Share

Chapter 5

last update publish date: 2025-09-28 17:41:46

Pagkababa ni Mheilin sa elevator ng lobby, nakita niya agad si Elise na nakaupo sa sofa. Nang mapansin siya nito ay mabilis itong lumapit at niyakap siya. “Baby, walang kwenta ang mga lalaki. Ipapakilala kita sa mas gwapo bukas.”

Kalmado namang sumagot si Mheilin, “Sige.”

Dahil sa sagot ng kaibigan ay agad natigilan si Elise. Hindi ba masyadong kalmado ang sagot nito? Umatras naman siya at tiningnan si Mheilin mula ulo hanggang paa. Nang mapansin niya ang bahid ng dugo sa damit nito, nanlalaki ang kanyang mga mata sa gulat. “H-hoy—nasaktan ka ba? Saan ka may sugat?”

Tumingin si Mheilin sa ilang patak ng dugo sa beige niyang coat. “Hindi sa akin ‘yan.”

“Kanino galing ‘yan?” tumalas ang boses ni Elise dahil sa pag-aalala. “Kay Monica siguro o kay Carlos, yan no?”

“Pinagpapalo ko silang dalawa.” mahinahon na sagot ni Mheilin. 

Bahagya namang kumunot ang noo ni Elise. Nakita lang niya sina Carlos at Monica sa ospital kaninang umaga at wala pang tanghali, pinagpapalo na sila ni Mheilin? Pagkalipas ng sandali, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang hinlalaki bilang paghanga.

“Sa totoo lang, ang pagkakaroon ng mainit na ulo ay hindi laging masama. Kailangan mo ‘yan kapag ang kaharap mo ay mga gago at malalanding babae.”

Kahit si Elise mismo, gusto na ring uminit ang ulo niya kanina. Inakala niya na baka umiiyak na babalik si Mheilin matapos makita si Monica. Sa halip ay bumalik ito matapos pagpapaluin ang mga walang-hiyang yon. Hindi alam ni Elise ang eksaktong nangyari, pero kuntento na kuntento siya sa kinalabasan.

Sa totoo lang, hindi naman mainitin ang ulo ni Mheilin. Kapag si Monica lang ang sangkot, doon lang siya nawawala sa sarili.

“Huwag ka munang umakyat,” sabi ni Elise habang tinitingnan ang oras. “Kumain na lang muna tayo, lunch na.”

Kaagad naman na tumango si Mheilin. “Nag-leave ka ba para lang pumunta rito?”

“Oo. Maaga akong lumabas, pero kailangan kong bumalik pagkatapos ng lunch.” Dahil talagang nag-aalala siya kay Mheilin na baka gumawa ito ng kung ano dahil malapit na ang kasal.

Dumiretso ang dalawa sa isang Western restaurant. Nahirapan ng kaunti si Mheilin sa kanyang steak at agad napakunot ang noo. “Huwag na tayong kumain nito sa susunod. Hindi naman masarap.”

Alam na alam ni Elise ang panlasa niya mas gusto nito ang barbeque o samgyup. “Lunch lang naman ito at nagmamadali tayo. Ipag-samgyup na lang kita mamayang gabi, ha?”

Lunch lang naman ang madalas na mabilis kainin sa mga araw na may pasok. Pagkatapos ng ilang sandali, nagtanong si Elise, “So, ano ang plano mo kay Carlos?” 

Sa pagbanggit pa lang sa pangalan nito, lalong nawalan ng gana si Mheilin. “Pwede mo ba akong tulungan na mag-post ng announcement?” diretsong sabi niya. “‘Yung tungkol sa pagkansela ng kasal.”

Mabilis na natigilan si Elise, hindi niyab na-igalaw ang kanyang kutsilyo at tinidor.

“Payag ba ang pamilya mo at ang pamilya ni Carlos?”

Ang bilis naman nitong babaeng ‘to. Ilang oras pa lang ang nakalipas nakumbinsi na niya agad ang mga matatanda? 

Tiningnan siya ni Mheilin. “Bakit ko pa kailangan ng permiso nila?”

Natahimik naman agad si Elise. Sabagay, tama ito. Ang engagement kay Carlos ay hindi naman talaga naging desisyon ni Mheilin simula pa nung umpisa. Noon, nang malaman ng mga Fuentevilla na hindi pala biological daughter ng Cordova si Monica kundi anak ng yaya, agad nilang gustong kanselahin ang kasal.

