Share

THREE

SOMEONE'S POV

"Are you ready?" tanong niya.

"Ofcourse, I'm ready," sagot ko.

"Mabuti naman. Ito na ang pagkakataon mo para mapalapit sa pamilya niya. Matagal na panahon na din ang nakalipas, kailangan mong makuha ang dapat na sa iyo, Nymeriah," sagot niya habang hinihimas ang buhok ko.

Humarap ako sa kan'ya. "Makukuha ko ang dapat na sa akin. Matagal din ang inintay ko para bumalik, at gawing miserable ang buhay niya, at buhay ng pamilya niya. Tulad ng naranasan ko, 'nay." sagot ko. 

"Sana, tama ang desisyon mo," sambit niya.

"Tama ang lahat, para sa iyo nay. Sinaktan ka niya. At, sa matagal na panahon na lumipas na pag-iwan niya sa atin dahil ayaw niyang malaman ng asawa niya ang tungkol sa 'yo lalo na sa akin. Masakit 'yon, 'nay." sagot ko at niyakap siya.

Niyakap niya ako pabalik. "Kung ano ang ikasasaya mo, doon ako anak." sagot niya. 

Tinanguan ko lang siya at umalis na. 

Pagkarating, ko sa school. DASMRIÑAS, DELA SALLE SCHOOL. Tumigil muna ako sa harapan ng gate. 

Makikilala kita, at makikilala mo ako. Hinding-hindi ako papayag na hindi ko makuha ang dapat na sa akin.

Pumasok na agad ako at pumunta sa clasroom ko. 8am naman ang klase ko kaya sakto lang ang dating ko sa room namin. Nagumpisa na mag-klase ang prof namin kaya nanahimik kami at nakinig nalang sa itinuturo niya. 

Pagkatapos ng dalawang magkasunod na subject. Dumiretso ako ng cafeteria para magsimulang hanapin ang babaeng kailangan kong makilala at makita. Pumunta ako sa counter at umorder ng coffee. Madali naman itong na-iserve sa akin at binayaran ko na. Pagharap ko, sa likuruan ko bigla nalang natapon ang coffee na binili ko, at sa sobrang inis napaluhod nalang ako para linisin yun,napatigil ako dahil sa tapat ko ay may nakaluhod din. Umangat ako ng tingin at nakita ko ang isang babae na tinutulungan ako linisin ang natapon kong kape. Habang busy siya sa paglilinis, sinadya kong tignan ang ID niya.

Carlisle Alexandra Monterial

So, there you are. Tadhana na ang kusang naglalapit sa atin. 

"I'm so sorry, Miss. I'm sorry hindi ko sinasadya. Pwede ko naman palita-," sambit niya, pero pinutol ko din ang sasabihin niya.

Binigyan ko siya ng ngiti. Pero peke lang iyon, "Okay lang, hindi mo naman sinasadya. Nymeriah nga pala."

"Shocks, I'm so sorry. Please join me nalang. I mean join with us, with my friend. Oh, I'm Carlisle," pagpapakilala niya at sumunod ako sa kan'ya. 

"Hey, Eli! This is Nymeriah. Nabunggo ko siya sa counter, Sis. Natapon ko din 'yung coffee niya. And, I'm so worried na, baka magalit siya sa'kin. Because, of what happened to us," patuloy niya.

"No need to worry, Carlisle. Oh, hi Eli. I'm Nymeriah. Nice to meet you," sambit ko at inabot sa kan'ya ang kamay ko.

Inabot niya din ang kamay niya sa akin, binigyan niya ako ng ngiti, ngunit nagtataka. "Eli. Sit down."

Umupo na din ako at nagsimula nalang mag-aral at magbasa-basa para makabawi ako dahil na late ako sa pagpasok. As, If naman nagisip pa ako kung paano ko sisimulang hanapin ang babaeng 'to. Pero, ito na nga at nasa harapan ko na siya. Hindi na ako nahirapang hanapin siya kung saan. I will ruin your life, your dad's life. Lahat ng pamilya mo. Panahon na para ako naman ang maging masaya sa ating dalawa.  

