Share

Chapter 4

Author: Vhirgoe
last update Last Updated: 2022-05-17 23:04:39

Chapter 4: Masamang Kalagayan

"Marco, ano ba! Huminahon ka nga. Kung ganyan ka ng ganyan ay baka wala ng makipag-usap ng matino saatin at tulungan tayo sa paghahanap ng anak natin."

Pagpapakalma ni Eleonora sa kanyang asawa matapos masigawan nito ang pulis na tumutulong sakanila para mahanap si Gaia. Kakalabas lamang nila ng presinto para humingi ng update pero pare-pareho lamang ang sinasabi ng mga ito sakanila.

"Paano ako kakalma, Ele? Eh ngayon na lamang nga tayo bumalik dito para alamin kung ano na ang kalagayan ng paghahanap nila pero wala pa rin ang sagot nila. Mga walang kwenta."

Napailing na lamang si Eleonora, pinapakalma pa ang asawa.

"Umuwi na muna tayo," sambit niya at saka pumara ng tricycle na masasakyan nila pauwi.

Nang makarating sila sa kanilang bahay ay doon na naglabas ng loob ang kanyang asawa. Hinampas pa ang kanilang lamesa na gawa lamang sa kahoy.

"Mga walang silbi ang mga awtoridad ngayon! Ilang buwan na ang nakakalipas simula ng magreport tayo na nawawala si Gaia ay bakit naman hanggang ngayon hindi pa rin nila mahanap?!" Padabog itong umupo sa kahoy rin na upuan nila bago ituloy ang kanyang linya. "Gumagawaba talaga sila ng paraan Ele? Kumikilos ba talaga sila?!"

Binigyan ni Eleonora ng baso ng tubig ang kanyang asawa at nagpahayag din ng kanyang saloobin.

"Marco, mahal ko, nasisiguro kong gumagawa ng paraan ang mga pulis dahil iyon ang kanilang trabaho. Marahil ay magaling lamang magtago ang ating anak."

Hindi makapaniwalang napasinghap si Marco sa naging usal ng kanyang asawa. "Magtago? 'Yan ba ang pinaniniwalaan mo, Ele?"

Sasagutin na sana ng asawa nito ang kanyang tanong ngunit may kumatok sa nakabukas nilang pinto. Agad na tumayo Si Eleonora para tignan 'yon at nakita niya si Francis ang katrabaho ng kanyang asawa.

"Marco, hinahanap ka ni Francis. Halika dito at ikaw na ang kumausap sakanya." Pagtatawag nito sa asawa.

Tumunog naman ang upuan na inuupuan ni Marco senyales na umalis na siya sa pagkaka-upo at pumunta sa may pintuan para harapin ang kanyang kaibigan.

"Francis, halika doon tayo mag-usap sa kubo." Tinapik nito ang balikat ng kasamahan bago nagpa-una sa paglalakad para pumunta sa maliit na kubo nila na hindi naman kalayuan sa kanilang bahay. Sakop pa rin ito ng lupa nila.

"Magluluto muna ako ng maihahain. Sundan mo na ang asawa ko at baka may mahalaga kayong pag-uusapan."

Sumunod naman si Francis sa kubo at doon sila nag-usap ni Marco pero si Eleonora ay tumakas dumaan sa likuran ng kanilang bahay, at umakyat pa ng bakod para hindi mapansin ang kanyang pag‐alis, gayong malalaman din ni Marcos ang kanyang pag-alis. Naisipan niyang pumunta muna ng munisipyo at magbakasakali na makita ang Gobernador na nangako ng tulong sakanila.

Sumakay siya ng tricycle papunta roon pero wala siyang naabutan, lahat ng tao ay naka-lunch-break at wala rin ang mga opisyal dahil may inaasikaso sa ibang munisipalidad kaya napag-pasyahan niya na lamang na umuwi at hindi na siya nagulat ng matagpuan na nag-iinuman na ang kanyang asawa at ang katrabaho nito. Hindi naman na bago na makita niya ang kanyang asawa na nalulong sa pag-iinom, lumalala pa ng mawala ang kanilang anak.

