Share

Kabanata 11.2 "Love and Conscience"

Habang nagmamaneho si Dokyeom, si Hoshi at Seungkwan ay napatingin sa kanilang boss na si Junhui. Nakatingin ito sa labas ng bintana taglay ang namumulang pisngi. Lahat tuloy sila ay napaisip kung ano ba ang nangyari rito.

Ang alam lang nila, nakipag-usap ito kay Joshua. Pagkatapos, nang lumabas na ito sa opisina ay namumula na ang mukha.

‘Mayroon bang sumampal sa mukha niya?’ pareho ng hinala sina Hoshi at Seungkwan.

[“Itanong mo sa kaniya kung anong nangyari!”] Hoshi mouthed to Seungkwan.

[“Mas matanda ka kaya sakin! Ikaw na ang magtanong!”] Seungkwan mouthed back.

[“Natatakot ako. Ikaw na!”] Hoshi replied without sounds.

[“Bakit ako?!”]

Habang nagtuturuan ang dalawa kung sino ang magtatanong, si Dokyeom na ang nagpasimula.

“Master, anong lotion po ang gamit mo ngayon? Namumula ka kasi. Kaso iyong kaliwang pisngi mo lang ang namumula,” ang natatawang sambit ni Dokyeom habang nagmamaneho.

Nanlalaki ang mga mata, tinignan nila Hoshi at Seungkwan ang kanilang kaibigan. Sinubukan nila i
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status