“Atasha, saan ka pupunta? Bakit mayroon kang mga nakaimpakeng gamit ka rito?” naguguluhang tanong ng kaibigan kong si Isabelle nang makita niya ang mga gamit ko na inilagay sa isang malaking duffel bag pagkapasok palang niya sa silid ko.
Wala naman akong balak na ipakita sa kaniya iyon. Wala rin akong balak na sabihin sa kaniya ang plano kong pag-alis dito sa amin.
“May plano kang umalis? Akala ko ba biro mo lang iyong sinabi mo sa akin?”
I once told her about my plan. I want to leave our mansion for one stupid reason. At iyon ay walang iba kundi gusto kong maging isang strong independent woman na hindi umaasa sa pera ng kaniyang mga magulang. I’m nineteen. Malapit na akong magtapos ng kolehiyo. Sa totoo lang, alam ko namang dapat ang pag-aaral ko ang inaasikaso ko. Pero heto ako, nagnanais umalis sa isang magandang bahay at magandang lugar kung saan narito na ang lahat.
“I still want to leave. Kahit ilang buwan lang. Susubukan ko kung kaya ko. Kung hindi naman, edi babalik ako.”
Inirapan niya ako saka umupo sa dulong bahagi ng aking kama.
“Gaga, paano ang pag-aaral mo? Alam na ba ito ng mga magulang mo? Naku, sigurado ako kapag sinabi mo ito kay Tita Klare, hindi ka noon papayagan.”
“Bakit? Sino ba nagsabing magsasabi ako kapag aalis na ako?”
“What?! You’re saying na lalayas ka nang hindi nagsasabi?”
“Duh, of course! May lalayas bang nagpapaalam?”
Tumayo ito sa harapan ko at ipinag-krus ang kaniyang braso sa harapan ng kaniyang dibdib.
“Nababaliw ka na talaga. Alam mo, bahala ka sa buhay mo. Maraming naiinggit sa’yo sa school natin. Ang yaman-yaman mo. Kung tutuusin, puwede mo namang hilingin nalang sa pamilya mo na bilihan ka nila ng sarili mong condo unit hindi ba? Pero ayan ka, nagnanais na umalis para matikman ang kalayaan.”
“Isabelle, I need this. Alam mo naman kung paano ako i-baby ng mga magulang ko. For Pete’s sake, I’m nineteen, pero ang trato pa rin ng mga ito sa akin parang bata na kailangan nilang ingatan.”
“Well, that’s because they love you and care for you.”
“Mahal ko rin naman sila. Pero may mga plano rin ako para sa sarili ko, Isabelle. Gusto kong maranasan ang nararanasan ng mga normal na teenager. Ang uminom, ang maranasang malasing, ang mag-party. I want to be alive. Yung totoong buhay. Hindi iyong parang nakakulong lang ako rito. Ayokong dito nalang ako habang-buhay. At higit sa lahat, usto ko ring makahanap ng lalaking mamahalin ko at magmamahal din sa akin.”
Humugot ng malalim na hininga si Isabelle at umupo sa aking tabi.
“Hindi ko alam kung ano pang kailangan kong sabihin para lang mapigilan kita. Pero mukhang wala naman akong magagawa. Kahit ano naman yatang sabihin ko ay hindi na mababago ang isip mo. Kaya nga nag-impake ka na eh. Dahil desidido ka na.”
Ngumiti ako sa kaniya.
“Sandali lang ako. Hindi naman matagal ang ilang buwan, hindi ba?”
“Sigurado ka bang ilang buwan ka lang sa pupuntahan mo?”
Nakangiti akong tumango.
May plano na ako sa isipan ko. Matagal ko nang pinag-isipan kung saan ako pupunta. Kung sa tutuusin ay hindi naman malayo. Doon lang sa karatig probinsiya kung saan hindi ganoon karami ang tao at kung saan ako makakaranas ng katahimikan sa buhay.
I grew up being known by so many people. Bata pa lamang ako ay sinasanay na ako ng mga magulang ko na humarap sa mga ito. May it normal people or politicians or business people. Palaging sinasabi sa akin ng mga magulang ko na balang araw ay ako ang magmamana ng lahat ng mayroon sila dahil ako lang naman ang nag-iisa nilang anak. I’ve asked for a baby sister or brother when I was still a kid, pero hindi naman nila binigyan. Pareho kasi silang abala sa trabaho.
