LOGIN
Abala ang lahat sa loob ng Cafe dahil pasado alas siyete pa lamang ng umaga. Nakasuot ako ng simpleng white dress at itim na flat shoes habang nakalugay ang mahaba at wavy kong buhok. Wala akong kahit na anong make up, kahit man lang kaonting lipstick ay hindi ako naglagay.
Malamig ang aking mga palad habang mahigpit na nakakapit sa sling ng aking itim na bag na nakapatong sa marble table, katabi nito ang kapeng bago lamang i-sinerve at ensaymada na hindi tinipid sa cheese at kalamay. Nakaharap ako sa isang sopistikang babae na sa tansya kos nasa edad singkwenta pataas. May suot siyang mga mamahaling mga alahas, damit mula sa kilalang brand, at kutis na kahit hindi nadadampian ng ilaw ay sadyang kumikinang dahil sa kapusyawan. Kahit na may edad na ay halata na magandang-maganda ito. Napayuko ako nang suyurin niya ang aking kabuuan at muling tumingin sa akin. Bago siya nagsimulang magsalita ay sumimsim siya sa tsaa at saka marahan iyong inalapag. Elegante-elegante at sobrang sosyal nito. "So, you are Sandra?" mahinahon ang panimula ng tano ng kaniyang boses. "O-Opo, Sandra Asun—" hindi ko naggawang tapusin ang sana ay sasabihin ko nang magsalita siya. "I don't care about you," malumanay ang boses ngunit puno iyon ng 'di mapaliwanag na sarkasmo. "Let me get straight to the point, layuan mo ang anak ko." Sambit niya at tumingin sa akin. Napayuko ako nang mapagtantong ang tinutukoy niya ay si Arthur. Ang lalaking tanging nagparamdam sa akin na kamahal-mahal ako sa kabila ng aking mga pinagdaanan at uri ng trabaho. "H-Hindi k-ko... Hindi ko po magagawa iyan, ma'am... Mahal ko po ang anak ninyo." Sagot ko at diretsong napatingin sa kaniya. Mahinang siyang tumawa na puno ng sarkasmo. Puno ng panliliit habang patuloy na sinusuyod ang aking kabuuan. "Arthur is a gem and you are trash... Hindi kayo bagay, hija... Arthur will be handling our company sooner and I don't want him to be with a woman like you... Walang inang maghahangad na makapangasawa ng isang p*kpok ang kanilang anak, naiintindihan mo naman ako, hindi ba?" malumanay pa rin ang kaniyang boses. Hindi ako nakasagot sapagkat, sa mga oras na iyon ay ramdam ko ang kirot at bigat ng aking puso. "I want you to leave this place and never come back again... I don't want you to ruin my son's future life... And magkamatayan man, hinding-hindi kita matatanggap." Sambit niya at sumimsim ulit sa kaniyang tasa. Nanatili akong tahimik habang siya ay naghihintay pa rin ng sagot ko. Nakayuko ako habang ramdam ang pangingilid ng aking mga luha. Alam na alam kong mangyayari ito. Mayaman at maayos na pinalaki ng mga magulang niya si Arthur at ako? Isang hamak na ulila na kumapit sa patalim upang pag-aralin at buhayin ang sarili. Kailanman ay hindi ko ginusto ang aking trabaho, ngunit hindi ko rin maipagkakailang malaki ang kitaan at nakakatulong itong tunay sa akin. "Have this and leave this town... I think this is enough to cover your expenses for three years." Inabot niya sa akin ang isang tseke at muntik nang mahulog ang aking panga nang makitang tumatagaktak na twenty-million pesos iyon. "You can start a business or go abroad... Just don't let your foot take a step in here again... I know, Arthur will forget you eventually," dagdag niya. Kumirot ang aking dibdib nang marinig ang sinabi niyang iyon. Nag-angat ako ng mukha at masama siyang tinitigan. Sa kaniyang mismong harapan ay pinunit ko iyon dahilan upang mapangisi siya ng sarkastiko at taasan ako ng kilay. "Hinding-hindi ko tatanggapin iyan, ma'am... Mahal na mahal ko si Arthur at handa akong magbago para maging karapat-dapat ako para sa kaniya." Sambit ko. Tumayo siya at isang malutong na sampal ang