Nag-panic agad ang mga Cordova. Dahil may mga major business deals na nakatali sa Fuentevilla, palihim na inayos nina Mrs. Jane at Arthuro na palitan ni Mheilin si Monica. Dalawang taon na ang nakalipas, matapos ang gulo sa pagitan nina Mheilin at Monica, kumakampi si Carlos kay Mheilin noon. Matapos palayasin si Monica, inaalagaan at minahal ni Carlos nang husto si Mheilin.

Noong panahong iyon, parang nakita na nito ang tunay na kulay ni Monica. Pero ngayon, ang pagbabagong iyon ay mukhang kalkulado lang para patahimikin si Mheilin noon. Dahil tutal, desidido na si Mheilin noon na ipakulong si Monica.

Matapos ma-pagdugtong dugtong ang lahat, mas malutong na nagmura si Elise, “Talagang walang-hiya siya!” Pagkatapos ay napakunot ang noo niya. “Pero teka—alam mo na kung anong klaseng tao si Carlos noong dalawang taon na ang nakalipas, 'di ba? Bakit ka pumayag sa engagement? At ngayon, sumusukat ka pa ng wedding dress, plano mo ba talagang pakasalan siya sa susunod na linggo?” Hindi niya maintindihan ang punto nito.

Sa tanong na kung bakit, bahagyang dumilim ang tingin ni Mheilin habang yumuyuko. Bakit nga ba? Dahil ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang interes, may sariling mga nakatagong motibo. “Huwag ka nang magtanong nang marami,” kalmado niyang sabi. “Siguraduhin mo lang na isama ang litrato niya at ni Monica sa ospital.” 

Dahil nakita ni Elise na wala itong intensyong magpaliwanag, hindi na siya nagpupumilit pa.  Hangga’t hindi totoo na pumayag si Mheilin sa kasal dahil sa bulag na pag-ibig ay wala na siyang pakialam. “Sige. Ipopost ko na ito ngayon din.” Agad niyang kinuha ang kanyang telepono.

Noong nagsisimula pa lang ang career niya, si Elise ay isang professional journalist. Sa paglipas ng panahon, nakabuo siya ng ilang social media accounts na may milyun-milyong followers. Tungkol naman sa pamilya Fuentevilla ang pinakamakapangyarihang pamilya sa Davao, ang kasal ni Carlos ay laging nakabantay sa ilalim ng matinding pagsusuri ng publiko. Kung hindi ito mahawakan ng maingat, siguradong mapapahamak ang reputasyon ni Mheilin.

Pagkalipas ng kalahating oras, Isang headline ang pumatok sa internet:

“Ampon ng Pamilya Cordova, Pinaghihinalaang Bumalik—Nakita sa Ospital kasama ang Panganay na Anak ng Pamilya Fuentevilla.” 

Halos agad na sinundan ito ng isa pang headline:

“Tagapagmana ng mga Cordova, Inaanunsyo ang pagkansela ng Engagement sa Panganay na Anak ng mga Fuentevilla.” 

Ang dalawang paksa ay agad na umakyat sa tuktok ng trending charts.

Ampon.

Tunay na tagapagmana.

Ang mga pangyayari noong dalawang taon ang nakalipas ay bumalik sa alaala ng lahat, ngayon ay muling hinila pabalik sa spotlight. At pagkatapos— Ang telepono ni Mheilin ay nagsimulang tumunog ng walang tigil.

Continue to read this book for free
Scan code to download App

Latest chapter

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 180

    Pwede ba siyang sumagot ng hindi? Masyadong malapit ang kuya niya kaya nararamdaman niya ang init ng hininga nito sa kanyang balat. Napalunok siya nang malalim, hirap na hirap humanap ng sagot. "Ako, um..."Sa gitna ng pagkakaipit ni Mheilin ay agad na umalingawngaw ng pag-vibrate ang telepono ni Percival. Binitawan siya nito, umatras at tiningnan ang tumatawag. Ginamit ni Mheilin ang pagkakataon para makalayo ng mabilis—ang bilis ng tibok ng puso niya, nakakatakot ang sandaling iyon.Sinagot ni Percival ang tawag. "Hello.""Kumusta na ang darling ko?" A refined, middle-aged woman’s voice drifted through the line. It was Lottie, Percival’s mother—a woman who had always cherished Mheilin and refused to let her suffer a moment of injustice. Back when Perina had tried to drag Mheilin into brutal training, Lottie had been the one to stand firmly in her way.Pinanood ni Percival si Mheilin na kasalukuyan ng naglalakad nang mabilis sa unahan, ang kanyang liksi ay kasing-gaan at kasing-lini

