas na si Alexis ng matuluyan na nga! 'Yon din naman ang sinabi ni Cherry sa akin kanina, ang lagyan ng lason ang inumin niya.

Tumikhim ako saka kinalabit ang balikat ng guwardya. "'Wag mo ng gisingin, malamang na nasa dreamland na yan. Mabuti pa ay tulungan mo na lang akong ihatid siya sa private room niya. Tsaka kahit anong gawin mo sa lalaking yan ngayon, 'di na sasagot yan. Nakahiwalay na ang diwa sa kaluluwa niyan!"

Kakamot-kamot na bumaling sa akin ang guard sabay naiiling na sumagot. "Sorry Ma'am, pero hindi ko kasi alam ang private room ni Sir X. Isa pa, hindi kami puwede roon sakali mang alam ko."

N
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status