Sa kabilang dako naman muling bumalik si Isabella sa normal niyang routine—pagrereview para sa LET at pag-iwas sa anumang hinala mula sa kanyang pamilya. Hindi niya lubos maisip kung paano siya nakaeskapo noong gabing iyon, pero ang mas ikinabahala niya ngayon ay ang kakaibang nararamdaman ng kanyang katawan.
Madaling mapagod, parang wala sa sarili, at ang pinakamasama—nagsusuka siya tuwing umaga. Isang umaga, habang nakaupo siya sa kama, nakaramdam siya ng matinding hilo. Agad siyang tumakbo sa banyo at isinuka ang laman ng kanyang sikmura. Napahawak siya sa kanyang tiyan, napapikit, at doon na siya kinabahan. "Hindi kaya..." bulong niya sa sarili. Hindi niya kayang isipin. Hindi siya pwedeng mabuntis. Isa lang iyon—isang gabing hindi dapat mangyari. Pero habang tumatagal, mas lalo siyang natatakot. Kaya napagdesisyunan niyang magpa-check-up nang palihim. Ayaw niyang malaman ito ng kanyang pamilya, lalo na’t kakagraduate pa lang niya. Wala pa siyang trabaho, wala pa siyang lisensya, at higit sa lahat… hindi pa siya handa. Habang nakaupo sa waiting area ng clinic, hindi niya mapigilan ang malakas na kabog ng kanyang dibdib. Hindi pa siya sigurado, pero may kutob na siyang mali ang lahat ng ito. "Miss Zamora?" tawag ng nurse. Tumayo siya nang dahan-dahan at pumasok sa consultation room. Matapos ang ilang tests at pagsusuri, hindi na niya kailangan marinig pa ang resulta. Kitang-kita niya sa mata ng doktor ang sagot. "Congratulations, Miss Zamora. Buntis ka." Parang bumagsak ang mundo niya. Wala siyang nagawa kundi ang hawakan ang kanyang tiyan. Pilit niyang tinatanggap ang katotohanan, pero parang hindi niya kayang paniwalaan. Paglabas ng clinic, nanginginig ang kanyang mga kamay habang tinatawagan si Erica. “Hello? Bella, bakit ka tumawag?" sagot ng bestfriend niya, halatang nagtataka. “Erica…" mahina ang kanyang boses. "Hindi ko alam ang gagawin ko."* "Hala, anong nangyari? Bakit parang ang hina ng boses mo? Ayos ka lang?" "Buntis ako." Saglit na katahimikan. Tila nag-rehistro pa kay Erica ang sinabi niya bago ito sumigaw. "WHAT?!" "Shhh! ‘Wag kang maingay! Nasa labas ako!" taranta niyang sabi habang palinga-linga sa paligid. "Nasaan ka?!" "Nasa labas lang, galing akong clinic."* "Omg! Sinong ama? Wait, seryoso ka ba? Ilang buwan na?!" Napabuntong-hininga siya at napaupo sa isang bench. "Two weeks na daw… Erica, anong gagawin ko?" "Syet, Bella! Two weeks?… So ibig sabihin, ‘yung gabing ‘yun?!" Hindi makapaniwala na wika ni Erica. "Huwag mo nang banggitin, Erica, please," mahinang sagot niya. "Syet. Syet. Syet. Bella, alam mo bang napakalaking problema nito? Hindi ito biro!" Ang sabi pa ni Erica na tila problema nito ang problema niya. "Kaya nga litong-lito ako! Ayokong malaman ng pamilya ko. Hindi pa ako handa, wala pa akong trabaho, hindi ko pa nga na itutuloy ang LET review ko! Paano ko bubuhayin ang batang ‘to?" "Ikaw? Wala ka pang sinasabi sa pamilya mo pero iniisip mo na agad ‘yan? Bella, seryoso ka ba? Sinong ama? Alam na ba niya?" "Wala, Erica. Ni hindi ko nga alam kung alam niya ang pangalan ko. Wala akong number niya, wala akong ideya kung saan siya nakatira. Wala akong clue kung ano ang plano niya sa buhay," napapikit siya at pinigilan ang pagpatak ng luha. "Wait, wait. Kanina lang iniisip mo kung paano mo maitatago ‘to sa pamilya mo, tapos ngayon iniisip mo na agad kung paano mo palalakihin mag-isa? Isa-isa lang, Bella. Hindi mo ‘to kayang itago nang matagal, pero may paraan!" Napabuntong-hininga si Bella at tumingala sa langit. “Ano’ng gagawin ko, Erica? Magagalit talaga sina Mama at Papa. Ang inaasahan nila, matutulungan