เข้าสู่ระบบSa isang iglap ay namutla nang husto ang mukha ni Gabby. Mabilis siyang napatingala at bahagyang nanginginig ang kanyang katawan.
Nasa harapan niya ang isang mukha na napakapamilyar ngunit tila naging mas estranghero matapos ang limang taon.
"J-Jander..." Mabilis na lumingon si Gabby upang tingnan ang dalawang batang nakapasok na sa boarding bridge. Agad na tumakbo pabalik sa kanya si Zarah pero pinigilan siya ng kalmadong si Zayne.
Nakita ni Gabby na umiling si Zayne nang walang imik. Laging alerto at matalino ang anak niyang ito. Nag-aalalang tumingin ito sa kanyang ina bago agad na hinawakan si Zarah at dinala ito sa gitna ng mga tao, pagkatapos ay nagtago sa loob ng eroplano.
Mabuti na lamang at nakatuon kay Gabby ang buong atensyon ni Jander, kaya hindi nito napansin ang dalawang bata.
Nang makita iyon ni Gabby, bahagyang gumaan ang kanyang kalooban. Ngunit nakatutok pa rin sa kanya ang madilim at malamlam na mga mata ng lalaki.
Pinatatag ni Gabby ang kanyang loob at muling tumingin sa lalaki. Ganoon pa rin ito tulad noong limang taon na ang nakalipas. Matalas at malinaw ang mga guhit ng mukha nito, perpekto at walang kapintasan. Ang malalim nitong mga mata ay parang isang ilalim ng dagat habang taglay nito ang likas na kayabangan at marangal na awra— isang presensiyang kapansin-pansin.
Tinitigan ni Jander ang babaeng limang taon niyang hindi nakita. Suot nito ang isang puting damit na akmang-akma sa payat nitong katawan, lalong naging kapansin-pansin ang tangkad nito at pangangatawan na nagpahayag naman sa kanyang mapuputi at makikinis na mga binti.
Mas naging maganda at masigla ang maamo nitong mukha kumpara noong limang taon na ang nakalipas, ngunit ngayon ay kapansin-pansin ang matinding katigasan ng loob nito na dati-rati ay laging malambot at maamo.
Samantala, ang dati nitong magagandang mga mata ay napakalamig— isang lamig na kailanman ay hindi pa niya nakita sa mga mata nito noon. Sa ganitong kalapit na distansya, walang emosyon sa mukha ng babae ang makalulusot sa kanyang paningin.
Para bang sinaksak ng titig ni Gabby ang puso ni Jander at isang hindi maipaliwanag na galit ang biglang sumiklab sa kanyang kalooban. "Gabby, talagang kahanga-hanga ka. Limang taon kang nagtago at ngayon ay sinusubukan mo pa ring tumakas?"
Sa sobrang galit, marahas na hinila ni Jander si Gabby palabas ng pila.
"Bitawan mo ako! Jander, hiwalay na tayo! Baliw ka ba? Wala kang pakialam kung saan ako pupunta!"
"Wala akong pakialam?" Mahigpit siyang hinawakan ni Jander. "Limang taon mong itinago ang anak ko! Wala man lang ba akong karapatang magtanong? Sabihin mo sa akin kung nasaan ang anak ko? Saan mo itinago ang anak na iyon?"
Hinawakan ni Jander ang baba ni Gabby. Napangiwi si Gabby sa sakit at mariing tinabig ang kamay nito pero hindi pa rin siya nakawala sa pagkakahawak nito.
Mabangis siyang nagpumiglas, ngunit nang hindi siya makawala, galit siyang tumingin kay Jander. "Nakakatawa ka! Hindi ba at ayaw mo sa pagbubuntis ko noon at ngayon ay may gana ka pang hanapin. Ano? Hindi ba kayang magkaanak ni Xeline para sa'yo?"
"Ikaw!"
Tinamaan ni Gabby ang pinakamasakit na bahagi ng kanyang kalooban. Ngunit wala siyang maipangontra roon. Sa sobrang galit, gusto niyang sakalin ang babaeng ito mismo sa lugar na iyon.
