ログインKaagad na bumaba si Gabby mula sa kotse. Kagagaling lamang niya sa operating room at gumugol ng mahabang oras sa pag-opera sa isang pasyente ng araw na iyon. Ni hindi pa siya nakakahinga nang maluwag nang tawagan siya ng yaya at sinabing nawawala ang kambal. Sa sobrang gulat at kaba niya ay kaagad siyang nataranta.
"Mommy!" Masayang tumakbo si Zarah at sumugod sa mga bisig ni Gabby. "Miss na miss ko na si Mommy!"
Lumuhod si Gabby at walang magawa kundi yakapin ang dalawang bata. Nang pumunta siya roon ay galit pa siya at determinado na sa pagkakataong ito ay pagagalitan niya nang husto makukulit na batang ito.
Pero hindi kayang tiisin ni Gabby ang kanyang mga anak, lalo pa at cute-cute ng mgaa ito. Kaya agad na nawala ang kanyang galit. Ang magagawa na lamang niya ngayon ay piliting maging seryoso ang kanyang mukha. "Kayong dalawa! Saan-saan na naman ba kayo nagpupupunta? Alam ba ninyong sobra akong nag-alala?"
"Sorry, Mommy. It's my fault po." Sumimangot si Zarah habang humihingi ng tawad habang nakanguso pa ito. Napaka-cute ng kanyang mukha. Hinalikan pa niya sa pisngi si Gabby kaya talagang hindi na magawang magalit nito.
"Mommy, actually it's my fault. Hindi kasalanan ni Zarah. Huwag ka nang magalit, Mommy, please?"
"Uulitin pa ba ninyo ang tumakas?" Lubusan nang natunaw ang puso ni Gabby pero hindi niya maaaring palampasin nang ganoon na lamang ang dalawang batang pasaway na ito. Kung hindi baka sa susunod ay malaking kalokohan na naman ang gagawin ng mga ito at ang masaklap pa ay hindi niya na sila mahanap.
"Hindi na, hindi na. Promise!" nakangiting sagot ni Zarah.
"Okay. Kung ganoon ay sabihin ninyo kay Mommy kung ano na naman ang ginawa ninyo kanina?"
Nilingon ni Zarah si Zayne gamit ang kanyang namimilog at maningning na mga mata. Kumindat naman si Zayne sa kanya bilang sagot na para bang sinasabing huwag siyang aamin.
"Zayne Marion at Zarah Mayne, hindi ba at mababait kayo? Ang mababait na mga bata ay hindi nagsisinungaling."
Sa sobrang pagkawindang sa kanyang ina at sinabayan pa ni Zayne sa pagtingin sa kanya ay napuno ng pag-alinlangan ang cute na mukha ni Zarah. Ibinaba niya ang kanyang ulo at mahina siyang nagsalita. "I can't tell, Mommy."
"Bakit naman?" kalmadong tanong ni Gabby habang hawak ang kamay ng anak.
Ngumuso si Zarah. "Pinagbawalan ako ni Kuya, it's our secret daw po."
Napapailing na lang si Zayne.
"Bakit ayaw ni Kuya na sabihin ang secret ninyo kay Mommy?" Kaagad na nilingon ni Gabby si Zayne at pagkatapos ay binalik ang atensyon kay Zarah.
"Dahil gumawa ng paraan si Kuya para turuan ng leksyon si Daddy para ipaghiganti si Mommy..."
Tuluyan nang napasapo sa sariling noo niya si Zayne. 'At nilaglag na nga ako.'
Napasinghap si Gabby nang marinig iyon at magpapatuloy na sana sa pagtatanong pero hindi na nagsalita pa si Zarah.
Kinabahan agad si Gabby.
'Paano nagawa iyon ng mga batang ito? Anong ginawa nila at baka nagalit na si Jander!'
Nagpakalayo noon si Gabby at sa ibang bansa pinanganak ang kambal. Isang linggo pa lamang ang nakalipas mula nang umuwi sila rito sa bansa.
Tutol si Jander na panatilihin ang pagbubuntis niya kaya hindi na rin niya ipinaalam dito na pinagpatuloy niya ang pagbubuntis at kambal pa ang isinilang niya. Akala niya ay tuluyan nang natuldukan ang ugnayan nila sa isa't isa. Hindi niya inaasahang ang dalawang batang ito pa mismo ang maghahanap sa papa nila at guluhin ito.
---
Samantala, natunton na ng top-level defense system team ng Venido Empire ang lokasyon ng taong may pasimuno ng kaguluhan kanina sa building nila at siya rin marahil ang gumawa ng pambabastos na video na iyon.
"Nahanap na namin siya." Ipinadala ni David ang lokasyon kay Jander. Ayon sa lokasyon ay nasa labas mismo iyon ng buildig ng Venido Empire.
Bahagyang kumunot ang noo ni Jander. "Talaga ba?"
