共有

Chapter 5

作者: ElizaMarie
last update 最終更新日: 2025-03-13 14:11:04

Pagkalipas ng ilang araw, nag-aya si Erica kay Bella na magkita sila sa isang coffee shop. Alam niyang may pinagdadaanan ang kaibigan, kaya gusto niyang makausap ito ng masinsinan.

Sa loob ng café, nakita agad ni Bella si Erica na kumakaway sa kanya. Nilapitan niya ito at umupo sa harapan nito.

"Uy, girl, kamusta ka na? Para kang multo na bigla na lang naglaho. Hindi ka na nagparamdam!" reklamo ni Erica habang s********p ng iced coffee niya.

Napangiti si Bella nang pilit. "Medyo busy lang... at saka, may iniisip ako."

Tumingin ng seryoso si Erica. "Yung iniisip mo ba eh yung—"

Tumango si Bella, sabay buntong-hininga. "Hindi ko alam, Erica. Nalilito ako. Natatakot ako. Hindi ko alam kung paano sasabihin sa pamilya ko."

Hinawakan ni Erica ang kamay ng kaibigan. "Bella, hindi ka nag-iisa. Kahit anong mangyari, nandito ako para sayo. Pero hindi mo naman pwedeng itago 'yan habang buhay. May plano ka na ba?"

“Sa ngayon, gusto ko munang magtrabaho habang nagre-review ako. At least, may sarili akong pera, at para rin hindi masyadong halata. Kailangan kong mag-ipon para handa ako sa lahat ng pwedeng mangyari."

Napaisip si Erica. "Tama ka rin diyan, pero mahirap humanap ng trabaho, lalo na kung gusto mong itago ang sitwasyon mo."

"Kaya nga hindi ko pa alam kung saan ako magsisimula," sagot ni Bella.

Sa gitna ng usapan nila, biglang tumunog ang phone ni Erica. Napatingin siya at napaikot ang mata. "Hay naku! Si Vincent na naman!"

"Anong sabi?" tanong ni Bella habang humihigop ng kape.

"Male-late daw siya sa date namin kasi may importante siyang pupuntahan, saan ba nagpunta yung pinsan mo, Bella?" iritang sagot ni Erica.

Napatawa si Bella. "Ewan ko diyan di naman kami nag sasama sa isang bahay pero balita ko may online job daw yan ewan di ba kayo nag uusap?”

“Sinabi naman niya sakin na may online job siya siguro na busy lang talaga siya teacher din naman yun pag umaga.”

“Pero animado ka namang namimiss mo siya!"

"Excuse me?! Hindi ah!" depensa ni Erica, pero halatang namumula ito.

Tumawa lang si Bella. Sa kabila ng lahat ng iniisip niya, nagpapasalamat siya na may isang Erica na laging nandiyan para sa kanya.

Pagkatapos nilang mag-usap sa coffee shop, hindi pa agad umuwi sina Bella at Erica.

"Ayoko pang umuwi, Erica. Gusto ko munang maglibang bago ko harapin ulit ang realidad," sabi ni Bella habang naglalakad sila sa mall.

"Good idea! Shopping therapy na lang tayo!" sagot ni Erica na tila mas excited pa. "Malay mo, makahanap tayo ng bagong outfit para sa first day mo sa trabaho, kung sakali!"

"Naku, wala pa nga akong trabaho, bibili na agad ng damit?" natatawang sagot ni Bella.

"Hindi naman masamang maghanda, 'di ba? At saka, girl, kailangan mo rin ng bagong wardrobe! Baka naman pag dumaan si Mr. Right sa harap mo, mapansin ka niya agad!" pang-aasar ni Erica.

Napailing na lang si Bella habang hinihila siya ni Erica papasok sa isang boutique.

Habang tinitingnan nila ang mga damit, biglang may tumapik sa balikat ni Erica.

"Uy, babe!" Si Vincent lang pala ang gumawa non. Napalingon si Erica at agad na napasimangot.

"Hay, Vincent! Ngayon ka lang dumating? Huli ka na sa kwentuhan namin ni Bella!" Bulyaw niya sa kasintahan.

