LOGINChapter 4
KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito? Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa? Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya. Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya ito mula sa bulsa at lihim siyang napamura nang mabasa ang pangalang naka-rehistro sa screen. "Hello, Zach? nasaan ka? akala ko ba sasamahan mo ako mag pa check-up!" narinig niyang wika ni Bettina sa kabilang linya. "Shit! Bettina, puwede ba, may problema ako, mag pa check up kang mag isa!" hindi niya alam pero naiinis siya. "Zach!" sambit nito, pero hindi na niya ito pinagsalita pa muli, mabilis niyang ibinaba ang kanyang cellphone at inihagis sa pader. Gigil siyang tumayo sa kama at lumabas ng silid. Nakailang hakbang palang siya sa baitang ng hagdan nang biglang pumasok ang ama ng asawa. "Pa.." ganoon nalang ang pagkagulat niya nang mabilis siya nitong binigyan ng suntok. "Wala akong pakialam kung anak ka ni Alwin, hindi ako mangingiming bugbugin ka kapag may mangyari masama sa anak ko!" banta nito sa kanya at muli siyang binigyan ng suntok. "Jake!" mula roon ay pumasok ang asawa nito. "Tama na iyan!" awat nito sa lalaki. "Bitawan mo ako, Alicia! Bubugbugin ko ang Gagong iyan!" "Jake, ano ba?!" doon lang kumalma ang lalaki. "Hijo, pasensiya ka na!" baling ng Ginang sa kanya. Tumango siya at pinunasan ang dumugong bibig. Tinanaw niya lang ang dalawa habang papalabas. Napangiwi siya nang makaramdam ng hapdi. Putok man lang labi ay lumabas siya nang bahay at dumiretso sa nakaparada niyang kotse. Buong araw na naman siyang magmamaneho, mag iikot-ikot kung saan-saan, baka sakaling matagpuan ang asawa, pero alam niya sa kanyang sarili na imposible iyon. May kasabihan nga, mahirap hanapin ang taong ayaw magpakita. Ganoon pa man ay nagpatuloy parin siya sa pagmamaneho. Hindi siya sigurado kung ilang oras na siyang nagmamaneho. Naipadarada niya ang kanyang kotse nang makaramdam ng pagod. Ganito ba talaga? saka mo lang makikita ang kahalagahan ng isang tao kapag wala na ito? Bigla niyang naitanong sa kanyang sarili habang nakapikit. Sa pangungulila niya sa asawa ay bigla niyang naalala kung paano siya nito alagaan, kung gaano ito naging mabuting asawa sa kanya. Nirespeto at pinahalagahan nito ang pagsasama nila at higit sa lahat, minahal siya nito nang higit pa sa buhay nito. Pero anong ginawa niya? Gusto niyang murahin ang sarili, pagalitan. Napakalaking gago niya. Gusto na niyang makita ang asawa at sabihin ritong payag na siya sa gusto nitong mangyari. Lalayuan niya si Bettina, kapag nakapanganak na ito, kukunin niya ang bata at sila ang magpapalaki ni Patricia. Pero sana lang, kung pumayag siya agad, hindi sana ito aalis, bakit ba laging nasa huli ang pagsisisi? Paano kung bumalik ito ngunit ayaw na sa kanya? Makakaya ko kaya? Natigil siya sa malalim na pag iisip nang biglang may kumatok sa bintana ng sasakyan niya. Ibinaba niya ang salamin nito. "Sir, bawal ang magparada dito.." Anito sabay turo sa kanya kung saan may nakalagay na bawal magpark. "Oh! pasensiya na, hindi ko napansin!" nahihiyang hinging paumanhin niya at mabilis na binuhay ang makina. Sa lalim ng iniisip niya hindi niya napansin ang nakasulat roon, basta nalang pumarada. Mabilis niyang pinaandar ang kotse at umalis sa lugar na iyon. Pinili na lamang niyang tahakin ang daan patungo sa bahay ng mga magulang. Pero gusto niyang pagsisihan ang pagpunta sa bahay ng mga magulang. Dahil hindi pa man siya nakapasok sa gate nang biglang may humintong taxi sa tapat at mula roon ay bumaba si Bettina. Galit itong sumagod sa sasakyan niya. Wala siyang nagawa kundi ang bumaba at harapin ito. "Bettina.." Bumaba siya sa kotse at nilapitan ito, pero sinalubong siya nito ng sampal. "Bakit ka nandito?" sa huli ay tanong niya sa kaharap. "Hah! may gana ka pang magtanong