Share

[SAMUEL] Part6.10: Chapter10

“IKAW ang salarin sa pagpatay sa mga kaibigan ko!” wika niya sa pagmumukha ni Samuel kahit na gigil na nakikipag-agawan siya ng palakol.

Ngumisi nang nakakaloko ang kaharap pero mas ikinagulat niya ang ginawa nito sa kanya. Nanlaki ang mata niya at biglang huminto ang tibok ng puso niya nang sinaksak sa kanya ni Samuel ang ulo ng palakol sa tiyan niya. May lumabas tuloy na dugo galing sa bibig niya. Hirap siyang makahinga ng maayos at mas lalong nanlalabo ang mga mata niya dulot ng sakit na pinararanas sa kanya. Namamanhid na rin ang buong katawan niya gawa ng itinulak siya ni Samuel kaya ngayon napahiga siya sa sahig habang kinakapos ng hininga.

“Sa laban na ’to, ako ang nanalo at walang makapipigil sa nais kong pumatay ng nilalang!” dinig niyang sambit ni Samuel, kasabay niyon ang paghalakhak nito na mala-demonyo.

Gusto niyang magsalita ngunit tila yata ang bibig niya ay ayaw bumuka. Gusto niyang murahin ang taong nasa harapan niya pero di niya magawa dahil hirap na siyang makahinga
Locked Chapter
Ituloy basahin ang aklat na ito sa APP

Kaugnay na kabanata

Pinakabagong kabanata

DMCA.com Protection Status