Compartir

Chapter 4

Autor: Mac Winster
last update Fecha de publicación: 2026-08-26 09:39:41

"Kamukhang-kamukha niya nga!" Nakatutok ang matatalim na tingin ni Jander sa kotse at naniningkit ang kanyang mga mata sa kagustuhang makita ang babae nang maayos.

"Sir, ayos sa location data ay mabilis ang paglayo ng taong iyon."

'Ang kotseng iyon!' Hindi na nagdalawang-isip si Jander at kaagad na nag-utos. "Habulin ang kotseng iyon!"

Malakas ang kutob niyang ang babaeng nakita niya kanina ay ang babaeng nakasama niya noon at naging asawa— si Gabriela Montejo.

---

Sa loob ng kotse ay kaagad na tinawagan ni Gabby ang kanyang matalik na kaibigang si Sheena.

"Hello, Gabby? Napatawag ka? May nangyari ba?" sunud-sunod na tanong ni Sheena.

"Kailangan muna naming bumalik sa United States," sagot ni Gabby habang maingat na nagmamaneho.

"Ano? Babalik ka sa United States? Kakauwi mo pa lang! Anong nangyari? May problema ba?"

Nagmamadaling ikinuwento ni Gabby kay Sheena ang nangyari. Pagkarinig nito ay tatlong beses na napasigaw si Sheena. "Grabe! Talagang ang galing ng kambal! Magaling, Zayne at Zarah! Suportado kayo ni Ninang!"

Napapailing na lang si Gabby.

"Gabby, kailan mo balak umalis?"

"Sa lalong madaling panahon. Mas mabuti kung ngayon mismo. Hinding-hindi ko hahayaan na makita niya ang mga bata."

Balisa na si Gabby. Pakiramdam niya ay nakita siya ni Jander at hahabulin siya nito.

"Pero Gabby, kakauwi mo pa lang. Pinaghirapan ni Doctor Corpuz na makuha ka. Kapag umalis ka ngayon, baka sa sobrang galit niya ay pumunta pa siya sa United States at kidnapin ka!"

"Posible. Pero hindi naman ako tuluyang aalis. Ipapadala ko muna ang mga bata sa lugar ni Melvin para magtago sandali, pagkatapos ay babalik ako."

Tutal ay napagdesisyunan na niyang bumalik sa bansa upang doon ipagpatuloy ang kanyang career. Nangako rin siya kay Doctor Corpuz na sasali siya sa team nito sa ospital, kaya hindi siya basta-basta aalis.

Sisiguraduhin niya munang humupa na ang sitwasyon at saka babalik kasama ang mga bata.

"Sige. Mag-ingat kayo lagi, ha?"

Mabilis na nagbigay ng ilang paalala si Sheena kay Gabby bago nila ibinaba ang tawag.

Kaagad naman binigay ni Gabby ang cellphone niya kay Zayne. "Mag-book ka ng ticket natin. Kailangan nating bumalik muna sa lugar ni Tito Melvin at pansamantalang magtago roon."

Hindi lingid sa kaalaman niya na espesyal ang katalinuhan ng anak niyang si Zayne. Lalo pa at pinaaral niya ito sa isang paaralan sa United States kung saan maraming estudyante roon na henyo pagdating sa computer.

"Babalik tayo sa United States?"

Abala na si Zayne sa pag-operate ng laptop niya habang tinitingnan ang cellphone ni Gabby para mag-book ng ticket. Mas abala pa siya kaysa kay Gabby na nagmamaneho.

Dahil naging maingat si Gabby at matulin lang ginawang pagmamaneho, natunton sila ng mga tao ni Jander. Mabuti na lamang at napansin iyon agad ni Zayne, kaya hinarang at pinakialaman niya ang kanilang tracking system.

"Oo mga anak." Sinikap ni Gabby na magmukhang kalmado upang hindi kabahan ang dalawang bata. "Palagi raw kayong nami-miss ni Tito Melvin."

"Yehey! Babalik tayo kay Tito Melvin! Sobrang saya ni Zarah!" Natigilan sandali si Zarah nang may maisip at muling kinagat ang kanyang daliri. Naguguluhang tumingin siya kay Gabby. "Pero Mommy, natatakot ka ba kay Daddy? Why were running away from him?"

