Share

Chapter 6: Agreement

Penulis: GuemByoel
last update Terakhir Diperbarui: 2026-03-09 21:57:11

Maeve Lailani Pascual

Maya't maya akong tumitingin sa aking relo. Halos kalahating oras pa bago magtapos ang duty ko rito sa restaurant pero ang utak ko ay wala na sa aking trabaho. Mula kasi nang lumabas si Sir Soren kanina, isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin mawala sa aking isip ang kanyang sinabi, idagdag pa na mula rito sa counter kung saan ako nakatayo ay kitang-kita ko ang kanyang sasakyan at talagang inaantay ako.

“Maeve, nakatulala ka diyan, okay ka lang ba?” pagpukaw ni Nimr
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci

Bab terbaru

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 7: Secret

    “Luto na po ang adobo. Pwede niyo na pong tikman kung okay na ba ang lasa,” mahinang ani ko mula sa kusina. Kasalukuyan namang nanonood si Sir Soren sa may sala ngunit magkaganon man ay alam kong rinig niya pa rin ang aking sinabi.Nakita ko naman ang pagtayo nito at ang marahang paglalakad patungo sa aking pwesto. Maingat naman akong kumuha ng konting sabaw ng aking niluto at hinipan ito nang bahagya bago ito pinatikim kay Sir Soren na ngayon ay nasa aking harapan na.“Uhmm, taste good like what I thought,” wika pa nito bago marahang inalis ang buhok na nakasabog sa aking mukha. “I want to eat,” patuloy pa niya.Mabilis naman ang aking pagkilos dahil bukod sa nais kong maipaghain na siya para makauwi na rin ako ay ginamit ko na rin ang pagkakataon para makaiwas sa kanya. Dahil sa bawat pagdampi ng kanyang kamay sa akin ay tila ilang libong boltahe ng kuryente ang hindi ko mapigilang dumaloy sa buo kong sistema.“Maupo ka na lang po muna sa may mesa. Ipaghahain na kita para makakain k

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 6: Agreement

    Maeve Lailani PascualMaya't maya akong tumitingin sa aking relo. Halos kalahating oras pa bago magtapos ang duty ko rito sa restaurant pero ang utak ko ay wala na sa aking trabaho. Mula kasi nang lumabas si Sir Soren kanina, isang oras na ang nakakalipas ay hindi pa rin mawala sa aking isip ang kanyang sinabi, idagdag pa na mula rito sa counter kung saan ako nakatayo ay kitang-kita ko ang kanyang sasakyan at talagang inaantay ako.“Maeve, nakatulala ka diyan, okay ka lang ba?” pagpukaw ni Nimrod sa aking atensyon, marahil kanina pa niya ako kinakausap pero hindi ko naman siya napapansin dahil sa lalim ng aking iniisip.“Ahh.. oo naman, bakit pala? May kailangan ka ba?” ani ko na lang dito bago sinimulang bilangin ang pera na nasa kaha para maisulit ko na ito sa hahalili sa akin mamaya lang.“Wala naman, napansin ko lang kasi na parang ang lalim ng iniisip mo, may problema ka na naman ba? Pera na naman ba?” muling tanong pa nito.Matagal ko na ring kaibigan itong si Nimrod. Sa katunay

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 5: Absent

    Sa kabila ng puyat at sakit ng ulo na aking nararamdaman, pinilit ko pa rin ang aking sarili na bumangon at pumasok sa unibersidad. I have an early class today at eight in the morning kaya naman kahit nahihilo ay pinilit ko pa ring pumasok.My first class is Maeve’s class, kaya naman kahit na sobrang aga ng klase ko ngayon ay tila hindi ko ito alintana at tila nasasabik pa akong makita siya.Minus singko bago mag-alas otso ay nagtungo na rin ako sa kanilang silid na labis na ikinagulat ng lahat. Hindi naman ako nahuhuli sa aming klase, pero ito rin ang unang beses na pumasok ako nang mas maaga sa kanila dahil kadalasan ay sakto sa oras ako kung pumunta sa aking mga klase.“Good Morning Prof Soren,” bati naman ng ilan matapos makabawi sa kanilang pagkagulat.“Good morning too…” sagot ko naman bago ihanda ang aking laptop na gagamitin para sa aming klase.Nang matapos ang aking paghahanda sa aking mga gagamitin ay muli ko namang pinasadahan isa-isa ang aking mga estudyante kagaya ng mad

