LOGINThe Shadow Reaper
Haven's POV
Pitong taon. Pitong taon ko nang niyayakap ang dilim, ang nakasusulasok na amoy ng pulbura, at ang bigat ng mga sikretong hindi kailanman maaaring malaman ng mundo. Sa loob ng pitong taong serbisyo bilang isang elite agent at sundalo, natutunan kong ang pinakamahalagang misyon ay ang mga hindi naisusulat sa anumang opisyal na ulat. Ang bawat gabi ay isang laro ng chess sa pagitan ng buhay at kamatayan; sa larong ito, ako ang tanging piyesa na hindi nakikita—ang aninong nagmamasid bago tumama ang kidlat.
Gamit ang aking specialized kernmantle rope, nag-ala Spiderman akong gumapang sa gilid ng isang abandonadong gusali sa District 4. Ang bawat kapit ng aking tactical gloves sa magaspang at malamig na semento ay sigurado at tahimik. Nararamdaman ko ang adrenaline na dumadaloy sa aking mga ugat, ngunit nananatiling mabagal at kontrolado ang aking paghinga. Maingat kong inatras ang aking mga paa pakanan bago mabilis na tumakbo paitaas—isang vertical sprint na tanging ang mga dumaan sa matinding training lang ang may kakayahan—saka lumundag nang mahaba patungo sa kabilang side ng glass wall.
Madilim ang buong paligid dahil natatakpan ng makapal at tila nagbabadyang ulap ang buwan. Ito ang paborito kong klima—ang kawalan ng liwanag. Dahil sa dilim, ako ang hari. Walang sinumang makakapansin sa isang aninong gumagalaw sa ika-apatnapung palapag.
Walang ingay akong nakarating sa kabilang side ng roof deck. Mabilis kong kinuha ang aking customized sniper rifle mula sa aking tactical bag. Inayos ko ang bipod at dahan-dahang humiga sa malamig na semento. Sa pamamagitan ng thermal vision ng aking high-powered scope, nakita ko ang aking target sa loob ng isang marangyang penthouse—isang lalaking nagpapayaman sa dugo at luha ng iba. Si Don Manuel. Ang bawat tawa niya sa loob ng silid na iyon ay isang insulto sa mga buhay na sinira niya sa pamamagitan ng ilegal na droga at human trafficking.
"Target locked," nakangisi kong bulong sa aking comm-link.
Ang crosshair ng aking scope ay tumama nang eksakto sa gitna ng kanyang noo. Sa mga sandaling ito, hindi ako nakakaramdam ng awa. Ang tanging nararamdaman ko lang ay ang lamig ng bakal ng gatilyo sa ilalim ng aking daliri. Ginalaw ko ang aking daliri nang dahan-dahan, tinitiyak ang bawat anggulo at ang bilis ng hangin.
Bullseye.
Thwip.
Isang mahinang tunog lang ang umalingawngaw dahil sa aking suppressor, kasunod ang pagbagsak ng isang katawan na hindi na muling babangon. Hinipan ko ang dulo ng aking baril nang may kasamang smirk. Isang basura na naman ang na-dispose. Mabilis kong binuwag ang rifle at isinilid sa aking bag. Ang bawat segundo ay mahalaga; sa mundong ito, ang pagtatagal ay kamatayan.
Pagkababa ko sa gusali sa pamamagitan ng fire escape, mabilis akong sumampa sa aking matte black Ducati. Ang makina nito ay nagbigay ng isang mahinang dagundong, parang huni ng isang maninila sa gabi. Malamig ang hangin na humahampas sa aking tactical suit—isang suit na may bahid pa ng dugo ng mga kalaban mula sa nakaraang sagupaan—habang pinapatakbo ko ang motor sa maluluwang at madidilim na highway ng lungsod.
"Mission accomplished," bulong ko sa hangin habang pinupunasan ang dulo ng aking tactical knife.
I am Captain Haven Diamond Fortaleza. Isang sundalo mula sa Armed Forces at isa ring secret agent na kilala sa tawag na The Shadow Reaper. Binansagan akong Reaper dahil sa aking agility at bilis ng galaw sa kadiliman. I can easily slay my enemy with quickness and stealth, bago pa man nila mapagtanto na pumasok na ang kamatayan sa kanilang pintuan. Sa mga records ng gobyerno, hindi ako umiiral. Ako ang kanilang "deniable asset"—ang kamay na gumagawa ng maruming trabaho upang mapanatili ang kapayapaan.
