Share

Chapter 5

Chapter 5: Ang Ulat

"Alisin niyo sa harapan ko ang babaeng ito." Pag-uutos ni Stelo ni sa kanyang maawtoridad na boses sa mga tauhang nakapaligid na sakanya ngunit wala pa ring kumikilos sa mga ito.

"Aalisin niyo ang babaeng ito sa harapan ko o kayo ang tatanggal ko ng trabaho?!" Iulit ni Stelo pero ngayon ay sumigaw na siya kaya kumilos ang mga ito, si Raul ang nanguna para buhatin si Gaia.

Pinanood niya lamang ang mga ito na pagtulungan ang babae namaiangat mula sa sahig. Nang malapit ng makalabas ang mga ito ng kwarto ay tumigil sila, nabubulungan pa pero si Raul na ang naglakas ng loob para magsalita

"Gov, saan po ba namin dadalhin si Miss Gaia?"

"Kahit saan basta ay huwag niyo muli yang ihharap saakn ng ganyan ang kalagayan, kundi kayo malalagot saakin!"

Pang-huling sinabi ni Stelo bago nilisan ang kwarto ni Gaia, pumanhik naman siya sa kanyang kwarto pagkatapos makakuha ng maiinom sa kusina. Hindi man lang siya nabahala sa kung saan dinala ang babae na ikinulong niya sa kanyang bahay. Ginawa niya lamang ang hindi niya pa natatapos na gawain habang umiinom ng alak hanggang sa hindi niya namalayan na nakatulog na pala siya. Sa sobrang pagod at tama ng alak na kanyang ininom.

Ang kanyang mga tauhan naman na inutusan niyang ilayo si Gaia ay nasa sasakyan.

"Sir Raul, e mataas ho ang lagnat ni Miss Gaia. Dalhin na lamang ho natin siya sa hospital."

"Oo nga, Sir. Mababa rin ang tibok ng kanyang puso, base sa kanyang palapulsuhan. Alam ko po kasi nurse yung anak ko."

Hindi na malaman ni Raul ang kanyang gagawin, at natataranta na rin siya dahil kung hindi siya nagkakamali ay baka mahigit isa't kalahating oras nang walang malay si Gaia.

Sinabunutan niya muna ang kanyang sarili bago idinikit ang kanyang palad sa noo ni Gaia na agad niya ring inalis dahil sa kakaibang init nito. Tila bang nag-aapoy talaga.

Wala siyang nagawa kundi ang dalhin si Gaia sa pinakamalapit na medical center, dahil alam niya na hindi maaari na dalhin ito sa ospital sentro.

Nagulat ang mga nakaduty na health workers doon nung dumating sila. Sila Raul at ang mga aksamahan niya ay nagtago naman sa pamamagitan ng itim na face-mask para hindi sila makikilala pero sa Gaia ay tila namukhaan ng isang babaeng health workers kaya agad na silang umalis doon at iniwan si Gaia sa kanilang pangangalaga.

Sisikat na ang araw ng magising si Stelo sa posisyon niyang nakayuko ang ulo sa lamesa at nakaupo lamang habang nakabukas pa rin ang kanyang laptop na blackscreen na at lowbatt. Yung alak naman niya ay nahulog sa sahig pero hindi naman nabasag dahil sa basahan para sa kanyang paa na doon bumagsak.

Hinayaan niya muna ang mga iyon at nag-inat-inat siya ng kanyang katawan. Sobrang sakit ang naramdaman niya dahil sa magdamag na naging posisyon, kaya naman naisipan niyang kumuha ng ache patch sa ibaba baka sakali na maibsan iyon ng konti.

Hawak-hawak niya ang kanyang balakang ng mag-salubong ang kanyang landas at kanyang mga katulong na abala na sa pang-umagang trabaho. Masaya ang ibang nagku-kwetuhan sa kusina habang naghahanda ng mailuluto sa almusal, kasabay ng pakikinig nila sa radyo nang biglang napalitan ang estasyon tungkol sa balita.

'Ito na nga ho mga ka-Isla! Ang naiulat ditong report noong nakaraang buwan na may nawawalang babae na si Gaia Davino ay nakita na sa Barangay Hirang Medical Center. Ayon sa panayam sa isang nurse na siyang nag-asikaso dito ay ito ay inaapoy ng lagnat ng dalhin doon ng mga hindi nakilalang lalaki dahil sa suot nilang itim na maskara sa mukha. Sa ngayon ay hindi pa makakapagpahayag ng panayam kay Gaia Davino dahil ito ay hindi pa gumising mula sa pagkawala ng malay dala ng lagnat at sukdulan na pagod. Samantala, ang pulisya ay inaksiyunang muli ang kaso ng babaeng ito at pinaghahanap na ngayon ang mga hindi makilalang lalaki na nagdala sakanya sa pagamutan.'