Si Vincent, ang boyfriend ni Erica at pinsan ni Bella, ay nakangiti lang. "May pinuntahan lang at saka traffic kasi, babe! Pero hindi pa naman kayo umuwi, kaya naabutan ko pa kayo."

Napangiti si Bella. "Sakto ang dating mo, Kuya Vincent. Ikaw na lang magbayad ng napili kong damit."

"Ha?!" gulat na sagot ni Vincent. "Bakit ako? Hindi ko kasalanan na late ako, ah!"

"Eh kasi, boyfriend ka ng best friend ko. At saka mag pinsan naman tayo," biro ni Bella. "At ang pamilya, nagdadamayan!"

"Ay, ganon? Edi dapat libre mo rin akong mag-dinner mamaya!" sabay tawa ni Vincent.

"Naku, Vincent! Ikaw na nga ang huli dumating, ikaw pa ang demanding!" sabay hampas ni Erica sa braso ng boyfriend niya.

"Sige na nga, sige na nga!" natatawa na sagot ni Vincent habang inilabas ang wallet niya.

"Bili na kayo ng gusto niyo, pero huwag lang masyadong mahal, baka mawalan ako ng panggastos sa anniversary namin ni Erica!"

Nagtatawanan silang tatlo habang namimili. Kahit may dinadala si Bella, sa mga sandaling ito, pakiramdam niya ay normal pa rin ang lahat.

Pero sa likod ng kanyang mga ngiti, alam niyang may malaking sikreto siyang itinatago—at hindi magtatagal, kakailanganin niyang harapin ang katotohanan.

Pagkatapos mamili, naisipan nilang maglakad-lakad pa sa mall. Napadaan sila sa isang baby store, at hindi sinasadyang mapatingin si Bella sa mga cute na damit ng mga sanggol. Napalunok siya ng laway habang hinahaplos ang isang maliit na onesie.

"Uy, Bella, bagay sayo yan!" biro ni Vincent.

Nagulat si Bella at agad na ibinalik ang damit sa rack. "Ha? Anong bagay?"

"Bagay sa'yo na magka-baby na rin," natatawang sagot ni Vincent. "Ang cute siguro ng magiging anak mo, mana sa'yo."

"Loko ka talaga, Vincent," sagot ni Bella, pilit na tumatawa pero may kaba sa dibdib.

Napansin ni Erica ang biglang pagbabago ng reaksyon ni Bella, kaya agad siyang sumingit. "Oy, Vincent, huwag mong lokohin si Bella! Wala pa ‘yan sa isip niya, hello?! At saka di pa nga yan nagkaka-boyfriend."

"Joke lang naman, babe! Pero seryoso, Bella, pag nagka-baby ka, gusto ko ako ang ninong, ha?"

“Tanga,” yon lang ang na sabi ni Bella sa pinsan niya.

Hindi na siya nag salita ulit at nagkunwaring abala sa pagtingin ng ibang gamit. Hindi niya maintindihan kung bakit bigla siyang kinabahan sa birong iyon. Maya-maya, nagyaya na si Vincent na kumain.

"Gutom na ako, girls. Treat ko na ‘to, para bumawi ako sa pagiging late ko kanina," sabi ni Vincent.

"Wow, Vincent, ngayon ka lang naging galante, ah," sabay tawa ni Erica.

“Syempre naman, may sahod na kasi ako sa online job ko,” sabi ni Vincent na tumatawa pa din

Naghanap sila ng restaurant at naupo sa isang cozy na booth. Habang naghihintay ng order, hindi mapigilan ni Erica na kulitin si Bella.

"Bella, naisip mo na ba kung anong trabaho ang hahanapin mo?"

Napabuntong-hininga si Bella. "Nag-iisip pa ako. Gusto ko sana related sa teaching, pero mahirap makahanap agad ng trabaho habang naghahanda pa ako sa board exam."

"Pwede ka namang mag-tutor muna," suhestyon ni Erica. "Or kahit sa isang preschool, baka may hiring sila ng assistant teacher?"

