เข้าสู่ระบบWala sa sariling naglakad si Riona papasok sa kwarto ni Magnus. Matagal na silang hindi natutulog sa iisang kwarto dahil ang dahilan nito ay para hindi raw ito ma-distract sa trabaho.
Binuksan niya ang spare laptop nito, napahinga siya ng maluwag nang mabuksan niya iyon. Madali lang naman kasi hulaan dahil birthday yun ni Magnus. Naalala niya pa noon, sinabi nito na hinding-hindi ito magtatago ng kahit anong sikreto sa kanya. Sana nga ay tuparin iyon ng lalaki.
Nakaka-log in pa ang Viber account ni Magnus sa laptop nito. Napakalinis ng chatlist pero ang naka-pin sa pinakataas ay hindi naman mga VIP Clients kung ‘di isang contact name na naka-save as “My C.”
Nanginginig ang mga kamay na clinick niya ang profile picture. Isang babaeng nakangiti sa harap ng maraming tao sa St. Mark's Square at si Clara yun!
Parang mababaliw na si Riona sa nakita. Pinigilan niya ang kanyang panginginig at pilit na binuksan ang moments doon ng babae.
Ang pinaka-latest post, isang oras pa lang ang nakakalipas. Isang selfie at isang screenshot ng convo at ang caption na nagsasabing:
[Masyado akong naging pasaway nung isang araw kaya nag-away kami ni Darling. Wala siyang choice kundi suyuin ako at bigyan pa ako ng kwintas na nagkakahalaga ng isang million, kaya sige na nga, papatawarin ko na siya. Totoo nga, yung mga bagay na buong buhay pinapangarap ng iba, abot-kamay ko na. Nakapag-decide na ako. This time, hinding-hindi na ako aalis sa tabi mo.]
Ang kwintas sa picture... iyon yung mismong kwintas na nakita niya sa computer ni Magnus last month. Ang sabi nito, regalo raw para sa isang client.
Sa screenshot ng convo, kitang-kita ang message ni Magnus:
[Clara, I'm sorry. Masyado pa akong mahina noon kaya nagawa tayong paghiwalayin ng pamilya mo. Hindi ko alam na buntis ka pala noon. Ngayon na may kakayahan na akong buhayin kayo, hindi ko na hahayaang mahirapan ka. Bigyan mo lang ako ng kunting oras, aayusin ko ang kay Riona para mabigyan ko na kayo ng maayos at magandang future.]
Napakasakit, sobrang sakit. Tagos na tagos yun hanggang buto.
Hindi niya hahayaang mahirapan si Clara? Eh paano naman siyang sumalo ng lahat ng hirap at pagdurusa para lang iangat siya?!
Yung lalaking tumalon sa ilog para iligtas siya noon at sinabing handa itong mamatay kasama niya.
Yung lalakeng walang-wala na nangakong hindi siya iiwan.
At ang lalaking sinabing lalabanan ang tadhana para sa kanya, lahat ba 'yon, kasinungalingan lang?!
Nag-scroll pa siya pababa. May post noong nakaraang tatlong araw. Picture ni Clara at ng tatlong-taong-gulang nitong anak.
[Kapag tapos na 'yung busy schedule mo, hihintayin ka namin ng anak mo rito sa Venice.]
Ang date ng post, iyon mismong araw na umalis si Magnus para sa business trip nito.
May anak na sila!
Noong unang beses bumisita si Clara sa kumpanya at sinabing may long-term partnership daw ang dalawa, siya pa mismo ang nag-alaga at nag-asikaso sa anak nitong si Carcar bilang pasasalamat!
Ngayon kapag naiisip niya 'yon, pakiramdam niya isa siyang napakalaking tanga!
Habang nag-i-scroll siya, puro mamahaling regalo, special dates at mga sweet moments ang nakikita niya. Punong-puno ng pag-i-spoil ni Magnus kay Clara. Totoo nga yung sabi sa internet na nakita niya.
"Ang pagmamahal ay parang pag-aalaga ng bulaklak. Makikita mo sa ganda ng babae kung gaano siya inaalagaan ng asawa niya."