Habang binabaybay ko ang walang sasakyang highway patungo sa aking safehouse, biglang tumalas ang aking pandama. Ang aking instinto, na hinasa ng pitong taong pakikipagdigma, ay nagsimulang magbigay ng babala. Mula sa malayo, nakita ko ang liwanag ng isang convoy. Tatlong itim na sasakyan ang mabilis na bumabagtas sa kalsada. Sa gitna ay isang luxury van, protektado ng security SUVs sa harap at likod.
Pinatay ko agad ang headlights ng aking motor at binagalan ang takbo, nanatili sa mga anino ng mga puno sa gilid ng kalsada. Ginamit ko ang aking thermal vision sa pamamagitan ng aking maskara. Isang high-value target ang lulan ng van na iyon, o 'di kaya'y mga taong hindi alam na may nakatagong panganib sa ilalim ng aspalto.
Biglang, ang katahimikan ng gabi ay binalot ng isang nakabubulag na pagsabog.
BOOM!
Isang IED (Improvised Explosive Device) ang sumabog sa ilalim ng lead security SUV. Tumalsik ang sasakyan, bumaligtad sa gitna ng highway, at agad na nilamon ng apoy. Sa loob ng ilang segundo, ang mga bodyguards sa loob ay wala nang pagkakataong lumaban. Napahinto ako sa malayo, nanonood habang ang kaguluhan ay nagsisimulang mag-unfold.
"Ambush," bulong ko.
Dalawang puting van ang biglang sumulpot mula sa mga gilid ng kalsada, pilit na hiniharangan ang luxury van. Ang pangalawang security SUV sa likuran ay sinubukang rumesponde, pero bago pa man sila makababa, nagpaulan na ng bala ang mga kalaban gamit ang mga high-caliber rifles.
Rat-tat-tat-tat
Dinig ko ang tunog ng mga bala na tumatama sa bakal at salamin—isang nakakangilong musika ng kamatayan. Nakita ko ang isa sa mga bodyguards na duguang bumagsak sa semento, pilit pang inaabot ang kanyang baril bago tuluyang nawalan ng buhay. Masyadong propesyunal ang mga kalaban; ito ay isang planadong execution.
"Target sighted. Tsk! Hindi ito bahagi ng misyon," bulong ko sa sarili ko. Labas ito sa aking hurisdiksyon. Dapat ay dumaan lang ako. Dapat ay hinayaan ko silang mamatay dahil wala akong kinalaman sa kanila. Pero nang makita kong dumanak ang dugo at ang mga binatang lumabas mula sa luxury van ay mukhang mga inosente at walang laban, kusa nang kumilos ang aking katawan. Ang aking hero complex na pilit kong ibinabaon ay muling nagising.
Inayos ko ang aking face mask—isang itim na tactical mask na bumabalot mula sa ibaba ng aking ilong hanggang sa aking leeg. Tanging ang aking mga mata lamang ang nakalantad. Ang mga mata kong singkit na pahaba, kung saan ang dulo ay nakaturo paitaas na tila isang maninila.
Mula sa itaas ng kabilang SUV na humarang, nakita ko ang isang matangkad na lalaki. Mukha siyang natatakot, ngunit pilit niyang pinoprotektahan ang kanyang mga kasama. Isang magiting na kilos para sa isang sibil.
"Please, if it's money, we can give it to you!" pakiusap nito, humahakbang pasulong.
Ang lider ng mga lalaki ay hindi sumagot. Sa halip, dahan-dahan niyang itinaas ang kanyang baril at itinutok sa noo ng binata. Nakita ko ang panginginig ng kanyang mga balikat. Ipinikit ng binata ang kanyang mga mata, hinihintay ang kamatayan.
Swish!
Bago pa man makakalabit ng lider ang gatilyo, ang aking tactical throwing knife ay bumaon na sa kanyang braso. Napasigaw siya at nabitawan ang baril. Sa isang iglap, bumaba ako mula sa itaas ng SUV na tila isang anino na nahulog mula sa langit. Ginamit ko ang momentum ng aking pagbagsak upang sipain ang mukha ng ikalawang lalaki, ang tunog ng pagkabasag ng kanyang ilong ay narinig ko hanggang dito.
"Patayin s'ya! Patayin ang aninong 'yan!" sigaw ng lider habang hawak ang duguang braso.
Nagpaulan sila ng bala, pero para akong usok na lumulusot sa pagitan ng mga sasakyan. Hindi nila ako mahagip; ang aking bilis ay sadyang lampas sa kakayahan ng ordinaryong mata. Lumitaw ako sa likuran ng dalawa pa, hinawakan ang kanilang mga ulo at pinag-umpog ang mga ito nang may sapat na lakas upang mawalan sila ng malay.
Ang huling lalaki, na tila natataranta na, ay itinutok ang baril sa isang binatang may tanned skin. Mas mabilis pa sa kisap-mata, hinugot ko ang aking baril na may silencer.
