LOGINMaeve Lailani Pascual
"Kakarating mo pa lang anak, aalis ka na naman?" takang tanong ni Mama nang makita niya akong palabas ng aking silid. Wala pa kasi ni kalahating oras mula nang umuwi ako sa bahay mula sa part-time job na pinapasukan ko sa gabi at ngayon ay naghahanda naman ako para sa pagpasok ko sa eskuwela.
"May pasok ako Ma ngayon eh. Nakakuha kasi ako ng scholarship sa malapit na university dito sa atin. Sayang naman po ang oportunidad. Malay niyo naman po pag nakatapos na ako, makahanap ako agad ng magandang trabaho, di mas gagaan na ang buhay natin," nakangiting paliwanag ko naman kay Mama.
"Pero anak, baka naman ang katawan mo ang bumigay niyan. Wala ka na halos pahinga," may pag-aalala sa kanyang boses na wika pa niya.
Mula kasi nang atakihin siya sa puso dalawang taon na ang nakararaan ay napilitan akong pagsabayin ang aking pag-aaral at ang pagtatrabaho. Paminsan nga ay mas inuuna ko pa ang trabaho kaysa sa aking pag-aaral kaya naman noong nakaraang sem lang ay napilitan akong huminto, dahilan para bawiin ng unang university ang scholarship na ibinigay nila sa akin noon. Mabuti na nga lang at dito sa bagong university malapit sa bago naming nilipatang bahay ay muli akong nakakuha ng scholarship, sa ganong paraan ay hindi ko na kakailanganin pang isipin ang pagpapaaral sa aking sarili, iyon nga lang kailangan ko pa ring pagsabayin ang pag-aaral at pagtatrabaho dahil hindi naman kaya ni Mama ngayon ang magtrabaho dahil na rin sa butas sa kanyang puso.
"Kaya ko pa naman Ma," nakangiting sabi ko naman dito para mabawasan ang kanyang pag-aalala. "Saka malapit lang naman ang school ko ngayon dito sa bahay natin, puwede ako agad makauwi pag wala kaming klase para makapagpahinga ako," patuloy na paliwanag ko pa.
Bakas naman ang lungkot sa kanyang mukha kaya naman marahan ko itong hinaplos.
"Ma, okay lang po ako," paninigurado ko pa rito.
"Hindi ko lang kasi anak mapigilang malungkot at sisihin ang sarili ko. Tungkulin ko ang buhayin at paaralin ka pero heto ako ngayon, walang magawa kung 'di umasa na lang sa iyo," naluluha pang sabi ni Mama.
Isang sinserong ngiti naman ang ibinigay ko sa kanya bago siya niyakap nang mahigpit, "Ma, hindi mo naman ginusto itong nangyari sa iyo eh. Saka gusto ko naman po itong ginagawa ko. Gusto kong magtrabaho para sa iyo, para sa ating dalawa."
Ilang sandali pa kaming nag-usap ni Mama at pagkatapos noon ay ipinagbaon niya rin ako ng aking pagkain bago ako tuluyang umalis ng aming bahay.
Dahil alas diyes pa naman ang unang klase ko at hindi rin naman kalayuan sa aming tinutuluyan ang papasukan ko kaya naman mas minabuti ko na lang rin na maglakad na lang.
It took me almost 10 minutes of walking and when I finally arrived at the school I immediately searched for my first class. But on my way to our room a sound of a girl crying instantly caught my attention. Agad kong hinanap ang pinanggagalingan ng tinig at nang makita ko ang isang babaeng nakaupo sa isang sulok habang nakatakip ang magkabilang kamay sa kanyang mukha.
"Are you okay? Do you need any help?" nag-aalinlangan kong tanong sa babae nang makalapit ako sa kanyang pwesto.
Marahan naman nag-angat ng tingin sa akin ang babae at nang mapagtanto kong kaklase ko ito kahapon sa isang subject ko ay wala na akong pag-aalinlangan na tumabi sa kanya.
