LOGINSa kabila ng puyat at sakit ng ulo na aking nararamdaman, pinilit ko pa rin ang aking sarili na bumangon at pumasok sa unibersidad. I have an early class today at eight in the morning kaya naman kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring pumasok.
My first class is Maeve’s class, kaya naman kahit na sobrang aga ng klase ko ngayon ay tila hindi ko ito alintana at tila nasasabik pa akong makita siya.
Minus singko bago mag-alas otso ay nagtungo na rin ako sa kanilang silid na labis na ikinagulat ng lahat. Hindi naman ako nahuhuli sa aming klase, pero ito rin ang unang beses na pumasok ako nang mas maaga sa kanila dahil kadalasan ay sakto sa oras ako kung pumunta sa aking mga klase.
“Good Morning Prof Soren,” bati naman ng ilan matapos makabawi sa kanilang pagkagulat.
“Good morning too…” sagot ko naman bago ihanda ang aking laptop na gagamitin para sa aming klase.
Nang matapos ang aking paghahanda sa aking mga gagamitin ay muli ko namang pinasadahan isa-isa ang aking mga estudyante kagaya ng madalas kong ginagawa. Ngunit nakailang pasada na ako sa kanila at nakailang tingin na rin ako sa aking relo ay wala pa ring Maeve na dumarating.
“Miss Montecillo, you’re friends with Miss Pascual right? Where is she?” hindi ko na mapigilang itanong sa isang estudyante ko na nakikita kong madalas na kasama ni Maeve.
Mabilis naman itong tumayo at bakas man ang kaba ay nagawa nitong sagutin ang aking tanong. “Hindi pa po kasi kami nagkikita uli, Prof, mula noong Martes. Irregular student po kasi si Maeve at hindi po kami magkaklase sa ibang subject,” mahinang paliwanag naman nito.
“How about call or text, she didn’t inform you?” muling usisa ko pa.
Isang iling naman ang isinagot nito sa akin. “Wala po eh,” turan pa nito.
“Just tell her that if she wants to drop my class, do it now, hindi iyong absent siya sa klase ko,” seryosong sabi ko pa bago nagsimula sa aking pagtuturo.
Marahil dahil na rin sa puyat at hang-over ay mas naging mainitin ang aking ulo sa mga nagdaang klase ko pa. Ramdam rin ito ng mga estudyante ko kaya siguro wala rin ni isang naglakas ng loob para kausapin man lang ako.
Pagsapit ng alas-tres ng hapon ay mabilis naman akong naghanda para sana sa pagpunta ko sa village kung saan alam kong naroon rin ang ilan sa mga kaibigan ko sa Bachelor’s Den, isang eksklusibong samahan kung saan binubuo kami ng aming mga miyembro.
We are all bachelor’s and business man in the said group. Magkakaiba man ng larangan ng negosyong tinatahak, pero pinagbuklod naman ng iisang bagay. At iyon ay ang pagiging sawi namin sa pag-ibig sa magkakaibang dahilan.
Habang nagmamaneho papunta sa nasabing village, isang pamilyar na bulto naman ang agad na pumukaw sa aking atensyon. Nakasuot ito ng isang uniporme ng restaurant kaya naman mabilis kong inihinto ang aking sasakyan at mabilis itong sinundan.
Hindi naman ako nagkamali dahil sa pagpasok ko pa lang sa restaurant na iyon ay ang nakangiting mukha ni Maeve ang agad na bumungad sa akin. Mabilis ring bumalatay sa kanyang mukha ang pagkagulat nang makita ako at mapagtanto na ako ay nasa kanyang harap.
“Sir!…” gulat na sambit pa niya.
“Table for 1…” mabilis na ani ko naman.
Gulat man sa pagkakita sa akin ay nagawa pa rin akong asikasuhin ni Maeve. Siya rin mismo ang kumuha ng order ko at nagdala nito sa akin dahilan upang ang kaninang mainit na ulo ko ay bahagyang kumalma.
