The Return of the Vengeful Ex-Wife

The Return of the Vengeful Ex-Wife

last updateLast Updated : 2025-01-24
By:  AzraelOngoing
Language: Filipino
goodnovel18goodnovel
10
1 rating. 1 review
4Chapters
275views
Read
Add to library

Share:  

Report
Overview
Catalog
SCAN CODE TO READ ON APP

Dahil sa isang aksidente, nalaglag ang dinadala ni Aeris na siyang dahilan kung bakit naging impyerno ang kanyang buhay-may asawa. Sa kamay pa lamang ng kanyang byenan, lalo na sa kanyang asawang si Flyn. Lahat na yata ng klase ng pang-aabuso ay naranasan niya, at tinanggap niya iyon dahil naniwala siyang kaparusahan iyon sa kanyang ginawa. Hanggang sa dumating ang tiyuhin ni Flyn na si Lucien, na tila ba handa siyang iligtas sa buhay na ayaw niyang iwanan. Dumating ang araw na desidido na si Aeris na tumakas at sumama na lamang kay Lucien, ngunit agad na naglaho ang kanyang mga pangarap nang bigla niyang masaksihan ang sikretong nag uugnay sa kanilang dalawa ng lalaki. Handa ba siyang maranasan muli ang kalupitan na minsan na niyang tinakasan sa kamay ng lalaking naging dahilan kung bakit niya piniling mabuhay?

View More

Chapter 1

Kabanata 0001

Aeris

“Aeris! Nasaan ka ba?! Kanina pa kita tinatawag ah!”

Lakad-takbo ang ginawa ko makapunta lang nang mabilis sa sala nang marinig ko ang galit na boses ng byenan ko. Muntik pa akong bumangga sa dulo ng kitchen island dahil nanggaling ako sa dirty kitchen sa likod ng bahay.

“Bakit po, ‘ma? May problema po ba?” Tanong ko nang madatnan ko siya roon habang prenteng nakaupo.

Agad na tumutok ang matalim niyang tingin sa akin. “Hindi ba’t sabi ko ay maghanda ka ng hapunan dahil darating ang mga amiga ko? Bakit hanggang ngayon ay wala pa ring pagkain?”

“Uh… Wala naman po kayong sinabi na—”

“At gagawin mo pa kong sinungaling ngayon? Ano ngayon ang kakainin namin ng mga amiga ko? Ilang minuto na lang ay darating na sila! Wala ka talagang kwentang babae ka!” Galit na galit na sigaw niya.

Hindi pa man ako nakakasagot ay bigla na lang siyang tumayo at agad na lumipad ang palad niya sa pisngi ko.

“Halika rito. Tuturuan kita ng leksyon para magtanda ka!” Sigaw niya at bigla na lang hinablot ang buhok ko at kinaladkad ako patungo sa kung saan.

“Aray! Ma! Nasasaktan po ako…!” Reklamo ko habang sinusubukan kong tanggalin ang hawak niya sa buhok ko, ngunit masyado siyang malakas kumpara sa akin.

Napapikit na lamang ako habang unti-unti kong nararamdaman ang hapdi sa anit ko. Nang makarating kami sa banyo ay malakas niya akong tinulak dahilan para tumama ang likod ko sa dingding.

“Boba! Hindi ko alam kung anong nakita sayo ng anak ko’t pinakasalan ka pa, e ang tanga-tanga mo! Walang pinag aralan at mas mahirap pa sa daga!” Patuloy na hiyaw niya.

Nang bitawan niya ako saglit ay muli niya akong tinulak dahilan para mapaluhod ako sa tiles. Napangiwi ako dahil sa labis na sakit ng tuhod ko.

“Wala kang kwenta! Pagluluto at paglilinis na nga lang dito ang silbi mo, hindi mo pa magawa!” Gigil na gigil niyang sigaw at muling hinablot ang buhok ko at walang pagdadalawang-isip na nginudngod ang mukha ko sa inidoro.

“Ma, t-tama na—!” Pagmamakaawa ko ngunit hindi nya iyon pinakinggan.

Muli niyang nilublob ang ulo ko sa inidoro kaya’t halos malunod ako dahil sa tubig na lumabas nang i-flash nya iyon bigla. Magkahalong pandidiri at awa para sa sarili ang umusbong sa puso ko nang iangat niyang muli ang ulo ko.

“T-tama na, ma… P-please…!” Kiniskis ko ang parehong palad ko at inangat ang tingin sa kanya.

Ni wala akong makitang katiting na awa roon. Ngumisi pa siya bago marahas na binitiwan ang buhok ko saka mariing hinablot ang baba ko.

“Ito ang tatandaan mo, Aeris, kahit anong gawin mo, hindi ka magiging karapat-dapat sa anak ko. Hinding hindi kita tatanggapin. Isa lang ang pagpipilian mo habang narito ka sa pamamahay ng anak ko; ang umalis o tanggapin ang lahat ng galit ko. Naiintindihan mo?” Dahan-dahan at may diing pahayag niya.

Hindi ako nakasagot kaagad kaya mas hinigpitan pa nya ang hawak sa akin kaya napapikit na lamang ako.

“Answer me, you wretch! Do you understand? Your worthless life will never be enough for my son! Dapat ay hinayaan ka na lang niyang mamatay noon kasama ang mga magulang mo!”

“O-opo…! N-naiintindihan ko. P-pasensya na, ma…” Nauutal na sagot ko dahil sa paghihirap.

Sa pangalawang pagkakataon ay ngumisi siya. Muli niya akong binitiwan nang marahas kaya’t tumama ang noo ko sa bowl saka umalis na parang walang nangyari.