"Oo nga," sabat ni Vincent. "Baka naman gusto mong mag-apply sa school na pinagtatrabahuhan ko?"

Napaangat ang tingin ni Bella. "Ha? Anong school?"

"Doon sa school kung saan ako assigned bilang guidance counselor," sagot ni Vincent. "Hindi mo ba alam? May opening yata doon for teaching assistants."

Parang kumakabog ang dibdib ni Bella. "Saan nga ulit ‘yon?"

"Sa St. Therese Elementary School." Sagot ni Vincent.

Nanlaki ang mata ni Bella. "St. Therese?! Doon nag-aaral ang kapatid ko! Teka, nga lang double kayod ka ngayon ah ano yan Online job sa gabi tas Guidance Counselor sa umaga? Wow iba na talaga ang pinsan ko na yan,” sabi Bella Sabay tawa.

"Talaga? Aba, mas perfect! At kailangan mag double kayod no? Kasi para sa pamilya at pang date namin ng babyloves ko," sagot ni Vincent sabay tingin kay Erica, kahit na cringe pakingan ay nag fakecalm na lang si Bella at peke ring tumawa.

"At saka..." Saglit itong tumigil bago nagpatuloy. "Doon din nagtatrabaho ang principal na si Sir Rafael Grafton. Narinig ko, matalino at disiplinado raw ‘yun, pero medyo suplado."

Biglang bumilis ang tibok ng puso ni Bella. "Rafael Grafton?"

"Oo, bakit?" tanong ni Vincent. "May kilala kang ganyan ang pangalan?"

"Wala lang, parang familiar lang," mabilis niyang sagot, pilit na tinatago ang kaba.

Hindi niya alam kung bakit kinakabahan siya ng marinig ang pangalan ng lalaking iyon siguro ay dahil strict daw ito pero di na lang niya ito pinansin. Ipinagtuloy na lang siya sa pagkain.

この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
コメント (2)
goodnovel comment avatar
emzbranzuela
magkikita kayo dyan
goodnovel comment avatar
cris19
magkikita na talga kayo bella
すべてのコメントを表示

関連チャプター

  • The Principal's Affair    Chapter 6

    Lunes ng umaga, dumating si Bella sa St. Therese Elementary School para mag-submit ng kanyang aplikasyon bilang assistant teacher. Nakaayos siya nang maayos—simpleng blouse at slacks, buhok na nakapusod, at may kaunting makeup para magmukhang fresh at professional. Kahit kinakabahan, pinilit niyang ipakita ang kanyang kumpiyansa.Sa pagpasok niya sa admin office, isang babae ang bumati sa kanya."Good morning! Ano pong sadya nila?" tanong ng secretary na si Ms. Dela Cruz."Magpapasa po ako ng requirements para sa assistant teacher position," sagot ni Bella, inaabot ang kanyang folder."Ah, yes! May scheduled interview kayo ngayon. Paki-fill out na lang ito, tapos hintayin niyo po ang tawag ni Sir Rafael Grafton.”Muling bumilis ang tibok ng puso ni Bella. ‘Ang punong-guro mismo?’ Inakala niyang iba ang magiging proseso. Pero huminga siya nang malalim at pinakalma ang sarili. Kailangan niya ang trabahong ito, at hindi siya dapat matinag ng kaba. Habang naghihintay, pinagmasdan niya

    最終更新日 : 2025-03-13
  • The Principal's Affair    Chapter 7

    Habang papalabas si Bella Matapos ang Interview mula sa opisina ng principal nang may halo-halong emosyon. Pakiramdam niya’y nabunutan siya ng tinik dahil natapos na ang interview, pero hindi niya maiwasang kabahan. Hindi pa siya sigurado kung matatanggap siya bilang assistant teacher pero ginawa niya ang lahat ng makakaya niya. Naglakad siya nang mabagal palabas ng paaralan, bitbit ang maliit na brown envelope na naglalaman ng kanyang mga dokumento. Pinagmasdan niya ang paligid—ang mga batang naglalaro sa open ground, ang mga guro na nag-uusap sa hallway, at ang mga magulang na naghihintay sa kanilang mga anak. ‘Ito na ba ang magiging bagong mundo ko?’ tanong niya sa sarili. Kung matanggap siya, dito siya magtatrabaho habang nagrereview para sa LET. At dito rin mag-aaral ang magiging anak niya. Muling kumakabog ang dibdib niya sa ideyang iyon. ‘Diyos ko, paano ko ba ito ipapaalam sa kanila?’ anya niya sa isip. Pinilig niya ang kanyang ulo, pilit na itinaboy ang mga alalahanin