Tinigil ko ang pagbabasa at palihim siyang tinitigan. Well, maganda siya, mukhang mahinhin gumalaw, masiyahin, mabait, pala-kaibigan at mukha tapagang matalino. Maamo ang mukha at maganda imposibleng walang mai-inlove dito o umibig manlang. Anak mayaman talaga, maputi at makinis ang mga balat. Ganun din naman ang akin pero yung kaniya mukhang alagang-alaga talaga. Ngunit,mukhang problemadonng tao. Parehas din kami ng mga mata siguro sa ama namin yun parehas nakuha. Hindi ko maiwasang mainggit sa kaniya kaya siguro ganito nalang ako magalit sa kaniya at sa mga magulang niya. 

Perfect siya maging kaibigan pero hindi dapat masira ang mga plano ko na matagal na panahon ko ng plinano at pinag-isipan. Napatigil lang ako dahil napansin kong nakatingin sa'kin yung kaibigan niya, si Eli. At wala na si Carlisle, nasa counter na pala siya. So, ibig sabihin ang tagal kong tulala? Wews. 

Tinaasan ko siya ng kilay. "Oh, bakit ka tumitingin?" 

"Dapat yan ang itanong mo sa sarili mo. Why are you looking at her," tanong niya. 

Napairap ako. "Looking at her? Seriously, Eli? At ano naman sa 'yo kung tinitignan ko siya? Edi tumingin ka din sa kan'ya."sagot ko. 

"Don't call me, Eli. As if naman hindi kita kaibigan. Siya yung friend ko, oh actually bestfriend. Oo, titingin ako sa kan'ya ngunit hindi ganyang paraan ng pagtingin mo sa kan'ya na para bang may binabalak kang masama sa kaibigan ko," sagot niya. At inismiran ako. 

The hell? Ang galing niyang magbasa ng reaction, huh? "Sigurado kaba diyan sa iniisip mo? C'mon, gurl. I just want to be nice to her, okay? Tinitignan ko siya kasi nagagandahan ako sa kan'ya hindi yung may gagawin akong masama." sagot ko at tumingin na sa binabasa ko. GRABE! Nakahanap ata ako ng katapat, parehas sila ni Carlisle. Magaling makabasa ng reaction o ano. 

"Humanap ka ng maniniwala sa 'yo," bulong niya. 

Stupid. Narinig ko beh. Tinignan ko nalang siya at umiling. Binalik ko nalang ang atensyon ko sa libro dahil nakita kong papalapit na sa amin si Carlisle. Pag-upo niya napatingin ako sa kan'ya. Nginitian naman niya ako. 

"Oh, girls. Okay lang kayo? Simangot na simangot kayo diyan ah. May problema ba, Eli?" tanong niya sa kaibigan niya. Masyado namang maalalahanin 'to. 

"No, no. Nothing, Carlay. I... I just need  to go to the comfort room." paalam nito at naglakad na.

"Uhm, I think ako din, Carlay." paalam ko at tumayo na din papuntang cr.

Masyado kang sagabal sa mga plano ko, Eli.

____________________________________

____________________________________

ELIJAH'S POV

Tahimik lang akong umalis sa lamesa namin at dumiretso ng cr. Napailing nalang ako dahil alam kong nakasunod sa akin si, Nyme. Problema nito. 

Napaharap ako sa kan'ya dahil bigla siyang nagsalita. Kailangan ba nito?

"Galit kaba?" mataray na tanong niya. Nagtanong pa nga. Malamang, boba.

"No? Bakit naman ako magagalit sa'yo hindi ba? Bakit? May balak ka bang masama sa'kin or baka naman sa kaibigan ko? Para magalit ako?" maangas din na tanong ko. Stupid, bitch.

Inismiran niya ako bago nagsalita. "Wala naman. Baka siguro may problema ka lang sa'kin kaya ka ganyan umasta. O siguro, maiinggit ka  kasi magiging kaibigan niyo na ako? pinag-krus niya ang dalawa braso niya sa dibdib niya at nakangiti sa'kin. As if naman, peke. Tulad niya. Nakakatawa.