Tuluyan nang kumawala ang mga luhang kanina ko pa pinipigilang pakawalan habang hawak ko ang noo ko. Nang tingnan ko ang nanginginig kong kamay ay may dugo iyon kaya lalo akong impit na napahagulgol.

Gaya ng nakasanayan at palagi kong ginagawa, mag isa kong ginamot ang noo ko sa silid namin ni Flyn. Tiningala ko ang wall clock kasabay ng pag ilaw ng cell phone ko.

Hon: Don’t wait up. Overtime.

Mapait akong ngumiti at nireplyan na lamang iyon na mag ingat siya. Tiningnan ko ang sarili ko sa harap ng salamin. Hindi naman gaanong malaki ang sugat sa noo ko ngunit unti-unti nang nagiging pula at violet iyon kaya nilagyan ko na lamang ng takip.

Kinabukasan ay mahigpit ang naging bilin sa akin ni Flyn na linisin ang office niya sa ikalawang palapag dahil may dadating siyang bisita. Matapos kong gawin iyon ay bumaba ako saglit upang uminom. Doon ko narinig ang usapan ng byenan ko at ng mga kaibigan niya. 

“Anong balita sa anak mo at sa asawa niya, Amora? Hindi pa ba buntis ulit? Limang taon na silang kasal a.”

“Paano mabubuntis kung baog yung babae?” Sabi naman ng isa pang boses at sumunod ang mga halakhakan.

“Baog ang manugang mo? Hindi ba’t matagal nang gustong magkaanak ni Flyn?” 

“My son said she’s infertile. Pagkatapos niyang magpabaya at makunan, sabi ng doctor ay hindi na raw siya puwedeng magkaanak. Hindi ko nga alam kung bakit nagtitiis pa ang anak ko sa boba na ‘yon. Wala naman siyang silbi sa anak ko.” Boses na iyon ni mama.

Nanatili akong nakatayo sa baba ng hagdan nang ilang minuto habang unti-unting lumiliit ang pagkatao ko.

“Hindi na ako magugulat kung isang araw ay biglang maghanap ng iba ang inaanak ko.”

“Sana nga ay maghanap siya ng iba. Iyong mayaman at kayang magdala ng magiging mga apo ko.”

Mapait akong ngumiti. Hindi na ako nakaramdam pa ng kahit na anong sakit sa mga insulto na iyon dahil noon ko pa iyon naririnig sa kanilang lahat.

Magmula nang sikretong ipatest ako ni Flyn at lumabas sa resulta na may diperensya ang matres ko, at kagagawan iyon ng sarili niyang ina nang minsan ako nitong sipain nang paulit-ulit sa puson hanggang sa duguin ako nang duguin kinagabihan.

And I said nothing about it.

“Nasaan ba ang babaeng iyon?!”

Agad na napatayo ako mula sa likod-bahay kung saan ako madalas tumatambay nang marinig ko ang sigaw ni mama Amora. Bago ko pa siya mapuntahan ay siya na ang unang nakatagpo sa akin at marahas akong hinila sa buhok.

“Aray, ma!”

“Hindi ba’t binilinan ka ng anak ko na maglinis sa opisina dahil may bisita siya? Kagagaling ko lamang doon at may mga alikabok pa ang table! Bobo ka ba o sadyang tanga lang at hindi mo na alam ang kaibahan ng malinis sa marumi?!” Singhal niya sa akin at itinulak ako.

Muling tumama ang likod ko sa dingding kaya impit na napasigaw ako.

“S-sorry… Babalik ako at lilinisin na lang ulit. Pasensya na po.”

“Bilisan mo! Ang tanga-tanga mo talaga!”

Natulala na lamang ako sa malinis naman nang silid nang isara ko ang pinto at marahas na bumuntong-hininga upang pigilan ang mga luha ko. Impyerno talaga ang nagiging buhay ko kapag narito ang ina ni Flyn, ngunit mas impyerno ang nararanasan ko sa kamay mismo ng asawa ko.

Nanghihina akong nagpunas ng table habang iniisip kung paano ko ba matatakasan ang ganitong sitwasyon nang bigla ko na lang makita ang isang pares ng sapatos sa ilalim ng mesa kaya napamulagat ako. Sa sobrang lalim ng iniisip ko at sakit ng katawan ko ay hindi ko agad napansin na may tao na pala sa silid.

Nang iangat ko ang tingin ko ay isang pares ng berde-kayumanggi na parang mani ng hazel na mga mata ang agad na tumutok sa akin. Nanlamig ang mga kamay ko—paanong hindi ko agad napansin ang gwapong lalaking ito na prenteng nakaupo na sa isa sa mga swivel chairs? May hawak pa itong baso na may lamang alak.

“Your forehead is bleeding.”

Expand
Next Chapter
Download

Latest chapter

More Chapters

To Readers

Maligayang pagdating sa aming mundo ng katha - Goodnovel. Kung gusto mo ang nobelang ito o ikaw ay isang idealista,nais tuklasin ang isang perpektong mundo, at gusto mo ring maging isang  manunulat ng nobela online upang kumita, maaari kang sumali sa aming pamilya upang magbasa o lumikha ng iba't ibang uri ng mga libro, tulad ng romance novel, epic reading, werewolf novel, fantasy novel, history novel at iba pa. Kung ikaw ay isang mambabasa, ang mga magandang nobela ay maaaring mapili dito. Kung ikaw ay isang may-akda, maaari kang makakuha ng higit na inspirasyon mula sa iba para makalikha ng mas makikinang na mga gawa, at higit pa, ang iyong mga gawa sa aming platform ay mas maraming pansin at makakakuha ng higit na paghanga mula sa mga mambabasa.

Comments

user avatar
Mae
more updates po maam
2025-02-20 07:50:26
0
4 Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status