Share

Chapter 39

Nagising si Theodore na wala na sa kanyang tabi ang asawa nang hanapin niya naman ito sa loob ng kanilang bahay ay hindi niya ito makita. Naalarma siya kaya dali-dali siyang lumabas ng kanilang bahay at hinanap sa posibleng tindahan si Cressida ngunit wala rin iyon doon.

"Tiya, nakita niyo ba si Cressida? Yung asawa ko?"

Tinanong ni Theodore ang kanyang nadaanan na kakilala nila sa lugar na iyon.

"Hindi, Iho."

Nagpasalamat siya at naglakad ulit para magtanong pero walang nakakita rito. Sa kanyang paglalakad ay nagawi siya sa tindahan na malapit sa lodging kung saan nagpapalipas ng araw sila Stelo. Lumabas doon si Raul kasama si Gaida dahil bibili sila ng kape sa tindahan.

Nakita ni Raul si Theodore at hindi niya maiwasan na suriin ang lalaki. Hindi sila nakita ni Theodore noong pumunta sila sa bahay nila, pero siya alam na niya ang mukha ng lalaking kaharap ngayon kasi iniimbestigahan niya na ito bago pa man sila nagtungo ng Lahyon.

"Magandang umaga," pagbati ni Raul na sinulyapan
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status