Ni hindi man lamang siya nito napansin na umalis at bumalik na sa harapan na ng bahay dumaan.

"Bakit hindi niyo hanapin sa Manila ang anak niyo kung ganun? Mas malaki ang tyansa na naroroon siya sapagkat maraming oportunidad doon, katulad ng anak ko na doon nakahanap ng trabaho."

Natigilan si Eleonora sa pag-lalakad dahil nais nitong marinig ang sagot ng kanyang asawa.

"Hindi aalis ang anak ko sa lugar natin Francis. Alam niya yun, ilang beses ko na siyang pinagsabihan. Hinding-hindi siya lalabas ng Manila hangga't hindi pa namin nakukuha ang aming gusto. Tutulungan niya pa ako bumawi." Napailing na lamang si Eleonora dahil matigas talaga ang ulo nito sa usaping pag-labas sa kanilang lugar.

"Ehh ano ba kasing nangyari bago mawala yang si Gaia? Hindi mo pa naku-kwento iyon."

Tumagay muna si Marcos, hindi pa naman lasing pero nahahalata na nakainom.

"Maghahanap ng trabaho."

Simple at totoo niyang sagot. Pagkatapos nun ay umalis na si Eleonora sa pakikinig sakanila at nagluto na lamang ng pagkain para sakanila.

Trabaho. Iyon lamang ang hinahanap ng kanilang anak pero, naglaho na lang ito ng ganoon.

***

"Let's end the meeting here..." anunsiyo ni Stelo sa kanyang mga kawani. "See you tomorrow. Have a good night everyone." Tumayo na ito at pinanood na lumisan ang kanyang mga kasamahan palabas ng kanilang meeting room.

Nagpatawag siya ng meeting pagkabalik na pagkabalik niya lamang galing sa kalapit na munisipalidad para bisitahin ang kalagayan ng kanyang pinausbong na proyekto roon.

Tinanguan naman niya si Raul, tanda na aalis na sila. Kinuha ni Stelo ang kanyang coat sa likuran ng kanyang upuan at nagpa-unang lumabas.

Halos lahat ng empleyado ay papauwi na sakanila, binati niya lamang ang mga ito ng paalam bago pumunta at sumakay sa kanyang kotse.

Sa daan nila pauwi ay may nakita siyang poster na hinahanap si Gaia, nakadikit ito sa poste ng ilaw kaya naman nakita niya. Wala sa loob niya ang napatawa ngunit hindi na lamang nagsalita si Raul.

"Huwag ninyong bigyan ng pagkain si Gaia. Hayaan ninyong mag-isa ang babae yun at magutom. Nararapat lang sakanya yun."

Anunsiyo ng gobernador pagkapasok niya ng bahay. Narinig naman ito ng mga katulog at mga guards, susundin nila ang gusto nitong mangyari kaysa ang mawalan sila ng trabaho.

"Kumain na kayong lahat at huwag niyo na akong hintayin pa." Pagpapatuloy niya bago umakyat ng kanyang kwarto. "Raul, makinig ka asikasuhin mo ang on-going projects natin sa bayan ng Nawaa, siguraduhin mo na maayos ang kalsada na nasira ng landslide sa lalong madaling panahon. Kay tagal na nun ay hanggang ngayon hindi pa rin naayos at hindi maganda ang pagkakagawa."

"Masusunod, Gov."

Magsasalita pa sana si Raul ng biglaang pumasok ang isang katulog na may takot sa kanyang mukha. Nanginginig pa at halata ang pagkabalisa nito.

"Gov, pasensya na pero hindi ko naman po sinasadyang makadaan sa kwarto ni Miss Gaia pero natagpuan ko po siyang walang malay sa sahig."

