Share

Chapter 19

Tunog ng doorbell ang gumising kay Kelly sa mahimbing niyang tulog. She stared at the white ceiling in a daze. Ngunit nang tumunog muli ang doorbell ay bumalikwas siya ng bangon at ang unang tinignan niya ay ang oras sa cellphone niya. Six thirty na ng hapon. Hindi niya namalayan na halos ilang oras pala siyang nakatulog.

Nagmamadali siyang lumabas ng kuwarto at pinagbuksan ang nasa labas. Nakalimutan pa niya na ayusin ang magulong buhok niya kaya nang makita niya si Ryker sa labas ng pinto ay naparalisa ang buong katawan niya. Bumuka-sara ang bibig niya at bago pa maka-react si Ryker ay malakas na naisara niya ang pinto.

Animo ipo-ipong mabilis siyang bumalik sa kan'yang kuwarto at pumasok ng banyo. Tinignan agad niya ang mukha sa salamin at napaungol sa inis nang makita ang hitsura niya. Magulo ang mahabang buhok niya at may muta pa siya. Mabilis na naghilamos at nagsuklay pagkatapos at hinayaan itong nakalugay. Hindi siya nagtagal sa banyo at agad ding lumabas.

Ramdam niya ang pag-
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status