MABILIS NA NAPATAYO si Brian. Sa mga sandaling iyon, nais na niyang yakapin ang ina upang magpasalamat dahil nasabi na niya ang nais niyang i-offer sa dalawang matanda. Alam ni Brian na hindi ito magagawang tanggihan ng mag-asawa lalo na kung magpumilit dito si Briel. Iyon na lang ang panghahawakan niya. Napangiti pa nang malapad doon si Brian.Pagkakataon nga naman. Mabuti na lang talaga at hindi siya naglasing.Ganun na lang ang iling ni Cora matapos na tingnan ang naging reaction ni Brian sa naging utos ng kanyang ina.“Hindi na kailangan—”“Naku, kailangan ‘yun Cora. Huwag mo ng tanggihan pa.” muling giit ni Briel na halatang hindi magpapatalo sa asawa ni Conrad, “Nag-aalala ako na baka kung ano ang mangyari sa inyo. Maingat namang magmaneho itong si Brian, Cora.”“I mean, hindi kailangang si Brian, Gabriella. Pwede naman ang driver na lang ang maghatid sa amin pauwi. Nakakahiya sa anak mo. Pagod pa iyan sa biyahe niya paakyat ng Baguio tapos aabalahin pa naming magpahatid.”Umayo
Nagtawanan na sila sa lambingan ng mag-asawa. Lumabas na si Briel dala ang ibang dessert kung kaya naman hindi na nadugtungan pa ang kanilang usapan. Wala ng tumuloy doon kahit pa marami pa sanang nais na itanong si Brian. Naupo na rin doon ang Ginang upang maki-join sa kanila. Doon nila sa family area naisip na tumambay ngunit hindi nagtagal ay lumabas din naman sila sa may lanai ng mansion na naka-konekta sa malawak na bakuran. Malamig ang ihip ng hangin na idagdag pa ang mas bumabang klima kaya lahat sila ay naka-jacket. Hindi pa rin alintana ang lamig. Tuloy ang kwentuhan tungkol sa ibang mga bagay na ang iba ay sa kanilang nakaraan. Ilang beses tiningnan ni Brian ang screen ng kanyang cellphone. Hindi niya alam kung umaasa ba siyang may magse-send sa kanya ng message dito. Hindi mawala sa kanyang isipan si Ceska. Ilang ulit na rin niyang binista ang inbox niya kung saan ay may message dito. Hindi iyon social media na malalaman niya kung nabasa na ba ng dalaga. Imposible namang hi
MATAPOS NA ISMIRAN ay iniwan na siya ni Gia. Natawa lang naman doon si Brian sa pagiging isip-bata ng kapatid nilang babae. Lumapit na siya sa kanilang mga bisita upang magmano at ibigay na rin ang inihanda niyang regalo. Hindi naman nila iyon tinanggihan, lalo na ni Cora na parang walang naging sama ng loob noong kamakailan na nangyari sa kanila ng binata nang dahil kay Ceska. Nagawa pa niyang yakapin si Brian sabay tapik sa isang balikat. Maliit namang ikinangiti iyon ni Brian. Bahagya na rin na gumaan ang kanyang pakiramdam kahit na hindi ito lubos.“Tito Conrad, bakit hindi niyo po sinama si Franceska dito?” hindi na nakatiis ay tanong ni Brian habang nasa kusina ang kanyang ina at si Cora, nasa family area sila noon nakatambay. Panaka-nakang tumatagay na sina Giovanni at Conrad. Busy manood ng live show countdown sa TV si Gia. Si Vaniel naman ay abala sa kanyang ka-chat. Nilingon na siya ng amang si Giovanni, may pagbabanta ang kanyang mga mata na tigilan na ang pagtatanong tungk
HINDI NA MAGAWANG makasagot ni Brian sa mahabang litanya ng kanyang ama. Nakunsidera na niya ang lahat ng iyon dahil kung hindi, hindi siya sumukong ilaban ito simula pa lang noong umpisa. Naging suwail sana siya at lumaban pa. Ngunit ito nga rin ang kanyang iniisip kung kaya naman kahit masakit at kahit mahirap binitawan niya noon si Ceska. Nanatiling tikom ang bibig ni Brian. Hindi na alam kung paano sasagutin ang sinabi ng kanyang ama na dahilan niya.Come to think of it, hindi naman talaga balakid ang kanyang ama sa relasyon nila o maaaring ang kanyang ina ngunit ang katotohanan iyon sa pagkatao ng dalaga na paniguradong labis na makakaapekto sa kanya oras na kumalat na ito.“Mauuna na kaming umakyat ng Mommy mo at mga kapatid mo sa Baguio mamayang gabi. Kagaya ng ating nakagawian, doon tayo magse-celebrate ng New Year. Sa mansion magdadaos sina Cora at Conrad. Hihintayin ka namin doon. Well, ano pa bang inaalala ko. Naroon din si Ceska. Kasama nila sa pag-akyat kaya malamang ay a
KINABUKASAN, BUMAGSAK ANG stock price ng kumpanya ng mga Hidalgo. Piper was severly criticized at the shareholders' meeting because according to reliable information, the company that dealt with them was Bianchi’s overseas subsidiary. Kilalang fiance niya si Gabriano Bianchi at ka-apelyido niya ang umano ay gumawa kung kaya ito malamang ang salarin. Pagkatapos niyang umalis ng conference room ay tinawagan niya si Brian at galit na galit na ang boses na dito. “Gabriano, ano pa bang kailangan mo ha? Napakasama mo talaga! Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito?!” Napatingin na si Brian sa kanyang ama na prenteng nakaupo lang sa sofa. Nasa opisina niya ito. Wala namang binanggit ang ama na dahilan kung bakit siya naroon. Nakita na lang niyang naroon ang matanda after niyang lumabas at pumunta ng meeting. Alam ba nito ang mangyayari sa company ng dating fiancee niya? Siya ba ang may gawa noon sa kanila? Bakit naman iyon gagawin iyon ng kanyang ama? Dapat nga ang mga Hidalgo ang galit sa
NANLIIT NA ANG mga mata ni Giovanni sa asawa. Puno na iyon ng pagbabanta na lubayan siya nito at huwag bolahin dahil pihadong hindi nito magugustuhan ang kanyang magiging ganti mamaya o baka mas magustuhan ito ng asawa.“Ang tanda mo na pero nagseselos ka pa rin? Pinapatawa mo naman ako ng todo, Governor Bianchi. Trigger ka pa rin kay Patrick? Bakit? Gwapo ka pa rin naman doon.” nakakalokang pahayag ni Briel na muling hinalikan ang labi ng asawa na halatang pikon na pikon na sa kanya nang sandaling iyon, “Ano pa ba ang nais mong patunayan ko sa’yo ha? Nakuha mo na ako. Ilang dekada na tayong magkasama. Dapat hindi ka na nakakaramdam ng selos. Sa tingin mo makukuha niya pa ako sa’yo? Noong bata-bata pa nga tayo hindi siya umobra, ngayon pa kayang matatanda na tayo?”Hindi pinansin ni Giovanni ang kanyang mga sinabi. “Humanda ka sa akin mamaya pag-uwi natin ng villa.” banta ni Giovanni na halatang nagpipigil lang ng kanyang sarili. Lumakas pa doon ang halakhak ni Briel at umayos na ng