Share

Chapter 18

Ang dormitory building na binanggit ng binata ay limang palapag lamang. Ayon sa binata, karamihan sa nagdisisyon na tumira rito at umupa ay mga binata at dalaga. Ang mga may pamilya naman na empleyado nito ay hindi raw dito nakatira at siguro ay may sarili na silang bahay.

May fifteen rooms bawat floor. Sa pang-apat na palapag siya dinala ng binata. Ito pa mismo ang nagbukas ng pinto at sumunod siyang pumasok nang mahila na nito ang maleta niya sa loob. Agad na inilibot niya ang tingin sa kabuuan ng flat. May sofa sa maliit na living room at maliit na center table. May dalawang sariling kuwarto, banyo at kusina ito.

Nilinga siya ni Ryker at ngumiti. "Tignan mo kung magugustuhan mo. Kung hindi ay may mas magandang lugar na puwede mong tirhan. I can assure you that everything in that place is perfect," biro nito.

Bumungisngis siya at tinaasan ito ng kilay. "Ang tinutukoy mo ba na 'yan ay may mga maids na maghahanda lahat ng kailanganin ko? Magluluto ng pagkain ko at maglalaba at mamalan
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status