Lumapit si Jacob para tingnan ang screen. "Grabe, hindi na masama! Talagang nagawa niyang gawin ito sa mismong teritoryo natin. Kahanga-hanga ang tapang niya. Huwag kang mag-alala, brad. Siguradong mahuhuli natin ang talented na animation artist na iyon!"
Pigil pa rin sa pagtawa si Jacob. Habang magkasalubong na ang mga kilay ni Jander at nakatingin sa kanya na para bang nag-iisip na ito kung paano siya papatayin.
Biglang nakaramdam ng kilabot si Jacob. Dahan-dahan niyang inilipat ang tingin mula sa locator patungo sa hindi maipintang mukha ni Jander. 'Kulang na lang may lumabas na laser sa mga mata niya!'
"Ngumiti ka nga ulit..." Walang emosyon ang mararamdaman sa boses ni Jander— pero malinaw na narararamdaman ni Jacob ang matinding galit na nakatago sa boses na iyon.
Sigurado siyang kapag ngumiti pa siya ngayon ay baka ipadala siya ng kanyang kapatid sa bukid para mag-alaga ng mga baboy!
"Ito na, mananahimik na ako." Umaksyon pa si Jacob ng kilos na parang sinasarado ang kanyang bibig gamit ang zipper at masunuring tumabi sa gilid, malayo sa paningin ni Jander.
Binalikan naman ng tingin ni Jander ang screen. Bahagyang naningkit ang kanyang matatalim na mga mata. 'Napakatapang niya naman at harap-harapa akong pinaglaruan!'
Tumayo si Jander. Gusto niyang makita mismo kung sino ang taong ito na para bang hinihiling mismo na sunduin na ito ni kamatayan.
Nang makitang may magandang palabas na magaganap ay agad na sumunod si Jacob na hindi kailanman pinapalampas ang mga ganitong intense na pagkakataon. "Brad, sasama ako!"
---
Alam ni Gabby na pinagpala ng katalinuhan ang mga anak niya lalo na si Zayne at alam niya rin na mabuti naman ang intensyon ng mga bata, kaya hindi niya magawang sisihin ang mga ito.
Pero kung si Jander ang pag-uusapan ay nakagawa nga nang malaking gulo si Zayne. Sa kakayahan ni Jander, siguradong mahahanap niya sila agad— lalo na at nasa mismong ibaba sila ng gusali ng Venido Empire.
Isang matinding kaba ang naramdaman ni Gabby. Sa pag-iisip niyon ay hindi niya napigilang tumingala sa gusali ng Venido Empire.
Sa sumunod na sandali ay nakita niya ang isang matangkad at payat na lalaki na naglalakad patungo sa entrance. Taglay nito ang marangal at makapangyarihang awra na mapapalingon ka talaga dahil kapansin-pansin. Sinusundan ito ng isang hanay ng mga tao at mukha silang maniningil ng utang.
Si Jander!
Kahit limang taon na ang lumipas, malayo man ay kilalang-kilala niya pa rin ang lalakeng iyon.
Biglang bumilis ang pagkabog ng dibdib ni Gabby at tila sabay-sabay na may sumisigaw sa kanyang utak...
Takbo! Kailangan nilang makaalis!
Kinabahan man ay nanatili siyang kalmado para hindi sila mapansin. Agad niyang binuhat si Zarah at marahang hinila si Zayne saka pinasakaya sa back seat na kanyang nakaparadang sasakyan. Pagkatapos ay mabilis siyang sumakay sa driver's seat.
Magkahawig sina Jander at Zayne at kapag nagkataong magkaharap sila, siguradong makikilala agad ni Jander si Zayne.
Napansin ni Jander ang isang pamilyar na pigura. Bahagyang naningkit ang kanyang madidilim na mga mata habang binibilisan ang bawat hakbang niya.
Pagdating niya pa lang sa may exit ay nakita niya ang isang babaeng nagmamadaling sumakay sa isang kotse.
'Si Gabby ba ang babaeng iyon?’
