Share

Chapter 3

Penulis: Jhen08
last update Terakhir Diperbarui: 2025-11-30 10:42:42

Chapter 3

GABI na nang magdesisyon siyang umuwi sa kanilang bahay. Hula niyang gising pa ang asawa at hinihintay nito ang kanyang pag uwi. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang sariling susi ng main door.

Pagkapasok ay dumiretso na siya paakayat sa kanilang silid. At tama ang kanyang hinala. Pagkapabukas niya ng pinto sa kanilang silid ay tumambad sa kanya ang asawang kapanteng nakaupo sa couch, halatang hinihintay siya nito. Hindi naman siya agad nakagalaw sa kinatatayuan.

"Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?" bungad nito sa kanya. Isinara niya ang pinto at hinarap ito ulit.

"Pasensiya na, hindi ko napansin ang takbo ng oras!" pagdadahilan niya.

"Talaga lang, ha?" may pagdududa nitong saad. "Iniiwasan mo lang ako kaya ngayon mo lang naisipang umuwi at bakit? Akala mo tulog na ako?" mariin siyang napapikit. Ayaw niyang makipagtalo dito pero ito ang nagsisimula.

"Patricia, puwede ba pagod ako, gusto ko ng matulog!" tanging wika niya na lang upang matigil na ito.

"Pagod ka? At sa tingin mo ako, hindi? pagod ako, Zach! Pagod na pagod ako sa kakaisip kung anong mali ko at saan ako nagkulang para magawa mo sa akin ito!"

"Ano ba gusto mo? sabihin mo na ang lahat nang matapos na ang lahat nang ito!" hindi na siya nakapagpigil kaya napasigaw na rin siya rito.

"Tang ina mo, Zach! Anong akala mo sa akin, ha?" sigaw nito sabay duro sa kanya. "E, kung hindi ka pa naman tarantadong Gago ka, hindi sana tayo nagkakaganito!"

"Ano bang gusto mong palabasin, ha?"

"Sinabi ko naman sayo, gawin mo ang gusto ko at walang magbabago sa pag sasama natin. Kakalimutan ko ang lahat, sundin mo lang ako!"

"Na ano? At sa tingin mo papayag ako sa gusto mo?" mabilis niyang sagot rito. Kitang niyang nag uunahan na sa pagpatak ang mga luha nito. "Ito lang sasabihin ko Patricia at hindi ko na ito uulitin pa kaya ilagay mo diyan sa utak mo, hindi ka kayang ibigay ang inihiling mong layuan ko ang mag ina ko!" galit itong lumapit sa kanya at mabilis na binigyan ng mag asawang sampal. Tila namanhid ang pisngi na sa sobrang lakas ng pagkasampal nito.

"Ikaw na itong may kasalan, ikaw pa ang may ganang magalit, Gago ka!" gigil siya nitong pinaghahampas sa dibdib. "Kaya ba doon ka dumiretso sa bahay ng Bettina na iyon dahil mas pinipili mo siya,ha? Sumagot ka!" napatiim-baga siya at gigil itong hinawakan sa magkabilaang braso nito.

"Sinusundan mo ako?" mahinahon ngunit may diin niyang tanong. Namutla naman ito sa tanong niya. "Sumagot ka! sinusundan mo ako?!"

"Oo! sinundan kita! Dahil gusto kong malaman!"

"Anong gustong malaman?" nilamon na siya ng galit sa nalamang sinusundan siya nito. Napadiin ang paghawak niya sa mga braso nito.

"Aw! Zach, nasasaktan ako!" daing nito. Biglang siyang natauhan at binitawan ito. Tumalikod siya at kinakalma ang sarili. Dinig niya ang mga hikbi nito. Saglit niya itong nilingon, pagkatapos ay mabilis siyang humakbang papuntang banyo. Pabalya niyang isinara ang pinto at ini-lock iyon.

Hindi na niya alam kung anong gagawin sa asawa. Masyado na itong naging matapang, hindi na niya nakikita ang dating asawa na malambing sa kanya. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Nanghihinang hinubad niya ang kanyang mga saplot. Balak niyang magbabad sa pagligo nang sa ganoon ay maiwasan ito. Nang maalis na lahat ng suot ay inilubog niya ang kanyang katawan sa tub. Ipinikit niya ang kanyang mata at pilit ninanamnam ang lamig na hatid ng tubig.