Natigilan naman si Gabby. Nakalimutan niyang matalino pala ang mga anak niya. Parang mga matatanda ang mga ito at nagkatawang bata lang.

"Zarah, pwede bang sabihin na lang ni mommy ang dahilan kapag medyo malaki na kayo?"

Ayaw ni Gabby na malaman nina Zayne at Zarah na hindi sila tinanggap ng ama nila noong buntis pa siya.

Alam din ni Zarah na malulungkot si Gabby kapag pinag-usapan ang tungkol sa daddy niya kaya bahagya niyang pinisil ang kanyang mga labi at masunuring hindi na nagtanong. "Okay, mommy."

Panay ang sulyap ni Gabby sa rearview mirror, natatakot na baka may humahabol sa kanila.

Kaagad na nagsalita si Zayne habang nakatuon ang mga mata sa laptop niya. Tapos na siyang mag-book ng flight nila. "Mommy, bukas ng alas-siyete y medya ng umaga ang susunod na flight."

Tumango si Gabby. "Sige. Iyon na ang kunin natin."

Alas-siyete na ng gabi iyon. Mahigit sampung oras pa ang natitira kaya nang makarating sa tinutulyan nila ay kaagad siyang nag-impake ng ilang damit. Hindi siya nangahas na mag-aksaya kahit isang minuto. Natatakot siyang magkaroon ng anumang hindi inaasahang problema kinabukasan.

Pagdating sa airport, sinuotan ni Gabby ng face mask ang kanyang sarili at ang dalawang bata bago sila dumaan sa security.

Nakahinga nang maluwag si Gabby nang makita niyang malapit na silang makarating sa dulo ng mahabang pila. Alam niyang hindi solusyon ang patuloy na pagtatago, pero wala pa siyang lakas ng loob na harapin si Jander kasama ang kanyang mga anak.

Alam niya ang personalidad ni Jander. Hindi siya nito kailanman basta-basta palalampasin matapos niyang suwayin ang utos nito na magpalaglag at pagkatapos ay tumakas patungo sa ibang bansa.

Bukod pa roon, ang isang makapangyarihang pamilya gaya ng pamilya Venido ay hinding-hindi papayag na mamuhay sa ibang bansa ang kanilang mga tagapagmana.

Ang dalawang batang ito ang kanyang buhay. Hindi niya kakayanin kapag nawala sa kanya ang kambal. Wala siyang pakialam kung ano ang mangyayari sa kanya, pero hindi niya hahayaang saktan ng sinuman ang kanyang mga anak.

Tumingin si Gabby kina Zayne at Zarah na magkahawak-kamay. Napuno ng matatag na determinasyon ang kanyang puso. Hindi niya kailanman pinagsisihan ang kanyang desisyon na ipagpatuloy ang pagbubuntis at ipanganak sila.

"Mommy, kapag nakabalik na tayo kina Tito Melvin, babalik pa ba tayo rito?" Ayaw na ayaw sana ni Zarah na umalis.

Agad na naunawaan ni Gabby ang iniisip ng kanyang anak at marahan siyang ngumiti. "Zarah, gusto mo na ba rito?"

"Opo, gusto ko na rito! May mga friends na ako rito, narito si Ninang Sheena, at..."

'Si Daddy!'

Kinagat ni Zarah ang kanyang daliri at hindi na itinuloy ang sasabihin.

Dumilim ang mga mata ni Gabby. Bagama't hindi iyon sinabi ng mga bata, alam niyang parehong naghahangad sina Zayne at Zarah na magkaroon ng ama. Walang batang ayaw na nasa tabi niya ang parehong magulang niya.

Napayuko si Gabby at niyakap sina Zarah at Zayne. Hindi niya maibibigay sa kanila ang pagmamahal ng isang ama, ngunit mamahalin niya sila nang higit pa sa buhay niya.

Napansin ni Zarah na malungkot ang kanyang mommy, kaya mahigpit niya itong niyakap pabalik. "Mommy, si Mommy lang ang gusto ni Zarah, promise po."

"Si Mommy lang din ang gusto ni Zayne." Mahigpit ding niyakap ni Zayne si Gabby na para bang nais niyang bigyan ang kanyang ina ng higit na kaginhawahan.

Ngumiti si Gabby. Napakaswerte niya dahil mayroon siyang dalawang anak na matatalino at sweet.