Samantalang siya? Palagi siyang sinisita ni Magnus na manang at walang kafashion-fashion style. Nagpakakuba siya para sa negosyo, nagkasakit pa nga siya pero ang tanging nakuha niya lang na salita mula dito ay masyado raw siyang malakas at matapang. Kaya yung mga ganyang sakit daw na nararanasan niya ay wala lang yun para sa kanya.
Kapag gusto niyang mag-ayos at nagpapabili ng damit o alahas tuwing anniversary nila, palaging idina dahilan ni Magnus na ayaw raw makita ng ibang lalaki kung gaano raw siya kaganda. Itabi na lang daw nila yung pera sa wedding fund nila at huwag ng bumili pa ng kung ano-ano.
Lahat ng yun ay excuse lang pala. Dahilan lang pala iyon dahil ayaw nitong gumastos at mag-effort para sa kanya.
Gusto niyang himatayin sa tindi ng sakit at galit. Baka nga bago pa lumago ang kompanya nito, niloko na siya ng lalaki. Ang kumpanya ng mga Valencia ay itinayo mula sa dugo at pawis niya! Hindi siya papayag na ganun-ganun lang! Hinding-hindi niya isusuko ng ganun-ganun lang ang lahat ng pinaghirapan niya!
Noon, kilala niya si Magnus bilang gwapo, maprinsipyo at mabait na lalaki pero nagbago na iyon. Tila ba nahulog siya sa patibong nito.
Pero ngayon na wala na siyang halaga para rito, wala na ring dahilan para magpaka-martir pa siya.
Pinunasan niya ang mga luha niya at pilit na kinalma ang sarili. Kinuha niya ang cellphone niya at idinial ang numerong apat na taon niya nang hindi niya kinokontak. Ilang ring pa lang ay sinagot na agad ito ng kabilang linya.
"Hello?"
"Ma..." nanginginig na tawag ni Riona sa ina. "Sabi mo noon... basta hiwalayan ko si Magnus at sundin ko ang gusto ng pamilya natin, pwede na akong bumalik diyan sa inyo. Totoo pa ba 'yon?"
“R-Riona anak, ikaw ba iyan?” gulat na sagot ng kanyang ina sa kabilang linya.
Pagkarinig pa lang sa boses ng ina niya, sumabog na ang lahat ng kinikimkim na sakit at iyak ng dalaga.
"Ma... Nagsisisi na po ako..." hagulhol niyang sumbong dito. "Sorry po!"
Sinaktan niya ang mga magulang niya at sobrang nagsisisi siya roon.
Natahimik nang matagal ang kabilang linya. Pero bilang isang inang sanay sa negosyo at prayoridad ang pamilya, hindi ito nagpakita ng sobrang emosyon. Kalmado lang itong sumagot sa kanya. “Ang kasal mo noon ay inayos na ng lolo mo noon pa man. Kung buo na ang desisyon mo, maghanda ka na. Yung engagement mo kay Ezequiel Arguijo ay sa susunod na buwan na. Makipag-dinner ka rin sa mga Arguijo at humingi ng tawad sa kanila. Malaki ka na Riona, alam mong hindi tayo naglalaro dito.”
Humigpit ang hawak ni Riona sa kanyang cell phone saka dahan-dahang tumango. "Opo, Ma. Uuwi na ako. Huwag kang mag-alala, hindi ko na po kayo susuwayin ngayon."