Mapanuyang ngumiti si Gabby. "Kung hindi ako umalis noon, hindi mo ba ako pipilitin na pumunta sa ospital para ipalaglag ang anak ko? Jander, hindi kita hahayaang mahanap ang anak ko. Huwag kang mag-alala. Ayaw mo sa bata noon, kaya ngayon ay hinding-hindi ko hahayaang kilalanin ka ng anak natin!"
"Walang hiya kang babae ka!" Matamang tinitigan ni Jander ang mukha ni Gabby.
Pareho pa rin ang mukha nitong maamo at mabait tulad noong limang taon na ang nakalipas, ngunit ngayon ay napakatalas na ng dila nito. Bawat salitang binibitawan nito ay tila tumatagos sa kanyang puso.
Bahagyang naningkit ang makikitid na mga mata ni Jander, habang hindi mapigilang sumiklab ang matinding galit sa kanyang dibdib.
"Oy, brad..." Nagmamadaling lumapit si Jacob at nakita ang dalawa na parehong masamang nakatitig sa isa't isa. Masyadong mabigat ang tensiyon sa paligid kaya natigilan siya.
Pakiramdam niya ay parehong may hawak na kutsilyo ang dalawa at anumang oras ay maaari nilang saksakin ang isa't isa hanggang sa mamatay.
"Brad, hipag, kumalma muna kayo. Pag-usapan natin ito nang maayos. Wala namang..." Natigilan si Jacob nang isang matalim na titig mula kay Jander ang dumaan sa kanya na parang kutsilyo, dahilan upang kaagad niyang isara ang kanyang bibig.
"Bitawan mo ako." Nagpumiglas si Gabby. "Jander, bitawan mo ako, baliw ka ba!"
Malamig na tumango si Jander. "Matigas ang ulo mo, ha?" Malamig ang kanyang tinig. "Gabby, tingnan natin kung hanggang kailan mo kayang ipagpatuloy iyan. Dalhin siya at ikulong. Palayain siya kapag sinabi na niya kung nasaan ang bata."
Pagkasabi ni Jander ng mga salitang iyon, isang malakas at malinaw na sampal ang biglang umalingawngaw. Sa sumunod na sandali, bumulusok ang nakakakilabot na katahimikan sa buong lugar.
Parang naging mabigat ang hangin sa paligid.
"Susmaryosep!" Gusto ni Jacob na maglaho na lamang sa kinatatayuan niya.
Hindi na napigilan ni Gabby ang sarili. Sa isang sampal na iyon, ibinuhos niya ang lahat ng galit at sama ng loob na matagal niyang kinimkim sa loob ng limang taon.
'Paano niya nagawang maging ganito kakapal ang mukha?'
Anong karapatan niyang ikulong siya?
Bahagyang iniling ni Jander ang kanyang ulo. Nangahas talaga siyang sampalin siya!
"Ikukulong mo ako?" Malamig at galit na tumingin si Gabby sa kanya. "Jander, hayop ka! Kapag nangahas kang ikulong ako, hinding-hindi kita mapapatawad!"
Dinampi ni Jander ang dila niya sa bahaging bahagyang namanhid sa kanyang bibig. Isang mapanganib na awra ang bumalot sa kanyang katawan. "Talaga?"
Bigla siyang tumawa nang mapanuya. Itinaas ni Jander ang kanyang kamay at hinawakan ang batok ni Gabby, saka marahas na hinila palapit sa kanya. Sa biglaang paglapit ng guwapong mukha nito, marahas na kumabog ang puso ni Gabby.
Pinilit niyang manatiling kalmado habang paulit-ulit na kumukuyom at bumibitaw ang kanyang mga kamay sa kanyang tagiliran.
"Gabby, hindi pa tayo tapos!" Pagkasabi nito, itinulak ni Jander si Gabby sa sahig.
Literal na parang basurang tinapon si Gabby. Tumama ang kanyang likod sa rehas sa tabi niya, dahilan upang mapasigaw siya sa sakit.
Kinabahan si Jacob, natatakot na baka magsimula na talagang mag-away ang dalawa. Nang makita niyang bumagsak si Gabby ay parang gusto niyang tulungan itong tumayo, ngunit pinigilan siya ni Jander ng isang tingin.
