BUMALIK sa ulirat si Kalina nang huminto ang sasakyan. ‘Di niya namalayang nakarating na sila.
Kanina pa nasa malayo ang isip niya, binabalikan ang mga nangyari noong mga nakalipas na buwan. Ang bilis ng mga naging kaganapan. Ang daming nangyari. Parang no’ng nakaraan lang, normal pa ang buhay niya. Tapos bigla siyang napilitang bumalik sa dati niyang pamilya at pinagkasundong ikasal sa isang lalaki. Suddenly, she learned that her supposed husband and her half sister were cheating on her. And now… she’s here. With her boss. “Nasaan tayo?” Bumababa sila sa parking lot ng mataas na gusali. “My space.” “Akala ko sa ospital mo ako dadalhin?” “Mukhang hindi naman kita napuruhan. Wala kang sugat o gasgas na natamo.” Tumigil maglakad ang lalaki at hinarap siya. “Ayos ka lang, 'di ba?” “O-Oo, ayos lang naman,” alanganing sagot ni Kalina na sinabayan ng tango. Nagpatuloy maglakad si Cain. Nakasunod lang si Kalina sa likod niya. Seryoso ba ang boss niya sa alok nitong magpakasal? No choice lang naman siya kaya inimbitahan niya ito. Sinong mag-aakalang pupunta nga ang lalaking ito sa kasal niya? Higit sa lahat, sinong makakaisip na magiging runaway bride siya? Maswerte na rin siya dahil nakita niya si Sir Cain, kahit papaano nakaalis agad siya sa simbahan. Pumasok sila sa building. Ang bilis maglakad ni Cain! Matangkad kasi at mahaba ang biyas. Hindi na naawa kay Kalina na hirap na humahabol sa kaniya, nakakapit ang mga kamay sa ladlaran ng mahabang gown. Pinagtitinginan siya ng mga tao sa hallway hanggang sa loob ng elevator. Tumunog ang elevator at niluwa sila. Nagsimula na naman siyang maghabol. “Hoy! Sandali lang. Pwede pakihintay!” ‘Di maganda ang mood niya ngayon, sumasabay pa ang kabugnutan ng boss niya. Baka kahit dito tuluyang mawala ang pasensya niya. “Finally! Huminto rin! Marathon ang peg?!” nameywang ang kaliwang kamay ni Kalina at pinaypayan ang sarili gamit ang kanang kamay. Pinagpawisan siya doon! “Ehem.” Biglang umayos ng tayo si Kalina nang ma-realize na boss niya nga pala ang kaharap niya. Kailangan niyang kumilos ng propesyonal. Iniba niya ang tono ng kaniyang pananalita. “Bakit po pala tayo nandito sir?” magalang na tanong niya. “To discuss my offer.” “Na… k-kasal?” “Oo. So what do you think of my offer, will you accept it?” Seryoso ang mukha ni Cain. Hindi siya nagbibiro! Bakit siya gustong pakasalan ng lalaking ‘to? Malabong dahil lang gusto niya siyang tulungan. Matalino si Kalina at kilala niya ang ugali ng boss niya. Alam niyang sa malamang, may sariling dahilan si Sir Cain. Tusong businessman ang lalaki, bago ito may ialok, siguradong may pinaplano ito sa isip. “Gusto ko munang marinig ng buo ang proposal mo. Saka ko sasabihin kung tatanggapin ko ba o hindi.” Ngumisi si Cain sa naging sagot ni Kalina. “Katulad ng inaasahan ko. You really know how business works.” Binuksan ni Cain ang pinto sa harap nila. Inimuwestra niya ang kamay para pumasok si Kalina. “Then come in. Sasabihin ko ang bawat detalye.” Naunang pumasok si Kalina. Nasa likod niya si Cain. Namangha siya sa bumungad sa kaniya. Penthouse ang tinutuluyan ng lalaki! Mataas ang ceiling. Ang bintana na nagsisilbi ring pader ay clear glass kaya makikita ang overlooking view dito. Sala pa lang, malawak na. Woah. Grabe. Kung sabagay, billionaire ito. Ganitong klase ng tirahan ang bagay sa