    最終更新日 : 2025-03-18
  • The Principal's Affair    Chapter 8

    Pagdating ni Bella sa McDonald’s, nadatnan niya si Vincent na nakaupo na at nakataas pa ang paa sa upuan. Nakataas ang kilay nito habang ngumunguya ng fries. "Ang tagal mo, Bella. Akala ko nagbago na isip mong ilibre ako,” salubong nito sa kanya. Napairap si Bella at umupo sa tapat niya. "Excuse me? Ako pa ba? Ikaw nga itong dahilan kung bakit ako natanggap sa trabaho. Siyempre, deserve mong ilibre," sagot ni Bella."Oh? Natanggap ka na? Ang bilis naman," parang hindi makapaniwala na wika ni Vincent."Yup! Kakatawag lang nila kanina. Start ko na next week!" Excited na wika ni Bella."Wow! Congrats, pinsan! Galing-galing mo naman. Dapat yata ako na lang ang kunin mong manager, baka sakaling may libreng McDo ako buwan-buwan." Biro naman ni Vincent. "Haha! Loko. Ikaw kaya ang dahilan kung bakit ko nalaman na hiring dun at saka everyday na tayo magkikita, kaya libre kita ngayon. Pero next time, ikaw na ang manlilibre, ha?” pabiro na sabi ni Bella."Tingnan natin. Kung may sweldo ka n

    最終更新日 : 2025-03-18
  • The Principal's Affair    Chapter 9

    Habang papunta sila sa classroom, hindi mapigilan ni Bella ang excitement at kaba. Nang makarating sila sa pinto, dinig na dinig ang malakas na tawa at sigawan ng mga bata. Pagbukas ng pinto, bumungad sa kanya ang isang masayang tanawin—mga batang nasa anim na taong gulang, naglalaro at tumatakbo-takbo sa loob ng classroom. Sa gitna ng kaguluhan ay isang babaeng nasa late 20s, may friendly aura, at abalang inaayos ang ilang activity sheets sa mesa. "Teacher Liza," tawag ni Mrs. Santos. "Ito na ang magiging assistant teacher mo, si Ms. Zamora." Pagpapakilala nito sa kanilang dalawa.Agad na lumapit si Teacher Liza at nakangiting kinamayan si Bella. "Hi, Ms. Zamora! Welcome sa team! Huwag kang kabahan, masaya dito!""Salamat po! Excited na po akong makilala ang mga bata." Nakangiting sagot ni Bella.Nang marinig ng mga bata ang usapan nila, agad silang lumapit, nagkumpulan, at sabay-sabay nagtanong. "Teacher, sino siya?" "Magiging teacher namin siya?""Ang ganda niya!"Napataw

    最終更新日 : 2025-03-18
  • The Principal's Affair    Chapter 10

    Pagdating ni Bella sa bahay, ramdam niya ang bigat ng katawan niya. Isang buong araw siyang nagturo, makisalamuha sa mga bata, at ngayon, gusto niya lang humiga. Dahan-dahan siyang pumasok sa kwarto niya at napahiga sa kama, mahigpit na niyayakap ang unan.Napapikit siya, sinusubukan na i-relax ang pagod na katawan. Pero ilang minuto pa lang siyang nakahiga, may narinig siyang malakas na boses mula sa sala. Mabilis ang tibok ng puso niya. Away ba iyon?Dahan-dahan siyang bumangon, hinaplos ang tiyan niya, at lumabas ng kwarto. Habang pababa sa hagdan, lumilinaw ang usapan sa ibaba."Clark, paano mo iniisip na magpakasal sa sitwasyon natin ngayon?!" galit na galit na boses ng kanilang ina, si Carmena. "Wala pa tayong pambayad sa mga utang! Hindi pa tayo nakaahon sa hirap, tapos ngayon, iniisip mo nang bumuo ng pamilya mo?""Ma, mahal ko si Anne. Matagal na kaming magkasama, at gusto na namin itong gawin." Hindi nagpatinag si Clark, pero halata sa boses niya na pigil ang inis."Mahal? P

