LOGINPagkalipas ng limang taon.
"Daddy's in there ba, kuya? Are you sure?" inosenteng tanong ni Zarah sa kanyang kuya habang nakatingin sa kabilang gusali gamit ang binoculars.
"Yes, sigurado ako. Kailan pa ba ako hindi naging sigurado? Nakita ko mismo na pumasok siya sa building na iyan," sagot ni Zayne na hindi man lang nilingon ang kapatid dahil abala sa ginagawa niya sa laptop niya. "Nakita ko ang picture niya sa cellphone ni Mommy. Siya ang masamang daddy na iyon."
"Anong ginagawa mo, kuya?" nagtatakang tanong ni Zarah nang lingunin ang kapatid.
"Ang masamang daddy na iyon ay sinaktan si Mommy. Ayaw mo bang ipaghiganti natin si Mommy?"
"Maghiganti?" tanong muli ni Zarah habang nakakunot na ang noo.
"Yes! May kasamang ibang babae ang masamang daddy na iyon at hindi mo ba napapansin na dahil doon ay malungkot si Mommy? Kailangan nating turuan ng leksyon ang masamang daddy na iyon para kay Mommy."
Nakatuon ang mga mata ni Zayne sa laptop niya. Mahusay na gumagalaw ang kanyang maliliit at mapuputing mga daliri sa keyboard ng maliit na laptop na binili talaga para sumakto sa kanya. Sinong mag-aakalang ang limang taong gulang na batang ito ay isang genius?
Pagkaraan lamang ng ilang minuto ay buong kumpiyansa niyang pinindot ang enter key. Sa isang iglap ay tuluyang nawalan ng kuryente ang buong gusali ng Venido Empire.
"Nagawa ko rin!" tuwang-tuwang saad ni Zayne.
Humanga naman si Zarah sa kanyang kuya saka masiglang pumalakpak at namimilog pa ang mga mata. "Ang galing-galing talaga ng kuya ko! Ang galing-galing ni Kuya Zayne!"
"It's not yet done. Mayroon pang kasunod. Watch and you'll see."
Sinong mag-aakalang ang dalawang batang nag-uusap ay pawang mga limang taong gulang lamang. Sa halip na naglalaro ay gumagawa na ng mga bagay na gawaing pangmatatanda.
---
Samantala, sa conference room ng Venido Empire....
Kalahating oras na ang lumipas nang simulan ang meeting nang biglang kumurap-kurap ang mga ilaw at ilang sandali pa ay tuluyang binalot ng kadiliman ang buong silid.
May sarili at nakalaang power supply system ang Venido Empire, kaya hindi pa kailanman nangyari ang ganitong malawakang pagkawala ng kuryente. Kahit pa mag-blackout sa buong syudad, ang Venido Empire ay hindi mawawalan ng kuryente.
Ngayon pa ito nangyari na naroon ang mga kilalang CEO ng nangungunang mga kumpanya sa bansa.
Baka planado ito?
Napuno ng kaba at mga tanong ang isip ng bawat isang naroroon sa silid. Isa-isa nilang inilabas ang kanilang mga cellphone upang gawing ilaw.
Nakaupo si Jander sa pwesto ng pinakakabisera ng mesa. Kalmado lamang niyang itinaas ang kanyang kamay at sumenyas kay David na nasa likuran niya. Agad naman itong lumapit sa kanya. "Alamin mo kung ano ang nangyayari."
Pagkasabi niyon ay biglang nagliwanag ang malaking LCD screen sa harapan. Pagkatapos ay may isang animated na baboy-ramo ang tumatalon sa screen habang sumasayaw ang pwitan nito.
Sa noo ng baboy-ramo ay may nakasulat na pangalan.
Jander Venido
Kumunot ang noo ni Jander at napataas pa ang kilay.
Pagkatapos ay may isang animated na bata ang sumakay sa likod ng baboy-ramo. Hinahampas nito ang pwitan ng baboy-ramo habang sumisigaw.
"Tumakbo ka, Jander, na isang baboy-ramo! Takbo! Takbo! Dapat magpakabait ka dahil kung hindi ay leletsunin kita!"
Isang nakabibinging katahimikan ang bumalot sa buong silid.
Biglang napaupo nang maayos si Jacob na malapit lang kay Jander. Nanlaki ang mga mata niya habang nakatitig sa screen at bahagyang kumibot ang kanyang mga labi habang pinipigilan ang matawa.
