LOGINChapter 5
NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong niya sa matandang babae. May kausap itong isang batang lalaki. "Naku! Mga bata lang, hija! naglalaro kaya hayan, tumilapon rito sa bakod natin ang bola nila.." Natatawang wika nito at inabot sa bata ang bolang sinasabi nito. "Hello po, Miss Ganda! Pasensiya na po sa abala!" hindi niya alam pero hindi niya maiwasang mapangiti habang nakatingin rito. Napaliting siyang lumabas at lumapit dito, pinili niyang pumantay rito upang matitigan ito ng malapitan. "Anong pangalan mo?" "Tucker po!" mabilis nitong sagot. Binitawan nito ang hawak na bola at pabiglang hinaplos ang kanyang pisngi. Sa pagkabigla ay hindi na niya nagawa pang umiwas. "Ang ganda-ganda niyo po! Puwede ko po ba kayong maging Mommy?" napahagigik siya sa sinabi nito. "Ikaw talaga! Bakit? Wala ka bang Mommy?" "Wala po! Anton lang po ang meron ako!" "Sino iyon?" "Daddy ko po!" "Tucker! Naku! Pasensiya na po kayo sa alaga ko!" mabilis siyang napalingon sa nagsalita. "Yaya Gina!" tawag nito sa babae. "Miss Ganda! Bye-bye na po, sinundo na ako ni Yaya. Bye-bye po!" kumaway ito sa kanya. Gusto niya itong tawagin at pigilang umalis pero naakay na ito nang babae. "Ang bibong bata!" kumento ng Ginang. "Kilala niyo po siya, Manang?" "Naku hindi! pero lagi iyan rito at nakikipaglaro sa ibang bata." Napatango-tango siya sa sagot nito. "Paano? Aalis muna ako saglit, ha?" "Ay! Sige po, ingat kayo!" nasundan niya nalang ito ng tanaw. Ilang segundo pa ay isinara niya na ang gate at pumasok ulit sa loob. Dumiretso siya sa hapag at pinagpatuloy ang pagkain. Nang matapos siyang kumain ay siya na mismo ang naghugas ng kanyang pinagkainan. Matapos maghugas ay bigla siyang napaisip at nagkibit-balikat na kumuha ng walis at pandakop. Inuna niyang maglinis sa kusina. Hindi naman kalakihan ang apartment na tinutuluyan niya kaya madaling lang linisin, isa pa sanay naman siya sa mga gawaing bahay. Nang malinis na niya ang kusina ay ang munting sala na naman ang kanyang pinagkaabalahang linisin. Pinunasan niya ang pawis na tumulo mula sa kanyang noo at pahamad na umupo. Napangiti siya nang makitang malinis ang kanyang pagkatrabaho. Kung nandito lang ang Mama at Papa niya, matutuwa ang mga iyon sa ginagawa niya sa bahay. Nang maalala ang mga magulang ay gumuhit ang lungkot sa kanyang mukha. "Kamusta na kaya sila, Mama at Papa?" biglang tanong niya sa hangin. Nang araw na makita ang asawa kasama ang babae nito ay hindi niya halos malaman kung anong gagawin. Iyak lang siya ng iyak noon habang sakay ng taxi. Hindi na niya nagawang balikan ang driver niya na naghihintay sa kanya. Hindi na nga niya maalala kung paano siya napunta sa lugar na ito. Ang tanging nasa isip niya lang noon ay ang makatakas sa sakit na nararamdaman. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Walang ibang tatawag sa kundi si Miranda lamang. "Miranda! Bakit ka napatawag?" "Ma'am? Kailan ba kasi kayo uuwi? Kulang nalang patayin ako ng asawa niyo!" napatayo sa kinauupuan at napalakad-lakad sa sala. "Ano? Anong ginawa niya sayo?" may pag alalang tanong niya. "Wala naman po! kaya lang, araw-araw siyang nagpupunta dito sa bangko at pinipilit akong magsabi kung nasaan kayo!" "Miranda.." "May isang salita ako, Ma'am Patricia! gaya ng pinangako ko, hindi ko sasabihin kung nasaan kayo, pero hanggang kailan po ba?" "H-Hindi ko alam! ayaw ko pang bumalik diyan!" "Kahit po ba sa Mama niyo? Hindi ko maaring sabihin?" saglit siyang natameme sa sinabi nito. "Hindi! wala kang pagsasabihan!" matigas niyang sabi sa kausap ngunit hindi niya nagawang pigilan ang pagpiyok ng kanyang tinig. "Pero Ma'am..kasi.." "Sige na Miranda, may gagawin pa ako!" mabilis niya itong binabaan ng telepono. Napaisip siya sa sinabi nito. Araw-araw pumupunta ang asawa niya sa bangko para itanong kung nasaan siya? bakit? Ipiniling niya ang kanyang ulo at nagdesisyong umakyat sa kanyang kwarto. Ayaw niya munang mag isip ng kung anu-ano. NAPAPIKSI siya nang pabigla nitong hinampas ang desk niya. "Magsasabi ka ng totoo o hindi?" tanong nito sa kanya. Kung nakakamatay lang mga tingin nito, baka kanina pa siya nakahandusay sa sahig. "W-wala po talaga akong alam, Sir Zach!" "At sa tingin mo maniniwala ako? niloloko mo ba ako? Ikaw ang sekretarya pero hindi mo