“Ito na po ang order niyo Sir, enjoy your meal,” sabi pa nito at akmang aalis na sana.
"Just stay…" mabilis na agap ko naman. "Just in case I will need your assistance…" agad na dugtong ko pa na wala namang pagrereklamo niyang ginawa.
Una kong tinikman ang soup na sinasabing best seller daw ng restaurant bago muling tinawag si Maeve.
"Do you have wine here?" tanong ko pa rito.
Isang tango naman ang kanyang sinagot sa akin at pagkatapos ay muling ibinigay sa akin ang menu kung saan naroon ang mga listahan ng wine na mayroon sila.
Maeve also served the wine that I ordered and like what I told her, she stayed near me hanggang sa matapos ako.
"Why were you absent earlier?" diretso ang tanong ko naman dito matapos punasan ang aking labi, hudyat ng pagtatapos ko sa aking pagkain.
"Emergency po sa bahay, pasensya na po," nakayuko pang sabi nito sa akin.
Matiim ko naman itong minasdan. Pinasadahan ang kanyang kabuuan mula ulo hanggang sa kanyang paa.
"I want you to look at me, Maeve, when I’m talking with you," utos ko pa sa kanya kaya naman kahit may kaba sa kanyang dibdib ay nagawa nitong salubungin ang aking tingin.
"What did I tell you the last time we talked?" muling tanong ko pa sa kanya.
"I-I should follow your rules, sir," tugon pa nito.
"That’s right, and aside from no late, isang bagay pa rin ang pinaka ayaw ko sa lahat, at iyon ang lumiban sa klase ko," madiing sambit ko pa dahilan upang mamuo ang gilid ng kanyang mga mata.
"At sa lahat ng estudyante ko, bukod-tangi ikaw pa lang ang gumagawa ng dalawang bagay na iyon," patuloy ko pa. "I’m just wondering now, ano kayang magandang parusa ang maipataw sa iyo? Maybe your scholarship will do."
"No, Sir, please!!! Hindi na po mauulit, huwag niyo lang pong alisin ang scholarship ko. Gusto ko pong makapagtapos at hindi ko ho kakayanin iyon nang wala ang scholarship ko," pagsusumamo pa nito. Mabuti na lang rin at nasa sulok na bahagi kami ng restaurant kaya naman hindi kami nakakaagaw ng atensyon ng ibang tao.
"But you already made two mistakes, Miss Pascual, hindi naman ata tama na walang parusa ang ginawa mo," patuloy na ani ko pa.
"I will accept any punishment, Sir, huwag lang ho ang pagkawala ng scholarship ko. Pangako, hindi na rin po mauulit ang lahat ng ito," patuloy na pagsusumamo pa niya.
Mabilis naman akong tumayo at tinalikuran siya. Ngunit bago pa man ako lumabas sa nasabing lugar, isang bilin pa ang iniwan ko sa kanya.
"I will wait for you in the parking after your duty here and we will talk about your punishment," sabi ko pa bago tuluyang lumabas ng nasabing establisyimento.