“What if huwag ka nalang tumuloy?” nag-aalalang wika ni Isabelle habang nakahawak siya sa braso ko.
Nasa pier na kami ngayon. Siya ang naghatid sa akin. Katulad niya, kinakabahan din ako. Pero hindi iyon ang pipigil sa akin para umalis. I’ve come this far, might as well continue what I’ve started. Mahirap takasan ang mga guwardiya sa mansion pero nagawa ko sa tulong ni Isabelle.
“Ako ang magiging accountable kapag may nangyaring hindi maganda sa’yo.”
Ngumiti ako sa kaniya.
“Don’t worry, nag-iwan ako ng sulat para sa mga magulang ko. They would never know na ikaw ang tumulong sa akin.”
Mangiyak-ngiyak siyang tumingin sa akin na bahagya kong ikinatawa.
“Come on, Isabelle. Babalik din naman ako. I’m adult now and so are you. Mas mabuti na itong sinusubukan nating maging independent. Dahil kapag bumalik na ako, sigurado akong hindi na ako pakakawalan nina Mom at Dad.”
Bago ako tuluyang magtungo sa pila ng mga pasahero sa ferry na sasakyan ko ay yumakap muna ako sa kaniya.
“Iingatan mo ang sarili mo ah. At tatawagan mo ako. Kung kinakailangang oras-oras ay tumawag ka, gawin mo.”
Tumawa ako nang mahina saka tinapik ang kaniyang likuran.
Nang makapasok na ako sa barko ay agad akong nagtungo sa itaas na bahagi nito kung saan tanaw ko ang dagat at ang maliliit na alon na nagpapagalaw sa barko.
Habang nakahawak ako sa railings nito ay napansin ko ang isang lalaking naglalakad palapit sa akin at huminto sa tabi ko. Hindi siya direktang nakatingin sa akin. May suot siyang earphones at may hawak na paper cup na sigurado akong kape ang laman.
Nang magtama ang aming paningin ay tipid siyang ngumiti sa akin. Ilang minuto siyang tumitig sa mga bangkang dumaan sa gilid ng barko bago niya inalis ang kaniyang suot na earphone sa kaliwang tainga. Lumingon siya sa akin at pinag-aralang mabuti ang aking mukha.
“Pupunta ka ng Santa Victoria?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang lalawigan na pupuntahan ko.
“Oo, doon ako papunta.”
Uminom siya ng kape saka marahang tumango.
“Doon ka mag-aaral?”
Nagkibit-balikat ako. Hindi ko alam kung anong sasalubong sa akin doon. Kaya hindi ko pa masabi kung mag-aaral nga ako doon. Lalo na ang plano ko ay tatlong buwan lang akong mananatili.
“Bakit, ikaw ba? Doon ka nag-aaral?”
Kung pagmamasdan ko nang maigi ang mukha nito, masasabi kong ka-level nito nang hitsura ang mga lalaking pinakilala sa akin ng magulang ko noon. Guwapo. Malinis sa sarili, at higit sa lahat ay mabango. Mukha rin itong mayaman dahil sa uri ng damit na suot nito. Mukha kasing mamahalin.
“Oo, doon ako nag-aaral. Kaya nga ako uuwi doon dahil tapos na ang bakasyon ko sa siyudad.”
Tipid akong tumango. Wala na akong masabi kaya tumahimik nalang ako. Habang ang binata ay panay ang tingin sa akin.
“You look familiar,” aniya kaya naman bigla akong kinabahan.
Pasimple akong yumuko at nagpanggap na hindi ko narinig ang sinabi niya.
Of course, I would be familiar. Ilang beses ba naman akong lumabas sa iba’t-ibang uri ng magazines as per my mother’s request at sumasama rin ako sa mga gatherings kaya paminsan-minsang lumalabas ang larawan ko sa mga local tabloids sa siyudad.
“I bet you’re just on a vacation. Anyway, nice to meet you. I’m Helion Dela Luna. And you?”
Napakurap ako nang marinig ang sinabi niya. Kumabog din nang ubod nang lakas ang aking dibdib. Dapat ko bang ipakilala ang sarili ko gamit ang totoo kong pangalan?
Matagal din akong napatitig sa kaniyang kamay saka ko iyon inabot.
“Celine… Celine Altamonte ang pangalan ko.”
Pagkatapos kong banggitin ang pekeng pangalan na inimbento ko lamang ay agad akong bumitaw sa pagkakahawak sa kaniyang kamay. Nakatitig pa rin sa akin ang lalaking nagpakilalang Helion. His name is quite odd. Bihira lang akong makarinig ng ganoong pangalan.