"Hi, I'm Maeve, classmate tayo sa subject ni Sir Soren kahapon," nahihiyang sabi ko pa sa kanya bago ko inabot ang aking panyo para punasan ang kanyang luha.
"Thank you," pasasalamat naman niya.
"Okay ka lang ba?" muling tanong ko pa sa kanya.
Isang iling naman ang kanyang isinagot sa akin bago muling ituon ang kanyang atensyon sa aming harapan.
"I want to say that I'm okay, but I'm not," nanginginig pa rin ang kanyang boses habang nagsasalita.
"If you want, you can share it with me. I know kakakilala lang natin, but I can lend my ears to you. I will listen," patuloy ko pang ani.
"Thanks, Maeve, I think this is what I really need right now," sabi pa niya.
"If you don't mind, may I know your name? Ang alam ko lang kasi ay classmate tayo kahapon. Wala rin kasi ako masyadong kakilala pa dito, kakalipat ko lang din kasi.
"I'm Jessica," pakilala naman niya.
"Nice to meet you, so is there anything that I can help with?" muling sabi ko.
"Nothing. I'm just kinda sad and frustrated at the same time, that's why I'm crying," ani pa ni Jessica bago marahang pinunasan ang luha na patuloy na kumakawala sa kanyang mga mata.
"I lost my parents a few weeks ago, at ngayon maaaring pati ang bakeshop na pinaghirapan nila ay maaari ring mawala sa akin. I don't know what to do, Maeve," patuloy na kwento pa niya.
"I'm sorry for your loss, Jessica. Pero yung bakeshop niyo, wala na bang ibang way to save it?" tanong ko pa sa kanya.
Isang mapaklang ngiti naman ang gumuhit sa kanyang mukha, "There is, and that is for me to live with my new guardian, na hindi ko man lang kilala kung sino," patuloy na pahayag pa niya.
Dahil sa aming pag-uusap, ay hindi namin namalayan na oras na pala ng aming klase kung hindi pa namin narinig ang malakas na pagtunog ng bell. Sabay pa kaming napatayo ni Jessica bago nagtakbo sa ikalawang palapag kung saan naroon ang klase namin kay Sir Soren.
"Sh*t, late na tayo, Maeve. Sana lang wala pa si Prof," mariing mura pa niya habang patuloy ang aming pagtakbo.
"Strick ba siya pag late ang student kahit konting minuto lang?" hindi ko naman maiwasang usisa pa sa kanya at sinamahan pa ng kaba.
"Hindi lang strick, he hates being late, kaya nga walang mga estudyante niya ang nagtatangkang pumasok ng late sa klase n’ya," muling pahayag pa niya.
Sa paghinto namin sa labas ng aming silid, ay kasabay naman noon ang paglingon rin sa amin ni Sir Soren na ngayon ay matalim na nakatingin sa aming dalawa.
"Miss Montecillio and Miss Pascual, you're three minutes late," madiing pahayag pa nito.
"Sorry, Prof…" magkasabay naman naming wika.
"Go now to your seat," muling ani pa ni Sir Soren na mababakas pa rin ang galit sa kanyang boses na agad naman naming sinunod.
Ngunit hindi pa man ako tuluyang nakakalapit sa aking upuan, ay muli naman itong nagsalita na siyang nagbigay ng kakaibang kaba sa akin.
"... but I want Miss Pascual to meet me in my office after this class," ani pa nito bago nagsimula sa kanyang pagtuturo.