Napailing naman ako at natawa. "Nakakatawa ka. Maybe, maybe friend nga. Pero, hindi close's friends or bestfriends. Just a friend lang, Nyme. And, don't you dare make a trouble with us. Kung may binabalak ka sa kaibigan ko, huwag mo ng ituloy dahil ako ang makakalanan mo." sagot ko at iniwan na siya doon. Nag-aksaya lang ako ng oras sa babaeng yun.

Malalaman ko din kung ano ang pakay mo sa kaibigan ko, Nymeriah.

Pagkabalik ko sa table namin. Nandun parin si Carlisle. Umiinom ng juice niya at nagbabasa. Inayos ko muna ang sarili ko bago lumapit sa kan'ya. Saktong paglapit ko ay ang pag-angat ng tingin niya. Ngumiti naman agad ako para hindi siya makahalata na nakasimangot ako at parang galit. 

"Oh, andyan kana pala? Si Nymeriah? Ang tagal niyo ah, nag-usap ba kayo sa loob?" malumanay na tanong niya. Halata pang nag-aalala siya.

Umupo agad ako sa harap niya. "Huh? Hindi naiwan siya doon. Ano tara na? akma na sana akong tatayo pero napansin kong nakatingin sa likuran ko si Carlisle kaya napatingin din agad ako.

Ang bruha lang pala, este si Nymeriah.

Tumayo na si Carlisle at pinapasok ang gamit niya sa bag, sabay lingon kay Nymeriah na nakatayo lang sa harap namin. "Sabay kana ba sa 'min, Nymeriah?"

"Ah, eh. Hindi na siguro." sagot nito at tinalikuran na kami at naglakad.

Tumingin naman agad sa akin si Carlisle na nagtatanong. "Ano nangyari dun? Weird."

Nagkibit-balikat naman agad ako. "Ewan ko sa kan'ya. Praning. Ano tara na? Time na oh." Sabay tingin sa relo ko. 5minutes nalang magstart na ulit ang klase. Baka malate kami parehas nito. 

Tumango naman agad siya at sumabay na sa akin maglakad. Nang makarating kami sa hagdan papunta sa 2nd floor nagpaalam na siya at umakyat habang ako ay dumiretso sa dulo ng hallway dito sa 1st floor at pumasok na sa klase ko. Buti nalang nakaupo na 'ko bago pa dumating ang guro namin.

Habang nagka-klase lipad pa rin ang utak ko dahil sa kakaisip dun sa bruha, este kay Nymeriah. Halata pa lang sa mga tinginan niya kay Carlisle ay may kakaiba na. Sinubukan ko naman ipasawalang bahala, pero nababagabag pa rin ako ng konsensya ko, If ever na may mangyari sa kaibigan ko.

Mabait si Nymeriah. Matulungin siya, tinutulungan niya ako minsan sa mga ass ko na hindi ko maintindihan paminsan-minsan at siya din minsan ang sumasagot sa pangangailangan ko sa school. Tinatanggihan ko naman pero nagpupumilit parin siya kaya wala na akong magagawa. At hindi ko akalain na dahil lang sa hallway ay magkaka-kilala kami at magiging magkaibigan din sa ganun kadaling panahon. 

Nagulat nalang ako ng mag-ring ang belle na hudyat na tapos na ang klase. So, tagal ko pa lang tulala? Wala tuloy akong naintindihan sa itinuro ng guro namin ngayon. Nakakainis naman. Lumabas na ako ng classroom at naglalakad papunta sa parking lot dahil doon na daw ako maghintay sabi ni Carlisle at sabay ulit kaming uuwi.

Napatigil ako ng biglang tumunog ang cellphone ko at kinuha ko yun sa bag kopara tignan. Nag-message pala si Carlisle mula I*.

itsmecarlisle: Sis, may binili lang ako somewhere, haha. Wait for me nalang diyan sa parking lot. Balikan kita. Mwua.

elisanchez: Okay sis. Waiting. Ingat ka.