Thwip!
Isang bala mula sa aking silencer ang bumaon sa kanyang balikat. Nabitawan niya ang armas at bumagsak sa kalsada na namimilipit sa sakit. Tumayo ako nang tuwid sa gitna ng highway. Ang anim na lalaki ay tumba—ang iba ay patay, ang iba ay wala nang malay. Ang buong paligid ay nabalot ng amoy ng pulbura, sunog na gulong, at dugo.
Lumingon ako sa limang binata. Bakas sa kanilang mga mukha ang hindi maipaliwanag na takot at pagkamangha.
"A-are you okay?" narinig kong nauutal na tanong ng binatang may tanned skin.
Hindi ko sila sinagot. Hindi ako narito para makipagkaibigan. Mabilis kong kinuha ang aking encrypted radio sa aking balikat.
"Unit 7, report to my location immediately," malamig kong utos. "Clean-up crew, Sector 4. High-priority. May mga casualty. I need medical evacuation, Code Silver. Now."
"Copy that, Reaper. Units are moving. Five minutes out," sagot ng operator sa kabilang linya.
Dama ko ang titig ng isang binata sa akin. Ang kanyang mga mata ay nagtatanong, naghahanap ng sagot sa gitna ng dilim. Tumitig ako sa kanya ng ilang segundo—isang segundo kung saan tila tumigil ang mundo. Nakita ko ang takot sa kanyang mga mata, pero nakita ko rin ang isang bagay na hindi ko inaasahan: pagkilala.
Bago pa man siya makapagsalita, tumalikod na ako. Sumakay ako sa aking motor at pinaharurot ito patungo sa kabilang direksyon. Ang hangin ay muling humampas sa aking mukha, tinatangay ang amoy ng kamatayan na naiwan sa highway.
Author's Note:
We're just getting started! Maraming salamat sa mga nag-add sa library nila. Ready na ba kayong makilala ang ating Shadow Reaper? Abangan sa susunod na kabanata! See you there! ✨
The ComebackPagkalabas nina Phil at Haven sa library, tinahak nila ang mahabang pasilyo patungo sa swimming pool area. Ramdam pa ni Haven ang bigat ng diskusyon kanina tungkol kay Ex-Gen. Silas at sa mga traydor na opisyal, ngunit ang lahat ng seryosong isiping iyon ay biglang naglaho nang tumambad sa kanya ang eksena sa pool.Ang buong banda ay kasalukuyang naglulunoy at masayang nagkakatuwaan sa mga inside jokes nila. Napatigil si Haven sa kanyang kinatatayuan, tila nakalimutan kung paano huminga nang maayos. Ang kanyang mga mata ay agad na napako kay Sirius. "Hi, Phil!" sabay na kaway ng lima na may malalawak na ngiti sa kanilang mga labi. "Umahon muna kayo rito at may mahalaga tayong pag-uusapan," seryosong ani Phil.Walang damit pangtaas ang superstar. Kitang-kita ang malapad nitong balikat na tila kayang pasanin ang buong mundo, at ang dibdib na bahagyang kumikinang dahil sa tumutulong tubig-pool sa ilalim ng sikat ng araw. Hindi rin nakaligtas sa paningin ni Haven ang m
ColdAlas-singko pa lamang ng madaling-araw. Ang buong mansyon ng mga Montemayor ay nababalot pa ng makapal na dilim at nakabibinging katahimikan. Si Haven ay nakaupo sa gilid ng kanyang kama, ang kanyang hininga ay hindi pa rin ganap na matatag dahil sa mga natitirang alaala ng halik sa tabi ng pool kagabi. Ramdam niya pa rin ang kakaibang kuryente. Ngunit ang lahat ng emosyong iyon ay biglang naputol nang marahas na mag-vibrate ang kanyang encrypted phone sa ibabaw ng side table. "Reaper here," sagot ni Haven, ang kanyang boses ay agad na bumalik sa pagiging malamig, puno ng awtoridad at walang bahid ng emosyon. "Reaper, nakuha ko na ang listahan," seryosong boses ni Detective Keziah ang sumalubong sa kabilang linya. "Ang mga opisyal sa District 4 na konektado kay Ex-Gen. Silas at Mr. Chua ay kumpirmado na. Tatlong matataas na ranggo sa presinto ang nasa bulsa nila." "Kaya pala ang lakas ng loob ng limang spy na 'yun na pumasok at magtangkang mag-operate sa loob ng mansyon," sa