Agad niyang ibinaba ang kamay at tumabi, hindi man lang nangahas kahit huminga nang malakas.
"Dalhin siya." Mahigpit na utos ni Jander.
Sa huli, hindi nakalaban si Gabby at sapilitang isinakay sa kotse.
Samantala, hindi nangahas na umiyak nang malakas si Zarah. Sinabi ni Gabby na hindi dapat sila mahanap ng masamang Daddy na iyon at natatakot siyang lalo lamang mapahamak si Gabby kapag gumawa siya ng ingay.
Punong-puno na ng luha ang kanyang malalaki at maningning na mga mata, ngunit matigas niyang pinigilan ang pag-iyak hanggang sa tuluyang umalis ang grupo.
Pagkaalis nila, tuluyan nang bumagsak ang kanyang mga luha. "Daddy's bad! Masama si Daddy! Sinaktan niya si Mommy at dinala siya! Kuya, Kuya! Kinuha si Mommy ng masamang Daddy..."
Sa pagkakataong ito, nanatiling lubos na kalmado si Zayne. Puno ng determinasyon ang inosente niyang mga mata. Gaya ng karaniwang ginagawa ni Gabby kapag inaalo si Zarah, mahigpit niyang niyakap ang kanyang kapatid.
"Zarah, huwag kang umiyak. Sabi ni Mommy, kapag umiyak tayo, malulungkot si Mommy para sa atin. Kailangan nating mag-isip ng paraan para mailigtas agad si Mommy."
Agad na tumigil sa pag-iyak si Zarah. Bagama't basa pa ng luha ang kanyang mga mata, nakakaawa at puno ng pag-asa siyang tumingin sa kanyang kuya. "Kuya, may naiisip ka bang paraan?"
"Umuwi muna tayo. Kailangan natin ng tulong ni Ninang."
"Sige. Susundin ni Zarah si Kuya."
Sa isang iglap ay namutla nang husto ang mukha ni Gabby. Mabilis siyang napatingala at bahagyang nanginginig ang kanyang katawan.Nasa harapan niya ang isang mukha na napakapamilyar ngunit tila naging mas estranghero matapos ang limang taon."J-Jander..." Mabilis na lumingon si Gabby upang tingnan ang dalawang batang nakapasok na sa boarding bridge. Agad na tumakbo pabalik sa kanya si Zarah pero pinigilan siya ng kalmadong si Zayne.Nakita ni Gabby na umiling si Zayne nang walang imik. Laging alerto at matalino ang anak niyang ito. Nag-aalalang tumingin ito sa kanyang ina bago agad na hinawakan si Zarah at dinala ito sa gitna ng mga tao, pagkatapos ay nagtago sa loob ng eroplano.Mabuti na lamang at nakatuon kay Gabby ang buong atensyon ni Jander, kaya hindi nito napansin ang dalawang bata.Nang makita iyon ni Gabby, bahagyang gumaan ang kanyang kalooban. Ngunit nakatutok pa rin sa kanya ang madilim at malamlam na mga mata ng lalaki.Pinatatag ni Gabby ang kanyang loob at muling tumin
"Kamukhang-kamukha niya nga!" Nakatutok ang matatalim na tingin ni Jander sa kotse at naniningkit ang kanyang mga mata sa kagustuhang makita ang babae nang maayos."Sir, ayos sa location data ay mabilis ang paglayo ng taong iyon."'Ang kotseng iyon!' Hindi na nagdalawang-isip si Jander at kaagad na nag-utos. "Habulin ang kotseng iyon!"Malakas ang kutob niyang ang babaeng nakita niya kanina ay ang babaeng nakasama niya noon at naging asawa— si Gabriela Montejo.---Sa loob ng kotse ay kaagad na tinawagan ni Gabby ang kanyang matalik na kaibigang si Sheena."Hello, Gabby? Napatawag ka? May nangyari ba?" sunud-sunod na tanong ni Sheena."Kailangan muna naming bumalik sa United States," sagot ni Gabby habang maingat na nagmamaneho."Ano? Babalik ka sa United States? Kakauwi mo pa lang! Anong nangyari? May problema ba?"Nagmamadaling ikinuwento ni Gabby kay Sheena ang nangyari. Pagkarinig nito ay tatlong beses na napasigaw si Sheena. "Grabe! Talagang ang galing ng kambal! Magaling, Zayne