    最終更新日 : 2025-03-19
  • The Principal's Affair    Chapter 11

    Napahinto sa pagsasalita si Carmena. Parang natahimik ang buong bahay. Nagpalitan ng tingin si Teddy at Carmena, at sa isang iglap, nag-init muli ang ulo ng ina. "Ha? Gago ka ba? Alam mo na nga na walang-wala tayo tapos binuntis mo pa? Hindi ka namin pinalaki ng ganyan, Clark!" Napalakas ang boses ni Carmena, at kahit si Bella ay napapikit sa gulat. "Ma, hindi ko naman ginusto 'to nang ganito. Hindi ko rin naman pinaplano! Pero nangyari na, at hindi ko pwedeng talikuran si Anna at ang bata!" madiing sagot ni Clark. "Hindi mo pinaplano?!" Singhal ni Carmena. "Dapat iniisip mo ang consequences bago ka gumawa ng ganyan! Pamilya mo nga hindi mo matulungan, paano mo bubuhayin ang magiging anak mo?" Napayuko si Clark, halatang tinatamaan ng mga salita ng ina. Si Teddy naman ay napabuntong-hininga. "Clark, anak… mahalaga ang responsibilidad. Pero alam mo namang mahirap ang buhay natin ngayon. Wala tayong sapat na pera para sa kasal, lalo na para sa pagpapalaki ng bata. Ano ang plano

    最終更新日 : 2025-03-19
  • The Principal's Affair    Chapter 12

    Naiwan si Bella, hawak ang sariling tiyan, nag-iisip. Hindi lang ang kanyang pamilya ang dapat niyang itago ang totoo. Pati sa mga taong nakapaligid sa kanya lalo na sa trabaho. Pero naisip niya mas okay na wala munang makakaalam sa pagbubuntis niyang ito.Kailangang manatili itong lihim dahil baka ito ang maging dahilan ng pagkawala ng trabaho niya. Alam niyang mahigpit ang paaralan pagdating sa mga assistant teacher, lalo na’t hindi pa siya ganap na lisensyadong guro. Kung malaman nilang buntis siya, baka hindi na siya payagang ipagpatuloy ang pagtuturo.Napabuntong-hininga siya at muling binalikan ang kanyang binabasa, ngunit hirap na siyang mag-focus. Ang isip niya ay punong-puno ng mga pangamba—ang kanyang pamilya, ang perang kailangang ipunin, at ang bata sa kanyang sinapupunan.Ngunit sa kabila ng lahat, may isang bagay siyang sigurado. Kakayanin niya ito. Hindi niya alam kung paano, pero kailangang kayanin.Pagdating ng uwian tahimik na nagliligpit ni Bella ang mga kalat sa lo

    最終更新日 : 2025-03-19
  • The Principal's Affair    Chapter 13

    "Ano ‘to? May secret rendezvous ba kayo ng principal natin?"Napatigil si Bella. Nanlaki ang kanyang mga mata, at sa sobrang gulat, muntik na niyang mabitawan ang walis. Dahan-dahan siyang lumingon at bumungad sa kanya ang pamilyar na mukha ng kanyang pinsan, si Vincent.Nakatayo ito sa may pinto, nakapamulsa, at may mapanuksong ngiti sa labi. Nakasandal siya sa hamba ng pintuan habang pinagmamasdan siya."V-Vincent?!" halos pasigaw niyang sambit. "Anong ginagawa mo dito?"Umangat ang isang kilay ng kanyang pinsan. "Ako dapat ang nagtatanong n’yan sa’yo, ‘di ba? Akala ko nakauwi ka na."Napahawak si Bella sa kanyang noo at huminga ng malalim bago bumaling kay Vincent. "Naglilinis pa ako. Teka, paano mo nalaman na nandito pa ako?""Simple lang," sagot nito, sabay pasok sa silid. "Dumaan ako sa harap ng school, tapos nakita kong bukas pa ang ilaw dito. Sabi ko, ‘hmm, sino kayang nagpapaka-dedikado sa trabaho nang ganitong oras?’ Syempre, ikaw lang naman ang kilala kong ganito kasipag, p