Nagpatuloy na ulit ako sa paglalakad pero hindi na 'ko dumiretso sa parking lot. Sa labas nalang ako ng gate pupunta. Didiretso na sana ako sa paglalakad pero napatigil ako dahil nakita ko si Nymeriah na may kausap sa cellphone at halata sa boses nito ang pagka-irita sa kausa o sa pinag uusapan nila. 

Nagtago ako dun sa likod ng puno at siya ang nasa unahan nito. Para mapakinggan ko kung ano man ang sinasabi nito sa kausap niya.

"Ano ba?! Ako na nga ang bahala diba? Bakit ba ang kulit mo? Hayaan mo 'ko sa mga plano ko at babalitan kita. Malamang alam ni mama ang ginagawa ko, kaya 'wag kang mag marunong na parang ikaw ang nanay ko. Okay ba? Isa ka pang sagabal e. Parang kaibigan niya. Sige na mauna na 'ko. Kailangan ko na umuwi baka hinihintay na 'ko ni mama. Ingat ka, bye." Sambit niya at nilagay ang cellphone niya sa kan'yang bulsa . Pagharap niya sa likuran niya para siyang nakakita ng multo. Duh? Mukha ba 'kong multo? Wow ha.

"Sino kauspa mo?" Tanong ko sa kan'ya. 

Agad naman siyang napaiwas ng tingin sa akin. "Wala. Bakit moba tinatanong ha? Tsaka kanina kapa ba dyan? Asan si Carlisle?" Tanong niya. 

Napairap nalang ako bago siya sinagot. "Wala. Babalikan nalang niya ako. May binili ata e." Sagot ko sa kan'ya. 

Napatango naman siya. "Ah eh sige sige. Uwi na 'ko ah! Bye! Ingat kayo!" Kaway niya at tumakbo palabas ng gate. 

Wirdong babae 'to. Mukha talagang may tinatago ah. Malalaman ko din yun, tsk. 

Nakasimangot akong lumabas ng school at tamang dating din ni Carlisle. Sumakay naman agad ako sa kotse at sinuot ang seatbelt. At pinagkrus ko ang dalawa kong braso at nilagay sa dibdib. Tahimik lang akong nakatingin sa harapan sa kalsada habang nagmamaneho siya. Nakakainis! Nakakabadtrip yung babaeng yun! Mukhang walang matinong gagawin sa mundo. Okay na sana maging kaibigan siya kaso mukhang may masamang balak at walang magandang gagawin. Sarap itapon! 

Nagulat ako ng biglang tumingin kay Carlisle dahil sumigaw niya. Nainis ako dun ang sarap niyang sabunutan jusqo. 

"Hoy sis! Kurap naman. Lalim ng iniisip mo ah, may problema?" Sigaw niya. Isa pa 'to grabe din makasigaw.

"Wala naman. Sure kana ba na gusto mo maging kaibigan si Nymeriah?" tanong ko. 

Agad naman siyang napalingon sa akin.

"Oo naman. Mukha naman siyang mabait. Pagkatiwalaan natin siya. Hindi naman siguro masama 'yon hindi ba?" Tanong niya ulit. 

Napatango nalang ako at hindi na umimik pa. After, ng kinse minutong byahe pauwi, nakauwi na rin ako dahil hinatid niya ako sa amin. Ganun lang ang routine namin tuwing hapon. Friday ngayon at parehas kaming makakapag-pahinga. Pero, sa sunday andun ulit ako sa kanila. At sabay kaming gagawa ng project kahit hindi kami magka-klase. 

Pagdating sa bahay hindi parin mawala sa isip ko ang mga narinig ko kanina kay Nymeriah. Hanggang sa pagligo, pagkain andun parin siya sa isip ko. Sa sobrang pag iisip ay nakatulog na 'ko ng hindi ko namamalayan. 

______________________________________

______________________________________

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status