The Accidental KissSirius POV Matapos ang hapunang puno ng asaran at ang hindi inaasahang pag-aalaga ni Sirius kay Haven sa pamamagitan ng pagbibigay ng asparagus, biglang bumigat at napuno ng kakaibang kuryente ang atmospera sa loob ng mansyon. Pagbalik ni Sirius sa kanyang kwarto, pabalik-balik siya sa kanyang kama, hindi mapakali. Hindi mawala sa kanyang isip ang aksidenteng pagkadikit ng kanilang mga katawan sa training mat kanina. Ramdam na ramdam pa rin niya ang init ng balat ni Haven at ang mabilis, nagwawalang pintig ng sarili niyang puso.Napabuga ng marahas na hangin si Sirius tsaka napagdesisyunang lumabas sa kanyang kwarto upang magtungo sa pool side. Kailangan niya ng malamig na hangin dahil hindi pa rin talaga mawala sa kanyang isip ang nangyari. Sa totoo lang, hindi ganoong klaseng extreme training ang gusto niya; may alam naman siya sa self-defense pero mas gusto niya pang matuto sa mas banayad na paraan. Hindi pa siya ready sa mga weapons tulad ng mga espada at bar
Awkward Sa loob ng Underground Training Facility, ang tanging maririnig na lamang ay ang mabibigat at humihingal na hininga ng mga miyembro ng CELESTIAL. Pagkatapos ng nakamamanghang at madugong sparring nina Keziah at Grimm, dinala ni Haven si Sirius sa isang hiwalay na combat mat para sa kanilang nakalaang one-on-one na pagsasanay."Focus, Sirius. Huwag kang tumingin sa paligid o sa ginagawa ng iba. Ang kalaban mo ay nasa harap mo," malamig na utos ni Haven. Naka-standby siya sa likuran ni Sirius upang manu-manong ayusin ang mapanganib na stance nito. "Mahirap mag-focus kung ang coach ko ay parang laging handang pumatay ng tao," biro ni Sirius, bagaman bakas ang labis na pagod sa kanyang mukha. Hinihingal siya nang malalim, at ang kanyang pawis ay malayang dumadaloy mula sa kanyang sculpted jawline, pababa sa kanyang leeg, hanggang sa pumasok sa siwang ng kanyang basang shirt."Maging seryoso ka kung gusto mong mabuhay sa oras na wala ako sa tabi mo," sagot ni Haven, walang pr
The Underworld Threshold Malamig ang simoy ng hangin sa malawak na training grounds ng mansyon, ngunit ang katahimikan ay tila isang babala. Sa gitna ng malawak na semento, nakatayo ang mga bodyguards ng pamilya—kabilang ang limang "ahas" na sina Perez, Santos, Ramos, Torres, at Reyes. Nakahilera sila nang tuwid, walang kamalay-malay na ang sikat ng araw na tumatama sa kanilang balat ang huli nilang mararanasan bilang mga malayang tao. Sa itaas na terrace, nakadungaw ang bandang CELESTIAL. Mahigpit ang hawak ni Sirius sa malamig na pasamanos. Ang kanyang paningin ay tila may sariling buhay, laging bumabalik sa babaeng nasa gitna ng field. Si Haven. Dahan-dahang hinihigpitan ni Haven ang kanyang hand wraps. Ang bawat ikot ng tela sa kanyang kamao ay tila isang ritwal. "Watch closely," malamig niyang utos, ang boses ay sapat na para tumayo ang balahibo ng mga guwardiya. "Ngayong umaga, ipapakita namin ni Liam ang tamang paraan ng Close-Quarters Combat (CQC). Liam, center stage."
JealousHabang abala ang limang spies sa kanilang kanya-kanyang pwesto—lingid sa kaalaman nila ang bawat kilos nila ay nakatala na—isang kulay abong SUV ang marahang huminto sa main gate ng mansyon. Walang sirena, walang ingay. Isang aninong pumasok sa kuta ng mga bituin.Bumaba rito ang isang lalaking may matikas na tindig, nakasuot ng pormal na bodyguard suit at itim na shades kahit maaga pa lang. Ang kanyang mukha ay seryoso at walang bahid ng ngiti—ang katangiang nagbigay sa kanya ng code name na Grimm. Sinalubong siya ni Haven sa tapat ng porch. Nagpalitan sila ng isang mabilis at makahulugang tingin; isang silent communication na tanging mga sanay sa serbisyo lamang ang nakakaintindi."Mr. Sergio, Mrs. Phoebe," tawag ni Haven sa mag-asawa na kasalukuyang nag-aalmusal sa terrace, ang amoy ng kape ay humahalo sa malamig na simoy ng hangin. "Ito po si Liam 'Grimm' Javier. Siya ang kinuha ko bilang karagdagang bodyguard at magsisilbi ring bagong driver ng CELESTIAL.""Welcome to the