kaniya. Lahat ng gamit ka-vibe ni Cain. From the dangling chandelier to the sofa and carpet. Maski paintings at vases na naka-display, halatang mamahalin. Ganitong klaseng mga art ang makikita sa museum. Magkano kaya ‘yon? Thousands? Hundreds of thousands? O baka million! Umupo sila sa magkaharap na sofa. “What happened? Why did you run away?” panimulang tanong ni Cain. Natahimik si Kalina. “Okay, let’s forget about that. Hindi na ‘yon mahalaga,” pagpapatuloy nito nang makitang walang balak sumagot ang babae. “Gusto kitang tulungan. Alam kong matagal mo nang gustong ma-promote sa trabaho. I can do that for you… if you will marry me.” “At anong mapapala mo sa pagtulong sa akin?” pag-uusisa ni Kalina. “My own promotion,” pagbubunyag nito. “Alam kong alam mong ako ang anak ng CEO, hindi na ‘yon lingid sa kaalaman ng lahat. Pero hindi ibig sabihin no’n, may free pass ako. Katulad mo, matagal ko nang pinagsisikapang tumaas ang posisyon ko. Kahit ang posisyong mayroon ako ngayon, pinaghirapan ko rin katulad ng iba.” Taimtim na nakinig si Kalina. “Currently I’m the company’s COO. I am supposed to be the new CEO as I’m already qualified—but because of my father,” problemadong umiling ang lalaki. “Hindi pa ako maaaring maging CEO.” “Bakit?” curious na tanong ni Kalina. “Nagkaroon kami ng usapan. Hahayaan niya lang daw akong pamunuan ang kumpanya namin kung mag-aasawa ako.” “Kaya inaalok mo ako ng kasal.” Iyon pala ang dahilan, napagtanto na ito ni Kalina. “Yes.” Sabi na, imposibleng wala itong makukuha pabalik. “Kontratang kasal. I just need a woman who can pretend to be my wife in front of my parents. Nothing more, nothing else. Just pure business and both of us will benefit in this marriage.” Sumandal si Cain at prente siyang tinignan. “Mas pabor pa nga ito sa ‘yo dahil hindi natuloy ang kasal mo ngayon. Ano na lang ang sasabihin ng mga may alam na ikakasal ka? They will judge you for running away.” Hindi takot si Kalina sa sasabihin ng iba. Naniniwala siyang tama lang ang ginawa niya. Isa pa wala namang ibang nakakaalam na ikakasal siya maliban kay Cain. Ngunit paano kung pilitin pa rin siya ng Papa niya na ikasal kay Dave? Hindi siya papayag na makasal sa isang cheater! Ayaw niyang matali sa lalaking hindi naman niya mahal subalit mas lalong ayaw niya kung matatali siya sa lalaking hindi na nga niya mahal ay manloloko pa. Kung kay Cain siya makakasal, may makukuha siyang kapalit. Isa pa hindi niya kailangang maging tunay na asawa, magpapanggap lang sila. “Matutulungan kitang makuha ang gusto mo kapalit ng pagtulong mong makuha ang gusto ko. Give and take.” Maganda ang alok nito, pero… “Bakit ako? Maraming ibang babae ang pwede mong bayaran para magpanggap na asawa mo.” Bakit nga ba? Sigurado namang kahit walang kapalit na pera maraming magkakandarapa maging asawa lang ng isang Cain Valvares—kahit pa peke lang. Mayaman at gwapo ito. Makisig at maganda ang pangangatawan. Napakaperpekto niya sa tingin ng maraming babae. Siya na ata ang literal na depinisyon ng sinasabi nilang ‘tall, dark, and handsome.’ Kaya bakit si Kalina, na simpleng empleyado lang naman kung tutuusin, ang nais niyang magpanggap na asawa niya? “Dahil kilala mo na ako at kilala na rin kita. Ayokong mag-aksaya pa ng oras maghanap ng iba. You’re here, wearing a wedding gown. Maayos din naman ang suot kong suit with a tie. Isn’t this perfect?” mapaglarong ngiti ang sumilay sa labi ng lalaki. “Like we are meant to be with each other.” Napatingin si Kalina sa kasuotan nilang dalawa. Sa unang tingin parang silang dalawa ang ikakasal. Nagkataon na hindi natuloy ang kasal niya at ang boss niya naman ay naghahanap ng magpapanggap na asawa niya… tila ba tadhana na ang naglalapit sa kanila. “And I know you will never fall for me—which is good. No string attached. Mas gusto ko ng gano’n.” Sandaling namutawi ang katahimikan sa pagitan nila. Hanggang sa basagin ito ni Kalina. “Sige. Pumapayag na ‘ko.” “Great.” Mas lalong lumawak ang ngiti ni Cain. “I’ll call my lawyer for the contract.”“Boss Cain! Dito na ‘ko. Ba’t mo ba ako pinapapunta? ‘Wag mong sabihing mag-iinuman na naman tayo? Aba, ayoko na! May hang over pa nga ako. Saka saan mo gagamitin ‘yong mga requirements para sa marriage license na pinapahanda mo? Ano, ikakasal ka ba—what the heck?!”Natigil ang maingay na bunganga ng lalaking kararating lang nang sawakas ay tumingin ito sa kinaroroonan nina Cain at Kalina. Wala siyang tigil kasasalita nang hindi man lang napapansin ang dalawa. Ngayon, hindi ito magkandaugaga. Palipat-lipat ang tingin kay Cain at Kalina na pareho pa ring nakaupo sa sofa.“Boss… bakit gan’yan suot mo?” Tinuro niya si Cain pagkatapos ay si Kalina naman. “May babae… naka-gown. Ikakasal ka nga?! Totoo ba ‘tong nakikita ko? Lasing pa ba ‘ko?”“You are not hallucinating, Theo,” pangungumpirma ni Cain. “This is Kalina. She’s working in my company. And, well, I think you know her.”“Syempre! Kilala ko si Kalina.” Lumapit siya kay Kalina at nakipagkamay. “I know you. Marami akong naririnig sa
BUMALIK sa ulirat si Kalina nang huminto ang sasakyan. ‘Di niya namalayang nakarating na sila. Kanina pa nasa malayo ang isip niya, binabalikan ang mga nangyari noong mga nakalipas na buwan. Ang bilis ng mga naging kaganapan. Ang daming nangyari.Parang no’ng nakaraan lang, normal pa ang buhay niya. Tapos bigla siyang napilitang bumalik sa dati niyang pamilya at pinagkasundong ikasal sa isang lalaki. Suddenly, she learned that her supposed husband and her half sister were cheating on her. And now… she’s here. With her boss.“Nasaan tayo?”Bumababa sila sa parking lot ng mataas na gusali.“My space.”“Akala ko sa ospital mo ako dadalhin?”“Mukhang hindi naman kita napuruhan. Wala kang sugat o gasgas na natamo.” Tumigil maglakad ang lalaki at hinarap siya. “Ayos ka lang, 'di ba?”“O-Oo, ayos lang naman,” alanganing sagot ni Kalina na sinabayan ng tango.Nagpatuloy maglakad si Cain. Nakasunod lang si Kalina sa likod niya. Seryoso ba ang boss niya sa alok nitong magpakasal?No choice la
“Anong gusto mong flavor ng cake? They have chocolate, caramel, or you can say and request anything you prefer.”“Ikaw na lang mamili. Hindi ako kumakain ng cake.”Araw ng linggo. Walang pasok sa trabaho si Kalina. Magkasama sila ngayon ni Dave dahil may appointment sila para mamili ng mga putaheng ihahanda sa kanilang reception.Tumango si Dave sa naging sagot ni Kalina. Katulad ng nasabi, ang lalaki na nga ang nagdesisyon kung ano ang pipiliing mga handa. Mula main dishes, desserts, drinks, at iba pa ay siya na rin ang nagdesisyon. Minsan nagsu-suggest si Kalina kapag nagtatanong si Dave.“Nasubukan mo nang kumain o pumunta sa restaurants namin?” tanong ni Dave habang nagmamaneho. Tapos na sila sa kanilang schedule. Maglu-lunch naman sila.Umiling si Kalina. Ang mga Gomez, katunggali sila ng mga Valvares. Kapwa kilala ang dalawang apelyido sa kanilang ipinagmamalaking five star restaurants. Masyadong loyal si Kalina para sumubok ng ibang produkto at serbisyo ng kalabang negosyo.“Th