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 179

    Marahan na hinawakan ni Percival si Mheilin at mahigpit na hinila ito patungo sa kanyang mga bisig, habang mapagmahal na ginugulo ang malambot nitong buhok. "Hindi masama, may konsensya ka pa rin pala."Napapikit at napakurap si Mheilin at ang mga labi ni Mheilin ay marahang gumalaw. Ang mainit na dulo ng daliri ng lalaki ay dumaan sa balat ng kanyang leeg, bahagyang humahaplos sa mga hickeys na nakatago sa ilalim ng kanyang scarf. "Ang mga insekto na iyon ay talagang kakaiba, hindi ba? Ilang beses ka rin nilang kinagat."Nablangko agad ang isip ni Mheilin, pakiramdam niya ay may nag-aapoy sa kanyang loob, na nagiging sanhi ng pag-kulo ng kanyang dugo. Namula nang husto ang kanyang mukha, at instinctual niyang hinawakan ang pulso ni Percival para pigilan ito. "Naglakas-loob ka pang sabihin iyan.""Hmm? Hindi ba ako pwedeng magsalita tungkol doon?"Lalong namula ang kanyang mukha, ramdam na ramdam ang init mula sa kanyang balat. Ang mahahabang daliri ng lalaki ay inangat ang kanyang

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 178

    Sa nakikita na nakamamatay na sobrang galit ni Percival, kahit si Mheilin ay nakaramdam na parang tumalon ang kanyang puso sa kanyang dibdib. Isang biglaan at malabo na imahe ng madugong eksena ang pumasok sa kanyang isip, isang ilusyon na napakalinaw kaya naramdaman niyang parang may mamamatay na mismo doon sa semento.Malamig na parang yelo ang boses ni Percival. "Ang pag-bully sa kanya, masaya ba iyon para sa iyo?"Nagngingitngit ang mga ngipin ni Carlos, ang kanyang mukha ay nakangiwi sa sobrang sakit. "Kung matapang ka talaga, pakawalan mo ako!"Lalong idiniin ni Percival ang kanyang bigat. "Kahit gumapang ka palayo sa ilalim ng mga paa ko, hindi mo magawa. Ano pa kaya ang gagawin mo kung pakakawalan kita?"Nanahimik si Carlos, ang kanyang dibdib ay mabilis na tumaas-baba sa pagod. Si Daniel, na nakatayo sa malapit ay nakaramdam ng parehong nakaparalisang kawalan ng magagawa.Bumilis ang paghinga ni Carlos dahil sa purong galit. Tinitigan niya si Mheilin. "Mheilin, ilayo mo ang l

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 177

    Tinatamad na si Mheilin na sayangin pa ang hininga niya para sa lalaking ito kaya tinalikuran na niya ito para umalis. Subalit, hinawakan ulit siya ni Carlos. Kumikirot pa rin ang ulo nito mula sa naunang suntok ni Mheilin hindi ito nagpipigil at pakiramdam niya ay nag-crack na ang kanyang bungo.Tinitigan siya nang masama ni Mheilin habang itinaas ang kilay. "Uulitin mo pa?"Habang nagtama ang kanilang mga paningin, napansin ni Carlos ang bahagyang pamumula ng labi ni Mheilin at ang malinaw na dark marks na lumilitaw mula sa gilid ng kanyang scarf. Nablangko agad ang isip niya, nanlaki ang kanyang mga mata habang unti-unting naghihiwalay ang kanyang katinuan. Inabot niya at hinablot ang scarf mula sa leeg nito, na naglantad sa ilang malinaw na hickeys. Sa sandaling iyon, pakiramdam ni Carlos ay hindi siya makahinga. "Y-you... ikaw at ang mga lalaking iyon?"Hindi niya matapos ang pangungusap. Isa siyang matandang lalaki, alam niya ng eksakto kung ano ang mga marka na iyon. Walang nak