alam kung nasaan ang amo?" Tikom ang bibig at umiling-iling siya sa kaharap. "Talaga lang, ha? ni minsan hindi ka niya tinawagan?" iling ulit ang kanyang sagot rito. "Akin na ang cellphone mo.." "Ho?" nanlaki ang kanyang mata sa sinabi nito. "Bingi ka ba? sabi ko akin na ang cellphone mo.." "Ayoko!" hindi niya alam pero bigla siyang napasigaw. Napatutop siya sa kanyang bibig at takot na napatingin sa kaharap. "May alam ka nga kung nasaan ang asawa ko?" "Sir, wala po talaga akong alam at isa pa, bakit hindi niyo nalang hayaan si Ma'am Patricia na magpakalayo sa inyo? sariling desisyon niya iyon! Hayaan niyo munang mabawasan iyong sakit na nararamdaman niya!" "Anong sinabi mo?" lihim niyang pinagalitan ang sarili dahil sa nasabi sa kaharap. Lihim na rin siyang nagdasal nang makita ang galit sa hitsura nito. "Sa mga pinagsasabi mo, lalo mo lang pinatunay na alam mo kung nasaan siya. Ganoon ba kayo kalapit at alam mo ang sakit na nararamdaman niya?" anito sa may halong galit na boses. Alam niyang kayang-kaya siya nitong patalsikin sa trabaho niya anong mang oras pero hindi siya nagpatinag, sasabihin niya kung ano man ang gusto niyang sabihin. "Hindi! Hindi po ako ganoon kalapit sa kanya, pero hindi niya na kailangan pang sabihin kung nasasaktan at nahihirapan na siya. Dahil hindi pa man siya nagsasalita, nababasa ko na sa mga mata niya ang sakit!" matapang niyang sagot. "Kayo, Sir? ramdam niyo ba? o nakikita niyo man lang ba sa mga mata niya kung gaano siya nasasaktan sa piling niyo?" hindi niya alam pero iyon ang mga salitang lumabas sa kanyang bibig. Nagulat pa siya ng tila wala sa sariling napailing ito sa sagot niya. Napamaang siya at hindi makapagsalita. Noon lang siya natauhan nang walang kahit anong salita na tumalikod ito at umalis. Tulala naman siyang napaupo at hindi mapigilang mapaiyak at naitanong sa sarili kung may trabaho pa siyang babalikan bukas? PINAGTATAPON niya ang lahat na kanyang mahawakan. Punong-puno na siya, talagang ginagalit siya nang kanyang asawa. Hanggang ngayon ay hindi parin nila ito mahanap. Sadyang ayaw talaga nitong magpakita sa kanila. Ang mas lalong kinainis niya ay wala man lang siyang magawa. Kahit siguro takutin niya ang kalihim nito ay hindi ito magsasalita kung nasaan ang asawa niya. Kusa siyang natigilan nang biglang maalala ang sinabi nito sa kanya. Sa inis ay napasuntok siya sa pader. "Ang Gago mo! napakalaking Gago mo, Zach!" galit niyang wika sa sarili at napaupo sa sahig. Ilang linggo nang nawawala ang asawa niya, hangga't hindi ito bumabalik ay lagi nalang siyang ganito. Araw-araw din siyang nakakatikim ng sermon sa ina. Araw-araw ring pinapamukha sa kanya kung gaano siya kagago. Mabilis siyang napatayo sa pagkakaupo nang biglang bumakas ang pinto sa kanyang opisina at mula roon ay pumasok ang kanyang ama, may dala-dalang itong folder. "Anong drama na naman iyan, Zachary?" agad nitong tanong nang mapansin ang mga kalat sa buong opisina niya. Hindi siya makasagot dito. "Dinadaan mo na naman sa pagwawala ang lahat? Sa tingin mo, babalik si Patricia? Kahit sirain mo itong buong opisina mo, hindi babalik ang asawa mo? kumilos ka nga Zach! Huwag kang duwag! iyan ang napapala sa mga kagaya mo!" "Tay!" pabigla niyang wika. "Ano? Totoo naman diba? Ang hindi ko lang maintindihan sayo ay kung bakit mo ito ginagawa? Bakit nga ba Zach?" "Tatay.." aniya sa naguguluhang tinig. Hindi niya alam kung anong pinupunto nito. "Noong ikinasal kayo ni Patricia, akala namin ng Nanay mo, magiging maayos ka! sa simula okey naman ang lahat sa inyo diba? Pero bakit ito nangyayari?" Lalong hindi siya nakasagot sa tanong nito. Hindi niya magawang sabihin rito ang totoo. "Pumunta ako rito para ibigay ito sayo, at bukas ay may site visit tayo sa batangas, hindi ka puwedeng hindi pumunta, naintindihan mo?" "Opo!" "Good!" anito. "At siya nga pala, pinasasabi ng Nanay mo na sa bahay ka umuwi mamaya at gusto ka naman niyang sermunan at nang gigigil na rin si Shaira na paluin ka ng sinturon at nang sa ganoon baka magising ka sa pagkagago mo!" "Tatay!" hindi niya maiwasang sigawan ang ama dahil sa narinig. "Ano? takot ka sa Nanay mo, Zachary Jack?!" nakakalong wika nito habang napapangisi sa kanya. Napailing-iling nalang siya sa kanyang ama. Ilang saglit pa ay lumabas na ito sa kanyang