Patuloy na hinihila ng bata ang mga tainga ng baboy-ramo habang nagwawala ito. Patuloy din ang pagsigaw ng bata. "Sinabi kong magpakabait ka, Jander, at baka maletson na talaga kita!"
"Sino ba ang may pakana niyan?" Hindi na napigilan ni Jacob ang sarili at tuluyan na ngang napatawa. "Sino kaya ang gumawa nito?"
Habang si Jander naman ay walang emosyon na nakatingin lang sa screen. Pero ang kanyang madidilim na mga mata ay puno ng kalamigan at nagbabantang galit.
Natapos din ang video.
Sa sumunod na sandali ay bumalik ang liwanag sa lahat ng ilaw at nasilayan ang mga ekspresyon ng lahat na kanina ay natatago sa dilim. Pawang mga nagpipigil ng kanilang tawa.
Biglang bumigat ang hangin sa silid.
"David!" Lumingon si Jander at nakita niyang nakayuko si David, mariing nakapikit at tikom ang mga labi habang buong lakas na pinipigilan ang kanyang tawa.
Halos mangitim sa galit ang mukha ni Jander. Bago pa man tuluyang maitago ni David ang kanyang maliit na ngiti ay isang matalim na titig na ang dumapo sa kanya. Nilukuban siya ng takot. Pakiramdam niya ay sinabuyan siya nang malamig na tubig.
"May nakakatawa ba?"
Isang mapanganib na senyales ang naramdaman ng lahat kaya sabay-sabay silang nanigas.
Nanginginig na umiling si David. Muling bumalot ang katahimikan sa buong conference room na para bang nagyelo ang lahat sa ilalim ng malamig at madilim na titig ni Jander.
Matapos ang mahabang sandali ay ibinaba ni Jander ang kanyang ulo at nagsimulang maghalungkat sa mga dokumento. Nanatiling malamig at seryoso ang gwapo niyang mukha.
"Ano pa ang hinihintay ninyo? Kailangan ko pa bang sabihin na imbestigahan ninyo kung anong nangyari!"
...
Hawak-hawak ni Zayne ang kanyang tiyan habang malakas na tumatawa. Muntik pa siyang matumba sa sobrang tuwa. Binibigyan lang naman niya ng kaunting leksyon ang masamang taong iyon para malaman nito ang magiging kapalit ng pananakit sa Mommy nila.
Pero hindi magandang manatili pa sila roon kaya bitbit ang bag na naglalaman ng laptop niya ay nilingon niya ang kambal. "Umalis na tayo rito, Zarah!"
Nilagay na rin ni Zarah an laruan niyang binoculars sa kanyang maliit na bag. Hinawakan ni Zayne ang kanyang kamay at sabay silang masayang lumabas ng gusaling iyon. Lumulukso-lukso pa na tila mga kuneho.
Pero paglabas nila ay may isang kotse ang biglang huminto sa harapan nila at hinarangan ang kanilang daan.
Sa isang iglap ay namutla nang husto ang mukha ni Gabby. Mabilis siyang napatingala at bahagyang nanginginig ang kanyang katawan.Nasa harapan niya ang isang mukha na napakapamilyar ngunit tila naging mas estranghero matapos ang limang taon."J-Jander..." Mabilis na lumingon si Gabby upang tingnan ang dalawang batang nakapasok na sa boarding bridge. Agad na tumakbo pabalik sa kanya si Zarah pero pinigilan siya ng kalmadong si Zayne.Nakita ni Gabby na umiling si Zayne nang walang imik. Laging alerto at matalino ang anak niyang ito. Nag-aalalang tumingin ito sa kanyang ina bago agad na hinawakan si Zarah at dinala ito sa gitna ng mga tao, pagkatapos ay nagtago sa loob ng eroplano.Mabuti na lamang at nakatuon kay Gabby ang buong atensyon ni Jander, kaya hindi nito napansin ang dalawang bata.Nang makita iyon ni Gabby, bahagyang gumaan ang kanyang kalooban. Ngunit nakatutok pa rin sa kanya ang madilim at malamlam na mga mata ng lalaki.Pinatatag ni Gabby ang kanyang loob at muling tumin