“Nice name,” aniya saka ngumiti sa akin.
Ngumiti rin ako sa kaniya.
“Ah, sige. Balik na ako sa puwesto ko,” pagpapa-alam ko at tinuro kung saan ko iniwan ang mga gamit ko.
Tipid lang siyang tumango kaya nagdesisyon na akong maglakad palayo sa kaniya.
Konti lang ang sakay ng ferry. Marahil ay dahil gabi na kaya konti nalang ang mga pasahero. Umupo ako sandali para tingnang mabuti ang mga gamit ko. Konti lang naman ang dala ko. Plano ko sanang damihan pero hindi naman pumayag si Isabelle dahil mahihirapan lang daw ako na magbitbit. Kaya heto, isang malaking duffel bag at isang backpack lang ang dala ko. Kailangan kong siguraduhin kung walang mawawala sa gamit ko kaya naman noong makaramdam akong sumasakit na ang puson ko dahil naiihi ako, tumayo ako at mabilis na binitbit ang mga gamit ko patungo sa comfort room sa dulong bahagi ng barko.
Wala ring gaanong tao sa area na iyon dahil madilim sa bandang iyon. Habang naglalakad ako ay tinatangay ng hangin ang aking buhok. Paminsan-minsan din akong gumegewang sa paglalakad kapag bahagyang tumatagilid ang barko dahil sa alon.
Nang makarating ako sa tapat ng banyo ay agad akong nakarinig ng mahihinang pag-ungol sa loob nito. Halos nanindig pa ang aking balahibo sa katawan dahil noong una, akala ko ay multo ito. Ngunit nang pinakinggan kong mabuti, doon na ako nagsimulang mag-panic. Dinig ko kasi ang boses ng babae na umuungol na wari ba’y nasasaktan ito.
Agad kong pinihit ang pinto ng CR at dali-dali itong binuksan. Napansin kong may tatlong maliliit na cubicle roon. Sa pinakadulo ko narinig ang ungol ng babae kaya naman doon ako dumiretso. Nagmumura pa nang mahina ang babae habang pabilis nang pabilis ang ungol nito. Malakas ang tibok ng puso ko sa mga oras na iyon. Gusto ko sanang hayaan nalang ito pero naisip ko naman, paano kung may krimen na nagaganap sa loob? Mas mabuti nang alam ko hindi ba? Baka sakaling makatulong ako kung sakali.
Pagdating ko sa tapat nito ay mabilis kong itinulak ang pinto. Agad kong naitakip ang aking kamay sa aking dalawang mata nang makita ang ginagawa ng mga ito.
“What the f*ck?” sigaw ng lalaki.
“Oh my gosh, she saw us!” nagpa-panic namang sambit ng babae rito.
Parehong walang suot na damit ang dalawa. Hubad ang mga ito habang ginagawa ang bagay na dapat mag-asawa lang ang gumagawa. Nang i-angat ko ang paningin sa bandang gilid, ay doon ko nakita ang mga damit nila na nakasampay.
“Oh my gosh, Bryan. Bilisan mo na magbihis.”
“Epal, amputek! Hindi pa nga ako nilalabasan eh.” saad ng lalaki habang masama ang tingin nito sa akin.
It was my first time to see two people doing it. Kahit naman mga liberated ang mga kaibigan ko, hindi sila yung tipong dadal’hin ako sa ganoong gawain. Lalo na si Isabelle. She wants what’s the best for me kaya kahit alam kong may nangyayari sa kanila ng boyfriend niyang si Nikko, hindi siya nagkukuwento sa akin. Dahil ayon sa kaniya, ayaw niyang marumihan ang inosente kong isipan.
Dahil sa pinaghalong kaba at panginginig ng katawan, mabilis akong nag-sorry at dali-daling lumabas ng CR. Kaso, agad din akong napahinto nang makita kong masasalubong ko ang lalaking kausap ko kanina. Si Helion!
Nakakunot ang kaniyang noon ang makita ako.
“May problema ka ba? Bakit balisa ka?”
Alanganin akong ngumiti sa kaniya.
“Mag-c CR ka ba? Huwag ka munang pumasok. May…”
Mas lalong kumunot ang kaniyang noo nang huminto ako sa pagsasalita. Paano ko ba naman kasi ipaliliwanag ang nakita ko? Paano ko sasabihing may nagtatalik na dalawang tao sa loob ng CR?