opisina. Naiwan naman siyang mag isa. Napasuklay siya sa kanyang buhok at lihim na napapamura. Dahil hindi rin naman siya makapagtrabaho ng maayos kaya nag desisyon siyang umalis at pumunta ulit sa bangko. Nang makarating sa basement ay dumiretso siya sa kanyang kotse at sumakay roon. Binuhay niya ang makina at pinasibat iyon. Ilang minuto pa ay ipinarada niya ang kanyang kotse sa tapat ng bangko, nagmamadaling siya bumaba. Diri-diretso siya papasok, hanggang marating niya ang lamesa ng sadya. "S-sir?" hindi niya maiwasang mapangisi nang makita ang pamumutla nito nang makita siya. "Bibigyan kita ng huling pagkakataon, nasaan ang amo mo?" mariing tanong niya. "W-wala ho talaga akong alam!" napahampas siya ng malakas sa lamesa nito. "Sasabihin mo o tatanggalin kita sa trabaho mo?" "Sir, hindi ko talaga alam kung nasaan si Ma'am Patricia, Kahit mamatay pa ngayon ang tsimosa naming kapit-bahay, wala talaga akong alam!" "Huh? tsimosang kapit-bahay, ha? ito ang tandaan mo! Oras na malaman kong may alam ka, kakaladkarin kita palabas sa bangko ito!" matigas niyang bilin at inis na inis na tinalikuran ito. Nahuli niyang sa kanila nakatingin ang ibang empleyado. Isang nagbabantang tingin ang ibinigay niya sa mga ito at tarantang napabalik sa mga kani-kanilang ginawa. Nang makapasok sa kanyang kotse ay napahilot siya sa kanyang sentido. "Shit!" napahampas siya sa manibela nang tumunog ang kanyang cellphone at pangalan ni Bettina ang nakalagay. Sa inis niya ay hindi niya ito sinagot at pinatayan ng telepono. Hindi na niya talaga kaya, kailangan niya na talagang mahanap ang asawa niya. ItutuloyChapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo
Chapter 6 "ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. "M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa. "Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!" "Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya. "Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito. "Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam k
Chapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong
Chapter 4KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa?Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya.Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya i
Chapter 3GABI na nang magdesisyon siyang umuwi sa kanilang bahay. Hula niyang gising pa ang asawa at hinihintay nito ang kanyang pag uwi. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang sariling susi ng main door. Pagkapasok ay dumiretso na siya paakayat sa kanilang silid. At tama ang kanyang hinala. Pagkapabukas niya ng pinto sa kanilang silid ay tumambad sa kanya ang asawang kapanteng nakaupo sa couch, halatang hinihintay siya nito. Hindi naman siya agad nakagalaw sa kinatatayuan."Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?" bungad nito sa kanya. Isinara niya ang pinto at hinarap ito ulit."Pasensiya na, hindi ko napansin ang takbo ng oras!" pagdadahilan niya."Talaga lang, ha?" may pagdududa nitong saad. "Iniiwasan mo lang ako kaya ngayon mo lang naisipang umuwi at bakit? Akala mo tulog na ako?" mariin siyang napapikit. Ayaw niyang makipagtalo dito pero ito ang nagsisimula. "Patricia, puwede ba pagod ako, gusto ko ng matulog!" tanging wika niya na lang upang matigil na ito."
Chapter 2HINDI siya mapakali habang minamaneho ang ang kanyang kotse. Kanina niya pa hinahanap ang asawa. Paikot-ikot lang siya sa naturang lugar. Sa huli ay tinalunton niya ang daan papuntang park ng subdivision. At hindi siya nagkamali, naroon ang asawa niya, nakaupo sa isang bench yakap ang sarili habang umiiyak. Napalinga-linga siya sa palagid. Masyado ng gabi at kahit mahigpit ang sekyuridad ng subdivision ay hindi niya maiwasang mag alala sa asawa. Kung nasa naiibang lugar ito baka ano nang nangyari rito. Nakapantulog lang ito at binalutan ng roba magulo ang buhok.Huming siya nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalapit rito."Anna Patricia!" tawag niya sa asawa pero hindi siya nito pinansin, patuloy lang ito sa pag iyak. "Hon!" umupo siya sa tabi nito at pilit itong sinisilip sa pagkakayuko. Lalo itong napayuko at humagulhol. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nakikita ang asawa sa ganitong ayos.Tumayo siya at naglakas loob na hinila ito







