Pinalabas ni Nathalie ang make-up artist bago ipagpatuloy ang pagbabasa sa sulat. Nahintatakutan s'ya nang mabasang, kung hindi s'ya susunod sa gusto ni Michael ay hindi lang si Nigel ang mapapahamak, kundi maging ang mga tao sa simbahan dahil meron itong bomba na iniwan doon.Dinampot n'ya ang kanyang cellphone at tatawag sana s'ya ng pulis, ngunit habang nasa kalagitnaan ay may biglang tumawag sa kanya. Nang makita ang hindi nakarehistro numero ay kinansela n'ya iyon ngunit muli itong tumawag. Kinansela n'ya uli iyon ngunit muli uli itong tumawag. Ilang ulit iyong nangyari hanggang sa mainis na si Nathalie. Dahil sa pagpipilit nito ay sinagot na n'ya ang tawag nito, ngunit natigilan s'ya nang marinig ang sinabi ng nasa kabilang linya:"Huwag kang magkakamaling tumawag ng pulis, kung hindi ay baka mapindot ko itong remote ng bomba na hawak ko."Walang kaalam-alam si Nathalie na ang kanyang kausap ay naroon lang sa isang cafeteria na malapit lang sa hotel na kinaroroonan n'ya. Meron
Hindi sinabi ni Nathalie sa kahit na sino sa kanyang pamilya ang sinabi ni Lorraine, maging kay Nigel ay hindi din n'ya ito sinabi dahil ayaw n'yang mag-alala ang mga ito.Kinabukasan ay tinawagan s'ya ni Lorraine at sinabing makipagkita sa kanya. Nagtungo si Nathalie sa isang private room ng isang restaurant at kinatagpo ang may-edad na doktora. "Mie, ano ba ang nangyayari? Ano ba ang balak sa akin ng pamangkin mo, e hindi ko naman s'ya kilala?""Maaaring hindi mo s'ya maalala o maaari din na hindi mo s'ya kilala, pero sa tingin ko ay kilalang-kilala ka nya." Napamaang si Nathalie hanggang sa ibahagi ni Lorraine ang tungkol sa pamangkin'g si Michael at ang natuklasan niya dito:May history ng isang klase ng mental disorder ang isang side ng pamilya ni Michael at namana n'ya iyon. Ngunit hindi lamang iyon ang dahilan ng pagkakaroon ng sintomas nito, dahil na-frustrate din ito na nagpa-trigger dito. At ang dahilan ay si Nathalie."A-ako?" Gulat na tanong ni Nathalie habang nakaturo sa
Tumakbo si Nigel papunta sa babae at sinunggaban ang kamay nito, mabuti na lamang ay naagapan n'ya. Napigilan naman n'ya ito ngunit nahiwa s'ya ng kutsilyo. Tiniis ni Nigel ang hapdi sa kanyang kamay at puwersahang inagaw ang kutsilyo. Matagumpay n'yang nakuha iyon at ibinato sa malayo-layo, pagkatapos ay inalis n'ya ang mask ng "katulong" Tumambad sa kanyang harapan si Elaine. "Sinasabi ko na nga ba!"Agad lumayo si Elaine at dinukot ang isang maliit na baril mula sa kanyang bulsa, itinutok n'ya iyon kay Nigel. "Hindi ako makakapayag na mauunsyami na naman ang plano ko. Bakit ba kasi lagi kang nakikialam? E di sana ay nailigpit ko na si Nathalie!..... Ito ang tandaan mo Nigel, kung hindi ka rin lang magiging akin, hindi ka rin mapupunta sa iba!""Bakit Elaine, balak mo na rin ba akong patayin? Puro kasamaan na lang ba talaga ang alam mong gawin? Hindi mo pa nga napagbabayaran ang mga ginawa mo noon, ngayon ay gusto mo na namang pumatay?...... Ibaba mo yan!""Hndi!" Sigaw ni Elaine. "
Matapos ang pagdinig ay nanalo sila Elaine at Butch, iyon ay dahil ang ginamit nilang dahilan ay ang pagkakaroon ng malalang migraine ni Elaine na pinatotohanan naman ng warden at ng mga presong nakasama ni Elaine sa loob ng piitan.Habang nagdidiwang ang magkasintahan ay kulimlim naman ang mukha nila Nigel. Dismayado ang mga ito dahil malaki ang kumpiyansa nilang mananalo sila dahil malakas ang kanilang ebidensya, dahil naaktuhan ng mga pulis si Elaine nang pagtangkaan nito ang buhay ni Nathalie sa surgery room. Hindi nila akalaing meron palang sakit ito, ngunit hindi din nawala ang pagdududa sa kanila na baka hindi iyon totoo at baka gumamit lang ang mga ito ng panunuhol.Sinulyapan ni Elaine ang kampo nila Nigel at ngumisi. Gusto sana nyang ipamukha sa mga ito na walang magagawa ang mga ito sa kanya, ngunit nagpigil lamang s'ya dahil kailangan nyang umasta na parang s'ya ang biktima sa paningin ng kanyang nobyo.Paglabas nila Nigel ay nagulat sila nang masalubong nila ang papasok
Bago pumasok sa kumpanya ay dumaan muna si Nigel sa hospital para kumustahin ang lagay ni Nathalie."Hindi ka pa ba aalis? Baka marami kang trabahong gagawin. Kaya ko namang magtulak ng wheelchair nang mag-isa e." Ani Nathalie."Bakit pinapaalis mo na ako, e gusto pa kitang makasama?" Itinulak ni Nigel ang wheelchair papunta sa isang stone bench, itinabi n'ya ang wheelchair ni Nathalie doon saka s'ya naupo. "Nat, hindi ko pa pala ito nasasabi sa'yo, pero meron akong nadiskubre kay Elaine."Napukaw ang atensyon at kuryusidad ni Nathalie. "Ano?""Kumuha ako ng private investigator at pinapunta ko s'ya abroad, kung saan nagtago si Elaine para paimbestigahan ang naging buhay n'ya doon. Alam mo bang meron pala siyang boyfriend na foreigner doon?""May boyfriend na pala s'ya, bakit gusto pa rin n'yang makipagbalikan sayo?""Knowing Elaine, sa ilang taon ng relasyon namin ay unti-unti ko ring nakita ang pagiging makasarili n'ya. Yung parang akala mo ay sa kanya lang umiikot ang lahat."Tinin
"Nigel, sigurado ka ba dito sa plano mo? Si Nathalie.... paano kung...." Pag-aalala ni Lucille. Nasa isang dako sila na hindi naman malayo sa kinaroroonan ng kuwarto ng anak. "Tita, alam ko po kung ang inaalala n'yo. Huwag po kayong mag-alala, kagaya ng sinabi ko, hindi ko hahayaang may mangyari kay Nathalie." Maya-maya ay bigla nag-alarm ang cellphone ni Nigel. "Tara na po." At dali-dali silang pumasok sa kuwarto ni Nathalie. Pagdating doon ay naroon na ang mga pulis, nakatutok ang mga baril nito sa natigilan at natulalang si Elaine.Isang hakbang na lang sana ang kailangang gawin ni Elaine at magtatagumpay na sana s'ya sa pagdispatsa kay Nathalie nang bigla magkaroon ng alarm sa loob ng kuwarto. Sa gulat ay nabitiwan niya ang disinfectant, bumagsak yun at natapon sa sahig. Kasunod ng alarm ay ang biglaang pagdating ng mga pulis. Napataas na lang siya ng mga kamay nang tutukan s'ya ng mga ito ng baril. Nang pumasok sila Nigel ay ganoong eksena ang kanilang inabutan.Dumating din ang