kung bakit ako nandito?!" matigas nitong sagot. "Natural, pinupuntahan kita! dalawang araw ka ng hindi nagpapakita sa akin, tapos tatanungin mo ako kung bakit ako nandito?" hindi niya alam pero pakiramdam niya, ibang Bettina ang kaharap niya nang mga sandaling iyon. "Bettina, puwede ba, nasa bahay tayo ng mga magulang ko, huwag kang mag eskandalo!" mariing wika niya at napapatingin sa gate sa takot na baka biglang may lumabas roon. "Bakit, takot ka? Hah! nawala lang siya ng ilang araw nagkakaganyan ka na?" "Asawa ko iyong nawawala Bettina, ano sa tingin mo ang mararamdaman ko? dapat ko bang ikatuwa iyon?" kunti nalang talaga at maiinis na siya sa babaeng ito, kunti nalang at makakalimutan niyang buntis ito. "Ang sabihin mo, hindi mo lang matanggap! Hindi matanggap ng Ego mo na iniwan ka niya!" "Umalis ka na!" taboy niya rito at akmang lalagpasan ito. Pero bigla siya nitong hinawakan sa braso. "M-mahal mo na ba siya?" tanong nito na siyang ikinagulat niya. "Ano nangyari, Zach? pumayag ako na pakasalan mo siya dahil mahal at kita. Nangako ka, nangako ka na hihiwalayan mo siya pagkatapos na isang taon, pero bakit?" anito na tila maiiyak na. Bigla siyang natameme nang maalala ang pangako niya rito. Naalala niya noon kung bakit kailangang si Patricia ang papakasalan niya. "Bettina.." Wala siyang mahagilap na salita. "Umaasa ako sa pangako mo! pero nasasaktan ako! nasasaktan ako na nakikita kang nagkakaganyan dahil sa kanya! Bakit pakiramdam ko, nasa kanya na ang pagmamahal mo?" doon na ito tuluyang napaiyak. Wala naman siya magawa, basta nakatitig lang siya dito. At lalong wala siyang alam kung anong sasabihin rito. "Hindi ko kaya, Zach! Hindi ko kayang nakikita kang ganyan!" luhaan itong tumitig sa kanya, naghihintay sa kanyang sasabihin. Nang walang makuhang sagot mula sa kanya ay humagulhol itong tumalikod at muling sumakay sa taxi. Naiwan naman siyang tulala. Tila siya napako sa kinatatayuan. Tumatak sa isipin niya ang mga sinabi nito. Gusto niya ito habulin, upang sabihing hindi na niya maaring tuparin ang pangako niya. Pero ayaw kumilos ng mga paa niya. "Kuya.." Nanigas ang kanyang katawan nang marinig ang boses ng kapatid. "J-Jake! k-kanina ka pa ba diyan?" hindi niya alam pero bigla siyang kinabahan nang mapansin ang mga titig nito sa kanya. "Oo! actually, kanina pa. Palabas na sana ako nang marinig kong parating ka kasunod si Bettina at...narining ko ang lahat, kuya!" hindi agad nakahuma. "Jake.." "Bakit? kung mahal mo si Bettina, bakit mo pinakasalan si Ate Patricia? " tanong nito. Paano nga ba niya ipapaliwanag rito ang lahat? Pero sa huli natagpuan niya ang sariling nagsimulang magkwento sa kapatid. Nang matapos magkwento rito ay naghintay siya sa magiging reaksyon nito. "Nang dahil lang doon, Kuya?" anito at tila nagtitimpi sa galit dahil sa nalaman. "Dahil doon kaya mo pinakasal si Ate Patricia?! Eh, ang Gago mo pala e..!" "Zion Jake!" nagulat siya sa inasta ng kapatid. "Problema ng pamilya natin, dinamay mo ang isang inosenteng kagaya niya? Mahal ka niya, Kuya, pero anong ginawa mo!" tila hindi na ito makapagpigil kaya napapasigaw na ito. "Hinaan mo ang boses mo, Zion!" aniya at aktong pakakalmahin ang kapatid pero nagulat siya ng bigla siya nitong inambagan ng suntok. "Bakit hindi nalang si Bettina ang pinakasalan mong Gago ka!" "At sa tingin mo, matatanggap siya nila Nanay?" "Kaya mas pinili mong saktan si ate Patricia?" "Ginawa ko iyon para sa atin!" "Hindi ko iyon hiniling sayo! kung tutuusin, kaya kong mag tiis ng anim buwan at hindi ko magagawang manggamit ng ibang tao na kagaya mo!" sigaw nito sabay duro sa kanya. "Magkapatid lang tayo sa ama pero hindi ako kasing Gago mo!" "Namumuro ka, ah!" hindi na siya nakapagtimpi sa kakatawag nito sa kanya na Gago. "Eh, totoo naman, ah? Kung hindi ka ba naman Ga-" "Anong nangyayari dito?" sabay