"Huwag kayong mag-alala, mga anak. Pansamantala lang naman ang pagtatago natin doon."

Sa sandaling iyon sa may entrance ng airport ay sunod-sunod na huminto nang maayos at magkakasunod ang isang hanay ng mga itim na luxury car.

Mula sa unahan ay bumaba ang isang gwapong lalake. Ang kanyang mga matang kasingdilim ng tinta ay puno ng malamig at matatag na determinasyon. Isang nakapangingilabot na awra ang nagmula sa kanya at napansin iyon ng lahat ng nasa airport.

Agad na nagkalat ang mga bodyguard na nakaitim na damit sa kanyang likuran at nagsimulang magsagawa ng masusing paghahanap.

Sa pagkakataong ito ay hinding-hindi na niya hahayaang makatakas muli ang babaeng iyon!

---

"Zayne, Zarah, sasakay na tayo sa eroplano!"

"Yehey! Makikita na ni Zarah si Tito Melvin!"

Matapos ipakita ang kanilang mga ticket ay masayang naglakad nang mabilis sina Zayne at Zarah habang magkahawak-kamay. Ngumiti si Gabby sa dalawang bata. Palagi silang tuwang-tuwa kapag sumasakay ng eroplano.

Kinuha niya ang kanyang mga dokumento. Ngunit sa sumunod na segundo, isang malaking kamay ang biglang humawak sa kanyang kamay.

Pagkatapos, isang malamig, malalim, pamilyar, at matalim na tinig ang umalingawngaw sa kanyang tainga.

"Gabby, saan ka na naman tatakbo?”

Continúa leyendo este libro gratis
Escanea el código para descargar la App

Último capítulo

  • The Return Of The Unwanted Wife with the Billionaire's Heirs   Chapter 5

    Sa isang iglap ay namutla nang husto ang mukha ni Gabby. Mabilis siyang napatingala at bahagyang nanginginig ang kanyang katawan.Nasa harapan niya ang isang mukha na napakapamilyar ngunit tila naging mas estranghero matapos ang limang taon."J-Jander..." Mabilis na lumingon si Gabby upang tingnan ang dalawang batang nakapasok na sa boarding bridge. Agad na tumakbo pabalik sa kanya si Zarah pero pinigilan siya ng kalmadong si Zayne.Nakita ni Gabby na umiling si Zayne nang walang imik. Laging alerto at matalino ang anak niyang ito. Nag-aalalang tumingin ito sa kanyang ina bago agad na hinawakan si Zarah at dinala ito sa gitna ng mga tao, pagkatapos ay nagtago sa loob ng eroplano.Mabuti na lamang at nakatuon kay Gabby ang buong atensyon ni Jander, kaya hindi nito napansin ang dalawang bata.Nang makita iyon ni Gabby, bahagyang gumaan ang kanyang kalooban. Ngunit nakatutok pa rin sa kanya ang madilim at malamlam na mga mata ng lalaki.Pinatatag ni Gabby ang kanyang loob at muling tumin

  • The Return Of The Unwanted Wife with the Billionaire's Heirs   Chapter 4

    "Kamukhang-kamukha niya nga!" Nakatutok ang matatalim na tingin ni Jander sa kotse at naniningkit ang kanyang mga mata sa kagustuhang makita ang babae nang maayos."Sir, ayos sa location data ay mabilis ang paglayo ng taong iyon."'Ang kotseng iyon!' Hindi na nagdalawang-isip si Jander at kaagad na nag-utos. "Habulin ang kotseng iyon!"Malakas ang kutob niyang ang babaeng nakita niya kanina ay ang babaeng nakasama niya noon at naging asawa— si Gabriela Montejo.---Sa loob ng kotse ay kaagad na tinawagan ni Gabby ang kanyang matalik na kaibigang si Sheena."Hello, Gabby? Napatawag ka? May nangyari ba?" sunud-sunod na tanong ni Sheena."Kailangan muna naming bumalik sa United States," sagot ni Gabby habang maingat na nagmamaneho."Ano? Babalik ka sa United States? Kakauwi mo pa lang! Anong nangyari? May problema ba?"Nagmamadaling ikinuwento ni Gabby kay Sheena ang nangyari. Pagkarinig nito ay tatlong beses na napasigaw si Sheena. "Grabe! Talagang ang galing ng kambal! Magaling, Zayne