May mga mahigit oras siyang nag babad roon. Siniguro niyang tulog na asawa paglabas niya, ngunit sa kanyang paglabas ay gising pa ito. Nakahiga man ito sa kama ay alam niyang gising pa ito. Nakatagilid ito ng higa at pansin niyang umaalog ang balikat nito. Alam niyang umiiyak na naman ang asawa niya at kagagawan niya iyon. Napabuntong-hininga siya at lumapit sa kama. Hindi man lang siya nito pinansin, patuloy lang ito sa pag iyak. Sumampa siya sa kama at nahiga sa tabi nito. Dinig na dinig niya ang mga hikbi nito, gusto niyang yakapin ito at aluin. Hihingi ng tawad, pero hindi na iyon ginawa. Tumagilid na rin siya ng higa at ipinikit ang mga mata. Pinilit niyang makatulog, nagbingi-bingihan siya sa mga hikbi ng asawa.

NAGISING siyang wala sa tabi ang kanyang asawa. Naiiyak na bumaba siya ng kama at pumasok sa banyo para maligo.

Pakiramdam niya ay pagod na pagod ang kanyang katawan, hindi niya alam kung bakit, pero may iba pa siyang naramdaman na pagod na maliban sa kanyang katawan.

Ang kanyang puso, napapagod na siyang intindihin ang asawa, sobra niya itong minahal na sa sobrang pagmamahal niya rito ay halos wala na siyang itinira sa kanyang sarili. Kay Zach umiikot ang mundo niya, walang ibang mahalaga sa kanya kundi si Zach. Pero ngayon, nakakaramdam na siya ng pagod.

Mabilis niyang tinapos ang pagligo at nagbihis. Matapos magbihis ay dinampot niya ang kanyang cellphone at tinwagan ang kanyang kalihim upang ibilin ritong hindi siya makakapasok. Nang matapos magbilin rito sa mga gagawin ay lumabas na siya ng silid at bumaba.

"Magandang araw po, Ma'am!" bati sa kanya ng katulong nang makababa siya sa hagdan.

"Magandan araw din sayo!" ganting bati niya. "Ah, ang Sir mo?" maya-maya ay tanong niya rito.

"Ma'am, maaga po siyang umalis, hindi na nga po iyon ng almusal!" maagap nitong sagot.

"Ganoon ba?"

"Opo!"

"Si Mang Albert, nandiyan ba?"

"Opo, Ma'am!"

"Pakitawag, pakisabi aalis kami, hindi na rin ako mag aalmusal."

"Opo, Ma'am!" yumuko ito sa kanya bago tumalikod at pinuntahan ang kanilang driver. Ilang sandali pa ay nakabalik na ang katulong kasunod nito ang kanilang driver.

"Ma'am, tawag niyo daw ako?"

"Oo, pakihatid naman ako sa bahay."

"Po?" tila naguluhan ito sa sinabi niya.

"I mean, sa bahay ng parents ko!"

"Ihahanda ko lang po ang kotse!" tumango lamang siya rito at humakbang na palabas.

"ANNA PATRICIA!" gulat na sambit ng kanyang Mama nang bigla siyang sumulpot sa kanilang garden. Humalik siya sa pisngi nang ina. "Hindi mo naman itinawag na ngayon ka dadalaw, anak." Ibinaba nito ang hawak na spray at tinanggal ang suot na gloves at yumakap sa kanya.

"Sobrang miss ko kayo, Ma!" hindi niya alam pero naiiyak siya habang nakayakap dito.

"May problema ka ba, Anak?" anito habang hinahawi ang ilang buhok na nakatabing sa kanyang mukha. Ngiti lang ang sagot niya rito.

Kumalas siya mula sa pagkakayakap sa ina at naupo sa garden set na naroon. Narinig niyang nagpakawala ng isang malalim na paghinga ang ina at tumabi sa kanya.

"Ang lungkot ng anak ko!" gusto niya na talagang umiyak. Gusto na niyang sabihin dito ang problema niya.

"Ma, paano niyo minahal ni Papa ang isa't isa?" wala sa sariling tanong niya. Halata namang nagulat ito sa kanya.

"Anak.."