natanggap ko dahilan upang magtinginan ang mga barista at ibang staffs ng Cafe na iniistaran namin. Parang walang nangyari na yumuko siya at kinuha ang kaniyang mamahaling bag at muli akong tinignan na nakahawak pa rin sa aking kaliwang pisngi. "Ang lakas ng loob mong magsalita nang ganiyan, nakikita mo ba ang sarili mo?" puno ng diin na sambit niya. "Madumi ka pa sa basahan at ang kaluluwa mo, kahit na hindi pa man nahihiwalay sa katawan mo'y nasusunog na sa impyerno at ito ang tatandaan mo, hinding-hindi ka nababagay sa anak ko." dagdag niya at nagmadaling umalis ng Cafe. Kasabay ng paglabas niya ang siya ring pagbuhos ng napakalakas na ulan na sinundan na malakas na ihip ng hangin. Hindi ko alintana sa mga oras na iyon ang malakas na buhos nito nang dali-dali akong lumabas kahit basang-basa. Hindi ako sumakay ng kahit anong transportasyon at hinayaan lamang na mabasa ako ng ulan habang naglalakad ako pauwi ng club house. Natatawa ako sa katotohanang walang masama sa mga sinabi ng Mommy ni Arthur. Ako itong ambisyosa na pakiramdam ay magkasing-antas kami ng lalaking nasa kaniya na ang lahat ng magandang katangian. Nang makarating ako sa gate ng Rowen's Club House ay napansin ko ang isang pamilyar na sasakyang nakaparada sa labas. Nakita ko mula sa hindi tinted na glass window nito na papalabas pa lamang si Arthur. Nanatili akong nakatayo, ilang dipa lamang ang layo sa kaniya habang malayang tumutulo ang aking mga luha. Pasipol-sipol siya habang may hawak na bouquet of roses at saka malaking teddy bear. Napangiti ako nang maalalang pangalawang taon pala namin ngayon bilang magkasintahan. Nang humarap siya ay pinahid ko ang aking mga luha at ganoon na lamang ang kaniyang gulat nang makita ang aking itsura. "Baby, why are you here? Let's get—" hindi niya na naggawang tapusin ang sana ay sasabihin niya nang magsalita ako, puno ng diin at tila hindi ko kilala ang sarili ko sa mga oras na iyon. "Tapusin na natin ito, Arthur," walang emosyong sambit ko. Rumehistro ang gulat sa kaniyang mukha nang marinig ang aking sinabi. Parang sinasaksak ng ilang libo-libong kutsilyo ang aking puso nang makitang nagsisimula nang mangilid ang kaniyang mga luha. "Ano ba ang sinasabi mo, Sandra? Why are you doing this to me? May naggawa ba akong masama? Did I hurt you in a way that I don't know? Please tell me." Nabasag ang kaniyang boses nang sabihin iyon ngunit nanatili akong prente sa aking desisyon. Sinubukan niya akong hawakan, ngunit tinabig ko ang kaniyang kamay dahilan upang mas lalong rumehistro ang sakit sa kaniyang napakagwapong mukha. "P-Please, t-tell m-me, w-what d-did—" pinutol ko ulit ang kaniyang sinasabi sa pamamagitan nang mahinang pagtawa. "Alam mo, hindi ko nga alam kong bakit ako pumatol sa iyo eh! Napaka-dominante mo, napaka-demanding mo, minsa'y agresibo at palaging mainitin ang ulo. Napagtanto ko lang na hindi ako nababagay sa isang tulad mo kasi, simula nang maging tayo ay hindi ko na nagagawa ang mga gusto ko, wala na ring mga customers—" hindi ko natapos ang sana ay sasabihin ko nang bigla siyang lumuhod sa harapan ko. Basang-basa na rin siya ng ulan at nagkakaputik na ang kaniyang leather shoes at gray pants. Naglandas ang kaniyang mga luha habang nakahawak sa aking mga kamay. "Magbabago na ako, please, huwag mo akong iwanan. Kahit na tumanggap ka ng customers gabi-gabi, kahit na bumalik ka ulit sa pakikipag-table ay okay lang, please." Humahagulhol siya. Tumingin ako sa gilid habang pigil na pigil sa aking mga luhang palandas na. Itinulak ko siya at tinapunan ng malamig na tingin. "Naririnig mo ba ang sarili mo, Arthur? Hindi tayo bagay, naiitindihan mo ba? Madali akong manawa, lalong-lalo