“Leon!”
Agad akong napalingon sa aking likuran nang marinig ang boses ng lalaki.
“Oh, Bry! Kanina pa kita hinahanap, nandiyan ka lang pala.”
Nagpalipat-lipat ang tingin ko sa kanilang dalawa.
“Kilala niyo ang isa’t-isa?”
Naguguluhan siyang tumango.
Kumabog ang dibdib ko nang makitang naglalakad palapit sa akin ang lalaking tinawag nitong Bryan.
“Kilala mo ba itong si Miss? Gosh, bro! I thought safe na kami ni Maureen sa area na iyon. For the first time, may nakasaksi sa—”
“Ginagawa niyong kalokohan?” Si Helion na ang tumapos ng sasabihin niya.
“Gano’n ka ba ka-atat sa pakikipag-sex? Sana man lang hinintay mo nalang na makarating tayo ng Paso De Blas.”
“Paso De Blas?” tanong ko sa kanilang dalawa dahilan para maibaling nila ang kanilang atensiyon sa akin.
“Yes, Paso De Blas, our town in Santa Victoria,” nakataas ang kilay na sagot ni Bryan.
Lumapit ang babae kina Helion at Bryan.
“Come on, guys. Let’s go back to our seats. Baka magka-pulmonya ako sa lamig sa area na ito,” maarteng sambit ng babae.
Inakbayan ito agad ni Bryan, bago sila umalis sa kinaroroonan namin. Yumuko naman ako agad dahil hindi ko alam kung paano haharapin si Helion na nakatitig ngayon sa akin.
“You must be shocked.”
I lightly nodded.
“It’s my first time to see something like that.”
Helion sighed.
“Ako na ang humihingi ng pasensiya sa ginawa ng mga kaibigan ko.”
“No, it’s okay. Ako nga dapat ang mag-sorry dahil ako yung nakaabala sa kanila.”
Helion chuckled.
“What you did is right. Isa pa, hindi naman lugar ang CR para sa sex eh. You did what you think is right, Celine. That’s a good job.”
Matagal akong napatitig sa binatang nakatingin sa akin. Alam kong guwapo siya sa paningin ko, pero mas lalo siyang gumuguwapo kapag nakangiti. He looks like the teenage version of Leonardo De Caprio.
“Thank you for commending me,” sabi ko saka nagpaalam na ulit sa kaniya na babalik na ako sa upuan ko.
Hindi ko na naituloy ang pag-ihi ko dahil pakiramdam ko ay umurong na ito.
Sasakyan pa rin ni Leon ang ginamit namin patungo sa restaurant na binanggit ni Kirsten na pupuntahan namin. Pagbaba namin, maraming tao agad ang napabaling sa aming gawi ni Maureen. Ang mga kababaihan naman na nasa gilid, sina Bryan at Leon ang pinagtitinganan. Kulang nalang, maglaway ang mga ito.Nang ilibot ko ang aking paningin ay roon ko lang nasabi na talagang akma ang kasuotan namin sa lugar na iyon. Naghuhumiyaw ang karangyaan ng buong lugar. Sabi sa akin ni Maureen kanina, ang Casa Alcazar daw ang pinakamaganda at pinakamahal na restaurant sa Paso De Blas at buong Sta. Victoria. Kaya naman pala ito ang napili ng mga kaibigan nila para maipakita ang kayamanan ng mga ito kahit sa murang edad pa lamang.“Iyon sila,” mahinang saad ni Bryan at itinuro ang isang mahaba at malawak na lamesa. Engrande ang disenyo nito at tunay na napakaraming palamuti sa paligid.Umikot ang mga mata ni Maureen nang makita niyang palapit sa amin si Lia Juarez. Kung hindi ako nagkakamali, siya yung bab
“Alam mo, sis. Hanga rin talaga ako sa’yo. Kahit na alam mong gina-gago ka lang niyang si Marco, hindi ka pa rin nagsasalita ng masasakit sa kaniya. Wala ka man lang reaksiyon kapag nakikipagharutan siya sa ibang mga babae. Hindi ko alam kung tanga ka o sadyang maintindihan ka lang.”Pareho kaming nakaupo ni Maureen sa isang bench na malapit sa basketball court sa community college na pinapasukan namin. Ito ang unang linggo namin dito. Hawak ko ang isang plastic bottle ng coke, habang siya naman ay humihithit ng sigarilyo.Sina Bryan at Leon, nasa canteen pa, bumibili ng pagkain. Recess kasi namin. Pareho ang kurso nina Bryan at Leon—engineering. Samantalang kami ni Maureen ay social work. Alam kong hindi ito ang gusto niyang kurso, pero kinuha niya pa rin sa kadahilanang gusto niya raw akong bantayan. Na-appreciate ko naman iyon. Malaking tulong ang pagliligtas niya sa akin sa mga panahong halos lahat ng babaeng kaklase namin ay binu-bully ako.Hindi naman ako nag-expect na magiging