"Kung may magawa bang malaking kasalanan si Papa sa inyo, papatawarin niyo parin ba siya?" hindi na niya napigilan ang pagpatak ng mga luha niya.

"Patricia, ano bang nangyari? Bakit?" nataranta ito sa pag alo sa kanya.

"Ma, ayaw ko na! napapagod na akong intindihan siya!" tuluyan na siyang napahagulhol. Kahit anong pagtakip niya sa kanyang bibig ay kumawala parin ang malalakas niyang hagulhol. "Ang sakit-sakit, Ma! Minahal ko siya ng sobra pero nagawa niya akong lukuhin at saktan ng ganito!" tila batang sumbong niya.

Ang inang naguguluhan ay napaiyak na rin. Inangat nito ang kanyang ulo at sinapo ng mga palad nito ang pisngi niya.

"Anak, tumingin ka sa akin! tumingin ka!" naluluhang tumingin siya sa ina. "Sabihin mo sa akin, anong nangyari, ha? Si Zach, anong ginawa niya sayo?" lalo siyang napaiyak sa tanong ng ina. "Anna Patricia, magsalita ka!"

"Ma! Si Z-Zach, nakabuntis siya sa i-ibang babae, Ma! niloko niya ako!" tila nanigas sa kanyang kinauupo si Alicia matapos marinig ang lahat mula sa anak.

"A-anak, anong.."

"Niloko niya ako, Ma! Matagal na niya akong niloloko!" yumakap siya sa ina at doon kumuha ng lakas. Pakiramdam niya ay nanghihina siya matapos aminin rito ang lahat.

"Bakit ngayon mo lang sinabi? Bakit?" hindi siya sumagot sa tanong ng ina. Umiyak lang siya ng umiyak sa balikat nito.

Nang tila pakiramdam niyang wala na siyang luhang iluluha ay bumitiw sa pagkakayakap sa ina.

"Ma.."

"Ano ang balak mo Anak? ayaw kong nakikita kang nahihirapan!"

"Alam ko, Ma! pero hindi kasi ganoon kadali, e!"

"Nag usap na ba kayo?" tumango lamang siya sa tanong nito. "Huwag ka munang umuwi!" ngumiti siya rito.

"Ma, ayos lang ako, huwag kayong mag alala!"

"Pero.."

"Ma, promise!" hindi na ito nagpumilit pa. Nanatili pa sila saglit sa garden at masinsinang nag usap. Makalipas ang ilang minuto at niyaya siya nito sa loob upang kumain.

Bandang alas dos na nang hapon nang nagdesisyon siyang magpaalam sa ina. Kahit anong pilit nito sa kanyang huwag umuwi ay wala itong nagawa.

"Ma'am, saan po tayo?" napatingin siya sa driver.

"Ha?" aniya at biglang napaisip kung uuwi na ba siya o mag iikot-ikot muna. "Sumaglit muna tayo sa mall, may bibilhin muna ako!" sa huli ay pinili niyang maglibot-libot muna.

Agad nitong binuhay ang makina nang kotse at pinasibad iyon.

Habang binabaybay nila ang daan papuntang mall ay nahulog siya malalim na pag iisip.

Bigla niyang naalala ang pagtatalo nilang mag asawa kagabi.

"Ma'am, nandito na po tayo!"

"Ha?" gulat siyang napatanaw sa labas ng bintana. "Sige, hintayin mo nalang ako sa parking area." Bilin niya bago bumaba sa sasakyan. Pumasok siya sa loob ng mall at tinungo niya ang department store. Wala naman sa plano niya ang bumili ng damit, pero hindi niya alam kung bakit doon niya naisip magpunta.

Nang marating ang departnent store ay patingin-tingin lang siya sa mga naka-display na mga damit. Magagandan naman ang mga naka-display pero wala siyang nagustuhang bilhin. Narating niya ang section ng mga gamit pambata. Natutuwang tumingin-tingin siya roon. Pero sa kanyang paglingon sa may bandang kanan niya ay tila may mga karayum na tumusok sa kanyang puso.

"Zach, ang ganda, o! sana babae ang anak natin!" masayang sambit ni Bettina habang nakatingin sa mga damit pambata. Kasama nito ang magaling niyang asawa.

"Tatlong buwan palang iyang tiyan mo, diba? masyado pang maaga para mamili." Narinig niyang wika ni Zach.