Nanigas ang buong katawan ni Clara. Alam ni Riona? Matagal na nitong alam?Pero imbes na lamunin ng matinding konsensya o hiya, isang kakaibang reaksyon ang rumehistro sa mukha ng babae. Nawala ang gulat sa mukha niya at mabilis itong napalitan ng pait at matinding inis."So what kung alam niya?!" matigas na bulong ni Clara, tila hindi naman nagsisisi. "Eh ano naman kung alam niya ang totoo, Magnus? Isipin mo nga! Mas nakakadiri siya kasi hinayaan niya tayong parang isang tanga! Pinanood niya akong makuha ang lahat sa'yo, alam niya ang totoo, pero pinili niyang manahimik para pagtawanan tayo sa huli! Siya ang masama dito, Magnus. Pinaglaruan niya tayo!"Kahit hirap huminga, nakaramdam ng nakakasulasok na pandidiri si Magnus. Ang baluktot na logic ng babaeng nasa harap niya ay nakakapangilabot talaga. Mas nagalit pa ito na napaikot sila ni Riona kaysa sa mismong ginawa nilang pagtataksil.Huminga ng malalim si Clara. Mabilis niyang pinunasan ang luha niya at dahan-dahang lumapit sa gil
Paghawak niya rito, kasing-lamig ng yelo ang balat ng lalaki pero ang noo nito ay nagbabaga sa taas ng lagnat. Halatang na-impeksyon ang mga sugat na natamo nito mula sa pambubugbog kanina."Tulong! Please! Tumawag kayo ng ambulansya!" humahagulgol niyang sigaw sa mga mangilan-ngilang dumadaan.Makalipas ang ilang minuto, dumating ang ambulansya at mabilis na dinala ang walang malay na si Magnus sa Makati Medical Center. ***Buong araw at gabi, hindi umalis si Clara sa tabi ng kama ni Magnus. Hindi siya nagpalit ng damit at hindi siya nakakain ng maayos.Hindi biro ang tinamong bugbog ni Magnus. May crack ang isang tadyang nito, puro pasa ang katawan at sinabayan pa ng matinding lagnat dahil sa stress at internal infection. Ilang beses bumagsak ang blood pressure nito nung unang gabi.Habang natutulog ang lalaki, panay ang bulong ni Clara, panay ang iyak at paliwanag kahit alam niyang hindi siya nito naririnig.Hanggang sa kinagabihan ng ikalawang araw. Dahan-dahang gumalaw ang mga d
Hindi alam ni Magnus kung gaano katagal siyang umiyak sa sahig. Pero nang tumigil siya sa kakaiyak, isang mas madilim at mas bayolenteng emosyon ang pumalit doon. “Si Clara! Kasalanan lahat ni Clara!”Oo! Kasalanan ng malanding babaeng 'yon! Kung hindi siya nilandi nito noon, kung hindi nito ginulo ang buhay niya at kung hindi ito nagpahuli na may relasyon kay Mr. Lazaro ngayon na naging dahilan para ma-set up sila ni Riona, hindi sana masisira ang lahat! Hindi sana siya iiwan ni Riona at hindi sana ito magpapakasal sa iba!Sinira ni Clara ang lahat sa kanya! Sinira nito ang pag-ibig at dignidad niya at ngayon, pinatay nito ang kaisa-isang pag-asa niyang maayos pa ang lahat!Biglang nag-angat ng tingin si Magnus. Pilit siyang tumayo, ni walang pakialam sa sakit ng katawan, sa putik sa damit at sa mga sugat niya. Hahanapin niya si Clara at pagbabayarin niya ito.***Samantala, nakasalampak si Mr. Lazarosa sa gulo-gulong leather sofa. May hawak siyang ice pack na idinidiin sa namamagan
Tiningnan ni Riona ang kawawang mukha ni Magnus mula ulo hanggang paa. Si Magnus naman ay nanginginig ang buong katawan. Hindi dahil sa sakit, kundi dahil sa matinding hiya.Tumayo si Riona ng tuwid habang nakatingin ng matalim kay Magnus. Isang ngiti ang sumilay sa kanyang mga labi, isang ngiting hanggang ngayon ay hindi niya makakalimutan."Itong regalo na binigay ko sa'yo…" huminto siya’t tila nage-enjoy sa panginginig ng mga mata ni Magnus. "Si Clara at si Mr. Lazaro yun, Magnus. Nagustuhan mo ba?"Ang mga salitang binitawan ni Riona ay parang isang kutsilyong tumarak sa dibdib ng lalaki. Sobrang namumutla siya sa mga oras na yun. Nanginginig ang mga labi niya’t hindi siya makabuo ng matinong salita.Akala niya, ang patagong relasyon nila ni Clara ay isang sikretong madadala niya hanggang hukay. Akala niya, kaya pa niyang bawiin si Riona pero habang nakatingin siya sa mga mata ng babaeng nasa harap niya, isang nakakawasak na katotohanan ang sumampal sa kanya. “Alam nito ang lahat