Kaagad na bumaba si Gabby mula sa kotse. Kagagaling lamang niya sa operating room at gumugol ng mahabang oras sa pag-opera sa isang pasyente ng araw na iyon. Ni hindi pa siya nakakahinga nang maluwag nang tawagan siya ng yaya at sinabing nawawala ang kambal. Sa sobrang gulat at kaba niya ay kaagad siyang nataranta."Mommy!" Masayang tumakbo si Zarah at sumugod sa mga bisig ni Gabby. "Miss na miss ko na si Mommy!"Lumuhod si Gabby at walang magawa kundi yakapin ang dalawang bata. Nang pumunta siya roon ay galit pa siya at determinado na sa pagkakataong ito ay pagagalitan niya nang husto makukulit na batang ito.Pero hindi kayang tiisin ni Gabby ang kanyang mga anak, lalo pa at cute-cute ng mgaa ito. Kaya agad na nawala ang kanyang galit. Ang magagawa na lamang niya ngayon ay piliting maging seryoso ang kanyang mukha. "Kayong dalawa! Saan-saan na naman ba kayo nagpupupunta? Alam ba ninyong sobra akong nag-alala?""Sorry, Mommy. It's my fault po." Sumimangot si Zarah habang humihingi ng
Pagkalipas ng limang taon."Daddy's in there ba, kuya? Are you sure?" inosenteng tanong ni Zarah sa kanyang kuya habang nakatingin sa kabilang gusali gamit ang binoculars."Yes, sigurado ako. Kailan pa ba ako hindi naging sigurado? Nakita ko mismo na pumasok siya sa building na iyan," sagot ni Zayne na hindi man lang nilingon ang kapatid dahil abala sa ginagawa niya sa laptop niya. "Nakita ko ang picture niya sa cellphone ni Mommy. Siya ang masamang daddy na iyon.""Anong ginagawa mo, kuya?" nagtatakang tanong ni Zarah nang lingunin ang kapatid."Ang masamang daddy na iyon ay sinaktan si Mommy. Ayaw mo bang ipaghiganti natin si Mommy?""Maghiganti?" tanong muli ni Zarah habang nakakunot na ang noo."Yes! May kasamang ibang babae ang masamang daddy na iyon at hindi mo ba napapansin na dahil doon ay malungkot si Mommy? Kailangan nating turuan ng leksyon ang masamang daddy na iyon para kay Mommy."Nakatuon ang mga mata ni Zayne sa laptop niya. Mahusay na gumagalaw ang kanyang maliliit at
"Ipalaglag mo ang bata at bibigyan kita ng sampung bilyon."Hindi makapaniwala si Gabby sa narinig. Napahigpit ang hawak niya sa resulta ng pregnancy test pero pilit na pinapanatili ang kanyang pagiging kalmado kahit na ang totoo ay gusto niyang manampal at manumbat.Pakiramdam niya ay may napakalaking batong nakadagan sa kanyang dibdib, dahilan para hindi siya makahinga nang maayos. Kaya naman ay ilang ulit siyang huminga nang malalim at kalmadong nagtanong habang nakatingin sa kawalan. "Naririnig mo ba ang sarili mo?"Gusto nitong ipalaglag ang bata?Matapos ang mahabang sandali, sa wakas ay inangat ni Gabby ang kanyang mga mata at blangkong tumingin sa lalakeng nasa harapan niya.Third wedding anniversary nila ngayon. Kinakabahan at puno ng pag-asa niyang sinabi rito na buntis siya.Pero gusto nitong ipalaglag niya ang bata!Matapos ang isang nakabibinging katahimikan, muling umalingawngaw sa tainga ni Gabby ang malamig na tinig ng lalaki."Bumalik na si Xeline kaya dapat nang mata







