NAGPATULOY ANG KANILANG kasiyahan sa loob ng naturang VIP room. Nagkaroon ng sariling mundo si Bethany at Maverick kung saan ay sabay nilang binalikan ang kanilang kabataan. Hindi nila namalayan na halos makaubos na sila ng ilang bote ng wine. Lubos pa ang naging pag-aalala ni Miss Gen kay Bethany, ngunit hindi siya nito pinansin nang pilit nitong kinukuha ang atensyon ng dalaga. Nang hindi na nakatiis ang babae ay bahagya siyang dumukwang palapit sa kanya upang mahina lang na bumulong. “Mag-excuse ka. Sabihin mo gagamit ka ng banyo. Hahanap ako ng paraan kung paano magpapaalam. Pwede kang mauna ng umalis para hindi masyadong halata.” Natigilan si Bethany sa kanyang mga sasabihin pa sana nang marinig ang sinabi ng kanyang kasama. Aaminin niya, tinatamaan na siya ng espiritu ng alak pero hindi niya iyon alintana. Ayaw pa niyang umalis. Nahihiya siya. Mahinang iniiling ni Bethany ang kanyang ulo. “Ayokong mauna. Sabay na tayo, Miss Gen.” Napabuntong-hininga na lang si Miss Gen. Alam
HINDI PINANSIN NI Bethany si Miss Gen kahit na anong pilit ang kuha nito ng atensyon niya. Sa halip na tingnan ito ay hinagilap niya ang baso ng kanyang alak na bagong salin lang ang laman ni Maverick na panay lang ang ngiti sa kanya habang namumula ang buong mukha. Halatang inlove na inlove ang mga mata nito sa dalaga. Walang pagdadalawang-isip niyang nilagok ang laman ng kanyang baso. Wala siyang itinira doon na ikinapalakpak ng mga kasamahan niya bunga ng labis na paghanga sa kanyang ginawa. Napanganga na si Maverick, samantalang halos mahulog naman ang mga mata ni Miss Gen sa kanyang mga nakita. Hindi dapat umiinom nang sobrang alak ang dalaga dahil baka kung mapaano pa ito.“Miss Guzman!” palatak na agad ng babae na natatarantang napaahon sa kanyang upuan. “Tagay pa! Bigyan niyo pa ako ng alak! Lagyan niyo pa ang baso ko!” matapang na baba ni Bethany ng baso niya na isinulong sa gitna at naghahamon na lagyan pa ito ng mga kasama, “Gusto ko pa!”Masunurin namang nilagyan iyon ni
NAGNGALIT NA ANG mga ngipin ni Gavin nang walang imik na tanggalin ni Bethany ang hawak niya sa balikat ng dalaga na parang nandidiri ito sa kanya. Hindi niya na nagawa pang ibalik iyon dahil sa masamang tinging ipinupukol sa kanya na sandaling ibalik niya ay makakatikim siya.“Thanie, may relasyon pa rin tayo hanggang hindi ako pumapayag sa break-up na sinasabi mo sa kanilang harapan. Boyfriend mo pa rin ako at girlfriend pa rin kita.” patuloy pa ni Gavin kahit na alam niyang may tendency na susuplahin iyon nang malala ng dalaga, “Tayo pa rin. Narinig mo? Tayo pa rin, Thanie. May relasyon pa rin tayo...”“Talaga? Tayo pa? Ikaw lang ang nakakaalam na tayo pa. Gusto mo bang ipangalandakan ko—”Walang pakundangan na binuhat na siya ni Gavin na mala-bride style. Ikinawag-kawag na ni Bethany ang dalawa niyang mga paa na muntik na sanang matamaan ang mukha ni Gavin nito. Agad-agad namang tumayo si Maverick upang umalma sa ginawa ng binata nang makita niya ito. Nawindang siya nang bigla na
ILANG BESES NA ikinurap ni Bethany ang kanyang mga mata. Naikiling niya pa ang kanyang ulo. Tama ba ang paratang na narinig niya? Ipinilig niya ang ulo. Gusto ng hilaw na matawa ng dalaga sa mga walang ebidensya na akusa at pinagsasabi ni Gavin sa kanya. Gayunpaman ay hindi niya magawa. Nadadaig siya sa panlilisik ni Gavin ng mga mata na nakatuon pa rin sa kanyang mukha na tila inaarok ang kailaliman niya.“Gavin, hindi ganun si Maverick—”“Aba at talagang pinagtatanggol mo pa kahit harap-harapang pinagpla-planuhan ka niya? Idilat mo nga iyang mga mata mo, Thanie! Gaano mo siya kakilala? Ang laki naman ng tiwala mo sa kanya. Magkaklase lang naman kayo. Hindi kayo tumira sa iisang bahay kagaya natin! Hindi kayo lubos na magkakilala!”“Bakit ka sumisigaw? Hindi mo ako kailangang sigawan...”Lumambot ang mukha ni Gavin habang sinusuri pa rin niya ang mukha ni Bethany nang makita ang paglamlam ng mga mata ng dalaga. Nahihirapan man siya sa ganung lagay nila, pero tinitiis niya. Hinawi na
