Share

Chapter 12. Elmhurst has dirty thoughts.

Nakasandal si Elmhurst sa dingding ng elevator at humihikab. Kagigising lamang niya at lalabas lang siya para pumunta sa canteen at bumili ng kaniyang agahan gamit ang meal card niya. Lahat kasi silang nag-aaral dito ay umaasa na lang sa canteen para sa kanilang pagkain, mula agahan hanggang sa hapunan.

Muli siyang humikab at pumikit. Hindi niya narinig muli ang bulong na iyon pero late pa rin siya natulog. Nag-invite kasi ng laro ang kaibigan niyang si Reese at hindi nila namalayan ang oras at umabot sila hanggang sa alas tres ng umaga. Hanggang sa nag-victory ang team nila at nakuha nila ang perang pinanalunan nila. Kaya ito at inaantok pa rin siya. Wala silang klase ngayon dahil linggo naman at kung hindi lang nagreklamo ang tiyan niya ay hindi siya gigising.

Nang huminto ang elevator at bumukas ay hindi pa rin siya nagmulat ng mata nang may sumakay. Nakapikit pa rin siya pero naririnig niya ang boses ng dalawang taong nag-uusap.

"Nagulat ako kagabi nang late akong umuwi. Pagtingin
Locked Chapter
Continue to read this book on the APP

Related chapters

Latest chapter

DMCA.com Protection Status