Sa isang iglap ay namutla nang husto ang mukha ni Gabby. Mabilis siyang napatingala at bahagyang nanginginig ang kanyang katawan.Nasa harapan niya ang isang mukha na napakapamilyar ngunit tila naging mas estranghero matapos ang limang taon."J-Jander..." Mabilis na lumingon si Gabby upang tingnan ang dalawang batang nakapasok na sa boarding bridge. Agad na tumakbo pabalik sa kanya si Zarah pero pinigilan siya ng kalmadong si Zayne.Nakita ni Gabby na umiling si Zayne nang walang imik. Laging alerto at matalino ang anak niyang ito. Nag-aalalang tumingin ito sa kanyang ina bago agad na hinawakan si Zarah at dinala ito sa gitna ng mga tao, pagkatapos ay nagtago sa loob ng eroplano.Mabuti na lamang at nakatuon kay Gabby ang buong atensyon ni Jander, kaya hindi nito napansin ang dalawang bata.Nang makita iyon ni Gabby, bahagyang gumaan ang kanyang kalooban. Ngunit nakatutok pa rin sa kanya ang madilim at malamlam na mga mata ng lalaki.Pinatatag ni Gabby ang kanyang loob at muling tumin
"Kamukhang-kamukha niya nga!" Nakatutok ang matatalim na tingin ni Jander sa kotse at naniningkit ang kanyang mga mata sa kagustuhang makita ang babae nang maayos."Sir, ayos sa location data ay mabilis ang paglayo ng taong iyon."'Ang kotseng iyon!' Hindi na nagdalawang-isip si Jander at kaagad na nag-utos. "Habulin ang kotseng iyon!"Malakas ang kutob niyang ang babaeng nakita niya kanina ay ang babaeng nakasama niya noon at naging asawa— si Gabriela Montejo.---Sa loob ng kotse ay kaagad na tinawagan ni Gabby ang kanyang matalik na kaibigang si Sheena."Hello, Gabby? Napatawag ka? May nangyari ba?" sunud-sunod na tanong ni Sheena."Kailangan muna naming bumalik sa United States," sagot ni Gabby habang maingat na nagmamaneho."Ano? Babalik ka sa United States? Kakauwi mo pa lang! Anong nangyari? May problema ba?"Nagmamadaling ikinuwento ni Gabby kay Sheena ang nangyari. Pagkarinig nito ay tatlong beses na napasigaw si Sheena. "Grabe! Talagang ang galing ng kambal! Magaling, Zayne
Kaagad na bumaba si Gabby mula sa kotse. Kagagaling lamang niya sa operating room at gumugol ng mahabang oras sa pag-opera sa isang pasyente ng araw na iyon. Ni hindi pa siya nakakahinga nang maluwag nang tawagan siya ng yaya at sinabing nawawala ang kambal. Sa sobrang gulat at kaba niya ay kaagad siyang nataranta."Mommy!" Masayang tumakbo si Zarah at sumugod sa mga bisig ni Gabby. "Miss na miss ko na si Mommy!"Lumuhod si Gabby at walang magawa kundi yakapin ang dalawang bata. Nang pumunta siya roon ay galit pa siya at determinado na sa pagkakataong ito ay pagagalitan niya nang husto makukulit na batang ito.Pero hindi kayang tiisin ni Gabby ang kanyang mga anak, lalo pa at cute-cute ng mgaa ito. Kaya agad na nawala ang kanyang galit. Ang magagawa na lamang niya ngayon ay piliting maging seryoso ang kanyang mukha. "Kayong dalawa! Saan-saan na naman ba kayo nagpupupunta? Alam ba ninyong sobra akong nag-alala?""Sorry, Mommy. It's my fault po." Sumimangot si Zarah habang humihingi ng
Pagkalipas ng limang taon."Daddy's in there ba, kuya? Are you sure?" inosenteng tanong ni Zarah sa kanyang kuya habang nakatingin sa kabilang gusali gamit ang binoculars."Yes, sigurado ako. Kailan pa ba ako hindi naging sigurado? Nakita ko mismo na pumasok siya sa building na iyan," sagot ni Zayne na hindi man lang nilingon ang kapatid dahil abala sa ginagawa niya sa laptop niya. "Nakita ko ang picture niya sa cellphone ni Mommy. Siya ang masamang daddy na iyon.""Anong ginagawa mo, kuya?" nagtatakang tanong ni Zarah nang lingunin ang kapatid."Ang masamang daddy na iyon ay sinaktan si Mommy. Ayaw mo bang ipaghiganti natin si Mommy?""Maghiganti?" tanong muli ni Zarah habang nakakunot na ang noo."Yes! May kasamang ibang babae ang masamang daddy na iyon at hindi mo ba napapansin na dahil doon ay malungkot si Mommy? Kailangan nating turuan ng leksyon ang masamang daddy na iyon para kay Mommy."Nakatuon ang mga mata ni Zayne sa laptop niya. Mahusay na gumagalaw ang kanyang maliliit at
"Ipalaglag mo ang bata at bibigyan kita ng sampung bilyon."Hindi makapaniwala si Gabby sa narinig. Napahigpit ang hawak niya sa resulta ng pregnancy test pero pilit na pinapanatili ang kanyang pagiging kalmado kahit na ang totoo ay gusto niyang manampal at manumbat.Pakiramdam niya ay may napakalaking batong nakadagan sa kanyang dibdib, dahilan para hindi siya makahinga nang maayos. Kaya naman ay ilang ulit siyang huminga nang malalim at kalmadong nagtanong habang nakatingin sa kawalan. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"Gusto nitong ipalaglag ang bata?Matapos ang mahabang sandali, sa wakas ay inangat ni Gabby ang kanyang mga mata at blangkong tumingin sa lalakeng nasa harapan niya.Third wedding anniversary nila ngayon. Kinakabahan at puno ng pag-asa niyang sinabi rito na buntis siya.Pero gusto nitong ipalaglag niya ang bata!Matapos ang isang nakabibinging katahimikan, muling umalingawngaw sa tainga ni Gabby ang malamig na tinig ng lalaki."Bumalik na si Xeline kaya dapat nang mata