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 176

    Naunawaan agad ni Aldric ang ibig sabihin at humakbang siya palapit, pinuputol ang usapan. "Mr. Yuzon, bumalik na po muna kayo. Ipapaalam namin sa inyo kung may iba pang kaganapan.""Pero Mr. De—""Alam na ni sir ang iyong posisyon," putol ni Aldric, matigas ang tono.Sinulyapan ni Dante si Percival sa huling pagkakataon, pilit na hinahanap ang anumang pahiwatig ng balak nito. Gayunman, ang lalaki ay nanatiling misteryoso gaya ng isang malalim at madilim na lawa, wala man lang siyang mabasa sa ekspresyon nito.Habang inilalabas siya ni Aldric, hindi napigilan ni Dante na magtanong, "Mr. Aldric, may mga maling akala pa ba si Mr. De Laurentis?""Ang amo ko ay hindi isang taong makitid ang mag isip."Hindi ba? Mukhang makitid naman ang isip nito, lalo na pagdating sa anumang may kinalaman kay Mheilin. Nakikipagtalo lang naman si Marie kay Mheilin, pero pasabog ang naging reaksyon ni Percival. Kung ito ang bersyon niya ng hindi makitid ang isip, kinikilabutan si Dante na isipin kung ano p

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 175

    Sa ilalim ng lilim ng kawayanan at kubo, nanatiling tahimik ang paligid. Nang dalhin ni Aldric si Dante sa loob, si Percival lamang ang naroon.Magalang na humakbang palapit si Dante. "Mr. De Laurentis."Ibinaba ni Percival ang kanyang tasa ng kape, idinilat ang mga mata, at ipinukol ng isang napaka lamig na tingin si Dante. Sa likuran niya, nang makita ni Miguel ang nagyeyelo at matalim na titig na iyon, agad siyang umiwas ng tingin. Napakabigat ng aura ng lalaking ito kaya walang sinuman ang naglakas-loob na tumingin rito ng higit sa isang segundo. So, ito pala ang kuya na nagpalaki kay Mheilin? isip ni Miguel. Dahil sa isang lalaking tulad nito ang nagpoprotekta rito, malinaw na tapos na talaga ang mga Cordova at si Carlos na nanakit sa babae. Tunay ngang mga hangal dahil ginising nila ang natutulog na dragon. Ang kamangmangan ay hindi kaligayahan, ito ay sentensya ng kamatayan.Tinitigan nang masama ni Percival si Dante. "Gusto mong pagbayarin si Mheilin sa nawala mong gamit?"P

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 11

    SAMANTALA sa itaas naman ay nakatayo sa hagdan si Mika, habang iniinda ang sakit ng ankle nito. Nang marinig ni Mika kung gaano ipaglaban ni Ronald ang ama niya si Jian. Isang bakas ng pagkabigo ang sumilay sa kanyang mga mata. After all, Jiannella is the biological daughter. SA KABILANG PANIG

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 10

    CHAPTER 10 Habang nag-uusap si Bea at Jian tungkol sa kaibigan nilang si Amanda ay bigla na lang huminto sa pagsasalita si Bea, para bang may naalala bigla. "Huling tawag namin, sinabi niya na may aprubado na gamot na pampababa ng timbang ang ospital kung saan siya nagtatrabaho. Samahan mo kaya a

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   chapter 9

    Sa pagbanggit ng pamilya Hernandez tungkol sa kasal na hindi na matutuloy, hindi mapigilan ni Mika ang palihim na mapangiti. Ang kanyang puso ay kumakabog nang marinig na ang credit card ni Jiannella ay pinatigil. Punong-puno siya ng pagmamalaki. “Jiannella, wala kang karapatan sa pera ng pamilya.

  • The Shadow Love of Mr. Zillionaire   Chapter 8

    (Note: This chapter has a two person pov, para po hindi kayo malilito.) Sumakay si Duke sa kotse, halata ang galit sa mukha. Sinulyapan siya agad ni Daniel sa rearview mirror. "Kamusta? Kumalma na ba si Miss Jian?" Halata na para sa lahat, nagtatantrums lang si Jian para pilitin si Duke na paa

More Chapters
Explore and read good novels for free
Free access to a vast number of good novels on GoodNovel app. Download the books you like and read anywhere & anytime.
Read books for free on the app
SCAN CODE TO READ ON APP
DMCA.com Protection Status