Share

Chapter 3: Following the Rules

Penulis: GuemByoel
last update Tanggal publikasi: 2026-03-06 20:24:04

"Maeve, okay ka lang ba talaga? Gusto mo bang samahan kita sa office ni Sir tutal pareho naman tayong late kanina," may pag-aalalang ani ni Jessica habang nag-aayos ako ng aking gamit. Kakatapos lang rin kasi ng aming klase kay Sir Soren at nagkataon naman na vacant ako, kaya naman mas minabuti ko na lang rin na ngayon na lang magtungo sa opisina nito kaysa patagalin pa ito.

"Hindi na Jessica, saka baka hindi naman dahil sa pagkalate natin kaya niya ako pinapatawag, kasi kung 'yun ang dahilan sana pareho tayo. Maybe it’s because of me being a transferee, baka may mga kailangan lang akong ayusin sa papel ko," nakangiti kong wika sa kanya.

"Sigurado ka ha? Basta mag-ingat ka," muling sabi pa nito na ikinatawa ko naman.

"Ano ka ba? Makapagsabi ka naman na mag-ingat ako, akala mo naman napakalayo ng pupuntahan ko eh diyan lang naman ako," sabi ko pa sabay turo sa opisina ni Sir Soren sa hindi kalayuan. Sinabayan na rin kasi ako ni Jessica papunta roon dahil hindi ko pa alam ang lugar.

Napahugot naman ng malalim na paghinga si Jessica bago ito huminto, dahilan ng akin ring paghinto sa paglalakad. "Hindi naman literal na mag-ingat. Paano ko ba ipapaliwanag?… ano kasi, maraming kasing kumakalat na balita rito sa university tungkol kay Sir," subok na paliwanag pa ni Jessica na hindi ko pa rin maunawaan.

"Tulad ng ano?" hindi ko na napigilan pang itanong sa kanya.

"Tulad ng may mga estudyante siyang nakakarelasyon. I mean… you know… like sex," alanganin pang dugtong niya.

Tinawanan ko lang ang kanyang sinabi bago nagtuloy sa opisina ni Sir Soren. Totoo man kasi o hindi ang sinasabi ni Jessica, wala na rin naman akong pakialam doon. Saka kung totoo man iyon, for sure naman may consent ang mga babaeng ‘nabiktima’ ni Sir.

Tatlong mahihinang pagkatok ang aking ginawa bago marahang binuksan ang pintuan ng opisina ni Sir Soren. Sa aking pagpasok ay naabutan ko naman ang lalaki na prenteng nakaupo sa kanyang upuan habang may hawak na baso ng alak sa kanyang kamay.

"Good morning, Sir Soren," magalang na pagbati ko pa sa lalaki habang ang aking ulo ay bahagya pang nakatungo. Hindi ko rin kasi maiwasang hindi mailang sa paraan ng pagtitig niya sa akin.

"Come closer and sit down, Miss Pascual," malamig ang boses na sabi pa niya dahilan upang agad akong mapasunod rito.

Kahit na nakaupo na ako sa kanyang harapan ay hindi pa rin tumitigil ang aking tuhod sa bahagyang panginginig, marahil dahil sa kaba na aking nararamdaman.

"Ahm… Sir, bakit po ninyo ako pinatawag?" lakas-loob kong tanong makalipas ang ilang sandali at nananatiling tikom ang bibig ni Sir Soren. Ngunit imbis na tugunin ang aking tanong ay inisang lagok niya ang alak na hawak bago muling nagsalin dito.

Sa muling pagdako ng kanyang paningin sa akin ay doon naman nagtagpo ang aming mga mata, dahilan upang mas tumindi pa ang kaba na aking nararamdaman.

“You’re a transferee here, right?” he asked.

"Yes Sir, kahapon po ang first day ko dito," mahinang wika ko naman ngunit alam kong sapat na para kanyang marinig.