    最終更新日 : 2025-03-20

最新チャプター

  • The Principal's Affair    Chapter 104

    Matapos ang tanghalian, inayos ni Bella ang mga pinggan habang si Erica naman ay nagpaalam na babalik na sa kanyang klase. Ngunit si Natnat ay hindi na sumunod, dahil halfday lang ang pasok niya. Tulad ng mga nakaraang taon, dito na siya sa silid ni Bella tumatambay tuwing hapon. At kahit hindi siya opisyal na estudyante ng kanyang mama, si Natnat ay palaging nakikihalubilo sa mga bata. Tumutulong magbura ng pisara, sumasagot sa mga tanong, at minsan pa nga ay siya ang tagapagpakilala ng "word of the day." Parang isa na rin siyang batang guro sa murang edad. Habang muling humarap si Bella sa klase niya, naroon si Natnat sa isang sulok, tahimik na nagsusulat sa kanyang notebook habang pinapanood si Bella magsimula muli ng lesson. Tila ba bawat kilos ng kanyang ina ay nagsisilbing inspirasyon sa kanya—sa isip ni Natnat, ang pagiging guro ay hindi lang trabaho, ito ay isang pangarap na sinusuot araw-araw, gaya ng kanyang maliit na uniporme. Sige, Kai! Heto na ang kasunod na eksena sa

  • The Principal's Affair    Chapter 103

    Maliwanag ang classroom, sinalubong ng liwanag ng araw mula sa mga bintana na binuksan niya kanina. Sumayaw sa hangin ang mga makukulay na banderitas na siya mismo ang naggupit at nagdikit isang linggo bago magsimula ang pasukan. Isa-isang pumasok ang mga bata, may ilan ay may bitbit na bagong bag, ang iba’y parang ayaw bitawan ang kamay ng kanilang mga magulang. Mayroong tahimik na umuupo, may ilang umiiyak, at meron ding masiglang nagkukuwento na para bang hindi ngayon lang muling nakakita ng kalaro. Mula sa gilid ng silid, nakatayo si Bella, pinagmamasdan ang bawat bata na tila ba kilala na agad niya kahit wala pang pormal na pagpapakilala.“Mabuhay, mga bata! Ako si Teacher Bella,” ngumiti siya habang pinupunasan ang pisara. “Excited na ba kayong mag-aral?”May ilang sumagot ng “Opo!” habang ang iba ay tumango lang. Ngunit kahit pa hindi sabay-sabay ang kanilang sigla, ramdam ni Bella na ito ang tahanan niya—ito ang silid kung saan siya may misyon.“Alam niyo ba,” panimula ni Be

  • The Principal's Affair    Chapter 102

    years Later. "Nat-nat! Anak! Bilisan mo na diyan, ha? Naghihintay na si Ninang Erica mo sa baba, baka maiwanan pa tayo—sige ka, magta-tricycle tayo papuntang school!" malambing ngunit may halong pagmamadali ang sigaw ni Bella mula sa sala habang inaayos ang huling gamit sa kanyang malaking tote bag.Ika-5 ng Hunyo. Unang araw ng klase. Ngunit higit pa sa unang araw ng pasukan ang pakiramdam ni Bella ngayon—ito rin ang unang araw na sabay na silang papasok ng anak niyang si Nathalie Addison sa iisang paaralan.Hindi pa rin siya makapaniwala kung paano lumipas ang anim na taon. Parang kahapon lang na nasa sinapupunan pa niya ang kanyang anak.Ngayon, heto na si Nathalie, anim na taong gulang na, matalino, makulit, at higit sa lahat, sobrang bait. Isang batang punong-puno ng enerhiya, ngiti, at kabighanian—parang sinag ng araw sa gitna ng lahat ng pinagdaanan niya."Yes po, Mama! Coming na po! Naglalagay pa ako ng notebook ko sa bag ko!" sigaw pabalik ng bata mula sa itaas, habang patak