Maeve Lailani Pascual Akala ko ay pagpunta na namin ni Mama sa Amerika ay magiging maayos na ang lahat, ngunit nagkamali ako. Dahil hindi pala ganoong kadali ang lahat. Dahil kahit mayroon na kaming pera na pangsuporta sa operasyon ni Mama ay hindi pa rin namin ito magawa dahil hanggang ngayon ay naghihintay pa rin kami ng donor para sa kanya.“Anak, bakit nandiyan ka? Dito ka sa tabi ko at maupo ka muna. Baka mangalay ka diyan at maapektuhan pa ang apo ko,” napabalik ako sa kasalukuyan dahil sa biglang pagsasalita ni Mama.Nilingon ko ang kanyang kinaroroonan at isang ngiti ang ibinigay sa kanya. “Kakatayo ko lang naman, Ma. Ang ganda lang kasi ng tanawin sa labas kaya napasilip po ako,” tugon ko naman rito habang naglalakad palapit sa kanya.Nang makaupo sa kanyang tabi ay bahagya ko pang hinimas ang aking tiyan na ngayon ay pitong buwan na. Ilang buwan na rin kami rito sa ospital ngunit dahil wala pa ring donor si Mama ay hindi pa rin maisagawa ang kanyang operasyon kaya naman wal
Muling nakatulog si Maricel dahil na rin sa kakaiyak matapos ikwento sa akin ang nangyari sa kanya noon. Nabanggit rin niya na kaya siya nakawala sa mga kamay ng mga bumihag sa kanya ay dahil na rin sa tulong ng isang nurse noon na tumitingin sa kanya. Nalaman kasi ng babaeng nurse ang tunay na nangyari sa kanya kaya naman nang makakuha ng pagkakataon ay nagawa siya nitong itakas.Noon ay hindi pa niya alam na nagdadalangtao siya kay Maeve, bunga ng panghahalay sa kanya ng ilan sa mga bumihag sa kanya noon, kaya naman nang malaman niya ang tungkol sa kanyang pagbubuntis ay muling nanumbalik ang kanyang takot—hindi lang para sa kanyang sarili kundi mas lalo na para sa batang nasa kanyang sinapupunan noong mga panahon na iyon.“Nakatulog na uli si Mama?” usisa ni Maeve matapos itong makapasok sa silid kung nasaan kami ni Maricel ngayon.Marahan ko namang inalalayan sa kanyang pagupo at bahagya pang hinila palapit sa akin. Hindi ko rin napigilan ang aking sarili na patakan ng halik ang k
I didn’t tell Maeve what I learned about her mom’s condition. Pinakiusapan ko rin si Doc. Harvey na ilihim ito sa babae alang-alang na rin sa pagbubuntis nito.“Are you sure you got enough rest last night? Pwede namang ako na muna ang pumunta sa ospital para bantayan si Maricel at ipapasundo na lang kita mamaya para makapagpahinga ka pa,” malambing na wika ko kay Maeve nang mapansin ang pagkaantok pa rin nito sa kabila ng mahabang pagtulog kagabi.Imbis na sumagot ay mas isiniksik pa nito ang kanyang mukha sa aking dibdib at mas iniyakap pa ang kanyang mga kamay sa aking katawan.We are still lying down on my bed despite the sun shining so brightly already. Pasado alas-otso na rin ng umaga ngunit hindi pa rin namin nagagawang mag-ayos na dalawa para sa aming pagpunta sa ospital.“Five more minutes, please. I’m still sleepy but I also want to check Mama’s condition as well,” inaantok na wika pa niya.Niyakap ko naman ito nang mas mahigpit pa at iniayos rin ang kumot na tumatakip sa kan
Atticus Soren CastilloSa kabila ng mga nangyari kanina lang, mas minabuti pa rin naming tumuloy papunta sa Amerika para sa gagawing gamutan kay Maricel. Ngunit imbis na tumuloy kami gamit ang regular na business class na eroplano, ay may pinili ko na lang na tawagan ang isa sa mga kaibigan ko para hiramin ang private plane nito na siyang magdadala sa amin sa ibang bansa. Isinama ko na rin ang ilang mga doktor at nurse para may aalalay sa amin kahit pa sinigurado naman nilang maayos na ang kalagayan ni Maricel para sa gagawin naming pagbiyahe.“Okay ka lang ba, Ma? Sabihin mo lang sa amin pag may nararamdaman ka, ha,” may pag-aalalang ani ni Maeve sa ina habang inaayos ang pagkakahiga nito sa maliit na kama sa loob ng eroplanong aming sinasakyan.Isang ngiti naman ang isinagot ni Maricel sa kanyang anak habang marahan ring hinahaplos ang kanyang mukha.“Maayos si Mama, anak. Wala kang dapat ipag-alala. Ang mas mabuti pa ay maupo ka na rin sa pwesto mo para makapahinga ka na rin. Baka