Tumango-tango naman ito bago tumayo at saka nagtungo sa maliit na cabinet sa may gilid ng kanyang opisina, doon ay muli siyang kumuha ng isa pang alak na sa itsura pa lang ay mukhang mamahalin na.

"I see, now I understand why you keep on calling me sir unlike others," wika pa nito bago muling bumalik sa kanyang pwesto.

"Sorry po," agad na hingi ko naman ng paumanhin sa kanya. "Nasanay lang po ako sa dati kong school, Prof," dugtong ko pa kasunod ng pagtawag sa kanyang ng Prof gaya ng iba. 

Agad naman itong umiling kasunod ng pagsenyas pa ng kanyang kamay na may hawak na alak. “Nah… it’s actually okay. I like it when you call me sir,” muling wika pa nito bago ako muling pinasadahan ng tingin mula ulo hanggang sa aking dibdib. Hindi ko naman maiwasang hindi mailang sa paraan ng kanyang pagtingin sa akin ngunit mas pinili ko na lang ang manahimik.

“T-thank you po…” tanging sabi ko na lang.

“Do you drink?” out of the blue he asked.

“No sir,” nagtataka man ay nagawa ko siyang sagutin.

“How about smoke?” muling usisa pa nito.

Muli ay isang iling lang ang isinagot ko sa kanya.

“Oh… you’re a good girl huh,” may sarcasm na tonong muling sabi niya. Nanatili naman akong tahimik at nakatungo lang dahil hindi ko na rin alam kung ano pa ang sasabihin ko o isasagot sa kanya.

Naramdaman ko pa ang muling paglakad ni Sir Soren hanggang sa huminto ito sa aking likuran.

“If you’re a good girl, why are you late in my class then? Alam mo bang iyon ang pinaka ayaw ko sa lahat, ang nahuhuli sa klase ko?” pagbulong pa nito sa aking tenga dahilan ng pagtataas ng aking balahibo sa aking buong katawan.

“I’m sorry Sir, hindi na po mauulit. Nagkaroon lang po ng emergency kanina,” kinakabahang sambit ko pa.

Muli kong naramdaman ang kanyang pagkilos at namalayan ko na lang na nasa harapan ko na siya. Mabilis rin niyang naigalaw ang upuan na aking gamit paharap sa kanya kaya naman agad na nagsalubong muli ang aming mga mata.

Humithit naman ito sa kanyang hawak na sigarilyo at pagkatapos ay walang pakundangan na ibinuga ito sa aking mukha dahilan upang balutin ng usok ang aking paningin at bahagya pang mapaubo.

“I don’t buy your excuses Miss Pascual…” malamig na sabi pa nito bago marahang tumungo palapit sa aking mukha. Ilang pulgada na lang ang layo ng aming mga mukha kaya naman pigil ko ang aking paghinga at pagkilos, huwag lang kaming magkadikit.

“... but since you're new here, I will give you an exemption. I will let this mistake slide for now. Just make sure that it will never happen again, don’t break any of my rules or else I will give you the punishment that you will never expect,” patuloy pa nitong wika bago mabilis na dinampian ng halik ang aking labi bago tuluyang lumabas sa kanyang opisina at iniwan akong nakatulala.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 45: Talk

    Maeve remained distant towards me since that night, noong gabing sinabi kong sa kumpanya ko siya magtrabaho kaysa pumasok pa siya sa iba na agad namang sinang-ayunan ng kanyang ina.She still goes to school and comes home with me, pero buong biyahe ay hindi naman siya umiimik kaya naman tila wala pa rin akong kasama sa loob ng aking sasakyan tulad na lamang ngayon.“Why are you so silent, ha? Don’t tell me it’s still about the work that I said a week ago,” hindi ko na napigilang itanong sa kanya ngayon habang pauwi kami.She's so close to me and still following all my commands, but in some point, I also feel that she is far.“Pagod lang sa klase,” tanging sagot naman niya kaya naman imbis na tumuloy sa bahay kung nasaan ang kanyang ina ay dinala ko na lang muna siya sa village kung saan alam kong masosolo ko siya at makakausap nang maayos.Bakas sa kanyang mukha ang pagkagulat nang makapasok kami sa loob ng village ngunit mas pinili pa rin niyang manahimik na labis na nagbibigay ng in