Nagpipigil siyang umiyak, tumalikod siya at dinukot ang cellphone at mabilis na idinayal ang numero nito. Nakailang ring bago nito sinagot ang tawag

niya.

"Hello?"

"Nasaan ka?"

"Nasa meeting, bakit?" naikuyom niya ang kanyang palad.

"S-saan?"

"Saan? syempre nandito sa hotel! Pinag uusapan namin ngayon ni Tatay ang tungkol doon sa resort na binabalak nami-" hindi na niya ito pinatapos sa pagsasalita. Mabilis niyang pinutol ang tawag at umalis sa lugar na iyon.

Hindi na niya kaya, napapagod na siya. Kailangan niyang lumayo, sa malayo kung saan malilimutan niya ang sakit dulot ng pagtataksil nito.

Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi

Bab terbaru

  • The Runaway wife    Chapter 7

    Chapter 7 INGAY na nagmumula sa tunog ng alarm ang clock gumising sa natutulog niyang diwa. Hirap man ay pinilit niyang inimulat ang kanyang mata. Naghikab siya at bumangon sa pagkakahiga. Inaatok pa siya, matagal siyang nakatulog kagabi pero kailangan niyang gumising ng maaga at may pangako siya kay Tucker. Nangako siya rito na ipagluluto niya ito ng Pan cakes at kailangang tuparin niya ang pangako niya sa bata. Nang maalala ito ay wala sa oras na napangiti siya. Ewan niya ba, pero natutuwa talaga siya dito. Siguro dahil sa napakabibo at napakabait nitong bata. Sa tuwing sinasabi nitong gusto siyang maging Mommy nito ay tila may kung anong humahaplos sa puso niya. Matagal na niyang gustong magkaroon ng anak. Anak na pinagkait sa kanya ni Zach at mas piniling magkaanak sa ibang babae. Muli, hindi niya maiwasang malungkot ng maalala na naman ang magaling niyang asawa. Pilit niyang pinasigla ang sarili at bumaba na. Naabutan niya si Manang Yolly na abala sa pag aayos sa sala. "Goo

  • The Runaway wife    Chapter 6

    Chapter 6 "ZACH, sandali!" napahinto siya sa paglalakad nang may tumawag sa kanya. "M-Mama.." Mahinang sambit niya nang makita ang ina ng asawa. "Pasensiya ka na kung pumunta ako dito na walang pasabi. Alam ko naman kung gaano ka kaabalang tao.." Mahinahong wika nito. Tumango siya rito at inaya ito sa Coffee shop ng Hotel. Pinaghila niya ito nag upuan. "Salamat, Hijo!" "Mama, pasensiya na kayo, alam kong ako ang dah-" natigil siya sa pagsasalita nang bigla nitong ginanap ang palad niya. "Hindi naman ako nagpunta dito para sisihin ka sa nangyari!" hindi niya alam kung anong isasagot sa kaharap. "Pumunta ako dito para sana makiusap na kung puwedeng matulungan mo akong mahanap ang anak ko." Napabuntong-hininga siya sa sinabi nito. "Hindi niyo kailangang makiusap, dahil hinahanap ko naman po ang asawa ko.." Pilit niyang maging mahinahon sa pagsasalita. Hindi niya maiwasang mainsulto sa sinabi nito. "Pasensiya ka na, hindi ko dapat sinabi iyon. Kaya lang kasi, hindi ko na alam k

  • The Runaway wife    Chapter 5

    Chapter 5 NAGISING siya sa sikat ng araw na tumatama sa salaming bintana ng kwarto. Napakusot siya sa kanyang mata at pahamad na bumangon sa pagkakahiga, nag inat siya ng katawan bago bumaba ng kama. Inabot niya ang tuwalyang nakasabit at bumaba upang maligo. "Gising ka na pala!" wika ng tinig na isang matandang babae. Ngumiti lang siya dito. "Magandang umaga po, Manang!" "Nakahanda na ako, kumain ka muna.." "Maliligo lang po ako!" iyon lang at pumasok na siya ng banyo. Hindi rin naman siya nagtagal sa pagligo. Pagkatapos niyang maligo ay umakyat siya ulit sa kanyang silid upang magbihis. "Patricia, Kakain ka na ba? aalis kasi ako, pupunta pa akong palengke.." Binitawan niya ang hawak na cellphone at nagmamadaling bumaba. "Nandiyan na po, Manang!" "May bibilhin lang ako sa palengke!" anito nang makaduhog na siya sa hapag. Abala siya sa pagsasandok ng pagkain ng biglang may nadinig siyang ingay mula sa labas. Tumayo siya sa at lumapit sa pintuan. "Ano iyan, Manang?" tanong

