Share

Chapter 30

"Ang sarap naman nito," sabi ko habang hawak-hawak ang isang parte ng manok at habang may laman na pagkain ang aking bibig.

Hindi naman kumibo si Michael na busy rin sa pagkain. Hindi naman talaga siya kumakain, parang nakatingin lang siya sa pagkain niya habang nilalaro ang hawak niyang kutsara.

"Ah, hindi ka ba kakain?" tanong ko.

Tinignan naman niya ako ng mabilis bago siya umupo ng maayos.

"I'm already done," sagot niya sa akin at saka binitawan ang hawak niya kaninang kutsara.

Kinagat ko naman ang pang ibaba kong labi.

"Hindi ka pa nga sumusubo kahit isa," sabi ko bago ko itinuro ang plato niya.

Tumingin naman siya sa kaninang pinagkakainan niya bago niya ibinalik sa akin ang kanyang mga mata.

Akala ko may kung ano siyang sasabihin, ngunit ibinuka lang niya ang kanyang bibig, pero wala naman kahit isang salita ang lumabas mula sa kanyang labi.

Nanatili kaming tahimik na dalawa ng ilan pang minuto bago siya

Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status