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 44: Work in My Company

    Buong biyahe pauwi sa bahay ay wala kaming imikan ni Maeve. Tahimik lang akong nagmamaneho habang siya naman ay nakamasid lang din sa labas ng aking sasakyan. Nang maiparada ko na nang maayos ang kotse sa labas ng aking bahay ay doon naman ako muling nagawang lingunin ng babae sa aking tabi.“Uhmm… Soren…” mahinang pagtawag nito sa aking pangalan kaya naman agad ko itong nilingon habang inaalis ang pagkakalagay ng aking seatbelt.“Why?” pagtugon ko naman sa kanya. Nanatiling nakatungo ang kanyang ulo kaya naman dahil sa kadiliman na rin ng aming paligid ay hindi ko mawari ang kanyang itsura.“Ano kasi… ‘yung panty ko… kukunin ko na,” ani pa niya sa nahihiyang tinig habang ang dalawang hita ay pinananatiling magkadikit.Sumilay naman ang isang pilyong ngiti sa aking labi bago ko kinuha mula sa bulsa ng aking pantalon ang kanyang panty.“Ito ba ang hinahanap mo?” sabi ko pa habang ipinapakita sa kanya ang bagay na aking hawak.Agad naman tumunghay si Maeve at muling nagtagpo ang aming m

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 43: Call

    Atticus Soren Castillo Nasa labas pa lang si Maeve at patungo pa lang sa aking sasakyan ay hindi ko na mapigilan ang aking sarili sa pagkasabik sa kanya kahit kakatapos lang namin magkita kanina at magkasama na kami ngayon sa iisang bahay. Kaya naman nang makapasok na siya sa aking sasakyan ay hindi na ako nakapagpigil pa at agad na rin siyang sinunggaban ng halik na alam kong labis rin niyang ikinagulat.“Hmmm…” mahinang daing pa niya dahil sa bahagya kong pagkagat sa kanyang ibabang labi na siyang dahilan rin ng pagbuka nito at pagpasok naman ng aking dila sa kanya para mas palalimin pa ang aming halik.Marahan ko ring dinama ang ilang bahagi ng kanyang katawan na labis kong paborito lalo na ang kanyang mga pinagpalang dibdib.“Why you took so long?” habol-hiningang sabi ko pa sa kanya nang maghiwalay ang aming mga labi.Hinuli ko rin ang kanyang kamay at marahan itong dinala sa namumukol kong kaselanan na kanina pa hindi kumalma mula nang umalis siya sa aking opisina.“He is searc

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 42: Can’t Say No

    I will be waiting for you in the parking lot later after your class. At huwag mo nang balakin na takasan ako uli gaya ng ginawa mo kanina lang. You know what I can do, and don’t push me to do that,” may pagbabantang bilin ni Soren sa akin habang inaayos nito ang suot na pantalon. Kakatapos lang rin kasi namin na magtalik dahil ang mapagparusang halik na kanyang binigay sa akin kanina ay lalo pang umalab hanggang sa pareho nang matupok ang aming katawan dahil sa init ng aming pinagsasaluhan.He even convinced me to skip my class right now for us to spend longer time together, ngunit agad ko itong tinanggihan at sinabi na lang na kailangan ko na ring pumasok dahil sa pagsusulit na ibibigay ng professor namin. Maaari ring isa iyon sa dahilan kung bakit tila ba mainit pa rin ang ulo niya kaya naman tanging pagtango na lang ang naisasagot ko sa bawat niyang sinasabi. After all, I can’t say no to him, dahil iniisip ko pa lang ay alam kong batid na niya ito at naiparamdam na niya sa akin ang

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 41: Possessive Prof.