Nanlaki ang mata ni Stelo at agad na napatayo kasabay ni Raul ay pinuntahan nilang tatlo si Gaia sa kanyang kwarto.

Totoo nga na wala itong malay at mahina rin ang pulso nito. Dahil doon ay naalarma ang buong sistema ni Stelo.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Politician's Slave   Chapter 45

    Kakatapos lang ulit ng meeting ni Stelo sa senado at hindi pa rin naso-solusyonan ang kanilang pinoproblema dahil maraming dumagdag na mga mungkahi at may ilan na gusto nila iyong sa kanila ang masusunod. Nang may biglang babae na sumalubong sa kanya ng buong ngiti.Estudyante sa kolehiyo ang babae dahil sa kanyang suot na uniporme at ID na nakasabit sa kanyang leeg."Senator!" Pagtawag niya at muntik pang magmano sa nakasalubong na lalaki. Nanlaki naman ang mata ni Stelo sa gulat at hindi agad alam ang maaaring sabihin sa estudyante kaya hinayaan niya itong makapagsalita. "Senator! Pasensya na po at sinadya kita rito pero hindi po ako matatahimik hangga't hindi ako nakakapagpasalamat sa iyo ng personal!""Ha? Bakit? Tungkol saan?""Ahhh dahil po sa batas na ipinatupad niyo nakita ko na po ang mga hinahanap kong magulang sa tulong nun. Kuya ko lang po kasi ang nagpalaki sa akin at ang lola ko. Simula po noong bata ay hinahanap ko na ang mga magulang ko pero wala naman pong sinasabi

  • The Politician's Slave   Chapter 44 (2/2)

    "I'm sorry Senator Reyes but I beg to differ. Yes, I know may point ka pero don't you think it's nonsense? Really? We are experiencing both poverty and inflation at the moment tapos sasabihin mo na we need to rise the taxes of the people habang tumataas ang mga bilihin sa bansa? We need a better solution than rising the people's taxes.""I agree.""He has point. Anyone who have suggestion for a better solution may now speak.""Senator Gallardo, ikaw naman ang nagsabi, pwede rin ata na ikaw na rin ang unang sumagot sa better solution mo na yan." Pag-segunda ni Senator Reyes.Napangisi si Stelo. Alam niya na maraming maiinit ang mata sa kanya sa senado at isa na roon si Senator Reyes."Well, I suggest for us do to the customs and import duties, and instead of generating individual tax we'll raise tax sa mga business industry."Nagkaroon ng pagkagulo na naging sanhi ng pag-ingay sa senado pagkatapos ng sinabi ni Stelo. Mayroong hindi sang-ayon sa sinabi niya pero natapos ang kanilang ses

  • The Politician's Slave   Chapter 44 (1/2)

    Sa clinic ng doktora ay halos himatayin si Stelo sa kanyang narinig na balita tungkol sa kalusugan ng anak. Exaggerated man ay iyon talaga ang totoo, mukhang ano mang minuto ay lilipasan ito ng malay-tao. Namumutla na kasi siya. Sa kanyang likod ay naroon si Raul na hinahawakan lamang ang kanyang balikat para pakalmahin siya. "Mr. Gallardo, you'll sign the waiver of consent first and we'll run the tests that needed," sinabi ng doktora bago ito tumayo at tinawag ang kanyang assistant para ayusin ang kanyang makailangan kasama ang isang nurse. "Okay, Doc.""Upo ka muna, Stelo." Iginaya niya na si Stelo para umupo dahil napatayo ito at mas lumapit sa doktorang nagpaliwanag sa sakit ng kanyang anak. Huminga ng malalim si Stelo para kalmahin ang kanyang sarili bago tinignan ang anak na naglalaro sa mini-playground ng clinic na pinalibutan ng puzzle mats at malalambot na bagay. "Anong gagawin ko, Raul? Paano na lang kung malala ang sitwasyon niya?""Huwag ka nga mag-isip ng ganyan! Magi