  • The Principal's Affair    Chapter 101

    Sa isang maluwag at pribadong opisina sa ikalawang palapag ng kanilang bahay, tahimik na naglalaro ang liwanag ng lampshade sa ibabaw ng mamahaling desk ni Albert Grafton. Nasa harap niya ang brown envelope na naglalaman ng mga larawan—larawan ng isang sanggol, maputla, tila natulog at hindi na magigising, isang mukha ng pagkawala, isang simbolo ng kasinungalingan na kanyang pinlano ng maingat. Naglagay siya ng brandy sa kristal na baso at naupo sa upuan na tila trono, habang tinitigan ang larawan sa ibabaw ng mesa na para bang isang tropeyo ng matagumpay na panlilinlang. Pumasok si Kian, suot ang karaniwang polo ngunit bakas sa anyo nito ang hindi maipinta ang kabiguan—hindi dahil sa ginawa nila, kundi dahil sa tila lalong lumulubog ang kapatid nilang si Rafael sa sarili nitong bangungot. “Magaling ang mga nakuha mong larawan,” sambit ni Albert, malamig ang boses habang pinipihit ang baso ng brandy sa kanyang kamay. “Parang totoo talaga. Kahit ako, napaniwala.” Ngumiti si Kian,

  • The Principal's Affair    Chapter 100

    Isang malalim na gabi, lasing na naman si Rafael. Mag-isa sa madilim na parte ng bahay niya, nakaupo sa bar counter, hawak ang basong may natitirang yelo at alak na halos wala nang tama sa kanya. Tila ba kahit ilang shot pa ang inumin niya, hindi pa rin iyon sapat para patahimikin ang nagugulo niyang isipan.“Isa pa,” mahina niyang bulong sa sarili, habang isinasalin muli ang alak sa baso.Araw-araw mula nang mawala si Bella, tila nawalan na ng saysay ang lahat. Hindi niya maipaliwanag kung bakit ganoon na lang ang bigat sa dibdib niya. Oo, totoo — kasunduan lang ang lahat dahil na buntis niya ito. Oo, may kontrata. Pero bakit parang may hinahanap siya sa bawat sulok ng bahay nila, sa bawat pag-uwi niya mula sa trabaho, sa bawat gabing dumarating nang tahimik?Bakit parang may kulang?At bakit siya, na sanay sa kontrol at katiyakan, ay ngayon parang nauupos na kandila?Nang una siyang pumunta sa bahay ni Bella, dala-dala niya ang kumpiyansa. Akala niya'y madali lang kakausapin niya, k

  • The Principal's Affair    Chapter 99

    “Noah?” Napakunot ang noo ni Bella, hawak pa ang walis. “Bella,” mahinang tawag ni Noah, parang nag-aalangan. “A-anong ginagawa mo dito? Paano mo nalaman na nandito ako?” tanong ni Bella, hindi maitago ang pagdududa sa tono. Nagkamot ng batok si Noah, halatang nahihiya. “Nagtanong-tanong ako sa pamilya mo. Sabi ng mama mo, baka raw nandito ka kay Erica.” Medyo ngumiti siya, pero awkward, parang hindi sigurado kung dapat ba siyang ngumiti talaga. Napabuntong-hininga si Bella. Hindi ko sila masisisi, bulong niya sa sarili. Sa pagkakaalam ng kanyang pamilya, wala namang masama kay Noah — matagal na rin nilang kilala ito bilang mabuting kaibigan, halos parang kapatid na. “Ah, ganun ba...” mahinang sagot niya, iniayos ang hawak sa walis. “Sige, pasok ka na. Wala si Erica, nasa trabaho.” Pumasok si Noah, tahimik, at umupo sa maliit na upuan malapit sa pinto. Hindi niya pinilit umabante pa, tila iginagalang ang espasyo ni Bella. Saglit na katahimikan ang bumalot sa kanilang dalawa