PARANG NA-BLANGKO NG ilang minuto ang isipan ni Gavin. Naburo ang kanyang mga mata sa mukha ni Bethany. Gusto niyang sumagot ng oo, pero parang may humihila sa kanya na maging speechless. Ang weird kasi na ang dalaga ang nagtatanong nito sa kanya na dapat ay siya naman ang e-effort na gagawa. Hindi lang iyon, napaka-unexpected naman kasi nito na nasa ganun silang sitwasyon. Ang gusto niya ay may pasabog oras na mag-propose siya para unforgettable ang araw na iyon ngunit paano niya gagawin?“Thanie…”Kumalat na ang mapaklang likido sa buong kalamnan ni Bethany nang mabasa sa mukha ni Gavin ang labis na pag-aalinlangan. Inaasahan na niya itong reaction nito. Gayunpaman ay hindi pa rin ni Bethany maiwasan na masaktan kahit expected niya na ito. Huminga na ang dalaga nang malalim. Umingos at muling ipinikit ang kanyang mga mata upang itago ang walang katumbas na sakit ng kanyang pagka-reject. Dapat hindi na siya nagtanog. Nagbakasakali lalo pa at alam naman na niya ang magiging sagot. Sin
NAPADILAT NA ANG mga mata doon ng dalaga. Itulak palayo sa kanya ang katawan ni Gavin, iyon ang unang pumasok na gagawin niya sa binata. Subalit iba doon ang nangyari. Tinitigan lang ni Bethany ang kanyang gwapo at madamdaming mukha na nakatunghay lang din sa kanya nang mataman. Iyong tipong miss na miss niya rin ito. Gamit ang nanginginig na kamay ay inabot ni Bethany ang isang pisngi ni Gavin upang marahang hawakan at kapagdaka ay masuyong haplusin habang hindi inaalis ang mga mata niya sa mata ng abugado. Punong-puno ng emosyon ang kanyang mata na hindi kumukurap ng pangungulila. Hindi naman doon kumibo si Gavin. Hinayaan niyang masuyong haplusin lang ng dalaga ang mukha niya. Napalunok pa siya ng laway at kapagadaka ay ngumiti.“Dapat nga yatang magpakasal na tayo. Hmm?” Napakurap-kurap na ang mga mata ni Bethany na halos maduling sa lapit ng mukha ni Gavin sa kanya. Totoo ba ang narinig niya? Pero bakit hindi siya makaramdam ng saya? Walang excitement sa boses ng abogado habang
NAGING ISA’T-ISA NA ang hinga ni Bethany sa tono ng boses na iyon ni Gavin. Oo na, matalino na ito at alam na nito ang mga ginagawa niya. Malamang, hindi naman nito ipapahamak ang sarili niya dahil alam na alam nito ang batas. Inangat na niya ang mukha dito. Iyong tipong mayroong pagbabanta sa bawat pilantik ng kanyang mga mata. Nakipaglaban naman ng titigan si Gavin kahit na hindi na niya alam ang gagawin sa kanya. Masyadong magulo ang isipan ng dalaga ngayon. Halo-halo. Iyon ang kanyang nakikita. Gaya ng sabi niya kanina, dapat silang mag-usap kapag matino na ito dahil ganito kagulo at buhol-buhol ang takbo ng isip nito kapag may alak sa katawan. Ilang beses niyang pinag-isipan na sumuko na lang noon. Nasabi niya na ang daming babae na magkakagusto sa kanya, bakit niya pa ipipilit ang sarili sa babaeng ito gayong nakuha na naman niya ang gusto niya rito? Ang katawan nito na may bunos pang pagkabirhen nito. Ngunit ang isipin pa lang iyon sobrang nahihirapan na siya. Hindi niya kaya.