  • The Return Of The Unwanted Wife with the Billionaire's Heirs   Chapter 3

    Kaagad na bumaba si Gabby mula sa kotse. Kagagaling lamang niya sa operating room at gumugol ng mahabang oras sa pag-opera sa isang pasyente ng araw na iyon. Ni hindi pa siya nakakahinga nang maluwag nang tawagan siya ng yaya at sinabing nawawala ang kambal. Sa sobrang gulat at kaba niya ay kaagad siyang nataranta."Mommy!" Masayang tumakbo si Zarah at sumugod sa mga bisig ni Gabby. "Miss na miss ko na si Mommy!"Lumuhod si Gabby at walang magawa kundi yakapin ang dalawang bata. Nang pumunta siya roon ay galit pa siya at determinado na sa pagkakataong ito ay pagagalitan niya nang husto makukulit na batang ito.Pero hindi kayang tiisin ni Gabby ang kanyang mga anak, lalo pa at cute-cute ng mgaa ito. Kaya agad na nawala ang kanyang galit. Ang magagawa na lamang niya ngayon ay piliting maging seryoso ang kanyang mukha. "Kayong dalawa! Saan-saan na naman ba kayo nagpupupunta? Alam ba ninyong sobra akong nag-alala?""Sorry, Mommy. It's my fault po." Sumimangot si Zarah habang humihingi ng

  • The Return Of The Unwanted Wife with the Billionaire's Heirs   Chapter 2

    Pagkalipas ng limang taon."Daddy's in there ba, kuya? Are you sure?" inosenteng tanong ni Zarah sa kanyang kuya habang nakatingin sa kabilang gusali gamit ang binoculars."Yes, sigurado ako. Kailan pa ba ako hindi naging sigurado? Nakita ko mismo na pumasok siya sa building na iyan," sagot ni Zayne na hindi man lang nilingon ang kapatid dahil abala sa ginagawa niya sa laptop niya. "Nakita ko ang picture niya sa cellphone ni Mommy. Siya ang masamang daddy na iyon.""Anong ginagawa mo, kuya?" nagtatakang tanong ni Zarah nang lingunin ang kapatid."Ang masamang daddy na iyon ay sinaktan si Mommy. Ayaw mo bang ipaghiganti natin si Mommy?""Maghiganti?" tanong muli ni Zarah habang nakakunot na ang noo."Yes! May kasamang ibang babae ang masamang daddy na iyon at hindi mo ba napapansin na dahil doon ay malungkot si Mommy? Kailangan nating turuan ng leksyon ang masamang daddy na iyon para kay Mommy."Nakatuon ang mga mata ni Zayne sa laptop niya. Mahusay na gumagalaw ang kanyang maliliit at

  • The Return Of The Unwanted Wife with the Billionaire's Heirs   Chapter 1

    "Ipalaglag mo ang bata at bibigyan kita ng sampung bilyon."Hindi makapaniwala si Gabby sa narinig. Napahigpit ang hawak niya sa resulta ng pregnancy test pero pilit na pinapanatili ang kanyang pagiging kalmado kahit na ang totoo ay gusto niyang manampal at manumbat.Pakiramdam niya ay may napakalaking batong nakadagan sa kanyang dibdib, dahilan para hindi siya makahinga nang maayos. Kaya naman ay ilang ulit siyang huminga nang malalim at kalmadong nagtanong habang nakatingin sa kawalan. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"Gusto nitong ipalaglag ang bata?Matapos ang mahabang sandali, sa wakas ay inangat ni Gabby ang kanyang mga mata at blangkong tumingin sa lalakeng nasa harapan niya.Third wedding anniversary nila ngayon. Kinakabahan at puno ng pag-asa niyang sinabi rito na buntis siya.Pero gusto nitong ipalaglag niya ang bata!Matapos ang isang nakabibinging katahimikan, muling umalingawngaw sa tainga ni Gabby ang malamig na tinig ng lalaki."Bumalik na si Xeline kaya dapat nang mata

Más capítulos
Explora y lee buenas novelas gratis
Acceso gratuito a una gran cantidad de buenas novelas en la app GoodNovel. Descarga los libros que te gusten y léelos donde y cuando quieras.
Lee libros gratis en la app
ESCANEA EL CÓDIGO PARA LEER EN LA APP
DMCA.com Protection Status