Hindi lang ako ang nabigla sa ginawa ni Maureen kundi pati na rin si Marco. Kung nagulat ako, mas nagulat siya nang makita ang isa sa mga malalapit niyang kaibigan na si Leon na naglalakad palapit sa amin.Naunang nakarating si Maureen sa kinatatayuan namin kaya agad siyang yumakap. Tinapik-tapik niya pa ang aking likuran. Nang kumalas siya, si Marco naman ang tinapik niya sa balikat.“Anong ginagawa niyo rito?” tanong ni Marco sa kanilang tatlo. Hinila ni Bryan ang kaniyang girlfriend palayo kay Marco at inakbayan ito. “Bakit, pare? Hindi mo ba nabalitaan ang ginawa ko sa University? Dude, I made hella fire in the Economics Building. Kaya ayun, kicked out.”Tumaas ang kilay ni Marco.“Kung na-kick out ka, bakit pati sila kasama mo?” He was referring to Leon and Maureen.“Are you kidding me, bro? Of course, I would bring them. Sila na nga lang ang mga kaibigan ko, iiwan ko pa sila? What kind of mindset is that?” tumatawa-tawang sagot ni Bryan na halatang inaasar lang si Marco.Sumim
Every person we pass in the area stares at the two of us."Isn't he the Mayor's son? Who is that girl with him? What, his apple of the month again?"I swallowed when I heard what one of the people we passed said. We are in front of the community college that Marco mentioned to me. The school is good. It doesn't look like a simple community college. The government of Paso De Blas is really spending that money. But this place is nothing compared to private universities across the province.I just remained crouched down. I thought, he will not continue to let me enter this place. I couldn't help but be nervous and scared because firstly, I didn't know anything about this school's policy, secondly, I didn't know anyone here. What if someone hurts me? Also, it's obvious that there are many people who like him here. What if those girls do something bad to me?I don't know how else to get through it.Honestly, I don't care if he finds someone else. That would be better for me to lose the att
Nagising ako kinabukasan nang marinig ang ingay ng mga tao na dumadaan sa gilid ng apartment na tinutuluyan ko. Marahan akong tumayo sa kama habang hawak ko ang aking ulo. Masakit pa rin ito. Inatake kasi ako ng migraine nang umalis si Marco kagabi. Wala naman akong mahanap na gamot dito sa loob ng bahay at kahit gustuhin ko mang lumabas para bumili sa tindahan, ay hindi ko na ginawa dahil natatakot akong mabiktima ng mga tambay sa tabi ng tindahan.Bukod pa roon, natatakot din ako sa posibleng gawin ni Marco sa mga ito kapag binastos nila ako. Hindi pa nga ako nakaka-move on sa nangyari kay Mang Kanor.Nang maalala ko si Mang Kanor ay biglang nanlaki ang mga mata ko. Marahil iyon ang dahilan kung bakit maraming tao ang patungo sa baybayin ngayon. Agaran kong binuksan ang bintana para tingnan ang nangyayari.Sobrang lakas ng tibok ng puso ko nang mapansing may iilang mga kalalakihan ang nakabaling sa kinatatayuan ng apartment na tinutuluyan ko.Humugot ako ng malalim na hininga at sin