Walang patid ang pagpatak ng aking luha dahil sa nangyari; kahit pa sinabi na rin ni Soren sa akin na maayos na ang lahat, hindi pa rin mawala ang takot na nararamdaman ko.“Hey, stop crying now… Everything is fine now… ligtas na tayo,” may pag-aalalang ani ni Soren sa akin habang inaalalayan ako papunta sa may kama upang doon niya paupuin.Nagtungo rin ito sa mini ref na nasa loob lang din ng kanyang silid at saka naman kumuha ng isang maliit na bottled water para ibigay sa akin.“Here… drink some water and try to relax… baka makasama na kay baby ang sobra mong pag-iyak,” muling wika niya bago ako tinabihan sa kama. Kanya ring marahang hinahaplos ang aking likod para tuluyan na rin akong kumalma.“Anong nangyari? Bakit ang daming putukan kanina?” tanong ko naman sa kanya makalipas ang ilang sandali bago ako tuluyan na ring yumakap sa kanya dahil sa takot na patuloy kong nararamdaman sa aking sistema.Marahan namang hinahaplos ni Soren ang aking buhok habang ang isang kamay niya ay na
Maeve Lailani Pascual“Para saan ba ito? Saka bakit kailangan ko pang matutunan ang paggamit ng baril?” nalilitong tanong ko kay Soren matapos niya akong dalhin dito sa Sweet Spot Shooting Range sa loob mismo ng villa kung saan nakatayo ang isa pa niyang bahay. Nasa parehong subdivision rin ang bar na pinagtatrabahuhan ko noon at ang alam ko ay nandito rin ang bahay na tinutuluyan ni Jessica. Gusto ko nga sana itong tawagan para sabihing nandito ako ngunit nang maalala kong wala nga pala itong alam tungkol sa pagbubuntis ko ay napagpasyahan ko na lang na huwag na itong tawagan.“That’s for your safety. Saka for self-defense lang naman 'yan, mas mabuti na ang sigurado tayo,” paliwanag naman ni Soren bago muli iniayos ang aking kamay sa tamang posisyon ng paghawak ng baril.“Relax your arm and aim at your target. Magaan lang naman 'yang baril mo dahil pina-customize ko talaga 'yan para sa iyo, para hindi ka mahirapan,” muli wika pa niya.Muli ko namang inasinta ang target na nasa aming
Atticus Soren CastilloI was planning to wait for Maeve in my condo, but it makes me feel suffocated; that’s why I decided to go to the Rote Nacht since it was also near the place where Maeve was."Prof, napabisita ka? Tagal mo nang hindi napunta dito ah," gulat na sabi ni Drey nang makita ako sa b
Atticus Soren CastilloI hear a knock from outside of my office. I immediately look at it, checking who will come in. Hoping that it’s Maeve with the food that she prepared. Ilang araw na rin mula nang magsimula niya akong ipagluto, at aaminin kong hinahanap-hanap na ito ngayon ng panlasa ko. She a
"Ma, alis na po ako ha. Maaga pa po kasi ang pasok ko," mahinang sigaw ko habang nagtatali ng sintas ng aking sapatos. Si Mama naman ay saktong lumabas rin sa kanyang silid kaya naman naabutan niya ako sa ganoong tagpo."Anong oras ba ang klase mo, Maeve? Dapat ay sinabi mo sa akin para nakapagluto
Matalim kong tinitigan si Maeve na ngayon ay nasa aking harapan. Kanina pa nailagay sa aming mesa ang mga pagkain na inorder ko pero hanggang ngayon ay hindi pa rin ito ginagalaw ni Maeve at tahimik lang na nakamasid sa akin.“Eat your food now Maeve and stop staring at me,” matigas na sabi ko pa s







