Share

Chapter 41

Hindi namalayan ni Kelly ang oras dahil naeengganyo siyang magbasa. Kung hindi pa siya nilapitan ni Miranda at kinalabit ay wala siyang planong tumigil sa pagbasa. Dahil sa pagbabasa niya ay pansamantalang nakalimutan niya ang tungkol kay Ryker. Pero ngayong malapit na ang uwian ay nabahala at bumalik na naman ang lungkot sa puso niya. Babalik muli siya sa lugar kung saan wala siyang kalayaang gawin ang gusto niya.

"Nakalimutan ko ang oras," nahihiyang bigkas niya at tumayo. Isinara rin niya ang binabasang libro at binitbit iyon.

Nang tumingin siya sa likod ni Miranda ay agad nabura ang ngiti niya pagkakita kay Ryker. Nakasandal ito sa shelves at pinagmamasdan siya. May munting ngiting nakapaskil sa mata nito at kung 'di siya nagkakamali ay baka kanina pa ito nandito. Si Miranda lang ang lumapit sa kaniya para mawala ang atensyon niya sa binabasa.

Umayos na ng tayo si Ryker at naglakad palapit sa kaniya. Sinuklay nito ang bahagyang nagulo na buhok niya gamit ang daliri nito. "Umuwi na
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status