  • The Runaway wife    Chapter 4

    Chapter 4KATAHIMIKAN at malamig na hangin ang tanging sumalubong sa kanya sa kwartong iyon. Sa kahit saang sulok niyang ibaling ang tingin ay hindi niya matangpuan ang asawa. Dahan-dahan siyang naglakad at lumapit sa built in cabinet. Naroon parin ang mga damit nito. Pero bakit hanggang ngayon ay wala parin ito?Tuluyan na ba siyang iniwan ng asawa?Iyon ang lagi niyang tanong. Dalawang araw na mula nang umalis ito nang walang paalam at hanggang ngayon ay wala silang balita kung nasaan ito. Umupo siya sa kama at napahilamos sa kanyang mukha. Hindi niya alam kung anong dapat niyang maramdaman, pero may isa siyang hindi kayang itanggi sa kanyang sarili na nangungulila siya sa asawa, hinahanap niya ang presensiya nito, ang mga paglalambing sa kanya. Hinahanap niya ang mga bawat halik at yakap nitong sinasalubong sa kanya.Ngayon? tuluyan na siyang iniwan nito. At hindi niya malaman kung nasaan ito. Nasa ganoon siyang pag iisip nang biglang tumunog ang kanyang cellphone. Dinukot niya i

  • The Runaway wife    Chapter 3

    Chapter 3GABI na nang magdesisyon siyang umuwi sa kanilang bahay. Hula niyang gising pa ang asawa at hinihintay nito ang kanyang pag uwi. Dinukot niya sa bulsa ng kanyang pantalon ang sariling susi ng main door. Pagkapasok ay dumiretso na siya paakayat sa kanilang silid. At tama ang kanyang hinala. Pagkapabukas niya ng pinto sa kanilang silid ay tumambad sa kanya ang asawang kapanteng nakaupo sa couch, halatang hinihintay siya nito. Hindi naman siya agad nakagalaw sa kinatatayuan."Saan ka galing? Alam mo ba kung anong oras na?" bungad nito sa kanya. Isinara niya ang pinto at hinarap ito ulit."Pasensiya na, hindi ko napansin ang takbo ng oras!" pagdadahilan niya."Talaga lang, ha?" may pagdududa nitong saad. "Iniiwasan mo lang ako kaya ngayon mo lang naisipang umuwi at bakit? Akala mo tulog na ako?" mariin siyang napapikit. Ayaw niyang makipagtalo dito pero ito ang nagsisimula. "Patricia, puwede ba pagod ako, gusto ko ng matulog!" tanging wika niya na lang upang matigil na ito."

  • The Runaway wife    Chapter 2

    Chapter 2HINDI siya mapakali habang minamaneho ang ang kanyang kotse. Kanina niya pa hinahanap ang asawa. Paikot-ikot lang siya sa naturang lugar. Sa huli ay tinalunton niya ang daan papuntang park ng subdivision. At hindi siya nagkamali, naroon ang asawa niya, nakaupo sa isang bench yakap ang sarili habang umiiyak. Napalinga-linga siya sa palagid. Masyado ng gabi at kahit mahigpit ang sekyuridad ng subdivision ay hindi niya maiwasang mag alala sa asawa. Kung nasa naiibang lugar ito baka ano nang nangyari rito. Nakapantulog lang ito at binalutan ng roba magulo ang buhok.Huming siya nang malalim bago bumaba ng sasakyan. Naglakad siya papalapit rito."Anna Patricia!" tawag niya sa asawa pero hindi siya nito pinansin, patuloy lang ito sa pag iyak. "Hon!" umupo siya sa tabi nito at pilit itong sinisilip sa pagkakayuko. Lalo itong napayuko at humagulhol. Napahilamos siya sa kanyang mukha. Hindi siya sanay na nakikita ang asawa sa ganitong ayos.Tumayo siya at naglakas loob na hinila ito

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status