Maeve Lailani Pascual Akala ko ay pagpunta na namin ni Mama sa Amerika ay magiging maayos na ang lahat, ngunit nagkamali ako. Dahil hindi pala ganoong kadali ang lahat. Dahil kahit mayroon na kaming pera na pangsuporta sa operasyon ni Mama ay hindi pa rin namin ito magawa dahil hanggang ngayon ay naghihintay pa rin kami ng donor para sa kanya.“Anak, bakit nandiyan ka? Dito ka sa tabi ko at maupo ka muna. Baka mangalay ka diyan at maapektuhan pa ang apo ko,” napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa biglang pagsasalita ni Mama.Nilingon ko ang kanyang kinaroroonan at isang ngiti ang ibinigay sa kanya. “Kakatayo ko lang naman, Ma. Ang ganda lang kasi ng tanawin sa labas kaya napasilip po ako,” tugon ko naman rito habang naglalakad palapit sa kanya.Nang makaupo sa kanyang tabi ay bahagya ko pang hinimas ang aking tiyan na ngayon ay pitong buwan na. Ilang buwan na rin kami rito sa ospital ngunit dahil wala pa ring donor si Mama ay hindi pa rin maisagawa ang kanyang operasyon kaya naman wal
Muling nakatulog si Maricel dahil na rin sa kakaiyak matapos ikwento sa akin ang nangyari sa kanya noon. Nabanggit rin niya na kaya siya nakawala sa mga kamay ng mga bumihag sa kanya ay dahil na rin sa tulong ng isang nurse noon na tumitingin sa kanya. Nalaman kasi ng babaeng nurse ang tunay na nangyari sa kanya kaya naman nang makakuha ng pagkakataon ay nagawa siya nitong itakas.Noon ay hindi pa niya alam na nagdadalangtao siya kay Maeve, bunga ng panghahalay sa kanya ng ilan sa mga bumihag sa kanya noon, kaya naman nang malaman niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis ay muling nanumbalik ang kanyang takot—hindi lang para sa kanyang sarili kundi mas lalo na para sa batang nasa kanyang sinapupunan noong mga panahon na iyon.“Nakatulog na uli si Mama?” usisa ni Maeve matapos itong makapasok sa silid kung nasaan kami ni Maricel ngayon.Marahan ko namang inalalayan sa kanyang pagupo at bahagya pang hinila palapit sa akin. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili na patakan ng halik ang k
I didn’t tell Maeve what I learned about her mom’s condition. Pinakiusapan ko rin si Doc. Harvey na ilihim ito sa babae alang-alang na rin sa pagbubuntis nito.“Are you sure you got enough rest last night? Pwede namang ako na muna ang pumunta sa ospital para bantayan si Maricel at ipapasundo na lang kita mamaya para makapagpahinga ka pa,” malambing na wika ko kay Maeve nang mapansin ang pagkaantok pa rin nito sa kabila ng mahabang pagtulog kagabi.Imbis na sumagot ay mas isiniksik pa nito ang kanyang mukha sa aking dibdib at mas iniyakap pa ang kanyang mga kamay sa aking katawan.We are still lying down on my bed despite the sun shining so brightly already. Pasado alas-otso na rin ng umaga ngunit hindi pa rin namin nagagawang mag-ayos na dalawa para sa aming pagpunta sa ospital.“Five more minutes, please. I’m still sleepy but I also want to check Mama’s condition as well,” inaantok na wika pa niya.Niyakap ko naman ito nang mas mahigpit pa at iniayos rin ang kumot na tumatakip sa kan
Atticus Soren CastilloSa kabila ng mga nangyari kanina lang, mas minabuti pa rin naming tumuloy papunta sa Amerika para sa gagawing gamutan kay Maricel. Ngunit imbis na tumuloy kami gamit ang regular na business class na eroplano, ay may pinili ko na lang na tawagan ang isa sa mga kaibigan ko para hiramin ang private plane nito na siyang magdadala sa amin sa ibang bansa. Isinama ko na rin ang ilang mga doktor at nurse para may aalalay sa amin kahit pa sinigurado naman nilang maayos na ang kalagayan ni Maricel para sa gagawin naming pagbiyahe.“Okay ka lang ba, Ma? Sabihin mo lang sa amin pag may nararamdaman ka, ha,” may pag-aalalang ani ni Maeve sa ina habang inaayos ang pagkakahiga nito sa maliit na kama sa loob ng eroplanong aming sinasakyan.Isang ngiti naman ang isinagot ni Maricel sa kanyang anak habang marahan ring hinahaplos ang kanyang mukha.“Maayos si Mama, anak. Wala kang dapat ipag-alala. Ang mas mabuti pa ay maupo ka na rin sa pwesto mo para makapahinga ka na rin. Baka