"Kamukhang-kamukha niya nga!" Nakatutok ang matatalim na tingin ni Jander sa kotse at naniningkit ang kanyang mga mata sa kagustuhang makita ang babae nang maayos."Sir, ayos sa location data ay mabilis ang paglayo ng taong iyon."'Ang kotseng iyon!' Hindi na nagdalawang-isip si Jander at kaagad na nag-utos. "Habulin ang kotseng iyon!"Malakas ang kutob niyang ang babaeng nakita niya kanina ay ang babaeng nakasama niya noon at naging asawa— si Gabriela Montejo.---Sa loob ng kotse ay kaagad na tinawagan ni Gabby ang kanyang matalik na kaibigang si Sheena."Hello, Gabby? Napatawag ka? May nangyari ba?" sunud-sunod na tanong ni Sheena."Kailangan muna naming bumalik sa United States," sagot ni Gabby habang maingat na nagmamaneho."Ano? Babalik ka sa United States? Kakauwi mo pa lang! Anong nangyari? May problema ba?"Nagmamadaling ikinuwento ni Gabby kay Sheena ang nangyari. Pagkarinig nito ay tatlong beses na napasigaw si Sheena. "Grabe! Talagang ang galing ng kambal! Magaling, Zayne
Kaagad na bumaba si Gabby mula sa kotse. Kagagaling lamang niya sa operating room at gumugol ng mahabang oras sa pag-opera sa isang pasyente ng araw na iyon. Ni hindi pa siya nakakahinga nang maluwag nang tawagan siya ng yaya at sinabing nawawala ang kambal. Sa sobrang gulat at kaba niya ay kaagad siyang nataranta."Mommy!" Masayang tumakbo si Zarah at sumugod sa mga bisig ni Gabby. "Miss na miss ko na si Mommy!"Lumuhod si Gabby at walang magawa kundi yakapin ang dalawang bata. Nang pumunta siya roon ay galit pa siya at determinado na sa pagkakataong ito ay pagagalitan niya nang husto makukulit na batang ito.Pero hindi kayang tiisin ni Gabby ang kanyang mga anak, lalo pa at cute-cute ng mgaa ito. Kaya agad na nawala ang kanyang galit. Ang magagawa na lamang niya ngayon ay piliting maging seryoso ang kanyang mukha. "Kayong dalawa! Saan-saan na naman ba kayo nagpupupunta? Alam ba ninyong sobra akong nag-alala?""Sorry, Mommy. It's my fault po." Sumimangot si Zarah habang humihingi ng
Pagkalipas ng limang taon."Daddy's in there ba, kuya? Are you sure?" inosenteng tanong ni Zarah sa kanyang kuya habang nakatingin sa kabilang gusali gamit ang binoculars."Yes, sigurado ako. Kailan pa ba ako hindi naging sigurado? Nakita ko mismo na pumasok siya sa building na iyan," sagot ni Zayne na hindi man lang nilingon ang kapatid dahil abala sa ginagawa niya sa laptop niya. "Nakita ko ang picture niya sa cellphone ni Mommy. Siya ang masamang daddy na iyon.""Anong ginagawa mo, kuya?" nagtatakang tanong ni Zarah nang lingunin ang kapatid."Ang masamang daddy na iyon ay sinaktan si Mommy. Ayaw mo bang ipaghiganti natin si Mommy?""Maghiganti?" tanong muli ni Zarah habang nakakunot na ang noo."Yes! May kasamang ibang babae ang masamang daddy na iyon at hindi mo ba napapansin na dahil doon ay malungkot si Mommy? Kailangan nating turuan ng leksyon ang masamang daddy na iyon para kay Mommy."Nakatuon ang mga mata ni Zayne sa laptop niya. Mahusay na gumagalaw ang kanyang maliliit at
"Ipalaglag mo ang bata at bibigyan kita ng sampung bilyon."Hindi makapaniwala si Gabby sa narinig. Napahigpit ang hawak niya sa resulta ng pregnancy test pero pilit na pinapanatili ang kanyang pagiging kalmado kahit na ang totoo ay gusto niyang manampal at manumbat.Pakiramdam niya ay may napakalaking batong nakadagan sa kanyang dibdib, dahilan para hindi siya makahinga nang maayos. Kaya naman ay ilang ulit siyang huminga nang malalim at kalmadong nagtanong habang nakatingin sa kawalan. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"Gusto nitong ipalaglag ang bata?Matapos ang mahabang sandali, sa wakas ay inangat ni Gabby ang kanyang mga mata at blangkong tumingin sa lalakeng nasa harapan niya.Third wedding anniversary nila ngayon. Kinakabahan at puno ng pag-asa niyang sinabi rito na buntis siya.Pero gusto nitong ipalaglag niya ang bata!Matapos ang isang nakabibinging katahimikan, muling umalingawngaw sa tainga ni Gabby ang malamig na tinig ng lalaki."Bumalik na si Xeline kaya dapat nang mata