  • The Principal's Affair    Chapter 98

    Nang matapos ang hapunan, si Bella na mismo ang nagprisintang magligpit ng mga pinggan. Kahit pinipigilan siya ni Erica, nagpumilit siya — kailangan niya ng kahit kaunting paraan para makabawi man lang.Tahimik niyang nililigpit ang mga plato, habang si Erica naman ay abala sa pag-aayos ng ilang gamit sa sala. Si Vincent, nakaupo pa rin sa hapag, nakatingin lang sa isang sulok ng mesa, hawak-hawak ang baso ng tubig na matagal nang wala nang laman.Pakiramdam ni Bella, bawat tunog ng kutsara at plato sa kusina ay parang palakol na bumabagsak sa pagitan nila ni Vincent, mabigat, mabangis, nakakatakot.Hindi niya alam kung paano sisimulan. Hindi niya alam kung dapat ba siyang magpaliwanag, o magmakaawa.Kaya nag-ipon siya ng lakas. Huminga siya ng malalim, at dahan-dahan, lumapit siya kay Vincent, hawak pa rin ang basang basahan sa kamay.“Vincent...” mahinang tawag niya, halos pabulong.Hindi gumalaw si Vincent. Hindi man lang lumingon. Pero hindi nagpadala si Bella sa kaba. Lumapit pa

  • The Principal's Affair    Chapter 97

    Pagkababa nila mula sa sasakyan, agad na inalalayan ni Erica si Bella papunta sa maliit pero maaliwalas na kwarto na inihanda nila.May kabang sumisiksik sa dibdib ni Bella habang inaayos ang mga gamit niya hindi dahil sa lugar, kundi sa damdaming parang bumalik siya sa umpisa, nagsisimula ulit.“Oy, salamat ah,” ani Bella, ngiting pilit habang pinupunas ang kaunting pawis sa noo.“Sus, wala ‘yon! May kasabihan ka nga diba — what are friends are for!" sabay tawa ni Erica, habang kinukuha ang huling bag mula sa kama. "Tapos, para na rin kitang kapatid, aside sa future cousin-in-law kita!"Napangiti si Bella sa biro. Somehow, kahit hirap pa siyang huminga sa bigat ng mga nangyayari, gumagaan ang pakiramdam niya kapag si Erica ang kausap.“Ah susss… Kailan ba kasal niyo ni Vincent? Tagal niyo na rin kasi eh. At saka napaka-swerte ng pinsan ko sayo — yang si Vincent pa, ganyan-ganyan lang yan pero mabait yan,” biro ni Bella habang inaayos ang mga tupi ng damit sa drawer.Tumawa si Erica,

  • The Principal's Affair    Chapter 96

    Sa unang pagkakataon, matapos ang matagal na panahon, naramdaman ulit ni Bella ang yakap ng isang tunay na pamilya.At sa gitna ng kanilang yakapan, muling tumunog ang cellphone niya sa loob ng bag. 0Hindi niya kinuha. Hindi niya sinagot.Dahil ngayong gabi, alam niyang nasa tamang lugar siya — hindi sa pera, hindi sa pangarap na hindi kanya, hindi sa pagmamahal na hindi buo — kundi sa piling ng mga taong kahit kailan, hindi niya kailangang bilhin ang pagmamahal.Tahimik ang hapunan nila nang gabing iyon.Hindi tulad ng mga nakaraang araw na puro tanong, puro lungkot ang umiikot sa bawat kibot ng kubyertos, ngayong gabi, may kung anong katahimikang parang naghihintay lang ng pagsabog.Si Bella, pinagmamasdan ang pamilya niya habang tahimik na kumakain. Sa bawat pagnguya niya, nararamdaman niya ang bigat ng nilulunok niya — hindi pagkain, kundi mga salitang matagal na niyang kinikimkim sa puso.Hindi niya kayang palipasin ang gabing ito na hindi nagsasabi.Pagkatapos ng hapunan, nang n

無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status