共有

KABANATA 122

last update 最終更新日: 2025-12-18 20:24:40

SANDRA’S POV

Dahil sa number of absences ko ay hindi ako nakasali sa Academic Champions nang magtapos ang academic year sa aking pangalawang taon sa kolehiyo. Ngunit, sa kabila noon ay nagpapasalamat pa rin ako dahil nairaos ko sa kabila ng alanging sitwasyo at ang aking mga pinagdaanan.

“Sandra!” napalingon ako nang marinig ang boses ni Kaydie mula sa aking likuran.

Papalabas na ako ng campus matapos makapag-enroll. Babalik din ako sa susunod na linggo dahil ipapa-enroll ko si Sidro dahil Senior High School na siya sa pasukan.

“Oh, Kaydie,” napalingon ako.

Bahagya siyang nakayuko habang nakahawak sa kaniyang tuhod. Nang maayos ang kaniyang paghinga ay tumingala siya sa akin at ngumiti nang malaki.

“Alam mo na ba ang balita?” Tanong niya na ikinakunot ng aking noo.

“Anong balita?” takang tanong ko.

Hindi niya ako sinagot, bagkos ay hinila niya ako paakyat sa Campus Director’s office. Nang makarating na kami sa tapat ng pintuan ay nakita namin mula sa glass wall si Mr. Sarmiento, ang d
この本を無料で読み続ける
コードをスキャンしてアプリをダウンロード
ロックされたチャプター

最新チャプター

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 125

    SANDRA’S POVKinagabihan ay naggising ako sa tatlong magkasunod na katok. Agad ko itong binuksan para madatnan ang isang babae na nakasuot ng admin uniform. Maliit siya at balingkinitan pero sobrang ganda ng mukha. Inaabot niya sa akin ang isang paper bag na may kung anong laman.“Your uniform, Dean gave it, wear it tomorrow,” nahihiyang sabi niya. Halata sa kaniya na nahihirapan siyang magsalita ng Ingles.“Thank you so much,” nakangiting sabi ko kaya nagpaalam siya agad.Isinara ko ang pintuan at saka binuksan ang paper bag. May apat na uniform na iba-iba ang kulay. May puti, brown, black, at saka red. May nameplate rin at dalawang pares ng black school shoes. May sulat din na naka-indicate na anong kulay ang isusuot sa Lunes, Martes, Miyerkules, at Huwebes. Mayroon ding dalawang poloshirt na parehong kulay violet para naman sa Spanish class sa weekends. Agad kong nilabhan ang mga iyon at mabuti na lamang at may dryer. Alas nuwebe pa naman bukas ang duty ko kaya naman may oras pa ak

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 124

    SANDRA’S POVMatapos ang halos apat na oras na biyahe papuntang airport ay sa wakas, nakarating na kaming taga Benison. Si Kaydie naman ay inihatid ng kaniyang mga magulang, maluha-luha pa ang mommy niya habang si Mr. Sarmiento naman ay hindi maiwasang mapayakap sa kanilang anak.Bago ako tumulak paalis ay ibinilin ko ang kapatid ko kay Tita Mirazel, pero nangako si Sidro na maghananap siya ng part-time job upang matustusan ang kaniyang pag-aaral. Sinabi ko sa kaniya na hindi na kailangan pero gusto niyang tumayo sa sarili niyang mga paa.“San, saang dorm ka ba?” Tanong ni Kaydie nang makasakay na kami ng tuluyan sa eroplano.“Dorm 19, actually magkatabi kami ng dorm ni Eya, iyong representative ng BS Biology,” sagot ko.Napatango naman si Kaydie saka napangisi kaya naman taka ko siyang tinignan.“Bakit?” Tanong ko.“Pwede kaya kitang bisita—” hindi niya natapos ang sana ay sasabihin nang magsalita ako.“Hindi! Bawal iyon, kaya nga magkalayo ang dorms ng mga lalaki at babae,” sagot ko

