Share

Chapter 57

Mabilis na umiwas si Kelly kay Ryker nang muling sunduyin nito ang baywang niya. Ang librong hawak niya ay kanina pa niya nabitiwan dahil sa pangingiliti ng binata sa kaniya. Ang sabi nito ay nagseselos ito at hindi raw niya ito pinapansin gayong siya ang nagpilit na huwag nitong katagpuin si Lolo Jones. Hindi raw yata nito mapapantayan ang kung ano mang pagmamahal niya sa mga libro.

Sa una ay tinawanan lang niya ito at nagpatuloy sa pagbabasa ngunit kalaunan ay huminto na siya dahil sa pangungulit nito. Kahit na anong iwas niya ay nahuhuli siya nito at kinikiliti. Sa lakas ng tili at tawa niya ay nakita pa niya na napasilip si Gemma at si manang, ang matandang mayordoma ng mansion, sa may bintana.

Nagulat yata sila na bigla nilang maririnig ang mataginting niyang tawa pagkalipas ng ilang buwan na animo dala niya ang problema ng buong mundo.

"T-Tama na!" tumatawang pigil niya at hinuli ang kamay nito na nasa baywang niya. Mahigpit niyang hinawakan iyon at nakikiusap ang tingin na naki
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status