Mula sa lobby, tuloy-tuloy na pumasok si Magnus sa elevator. Wala na siyang pakialam sa mga guard na nagtatanong sa kanya. Hawak ang bouquet ng red roses, lumabas siya sa second floor at hinanap ang room na pinicture-ran ni Riona. Huminto siya sa tapat ng pinto. Pinagpapawisan ang mga palad niya habang inaayos niya ang kanyang kwelyo at kumatok."Riona? Andito na ako, si Magnus 'to!" masigla at punong-puno ng pagmamahal na tawag niya. Subalit walang sumagot kung kaya’t kumatok siya ulit at medyo nilakasan pa niya. "Baby? Buksan mo na, andito na ako!" Kumunot ang noo ni Magnus. Nakikipag-playful ba ito sa kanya? O baka nag-CR lang saglit? Sinubukan niyang pihitin ang doorknob ngunit naka-lock naman.Akmang tatawag na sana siya sa cellphone nang biglang marahas na bumukas ang pinto mula sa loob."RIONA, HAYOP KA! HINDI KA BA TALAGA TITIGIL?! ANONG GUSTO MO—"Bumuhos ang malulutong na mura at galit na galit na si Clara, akala'y bumalik ang babae para bwisitin na naman siya. Subalit na
Pagkatapos patayin ni Mr. Lazaro ang tawag, naramdaman ni Clara ang mabilis na pag-ikot ng tiyan niya sa kaba. Ano kayang gustong sabihin ni Magnus kay Mr. Lazaro sa ganitong oras? Nakahalata kaya ito?Pilit niyang ibinalik ang pekeng ngiti sa mukha niya. Kinuha niya ang mikropono para kumanta ulit at maaliw ang matanda, nang biglang tumunog ang cellphone niya sa ibabaw ng glass table.Kumunot ang noo ni Mr. Lazaro. Halatang badtrip na dahil pangalawang beses na silang na-iistorbo. Tiningnan ng matanda ang phone ni Clara.Nang makita ni Clara ang salitang Magnus na naka-flash sa screen, halos himatayin siya sa sobrang takot. “Bakit siya tumatawag ngayon?! May narinig ba siya?! Nagsumbong ba ni Mr. Lazaro?!”Mabilis niyang inabot ang cellphone niya. "H-Hayaan na lang po natin 'yan…"Pero mas mabilis ang kamay ni Mr. Lazaro.Inagaw nito ang telepono. Nang makita nito ang caller ID, isang malademonyo at mapang-asar na ngiti ang lumitaw sa mukha ng matanda."Oh? Si Mr. Valencia ba ito? K
Sa kalagitnaan ng matinding tensyon sa pagitan nila, inilabas ni Magnus ang isang maliit na velvet box. Dahan-dahan niya itong binuksan sa harap ng kasintahang si Riona. Laman nito ang isang mamahalin at kumikinang na pink tassel skirt. Isang sulyap pa lang ang ginawa ni Riona at agad na nawalan
Sa ilalim ng mabigat at nakakapasong titig ni Ezequiel sa kanya, hindi maiwasan ni Riona na umurong at isiksik ang sarili sa pinakadulo ng upuan ng sasakyan. Binalot sila ng nakakabinging katahimikan sa buong byahe. Walang nagsasalita sa kanilang dalawa’t sobrang bigat ng tensyon sa loob. At para
Ang bluish-green pattern na nakapalibot sa singsing ay ang pinakapaborito niyang kulay na sobrang hirap hanapin sa bansa. Bilang isang designer, alam niya kung gaano kahirap at kamahal makuha ang eksaktong timpla ng kulay na 'yon. Ibinaba ng lalaki ang tingin, gamit ang dulo ng mga daliri, kalmado
Pagkaalis na pagkaalis ni Riona, mabilis na pumasok si Clara. Umiiyak ito at agad na nagreklamo sa lalaki. "Magnus naman! Narinig mo ba kung paano niya ako tawaging kabit?! Harap-harapan niyang binabaluktot yung totoo tapos ikaw, nagdadalawang-isip ka pa kung ipagtatanggol mo ako o hindi?! Mas imp