Naitaikip ko ang aking palad sa aking bibig sa labis na pagkagulat.“Marco!”Lumapit sa akin si Marco at yumakap sa akin. Bakas sa kaniyang mukha ang pag-aalala. Hinaplos pa niya ang aking pisngi at tiningnan ako nang mabuti.“Nasaktan ka ba? May ginawa ba siya sa’yo?”Agad akong umiling. Hindi ako nahawakan ng matanda, pero nakaramdam ako ng takot nang makita siya.“Paano nangyaring nakapasok siya sa bahay?” nanginginig ang aking katawan nang itanong ko iyon kay Marco.Umiling siya. Halatang gulong-gulo rin siya sa mga pangyayari.“Hindi ko alam. Marahil naging kumpiyansa ako na maayos kong naiwang naka-lock ang pinto.”Muli akong bumaling sa matandang nakahandusay sa sahig.“Marco, hindi na siya gumagalaw. Patay na yata!”Kumalas si Marco sa pagkakayakap sa akin upang tingnan nang matanda.“Buhay pa siya. Pero huwag kang mag-alala, dahil ginulo ka niya. Sisiguraduhin kong ang tulad niya ay hindi na masisikatan pa ng araw.”Kumabog ang aking dibdib nang marinig ang tinuran niya.“Ano
“Nagustuhan mo ba ang niluto ko para sa’yo?” tanong niya pagkatapos naming kumain ng agahan.Isang tango ang isinagot ko sa kaniya. Surprisingly, masarap siyang magluto. Hindi ko alam kung paano niya iyon ginawa pero nagustuhan ko talaga. Naparami ang kain ko. Mukhang gutom ang naging epekto ng nangyari sa akin kagabi.“Hindi ba linggo ngayon? Bakit nandito ka?” tanong ko sa kaniya gamit ang kaswal na tono.“Ayaw mo bang nandito ako?”Nag-angat ako nang tingin at nakitang nakangisi siya sa akin. Hindi ako sumagot. Ayokong pilitin ang sarili ko. May hangganan din ang pagpapanggap ko. I’m not okay and I don’t want to see his face. That’s the truth. Pero ayokong sabihin sa kaniya iyon nang diretsahan dahil kilala ko siya.Humugot siya ng malalim na hininga at umayos sa pagkakaupo.“Magmula ngayon, araw-araw na akong pupunta sa’yo. Para i-check ka.”Kumunot lalo ang aking noo.“Paano mo gagawin iyon? Hindi ba may pasok ka sa eskuwelahan?”Nagkibit-balikat siya.“I can make few arrangement
Nanginginig ang aking buong katawan dahil sa mga sinabi ni Marco. Hindi ako makapaniwala na magagawa niya sa akin ito. Tinrato ko siya nang maayos. Pinakitaan ko siya nang mabuti. Pati mga kaibigan niya ay pinakisamahan ko. Lahat ng bagay na gusto niya ginawa ko. Ni minsan, hindi ako nakaramdam ng galit sa kaniya. Pagkatapos ganito ang gagawin niya sa akin?Hindi ko maintindihan kung bakit naging ganito siya bigla. Oh baka, ganito na siya dati pa, pero ngayon ko lang ito nakita. Ito ba ang sinasabi ni Leon sa akin? Ito ba ang bagay na pinaalala sa akin ni Maureen kanina?Kung nakinig ba ako sa kaniya na huwag sabihin kay Marco ang tungkol sa pag-alis ko, hindi ba mangyayari ito?Halos sumabog ang ulo ko sa kaiisip. Samantala nakatayo pa rin si Marco sa kaniyang puwesto. Nakangisi ito habang nakatitig sa kaniyang phone.“You really think you can leave this place, huh? Akin ka. Hindi ka puwedeng umalis sa lugar na ito hangga’t hindi ako nagbibigay ng permiso.”Ikinuyom ko ang aking kama
“What are you talking about?” naguguluhang tanong ko kay Maureen. I was confused. Hindi ko lang kasi sa kaniya narinig ang mga salitang iyon, bagkus ay ilang beses na.May halong pagkainis na umirap sa akin si Maureen.“Oh, come on, Celine. You know what I am talking about. Sinabi sa amin ni Leon ang pag-uusap niyo. Nangako ka sa kaniya na aalis ka na ng Paso De Blas. Pero bakit hanggang ngayon ay nandito ka pa rin.”Umiling ako.“Hindi ba para naman kasing nakakabastos iyon para kay Marco. Aalis ako nang walang paalam? That’s outside of my character. Ayoko namang umalis nang hindi nagsasabi.”Narinig ko ang mahina niyang pagmumura/“Ang hindi mo pakikinig sa sinasabi ni Leon ang ikapapahamak mo. Noong unang beses kitang nakita sa barko, akala ko ay matalino ka.”Nagsalubong ang kilay ko nang marinig ang sinabi niya. Sa unang pagkakataon, nainsulto ako sa sinabi sa akin ng isang tao.“Oh, bakit? Huwag mo sabihing nasaktan ka sa sinabi ko? Sinasabi ko lang ang nakikita ko, Celine.”“Ba