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 123

    SANDRA’S POVPagkauwi ko ng bahay, hindi pa rin humuhupa ang panginginig ng mga kamay ko. Parang hindi pa rin nagsi-sink in sa akin ang lahat. Ang opportunidad sa bansang Spain sa loob ng isang taon at bagong mundo ko roon. Ngunit sa bawat hakbang ko papasok ng maliit naming inuupahan, iisa lang ang laman ng isip ko.Si Sidro.Naabutan ko siyang nasa lamesa, abala sa pag-aayos ng mga papel para sa enrollment niya. May earphones siyang nakasabit sa leeg, at ang noo niyang kunot ay tila ba pasan na rin ang bigat ng mundo kahit labing-anim na taong gulang pa lang siya. Nakangiti ako habang nakatitig sa kaniya. Nakakatuwa lang na naipasa niya ang acceleration exam kaya siya na-promote sa Senior High School. Hindi ko pa rin makakalimutan kung gaano kasaya siya sa araw na iyon.Siya na lamang ang kayamanan kong natitira.Nang marinig niya ang pagbukas ko ng pinto ay agad siyang napalingon.“Ate, maaga ka?” tanong niya, kasabay ng ngiting matagal ko nang inuuwian kapag pagod na pagod ako.Um

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 122

    SANDRA’S POVDahil sa number of absences ko ay hindi ako nakasali sa Academic Champions nang magtapos ang academic year sa aking pangalawang taon sa kolehiyo. Ngunit, sa kabila noon ay nagpapasalamat pa rin ako dahil nairaos ko sa kabila ng alanging sitwasyo at ang aking mga pinagdaanan.“Sandra!” napalingon ako nang marinig ang boses ni Kaydie mula sa aking likuran.Papalabas na ako ng campus matapos makapag-enroll. Babalik din ako sa susunod na linggo dahil ipapa-enroll ko si Sidro dahil Senior High School na siya sa pasukan.“Oh, Kaydie,” napalingon ako.Bahagya siyang nakayuko habang nakahawak sa kaniyang tuhod. Nang maayos ang kaniyang paghinga ay tumingala siya sa akin at ngumiti nang malaki.“Alam mo na ba ang balita?” Tanong niya na ikinakunot ng aking noo.“Anong balita?” takang tanong ko.Hindi niya ako sinagot, bagkos ay hinila niya ako paakyat sa Campus Director’s office. Nang makarating na kami sa tapat ng pintuan ay nakita namin mula sa glass wall si Mr. Sarmiento, ang d

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   AUTHOR'S NOTE

    Hello mga mahal kong mga mambabasa!🙇🏻‍♀️ Kumusta po kayo? Maari po ba akong humiling? Sana po ay magkomento kayo ukol sa inyong mga saloobin sa kwentong ito. Labis ko pong ma-aapreciate iyon.😊 Maraming-maraming salamat po sa pagsubaybay sa kwentong ito, more power!🙇🏻‍♀️🙇🏻‍♀️🙇🏻‍♀️

  • The Prostitute Lover Of A Multi-Billionaire (WARNING: SPG)   KABANATA 121

    SANDRA’S POVBago pa man kami tuluyang makalabas ng court room ay naalerto kami nang may isang lalaki na nakaitim ang nahuli ng mga pulis. Pinadapa ito sa gitna habang pinoposasan.“Nautusan lang ako, pakawalan niyo po ako!” Sigaw ng lalaki.“Ano ang nangyayari dito?” Tanong ng hukom.“Nagbabalak po sanang pasabugin ang lugar na ito, mabuti nalang nabantayan at nahuli agad.” Sagot ng pulis na nagpoposas dito.“Sino ang nag-utos sa iyo?” Tanong ng hukom.At inginuso ng lalaki si Emily Mercer na nanlalaki ang mga mata. Itinanggi pa sana niya pero isinumbong na rin siya ng pulis na intern na nakarinig sa pakikipag-usap ni Emily sa telepono bago ang hearing. Ngunit, bago pa man makaalis si Emily ay binangga niya sa balikat sina Madam Rowena at Tita Mirazel na parehong mga nakayuko, habang ako naman ay matalim ang titig niya. Si Arthur naman at si Zillian ay parehong nakayuko habang nakasunod sa mga pulis kasama ang mga magulang nila na masasadlak na sa kulungan.Fives days later…“Ito an

続きを読む
無料で面白い小説を探して読んでみましょう
GoodNovel アプリで人気小説に無料で!お好きな本をダウンロードして、いつでもどこでも読みましょう!
アプリで無料で本を読む
コードをスキャンしてアプリで読む
DMCA.com Protection Status