Walang patid ang pagpatak ng aking luha dahil sa nangyari; kahit pa sinabi na rin ni Soren sa akin na maayos na ang lahat, hindi pa rin mawala ang takot na nararamdaman ko.“Hey, stop crying now… Everything is fine now… ligtas na tayo,” may pag-aalalang ani ni Soren sa akin habang inaalalayan ako papunta sa may kama upang doon niya paupuin.Nagtungo rin ito sa mini ref na nasa loob lang din ng kanyang silid at saka naman kumuha ng isang maliit na bottled water para ibigay sa akin.“Here… drink some water and try to relax… baka makasama na kay baby ang sobra mong pag-iyak,” muling wika niya bago ako tinabihan sa kama. Kanya ring marahang hinahaplos ang aking likod para tuluyan na rin akong kumalma.“Anong nangyari? Bakit ang daming putukan kanina?” tanong ko naman sa kanya makalipas ang ilang sandali bago ako tuluyan na ring yumakap sa kanya dahil sa takot na patuloy kong nararamdaman sa aking sistema.Marahan namang hinahaplos ni Soren ang aking buhok habang ang isang kamay niya ay na
Maeve Lailani Pascual“Para saan ba ito? Saka bakit kailangan ko pang matutunan ang paggamit ng baril?” nalilitong tanong ko kay Soren matapos niya akong dalhin dito sa Sweet Spot Shooting Range sa loob mismo ng villa kung saan nakatayo ang isa pa niyang bahay. Nasa parehong subdivision rin ang bar na pinagtatrabahuhan ko noon at ang alam ko ay nandito rin ang bahay na tinutuluyan ni Jessica. Gusto ko nga sana itong tawagan para sabihing nandito ako ngunit nang maalala kong wala nga pala itong alam tungkol sa pagbubuntis ko ay napagpasyahan ko na lang na huwag na itong tawagan.“That’s for your safety. Saka for self-defense lang naman 'yan, mas mabuti na ang sigurado tayo,” paliwanag naman ni Soren bago muli iniayos ang aking kamay sa tamang posisyon ng paghawak ng baril.“Relax your arm and aim at your target. Magaan lang naman 'yang baril mo dahil pina-customize ko talaga 'yan para sa iyo, para hindi ka mahirapan,” muli wika pa niya.Muli ko namang inasinta ang target na nasa aming
Atticus Soren CastilloI was planning to wait for Maeve in my condo, but it makes me feel suffocated; that’s why I decided to go to the Rote Nacht since it was also near the place where Maeve was."Prof, napabisita ka? Tagal mo nang hindi napunta dito ah," gulat na sabi ni Drey nang makita ako sa b
Atticus Soren CastilloI hear a knock from outside of my office. I immediately look at it, checking who will come in. Hoping that it’s Maeve with the food that she prepared. Ilang araw na rin mula nang magsimula niya akong ipagluto, at aaminin kong hinahanap-hanap na ito ngayon ng panlasa ko. She a
"Ma, alis na po ako ha. Maaga pa po kasi ang pasok ko," mahinang sigaw ko habang nagtatali ng sintas ng aking sapatos. Si Mama naman ay saktong lumabas rin sa kanyang silid kaya naman naabutan niya ako sa ganoong tagpo."Anong oras ba ang klase mo, Maeve? Dapat ay sinabi mo sa akin para nakapagluto
Matalim kong tinitigan si Maeve na ngayon ay nasa aking harapan. Kanina pa nailagay sa aming mesa ang mga pagkain na inorder ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito ginagalaw ni Maeve at tahimik lang na nakamasid sa akin.“Eat your food now Maeve and stop staring at me,” matigas na sabi ko pa s