na kapag sa taong natikman ko na." Sagot ko habang sumisigaw. "I know there's a deep reason behind this, baby... Please tell me." Umiiyak siya habang yakap-yakap ako sa bewang. Punong-puno na ng putik ang kaniyang mga suot nang bumagsak siya sa putikan nang muli ko itong itulak. "Umalis ka na, Arthur. Tapos na tayo." Sambit ko at tinalikuran siya. Tumakbo siya at hinabol ako ng yakap, ngunit itinulak ko ulit siya. Kataka-takang agaran itong natumba dahil wala na itong lakas habang umiiyak. Agad kong isinara ang gate at pumasok sa pintuan sa likuran. Rinig na rinig ko pa ang pagkalampag niya ng gate dahilan upang kaladkarin siya ng mga security guards papaalis. "Sandra, baby!" Tawag niya sa akin na rinig na rinig sa likurang bahagi ng club. Impit na iyak ang aking ginawa habang basang-basa ang aking mga mata sa luha maging ang aking pisngi na namumula pa mula sa pagkakasampal ng mommy niya. "S-Sorry," tanging usal ko. Muntik akong mawalan ng balanse nang maglakad ako upang maupo sa upuang sira na sa likurang bahagi upang doon umiyak nang umiyak. Eksaktong abala ang lahat sa club at ang ibang kasama ko'y tulog pa. Kahit na nanginginig ay dali-dali akong tumakbo papunta sa aking kwarto at agad na nag-impake. Nang makalabas nang walang nakakapansin ay pumara ako ng taksi bitbit ang kakarampot na ipon ko sa pag-t-trabaho. Kanina pa nakaalis si Arthur kaya nagkaroon ako ng pagkakataong makaalis. Kung ito ang mas nakakabuti sa amin ay gagawin ko. Kahit kamuhian niya ako sa ginawa kong pang-iiwan ay tatanggapin ko ang galit niya. Mahal na mahal ko siya na hindi ko kayang mabuhay siya kasama ako, habang nakakarinig ng magagaspang na salita mula sa ibang tao. Tama ang mommy niya, hinding-hindi kami nababagay sa isa't-isa.SANDRA'S POVAng pool area ay iluminado ng maliliit na ilaw na nakasabit sa mga sanga ng puno. Parang mga bituin na bumaba mula sa langit at tahimik na nakisalo sa aming hapunan. Sa gilid ay kumikislap ang tubig ng pool, sumasalamin sa mga ilaw at sa mahinang galaw ng hangin.Maayos na naihanda ni Zillian ang mesa. May puting tablecloth, ilang kandila sa gitna, at ang mainit na kare-kare na niluto namin ni Ate Lora ay nasa malaking mangkok na may usok pang dahan-dahang umaangat. Ang amoy ng peanut sauce, bagoong, at bagong lutong kanin ay kumalat sa hangin. Matagal na akong hindi nakakaupo sa ganitong klaseng hapunan. 'Yong hindi nagmamadali, 'yong walang iniisip na trabaho o deadline, at 'yong puro lang pamilya.Nagsimula kaming kumain habang nagkukuwentuhan.“Okay,” sabi ni Zillian habang nagsasalin ng kare-kare sa plato niya, “ikaw naman ang bida ngayong gabi.” 
SANDRA'S POVAng biyahe papunta sa bahay ni Lola Zaniella ay parang isang mahabang buntong-hininga na matagal ko nang hindi nailalabas. Tahimik ang kalsada, ngunit sa loob ng sasakyan, puno ito ng mga kuwento, tawanan, at mga alaala na tila sabay-sabay na bumabalik sa akin.Nasa passenger seat si Lola Zaniella habang ako at si Zillian ay nasa likuran. Bahagyang nakabukas ang bintana kaya pumapasok ang malamig na hangin ng hapon. Sumasayaw ang mga dahon ng puno sa gilid ng kalsada habang dahan-dahan kaming bumabagtas sa pamilyar na daan. Hindi ko namalayan kung gaano ko sila namiss hanggang sa sandaling iyon.“Hindi mo man lang kami binalaan na uuwi ka, Ate Sandra,” pabirong sabi ni Zillian habang nakasandal ang ulo sa upuan. “Namiss ka namin sobra, Ate!"Napangiti ako.“Kung sinabi ko, baka hindi ako makaalis,” sagot ko. “Baka pinigilan n