Isa-isang dumating ang mga pagkain. Lahat iyon ay mga paboritong putahe ni Kalina. Tanging tunog ng kanilang mga kubyertos ang namumutawi sa pagitan nilang apat. Hanggang sa basagin muli ni Mr. Alfred ang katahimikan.“How are you doing lately?” tanong para kay Kalina.Nilunok muna ng huli ang pagkaing nasa bibig bago malumanay na sumagot. “Okay naman. Mas maayos kaysa noong nandito ako.” Nakatanggap iyon ng sarkastikong tawa mula sa ginang. “Good to hear that. We’re also fine without you. Much better if I could say,” she said. Nag-uuyam ang tono.Hindi man lang ito nagbago. Siyang siya pa rin ang stepmother ni Kalina na labis ang galit sa kaniya. Kahit nananahimik ang batang Kalina at walang ginagawang masama, lagi itong may napupuna. Laging hinahanapan ng kamalian si Kalina. Palibhasa alam niyang sa paningin ng kaniyang asawa, ang anak nitong si Kalina ang pinakamamahal nito. ‘Di hamak na higit kaysa sa pagmamahal nito sa kaniya o kaya sa anak nilang si Natasha.Tumikhim ang padre
PAANO ba humantong sa ganito ang lahat? Apat na buwan bago maganap ang kasal… Napaigtad si Kalina sa gulat. Malakas na binagsak ni Sir Cain sa lamesa ang folder na inabot niya. Napakagat siya ng labi at napayuko. Tsk. Mali na naman ba? “What’s this? A trash?” pang-iinsulto ng Boss niya. “Ang tagal mo nang ginagawa ang trabahong ‘to hanggang ngayon mali-mali ka pa rin. And you are my best employee? Really? Kahit baguhang intern kaya ‘tong gawin. Pinapatunayan mo lang na hindi bagay sa ‘yo ang parangal na nakuha mo.” “Sinunod ko lang naman po ang instruction ninyo.” “Sumasagot ka pa?” “Sorry, sir.” Tinikom niya ang bibig at hindi na nagreklamo. “Uulitin ko na lang po.” “As you should. Kailangan ko ‘yan ngayong araw.” “Yes, sir.” Tumango si Kalina sabay kuha pabalik ng pinasa niyang dokumento. Kailangan niya na namang mag-overtime sa trabaho. Kahit dismayado, taas noo siyang lumabas sa opisina ng kanilang COO. Maayos ang kaniyang tindig at napaka presentable niyang tignan sa
Ang kasal ay isang sagradong seremonya. Halos lahat ng kababaihan ay pinapangarap itong maranasan… ang maikasal sa lalaking mahal nila, magkasamang bumuo ng pamilya, at mamuhay ng masaya. Subalit hindi naman lahat ng babae ito ang gusto. May iba na mas gustong mag-isang tumanda. Mayroong mga ayaw mag-asawa. Dito kabilang si Kalina. Masaya na siya kahit mag-isa.Simpleng buhay lang ang gusto niya. Basta’t nakakasurvive siya, ayos na. Kung mangangarap man siya, ‘yon ay hindi ang maikasal kundi tungkol sa kaniyang promotion sa trabaho. Malalim na buntong hininga ang pinakawalan ni Kalina. Kanina pa siya ‘di komportable habang lulan ng kotse na magdadala sa kaniya sa simbahan.Mahigpit at hapit sa katawan ang suot niyang puting gown. Mahaba ito, malaki, at makati sa pakiramdam. Namamawis na ang kamay niya kaya nasa hita niya muna nakapatong ang isang bouquet. Maganda itong tignan dahil sa iba’t ibang uri ng bulaklak na pinagsama-sama. Matabang siyang napangiti. Sa kasal din naman pala