ko ang pamilya namin, hindi ang magpalaki ng bata!" "Kaya nga. Kung ayaw mo pang sabihin sa kanila, siguraduhin mong may kakampi ka. Hindi ko sinasabi na itago mo ‘to habambuhay, pero kung hindi mo pa kaya ngayon, huwag mong pilitin. Pero girl, kailangan mo ng suporta." Napatahimik siya. Suporta. Pero kanino? Si Erica lang ang meron siya ngayon. At isang bagay ang alam niya—hindi niya kayang itago ito nang matagal. Pero para sa ngayon, isa lang ang sigurado. Hindi siya pwedeng magpatalo sa takot. Pagkauwi ni Bella mula sa clinic, pakiramdam niya ay pagod na pagod siya, hindi lang pisikal kundi pati emosyonal. Tulala siyang pumasok sa bahay, pinilit na huwag magpakita ng kahit anong emosyon na maaaring magdulot ng hinala sa kanyang pamilya. Pagpasok niya sa bahay, nadatnan niya ang kanyang ina na nag tutupi ng kanilang mga damit. "Oh, Bella? Kanina ka pa umalis, saan ka ba nagpunta?" tanong ni Carmena habang abala sa paghihiwa ng gulay. "Ah... ano kasi, Ma... dumaan lang ako sa apartment, inayos ko lang ‘yung mga gamit ko ro’n," sagot niya, pilit na pinapanatili ang normal niyang tono. Tumango ang kanyang ina pero halata sa mga mata nito na may iniisip pa itong iba. "Bakit parang ang tamlay mo? Masama ba pakiramdam mo?" "Ha? Hindi, Ma, pagod lang siguro," mabilis niyang sagot. Nilapitan siya ng ina at tiningnan ng mabuti. "Baka kailangan mong uminom ng vitamins. Baka naman nagpupuyat ka kakareview mo para sa LET?" "Medyo, Ma," sagot niya habang pinipilit na ngumiti. "Pero ayos lang ako, promise." Napabuntong-hininga si Carmena. “O siya, kung ganon. May ipapakiusap sana ako sa’yo. Hindi masusundo ng kuya mo si Kiera sa school niya kasi mag-o-overtime siya, tapos ang Papa mo may meeting pa. Ikaw na lang ang sumundo sa kanya, anak." "Ha? Ako?" Napakurap si Bella. "Eh, Ma—" “Wala nang kontra-kontra, Bella. Wala ka namang ginagawa ngayon, ‘di ba?" Wala siyang nagawa kundi ang tumango. "Sige po, susunduin ko si Kiera." Kahit gusto niyang magpahinga at mag-isip nang maayos, alam niyang wala siyang lusot dito. Kaya naman, nagpalit lang siya ng damit at lumabas na ng bahay para pumunta sa paaralan ng kanyang kapatid. Nag motor na lang siya para madali siyang makarating dun. Habang nasa gate ng eskwelahan, naupo si Bella sa isang bench at naghintay. Wala siyang ibang kasama maliban sa ibang mga magulang at guardian na naghihintay rin ng kanilang mga anak. Napasulyap siya sa paligid, tinatantiya kung gaano katagal bago lumabas ang kapatid niya. Dahil malalim ang iniisip, hindi niya agad napansin na may isang lalaking dumaan sa harapan niya. Isang matangkad na lalaki, naka-long sleeves at slacks, halatang hindi estudyante o guro kasi hindi naman ito naka uniform. Naglalakad ito patungo sa isang opisina malapit sa entrance ng paaralan. Nagkataong napalingon siya sa parehong oras na lumingon din ang lalaki. Saglit lang ang tagpong iyon, isang simpleng tinginan, na parang wala lang. Wala silang ideya na minsan na silang nagkatabi, nagyakap, at nagbigay ng init sa isa’t isa sa gabing hindi nila inakala na nagdudulot ng malaking pagbabago sa buhay ni Bella. Pero sa isang iglap, nagpatuloy lang sila sa kani-kanilang ginagawa. Pagpasok ni Rafael sa opisina, agad niyang tinawag ang kanyang secretary. "Mag-announce ka ng emergency faculty meeting in 15 minutes. May mahalaga tayong pag-uusapan." Utos ni Rafael dito. Mabilis na tumango ang secretary at lumabas ng opisina upang ipasa ang mensahe sa mga guro. Habang naghahanda si Rafael sa meeting, saglit siyang lumingon sa bintana. Natanaw niya ang ilang mga magulang na naghihintay sa labas, kasama