  • The Politician's Slave   Chapter 43

    Stelo's POV It sounds so selfish but I'm tired. I made a promise for myself that I will no longer pursue Gaia.Tangina, tama na. Pagod na ako."Stelo, baba na. Nandito na tayo. Nakauwi na tayo... Bakit ka ba natutulala diyan?"Natauhan ako sa kapapanood sa labas habang bumabyahe, inaantok ako pero hindi ako makatulog. Si Gaida ay pinaubaya ko naman kay Raul. I'm just too tired from everything but I know I needed to get a grip, pagod ako pero kailangan kong kumayod. Gawin ang mga nararapat na gawin. Sa isa kong bahay kami tutuloy ngayon dahil nalaman ko na naroon sila Mama Damiana sa malaking bahay. I just can't handle her in this time, hindi pa ako handa sa mga maari niyang italak sa akin. Pero ang iba naming gamit ay idederetso na roon para hindi na marami ang aming dala."Ahh. Sorry. I'm just too tired." Bumaba ako sa kotse bago binuksan ang pintuan ng bahay. Kaming tatlo ulit ang magkakasama, walang mga bodyguard, at walang mga katulong."Edi magpahinga ka muna. Natutulog naman

  • The Politician's Slave   Chapter 42 (2/2)

    Sa gitna ng pagkalasing ay parang nawala ang katinuan ni Cressida. Ang lalaking bumungad naman sa kanya ay talagang nanabik sa babae."Gaia..." huminga ng malalim si Stelo. Pinipilit na huwag patulan ang babae kahit na hinahalik-halikan na siya nito sa buong mukha niya. "U-Umuwi ka na siguro.""Gusto kita e. Ang gwapo mo kaya sa panaginip ko noong nakaraan..." humagikhik ang babae bago mariing kumapit sa balikat ni Stelo na hindi na alam ang gagawin sa kanya. Gusto niya man itong ihatid na dahil magkatabi lang naman ang kanilang bahay pero ayaw niyang malapit ito sa lalaki na kinakasama nito lalo na sa ganitong lagay."Gaia! Bakit ka ba nagkakaganito? Tumigil ka na!" "Gusto kita e..." Sinundot-sundot pa nito ang pisngi nito na pinigilan naman ng lalaki kaagad. Napiling na lamang si Stelo at ginaya ito paloob ng kanilang bahay, halos buhatin pa niya ito papunta sa kwarto dahil ni hindi nito inihahakbang ang paa.Nang marating nila ang kwartong ginagamit ni Raul ay agad na pinahiga ni

  • The Politician's Slave   Chapter 42 (1/2)

    Sa isang katok pa lamang ay binuksan na ni Stelo ang pintuan ng kanilang bahay dahil kanina pa siya naghihintay para sa babae. Malalim na rin ang gabi ng pumunta si Cressida. Hinintay niya pa kasing makatulog si Theodore bago niya lisanin ang kanilang bahay at mangapit-bahay kila Stelo."Magandang gabi," paunang pagbati niya na na halos bumulong na lamang siya. "Good Evening. Ask about what you want to know about and I'll talk about it."Nagulat ito sa inakto ng lalaki, mukhang gusto ng madaliin ang kanilang pag-uusap. Pagod na rin kasi ito sa mga ginawa maghapon at gusto nang magpahinga, hindi pa nakatulong na hindi siya nilulubayan ni Damiana. Gusto ng kanyang ina na matapos ang kanyang mga pinapagawa kaagad dahil kung hindi ay baka mahuli sila ng mga awtoridad kahit wala naman sa bansa ang kanilang 'negosyo'."Hindi mo man lang ba ako pauupuin?" Namungay ang mga mata ng lalaki nang makalimutan na parehas pa pala silang nakatayo."Ahh. Sorry. Upo ka..."Iginaya niya ito sa upuang

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status