MARIING UMILING NA ang ulo ni Bethany. Naiiyak na siya na hindi niya mawari. Nagpa-panic na ang katawan niya sa dami ng negative thoughts na pumapasok sa kanyang isipan. Mga negatibong bagay na mas pinalala pa nang makita niyang tuloy-tuloy pa rin ang labas at agos ng dugo mula sa noo ng abogado. Hindi lang iyon, lalo pa siyang kinabahan nang maamoy niya na ang langsa ng dugo niya.“Sige na, Gavin, tara na sa hospital!” hagas na hagas ang boses ng dalaga na hinila-hila pa ang isang braso ng binata na muli lang ni Gavin na hinila sa kanya, parang mauuna pa yatang himatayin si Bethany na hindi naman ang may sugat sa kanila. “Magpatingin ka na. Hindi ako matatahimik kung hindi ka matitingnan—”“Hindi na nga. Ayos lang ako! Bakit ba ang kulit at tigas ng ulo mo? Kilala ko ang katawan ko, Thanie!” medyo tumaas na ang boses doon ni Gavin kung kaya naman bahagyang napaatras na ang dalaga.“S-Sorry…” sambit ni Bethany na pinagsalikop na ang mga kamay niya at kapagdaka ay yumuko.Napahinga na
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta
MAHIGPIT NA YAKAP ang isinalubong ng matanda sa kanilang mag-ina na noong una ay kinailangan pa ni Briel. Hindi naman kasi sila sobrang close nito para agad ng mapalagay ang kanyang loob. Medyo naiilang man ay nagawa pa rin niyang pakibagayan ang matandang Donya na nakita na niyang parang naluluha na sa labis na sayang naroroon na sila.“Mabuti naman at naisipan niyong umakyat ng Baguio?” anang matanda na hinanap pa ang mata ni Briel, ngumiti lang naman ang babae sa kanya. Nag-aapuhap na ng isasagot. “Ang tagal noong huli tayong nagkita. Ang laki mo na, Brian.” Ngumiti lang si Brian na bagama’t medyo takot sa matanda ay nagawa pa rin nitong ngitian ito matapos na mag-mano. Nangunyapit na siya sa isang hita ng ina at hindi sumagot sa mga tanong pa ng matanda kay Brian na mahiyain bigla. Hindi naman siya itinulak ni Briel dahil kilala niya ang anak na sa una lang naman nahihiya. Kapag lagi na nitong nakikita ang matanda, ito na ang kusang lalapit dito upang makipag-interact. Ganun nama
NAPADILAT NA ANG mga mata ni Briel nang makitang wala namang nakahiga doon na inaasahan niyang bulto ng katawan ni Giovanni. Lasing man siya nang nagdaang gabi ay alam niya ang naganap sa kanilang pagitan ni Giovanni. Hindi niya lang basta guni-guni ang bagay na iyon. Sinuri niya ang kanyang katawan na natagpuan niyang may suot na saplot, iyon nga lang ay hindi na iyon ang damit na huli niyang natatandaang suot niya bago sila umakyat ng silid. Malamang ay binihisan siya ni Giovanni. Ganun kaya ang lalaki. Imposibleng basta na lang siyang iiwan nitong hubad. Sinuri niya rin ang sahig at wala doong kalat na alam niyang basta na lang nila inihagis ang kanilang mga hinubad dito.“Hindi iyon panaginip lang…sigurado ako…” turan niya pang hinawakan na ang parte sa pagitan ng kanyang mga hita at maramdaman ang pananakit noon na para bang binugbog siya, sumilay na ang kakaibang ngiti sa kanyang labi. “Sabi ko na eh, may nangyari sa aming dalawa. Imposible namang sumakit ito kung panaginip lang