SANDRA’S POVUnang araw ng practice for graduation.Maaga pa lamang ay puno na ng ingay ang buong auditorium ng Benison. May mga estudyanteng nagkukumpulan sa kani-kanilang mga grupo, may mga tumatawa, may mga abalang nag-aayos ng kanilang toga measurements, at may ilan ding katulad ko na tahimik lamang na nakaupo habang pinagmamasdan ang paligid.Hindi ko maiwasang mapangiti.Ito na talaga iyon.Ilang linggo na lamang at tuluyan na kaming magtatapos.Sa harap ng stage ay nakatayo si Kaydie Seth Sarmiento. Nakasuot siya ng simpleng polo at slacks habang kausap ang ilang professors. Kahit sa simpleng ayos ay hindi maitatago ang presensya niya.Hindi rin naman nakapagtataka.Siya ang Summa Cum Laude ng buong graduating batch ng Benison University.Ang valedictorian.Napangiti ako habang nakatingin sa kaniya. Hindi lang dahil sa matalino siya, kun'di dahil kaibigan ko siya. Ako naman ang sumunod sa kaniya bilang Magna Cum Laude at si Rina ang sumunod sa akin. Dahil doon, halos hindi magk
SANDRA’S POVAraw ng Martes at iyon na ang araw ng huling paghahanda namin para sa application for graduation. Maaga akong nagising nang araw na iyon. Hindi dahil sa alarm, kundi dahil sa kakaibang kaba na matagal ko nang hindi nararamdaman. Parang may maliit na ibon sa loob ng dibdib ko na walang tigil sa pagaspas ng pakpak, hindi ko alam kung dahil ba iyon sa saya o sa takot na baka may mangyaring mali sa huling hakbang na ito.Habang naglalakad ako papunta sa registrar’s office ng unibersidad, mahigpit kong hawak ang folder na naglalaman ng lahat ng requirements ko. Mga transcript, clearance, at kung anu-ano pang papeles na ilang linggo kong pinag-ipunan ng pagod at puyat.Running for Magna Cum Laude.Napangiti ako nang maalala iyon at isang punto na lang sana. Isang maliit na numero na sana’y nagdala sa akin sa Summa Cum Laude.Ngunit hindi ko iyon nakuha.Hindi dahil sa hindi ko kayang abutin, kundi dahil may isang semester na bumagsak ang ilang grado ko, ang semester na halos hi
SANDRA’S POVKinabukasan, masakit pa rin ang mga mata ko pagkagising ko. Hindi lang dahil sa puyat, kundi dahil sa iyak na parang hindi kailanman natapos kagabi. Namamaga ang mga talukap ko, mabigat ang ulo ko, at bawat pagpikit ko’y may kasamang alaala ng ulan, ng yakap, at ng boses na pilit kong ibinaon sa limot pero ayaw tumahimik.Sa harap ng salamin, tinitigan ko ang sarili ko. Mukha akong pagod at mukha akong talunan.Pinilit kong maglagay ng konting concealer sa ilalim ng mga mata ko, umaasang kahit papaano ay matatakpan ang mga bakas ng gabing hindi ko dapat binalikan. Ngunit kahit anong gawin ko, hindi natatakpan ang bigat na nakaukit sa dibdib ko.Ilang test na lang at mag-eend na. Graduation na ang susunod kong haharapin. Mga dokumento, pirma, clearance, at mga bagay na dapat ikinatuwa ko. Ito ang hinintay ko at ito ang pinaghirapan ko.Pero bakit parang ang puso ko ang ayaw sumabay?Sa loob ng taxi papuntang Benison,
SANDRA’S POVNgunit ganoon na lamang ang paninigas ng aking buong katawan nang bigla siyang lumingon sa aking direksyon.Parang bumagal ang mundo.Sandaling rumehistro sa kaniyang mukha ang matinding pagkagulat, ang mga mata niyang kanina lamang ay malayo at lutang ay biglang nagkaroon ng buhay na para bang may isang multong biglang nagpakita sa harap niya. Samantalang ako, nanatiling nakatayo, parang estatwang inukit ng takot at damdaming hindi ko kayang pangalanan.“A-Arthur,” ani ko, halos pabulong, ngunit sapat para marating siya.Mapupungay ang kaniyang mga mata, at sa paraan ng bahagyang pag-ugoy ng kaniyang katawan, alam kong nakainom siya. May amoy ng alak na hinahalo ng alat ng dagat at ng malamig na hangin ng gabi. Nang tuluyang mag-register sa kaniya ang boses ko, unti-unting nawala ang gulat sa kaniyang mukha at napalitan ng isang blankong ekspresyon, isang pader na pamilyar na pamilyar sa akin.Nagpagpag siya nang ma