ang ilang estudyante. Ngunit isang pigura ang bahagyang nakakuha ng atensyon niya—isang babae na nakaupo sa bench habang nakayuko at nag cecellphone. Hindi niya alam kung bakit parang pamilyar ito sa kanya. Napailing siya at tumalikod, bumalik sa kanyang lamesa. "Ano bang nangyayari sa'kin? Hindi ko naman siya kilala pero parang..." bulong niya sa sarili. Pinilit niyang iwaksi ang iniisip at nag-focus sa meeting, ngunit hindi niya alam na ang babaeng iyon ay may dalang sikreto na babago sa takbo ng buhay niya. Si Bella naman ay buntong-hininga, hindi alam kung bakit biglang bumilis ang tibok ng kanyang puso. "Parang ang pamilyar ng lalaking ‘yon..." bulong niya sa sarili. Pero mabilis din niyang inalis sa isip ang ideyang iyon. Wala namang rason para isipin pa niya ang isang estranghero na dumaan lang. Hanggang sa lumabas na si Kiera at agad siyang nilapitan. "Ate! Sorry di kami pinapalabas ng teacher namin ng di pa tapos mag sulat eh!" Sabi ng kapatid niya. "Ayos lang yun. Tara na," sagot ni Bella, pilit na tinatago ang bumabagabag sa kanyang isip. Sabay na silang lumabas ng paaralan, hindi alam ni Bella na ang lalaking muntik na niyang nakasalubong ay ang lalaking babago sa takbo ng kanyang buhay.Ang araw ay sumilip na sa malalawak na bintana ng kanilang bagong bahay. Hindi ito mansyon, pero sapat ang laki para mapuno ng tawanan, kwento, at alaala. Modernong disenyo ngunit may pusong probinsya — may malawak na bakuran, tanim na mga bulaklak ni Bella, at duyan sa likod na gawa sa kahoy at lubid, kung saan madalas tumambay si Rafael habang karga ang kanilang bunso. Sa kusina, abala si Bella sa pagluluto ng agahan. Amoy sinangag, itlog, at hotdog ang buong bahay. May suot siyang simpleng apron habang sinisilip ang nasa kawali. Nilingon niya ang orasan, 7:00 AM na. “Princess! Halika na, kakain na tayo!” tawag ni Bella sa anak nilang si Natnat, na abalang naglalaro ng mga barbie sa kwarto. “Saglit lang po, Mommy!” sagot ng batang babae. Lumabas naman si Rafael mula sa kwarto, may hawak na batang lalaki, mga tatlong taon pa lang. Medyo antok pa ito, nakasandal sa dibdib ng ama. “O, halika na rin, little man,” bulong ni Rafael habang hinahalikan ang bunso sa pisngi. “Tayong mga l
Isang buwan ang lumipas mula nang muling mabuo ang pagkakaibigan nina Bella, Erica, at Noah. Ang dating mga sugat ay hindi na singhapdi—bagkus ay naging paalala kung gaano sila katatag, at kung gaano kalalim ang pagmamahal na kayang lumaban sa unos ng nakaraan. Okay na din si Bella at ang pamilya ni Rafael ganun din si Rafael okay na rin sila ng pamilya ni Bella Sa probinsya, tila mas maliwanag ang araw. Mas tahimik ang hangin. At mas mabango ang umaga, lalo na sa maliit na hardin sa likod ng subdivision na tahanan nina Bella, kung saan siya madalas tumambay tuwing madaling-araw. Nasa tabi niya si Natnat, na mas lalo nang maging masigla at masayahin mula nang dumating muli sa kanilang buhay ang taong matagal niyang hinintay—ang kanyang tunay na ama.Dahan-dahan, ngunit buong puso, bumawi si Rafael. Hindi siya dumaan sa dramatikong pamimilit. Hindi siya gumamit ng grand gestures sa simula. Nagpapakumbaba siya. Nagpaabot ng liham. Nagpadala ng meryenda sa eskwelahan. Tahimik siyang na