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 4: Craving for Her

    Atticus Soren CastilloAlas-onse na ng hatinggabi pero heto ako at buhay na buhay pa rin ang diwa. Nakailang bote na rin ako ng alak ngunit tila ba hindi pa rin ito umepekto sa aking sistema, dahil hanggang ngayon ay hindi pa rin mawala sa isip ko ang bagong estudyante ko. Na tila ba may nagtutulak sa akin para mas kilalanin pa ito.“F*ck,” pigil na mura ko pa bago nagpasyang bumangon na sa aking kama. Nagsuot lang rin ako ng may kakapalang jacket bago nagpasyang lumabas ng aking bahay.I tried to call Drey and the other boys, checking if they were free tonight, but no one answered; probably they are busy at this moment or sleeping. Sino ba naman kasing gising pa sa mga oras na ito, mukhang ako na nga lang ata.Instead of going to Rote Nacht, I just decided to go to a different bar nearby. Mas mabuti na nga rin siguro ito para kahit papaano ay walang nakakakilala sa akin.While driving my big bike, a certain bar named ‘Home Run’ caught my attention. Without wasting time, I immediately

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 3: Following the Rules

    "Maeve, okay ka lang ba talaga? Gusto mo bang samahan kita sa office ni Sir tutal pareho naman tayong late kanina," may pag-aalalang ani ni Jessica habang nag-aayos ako ng aking gamit. Kakatapos lang rin kasi ng aming klase kay Sir Soren at nagkataon naman na vacant ako, kaya naman mas minabuti ko na lang rin na ngayon na lang magtungo sa opisina nito kaysa patagalin pa ito."Hindi na Jessica, saka baka hindi naman dahil sa pagkalate natin kaya niya ako pinapatawag, kasi kung 'yun ang dahilan sana pareho tayo. Maybe it’s because of me being a transferee, baka may mga kailangan lang akong ayusin sa papel ko," nakangiti kong wika sa kanya."Sigurado ka ha? Basta mag-ingat ka," muling sabi pa nito na ikinatawa ko naman."Ano ka ba? Makapagsabi ka naman na mag-ingat ako, akala mo naman napakalayo ng pupuntahan ko eh diyan lang naman ako," sabi ko pa sabay turo sa opisina ni Sir Soren sa hindi kalayuan. Sinabayan na rin kasi ako ni Jessica papunta roon dahil hindi ko pa alam ang lugar.Nap

  • The Professor's Obsession (Twisted Desire Series 02)   Chapter 2: The Student

    Maeve Lailani Pascual"Kakarating mo pa lang anak, aalis ka na naman?" takang tanong ni Mama nang makita niya akong palabas ng aking silid. Wala pa kasi ni kalahating oras mula nang umuwi ako sa bahay mula sa part-time job na pinapasukan ko sa gabi at ngayon ay naghahanda naman ako para sa pagpasok ko sa eskuwela."May pasok ako Ma ngayon eh. Nakakuha kasi ako ng scholarship sa malapit na university dito sa atin. Sayang naman po ang oportunidad. Malay niyo naman po pag nakatapos na ako, makahanap ako agad ng magandang trabaho, di mas gagaan na ang buhay natin," nakangiting paliwanag ko naman kay Mama."Pero anak, baka naman ang katawan mo ang bumigay niyan. Wala ka na halos pahinga," may pag-aalala sa kanyang boses na wika pa niya.Mula kasi nang atakihin siya sa puso dalawang taon na ang nakararaan ay napilitan akong pagsabayin ang aking pag-aaral at ang pagtatrabaho. Paminsan nga ay mas inuuna ko pa ang trabaho kaysa sa aking pag-aaral kaya naman noong nakaraang sem lang ay napilita

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status