silang magkapatid na napalingon sa nagsalita. "Tatay!"si Zion. "Tay! Tatay!" napalunok siya nang makita ang ama. "Hanggang ngayon hindi parin kayo ng babago! magkapatid kayo pero bakit kayo nag aaway? kung magpatayan nalang kayo nang matapos na iyang mga problema niyo!" "Tatay!" "Tumahimik ka, Zion!" napayuko naman ang kapatid. Kapag ito na talaga ang magsalita, tiklop sila agad na magkapatid sa ama. "At ikaw, Zach? may asawa kang nawawala pero ito ang inaatupag mo!" biglang baling nito sa kanya. "Imbes na makipagtalo ka sa kapatid mo, hanapin mo ang asawa mo kung ayaw mong patayin ka ni Jake!" "Sorry, Tay!" nagyuko siya ng ulo. Hindi niya magawang sumagot sa ama. "Ikaw Zion, puntahan mo ang Nanay mo sa mall ikaw na ang magsundo sa kanya!" "Opo, Tay!" mabilis itong kumilos at pumasok sa loob. Muli siyang binalingan ng ama. "Sumama ka sa akin papuntang hotel, may kailangan tayong pag uusapan!" maawtoridad nitong sabi at mabilis siyang tinalikuran. Napabuntong hiningan nalang siya at kahit labag man sa kanyang kalooban ay muli siyang sumakay sa kanyang kotse. Saka nalang niya hahanapin ang asawa pagkatapos nilang mag usap ng ama. ItutuloyChapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo
Chapter 6 "ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. "M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa. "Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!" "Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya. "Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito. "Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam k
Chapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong
Chapter 4KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa?Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya.Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya i
Chapter 3GABI na nang magdesisyon siyang umuwi sa kanilang bahay. Hula niyang gising pa ang asawa at hinihintay nito ang kanyang pag uwi. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang sariling susi ng main door. Pagkapasok ay dumiretso na siya paakayat sa kanilang silid. At tama ang kanyang hinala. Pagkapabukas niya ng pinto sa kanilang silid ay tumambad sa kanya ang asawang kapanteng nakaupo sa couch, halatang hinihintay siya nito. Hindi naman siya agad nakagalaw sa kinatatayuan."Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?" bungad nito sa kanya. Isinara niya ang pinto at hinarap ito ulit."Pasensiya na, hindi ko napansin ang takbo ng oras!" pagdadahilan niya."Talaga lang, ha?" may pagdududa nitong saad. "Iniiwasan mo lang ako kaya ngayon mo lang naisipang umuwi at bakit? Akala mo tulog na ako?" mariin siyang napapikit. Ayaw niyang makipagtalo dito pero ito ang nagsisimula. "Patricia, puwede ba pagod ako, gusto ko ng matulog!" tanging wika niya na lang upang matigil na ito."
Chapter 2HINDI siya mapakali habang minamaneho ang ang kanyang kotse. Kanina niya pa hinahanap ang asawa. Paikot-ikot lang siya sa naturang lugar. Sa huli ay tinalunton niya ang daan papuntang park ng subdivision. At hindi siya nagkamali, naroon ang asawa niya, nakaupo sa isang bench yakap ang sarili habang umiiyak. Napalinga-linga siya sa palagid. Masyado ng gabi at kahit mahigpit ang sekyuridad ng subdivision ay hindi niya maiwasang mag alala sa asawa. Kung nasa naiibang lugar ito baka ano nang nangyari rito. Nakapantulog lang ito at binalutan ng roba magulo ang buhok.Huming siya nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalapit rito."Anna Patricia!" tawag niya sa asawa pero hindi siya nito pinansin, patuloy lang ito sa pag iyak. "Hon!" umupo siya sa tabi nito at pilit itong sinisilip sa pagkakayuko. Lalo itong napayuko at humagulhol. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nakikita ang asawa sa ganitong ayos.Tumayo siya at naglakas loob na hinila ito