Sabado ng umaga. Ang liwanag ng araw ay unti-unting sumisilip mula sa bintana ng bahay nina Bella. Tahimik ang paligid maliban sa kaluskos ng kanyang paghahanda ng almusal sa kusina. May lungkot sa kanyang mga mata habang hinihiwa ang tinapay—malayo ang tingin, tila naglalakbay sa alaala ng nangyari kahapon. Masakit pa rin. Hindi pa humuhupa ang bigat sa kanyang dibdib. Hindi niya akalaing si Noah, ang matagal na niyang kaibigan at isa sa naging haligi ng kanyang buhay sa panahong pinaka kailangan niya ng suporta, ay may tinatagong lihim na ganoon kabigat. Kasabwat pala ito ni Albert. Isang tusong plano para sirain ang relasyon nila ni Rafael. At hindi lang basta kaibigan si Noah. Simula nang dumating siya sa probinsya, si Noah ang tumayong pangalawang ama ni Natnat—kasama ni Vincent. Kaya hindi siya makapaniwala na isa pala ito sa dahilan kung bakit nagkahiwalay sila ni Rafael noon. Muling tumulo ang luha sa kanyang pisngi, ngunit mabilis niya itong pinahid. Ayaw niyang makita ng a
Tila kay bilis nga ng pag-ikot ng mundo. Parang kahapon lang nang mangyari ang eksena sa mall—na para bang isang himalang tinahi ng tadhana. Ngunit ngayon, sa araw na ito, mas masigla, mas makulay, at mas ramdam ang saya sa paligid. Dumating na ang party para kay Natnat.Isang maliit ngunit eleganteng handaan ang inihanda ni Amieties sa malaking garden ng bahay nila Rafael. May mga palamuti ng pastel pink at lavender na tila sumasayaw sa hangin. Sa gitna ng hardin ay may inflatable castle na hindi halos mawalan ng bata. Ang mga lobo ay parang ulap sa paligid, at may isang malaking tarpaulin sa may bandang entablado na may nakasulat: “Happy Birthday, Princess Natnat!”Isa-isang dumarating ang mga bisita—mga kaibigan ni Bella, ang kanyang mga co-teachers na may kasamang anak, pati ang mga business partner ni Rafael na bihis na bihis at may dala pang mga regalo. Naroon si Vincent, kasama si Erica na masigla at nagkukuwento sa isang grupo. Hindi rin nagpa-huli si Noah, na tahimik lang sa
“Ma? Anong ginagawa n’yo dito?” tanong ni Rafael habang bahagyang sumikip ang dibdib niya, isang halong gulat at kaba ang bumalot sa boses niya.Nasa gitna pa rin nila si Natnat, bitbit ang kahon ng bagong Barbie doll, habang si Bella ay nananatiling tahimik sa kanyang kinatatayuan—kalmado sa panlabas, pero ang puso’y tila may tambol na walang humpay sa loob.Saglit na katahimikan. Sapat para maramdaman ang bigat ng tensyon sa paligid. Hanggang sa tumugon si Amieties, nakatingin lamang kay Natnat, hindi kay Rafael.“Narito lang kami upang mamasyal, anak… pero hindi ko inaasahan na dito rin namin kayo makikita.” Bahagyang nanginginig ang boses niya, hindi sa galit kundi sa damdaming matagal nang kinikimkim.At sa unang pagkakataon, tumitig siya ng diretso sa bata.“Rafael… siya na ba ang iyong anak?” tanong niya, mababa at maingat ang boses, tila takot masira ang isang napakagandang panaginip.Hindi agad nakapagsalita si Bella. Nanginginig ang palad niyang hawak ang strap ng shoulder b
Pagdating ng SUV sa harap ng main gate ng paaralan, agad bumaba si Rafael at tinulungan si Natnat na buhatin ang maliit niyang backpack na may design ng mga bituin at unicorn. Nakalugay ang buhok ni Bella, bitbit ang laptop at lesson plan folder, habang tahimik na pinagmamasdan ang paligid.Marami nang estudyanteng naglalakad sa pathway. Ilan sa mga guro ay naroon na rin, may bumabati, may nakatingin lang. Hindi maiiwasang may mga matang mausisa. At bagamat tahimik si Bella, hindi maitatago sa mga mata niyang may alinlangan pa rin—ngunit pilit isinusubside ng ngiti.Si Erica ang unang bumaba sa sasakyan ng huminto ito. Tila ba siya ang pinaka-kampante sa kanilang tatlo.“Bes, mauna na ako ha. Baka abutan pa ako ni Ma’am Rowena sa attendance log,” sabi niya habang inilalagay sa balikat ang bag. Saka siya yumuko at hinalikan sa pisngi si Natnat. “Good girl ka sa class natin, ha? I’ll see you inside.”“Okay po, Tita Erica!” tugon ni Natnat na parang may bitbit pang saya mula kagabi.Tuma