    Maaga akong umalis at nagbilin na lang sa isang kasambahay ni Soren na sabihin kay Mama na papasok na ako sa university. Bukod kasi sa ayaw kong makita si Soren ay ayaw ko ring makasabay silang dalawa sa pagkain, lalo na at alam kong ipagpipilitan na naman ni Mama na sumabay na lang ako palagi kay Soren sa pagpasok, lalo na nang malaman nito na sa isang university lang kami nagpasok.“Oh, anong nangyari sa iyo? Ang aga-aga mukha kang hagard?” taklesang tanong ni Shantal, isa sa mga kaklase ko na naging malapit ko na ring kaibigan bukod kay Jessica.Tulad ko ay galing rin siya sa simpleng pamilya at walang tigil sa pagtatrabaho para mapaaral lang ang kanyang sarili, lalo na at hindi naman siya scholar dito sa university. Ngunit magkagayon man ay hindi pa rin mawawala sa kanyang mukha ang sigla at saya sa tuwing magkikita kami, na tila ba kahit pagod na pagod na siya sa kanyang trabaho ay buong sigla pa rin siyang pumapasok araw-araw.“Wala… puyat lang,” simpleng sagot ko na lang dahil

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 40: Moving In

    Maeve Lailani PascualHindi namin nagawang magpahinga ni Soren matapos ang mainit naming pagtatalik dahil na rin sa pagtawag ni Mama sa akin pagkatapos na pagkatapos naming marating ang aming kasukdulan, kaya gustuhin man naming magpahinga kahit saglit ay hindi namin nagawa at agad na ring nagtungo sa banyo para maglinis ng aming katawan.“You okay?” malambing na tanong ni Soren sa akin habang sinasabunan ang aking likod. Sabay na rin kasi kaming naligo dahil iisa lang rin naman ang banyo rito sa aming bahay.“Yeah, I’m fine,” tanging sagot ko naman kahit pa hindi pa rin mawala sa isip ko ang bagay na aming ginawa kanina lang. Hindi ko rin kasi maiwasan ngayon na humupa na ang init ng aming katawan na makunsensya dahil alam kong oras na malaman ito ni Mama ay labis siyang masasaktan.Hindi na rin naman kami nagtagal pa sa aming paliligo at nauna na ring lumabas ng banyo si Soren para kunin rin ang ekstrang damit niya sa kanyang sasakyan dahil ang kanyang tshirt ay hindi na rin naman n

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 16: Go Back to the Plan

    Matalim kong tinitigan si Maeve na ngayon ay nasa aking harapan. Kanina pa nailagay sa aming mesa ang mga pagkain na inorder ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito ginagalaw ni Maeve at tahimik lang na nakamasid sa akin.“Eat your food now Maeve and stop staring at me,” matigas na sabi ko pa s

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 13: Feels Like Home

    Atticus Soren CastilloI was planning to wait for Maeve in my condo, but it makes me feel suffocated; that’s why I decided to go to the Rote Nacht since it was also near the place where Maeve was."Prof, napabisita ka? Tagal mo nang hindi napunta dito ah," gulat na sabi ni Drey nang makita ako sa b

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 10: Pinakbet

    Atticus Soren CastilloI hear a knock from outside of my office. I immediately look at it, checking who will come in. Hoping that it’s Maeve with the food that she prepared. Ilang araw na rin mula nang magsimula niya akong ipagluto, at aaminin kong hinahanap-hanap na ito ngayon ng panlasa ko. She a

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 8: Excuse Letter

    "Ma, alis na po ako ha. Maaga pa po kasi ang pasok ko," mahinang sigaw ko habang nagtatali ng sintas ng aking sapatos. Si Mama naman ay saktong lumabas rin sa kanyang silid kaya naman naabutan niya ako sa ganoong tagpo."Anong oras ba ang klase mo, Maeve? Dapat ay sinabi mo sa akin para nakapagluto

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status