"Bullshit! Where the hell Raul and his men?" Malakas na sigaw ni Stelo na ikinagulat naman ng kanyang mga kasambahay.

May nahulog pag kaldero sa sahig na tila isang kulog ang naging tunog nito kaya ang iba sakanila ay umalis at nagtago kung saan hindi sila makikita ni Stelo. Tanging si Manang Lolita lang ang humarap sakanya.

"Sir Stelo, umalis ho si Raul kasama sila David at Mario, dala-dala nga ho si miss Gaia. Isinakay nila sa kotse at hanggang ay hindi pa ho bumabalik." Paliwanag ng matanda.

Napamura naman si Stelo at paulit-ulit hinihilot ang kanyang sintido dahil sa kapalpakang nagawa ng kanyang tauhan.

"Pakitawagan po sila Manang at sabihin niyo pong umuwi na ngayon din." Pag-uutos niya sa katulong gamit ang nagtitimpi niyang boses. Tumalima naman si Manang Lolita, mabuti na lamang at agad na sinagot ni Raul ang telepono at iabing malapit na sila.

Matapos makakuha ng sagot kay Raul ay binaikan niya ang pwesto ni Stelo kanina ngunit wala na ito doon at natagpuan niya na lamang na umiinom ito ng alak sa bar counter ng kusina.

"Malapit na raw ho sila Sir," sabi niya rito.

Tahimik naman na tumango si Stelo at hindi man lang siya nito tinapunan ng tingin dahil nakapikit ang mga mata nito na nakatingala pa habang nakasandal sa pader.

Iniwan na ni Lolita si Stelo doon na mag-isa at babalik na sa kanyang gawain sa pagluluto, isang pader lamang ang pagitan kung nasaan si Stelo pero nakita niyang pumasok sila Raul at sisitahin niya sana ito upang balaan pero mukhang alam na ng tatlong lalaki kung ano ang naging problema nila sa amo.

"Gov," panimula ni Raul nang makaharap siya dito.

Kahit na matagal na siyag nagta-trabaho para rito ay hindi niya pa rin maiaalis ang matakot sa lalaki sa kanyang harapan lalo na ay hindi niya nagustuhan ang ginawa niya sa gusto nitong mangyari.

Nang marinig ni Stelo ang kanyang pag-tawag ay agad itong bumaba sa kanyang upuan at pinadapo ang palad nito sa pisngi ni Raul. Ang mga mata nito ay nagngangalit, na kung isa yung patalim ay siuradong kania pa binawian ng buhay si Raul.

"Hangal! Sinabi ko na sayong kailangan ko ang babae na iyon, pero bakit mo nilantad sa publiko?!" Dinuro-duro niya siya si Raul bago tumingin sa dalawang lalaking nasa tabi na ngayon ay nakayuko na. "At kayo naman bait niyo pa tinulungan 'to? Gusto niyo bang mawalan ng trabaho?!"

"Gov, dinala lamang namin si Miss Gaia doon para magamot siya kung hindi ay baka hindi na siya sinagan ng araw ngayon." Kahit na humahapdi pa ang pigi niya dala ng pagkasampal sakanya ay pinilit niyang magsalit manindigan.

"Sa tingin mo ay tama ang gnawa mo? Maari naman magamot ang babe na iyon dito sa pamamahay ko kung hindi ka lang sana nagde-desiyon mag-isa."

"Eh pero sinabi mo na ilayo namin siya sayo , nagyon naman malayo na sainyo nagagalit pa rin kayo---"

Hindi na natapos ni Raul ang kanyang sinasabi ng tumama ulit sa kanyang pisngiang palad ni Stelo ngayon ay mas malakas kaya naman nalalasahan niya na may dugo roon at nung pinunasan niya gamit ang likod ng kanyang kamay, nakupirma niya na dumudugo ang giling kanyang labi.

"Sinabi ko nga iyan pero hindi ko sinabi na alisin mo sa harapan ko at ilantad sa publiko ang babaeng itinatao ko at gagamitin ko pa lamang. Hindi ka kasi nag-iisip!" Gamit ang hintuturo ay dinuro niyang muli ito.

Sa narinig ni Raul ay tila tuluyan ng naputol ang pisi ng kanyang pasensya sa amo kaya inaot niya ang bote ng alak sa ibabaw ng counter table at ipinukpok ito kay Stelo dahilan para bumagsak ang kanyang amo sa sahig.

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status