Share

Chapter 15.3

last update Terakhir Diperbarui: 2025-09-25 22:08:47

NAPAKURAP ANG MGA mata ni Gabe na humigpit na ang hawak sa baso. Bumangon na naman ang inis niya sa banta ng lalaki. Pinalis niya ang galit sa lalaki at ibinaling ang atensyon sa naramdaman ng kanyang sikmura. Hindi siya sanay uminom ng gamot. Sa totoo lang ay noon lang naman siya uminom nito maliban sa mga gamot na bigay ng kanyang doctor. Hindi na siya agad komportable at sumama ang pakiramdam niya kung kaya naman nahiga na siyang muli.

“Matutulog na ako, magpahinga ka na rin.” utos ni Gabe na inayos na ang higa sa kama.

Sa halip na patulan ay kinuha ni Atticus ang baso upang dalhin lang sa kusina. Tumambay siya sa sala at saglit na binuksan ang laptop upang mag-check lang ng unread emails. Hindi niya namalayan na kalahating oras na ang lumipas. Pumasok siya ng kwarto ni Gabe at natigilan sa may pintuan nang makita niyang hindi ito tulog. Bagkus ay nakasandal ito sa headboard ng kama. Hinang-hina at bahagyang namumutla. Mabilis ng napalapit sa kanya si Atticus.

“A-Anong nangyari
Lanjutkan membaca buku ini secara gratis
Pindai kode untuk mengunduh Aplikasi
Bab Terkunci
Komen (5)
goodnovel comment avatar
SherwiN SalindO NatcheR
bka buntis na si gabe
goodnovel comment avatar
Elva Demiao
more update pls
goodnovel comment avatar
rosselleela
sana buntis na si Gabe
LIHAT SEMUA KOMENTAR

Bab terbaru

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 19.2

    TAHIMIK NA SUMUNOD si Gabe palabas ng silid. It was indeed a feast. Ang dami nitong niluto na parang hindi lang dalawang tao ang kakain noon kung hindi isang buong malaking pamilya. Iba’t-ibang putahe na na-miss nga ng abogada. “Pinaghandaan mo talaga ang pagbabalik ko ah.” “Oo naman, lalo at nakita kong medyo pumayat ka. Hindi ka siguro nakakakain doon nang maayos.”Naupo na si Gabe at nagsimula ng kumuha ng pagkain upang ilagay sa kanyang pinggan. Nakangiti naman siyang sinabayan na ni Atticus. Sa totoo lang ay sobrang na-miss niya si Gabe, buti nga nakaya niyang hindi ito kontakin. Ayaw niyang dumagdag pa sa problemang pinapasan nito tungkol kay Jake habang nasa ibang bansa, pinili niyang manahimik. Hindi makakatulong kay Gabe kung pati siya ay iisipin pa nito habang naroon kaya ay hindi na lang siya komontak dito.“Narito pa ang mga gamit mo, kailan ka aalis?” “Kumain muna tayo bago natin pag-usapan ang bagay na iyon.” pakli ni Atticus na ayaw haluan ng iba ang kasiyahan. Hind

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 19.1

    PRENTENG SINANDAL NI Gabe ang ulo sa salamin ng bintana ng kotse. Binalikan niya ang araw ng kanyang pag-alis, busy noon si Atticus. Pinapunta ito ng kakambal niyang si August ng kanilang kumpanya. Ni hindi siya nagawa nitong ihatid ng airport. Hindi naman siya nagtatampo. Nauunawaan niya iyon. Hindi niya rin sinabi na pabalik na siya dito. During those ten days, Atticus had rarely contacted her. Marahil ay iniisip nitong ayaw siyang istorbohin. Dahil busy siya kay Jake, hindi niya iyon gaanong napansin pati ang hindi nito pag-se-send sa kanya ng message. Pinatulis na ni Gabe ang nguso niya. Sumidhi pa ang pagka-miss niyang nadarama. Noon lang niya iyon naramdaman. Marahil dahil sa nakabalik na siya dito.“Hindi niya kaya ako na-miss? Imposible iyon. Baliw na baliw sa akin ang Atticus Carreon na ‘yun.” Sa isiping iyon ay napangisi na nang malaki si Gabe. “Tama, baliw na baliw siya sa alindog ko kaya paniguradong mamatay-matay na iyon sa pagka-miss sa akin.”Puno ng pagmamadali ang k

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 18.4

    MEDYO MALALIM NA ang gabi nang makabalik si Atticus ng penthouse. Sinulyapan niya ang silid ni Gabe, ngunit hindi siya doon pumunta. Kinain niya ang lahat ng natirang pagkain ni Gabe sa lamesa at nilinis ang kusina. Nagtapon din siya ng mga basura na nakagawian na niyang gawin bago matulog. Pagbalik niya ay nakita niyang lumabas ng silid si Gabe na ang buong akala niya ay kanina pa tulog kung kaya naman hindi niya ito inistorbo. Hindi niya inalis ang paningin sa mga mata nitong mapula at medyo namamaga. Hindi dahil iyon sa pagtulog kundi halatang nang dahil sa kanyang pag-iyak.“What’s wrong, Gabe? Umiyak ka habang wala ako?” Iniiling ni Gabe ang kanyang ulo ngunit agad na siyang nilapitan ni Atticus. Hinarangan kung saan planong pumunta. Pilit niyang hinuli ang mga mata ng babae. Hindi siya naniniwala na hindi ito umiyak. Hindi ito normal na hitsura niya.“Hindi ako—” “Kilala ko ang mukha mo kapag umiyak ka at hindi. Si Jake na naman ba ang inaalala mo? He is fine. Hindi mo siya da

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 18.3

    GABE TOOK A few bites and was a little dazed. Sabi ni Atticus mahuhumaling siya sa kanya, pakiramdam niya nagkakatotoo na nga ang sinasabi nito. Hindi lang nahuhumaling kundi ay nahuhulog na naman siya dito nang malalim. Atticus knows what she wants. He can give her what she needs. This kind of feeling is not something that everyone can give. Tanging si Atticus lang ang makakagawa noon sa kanya. Ilang beses pa siyang napakurap na ng kanyang mga mata.“Anong ginagawa mo dito? Sino ang nagsabing pwede kang pumasok sa silid ko? Labas! Hindi ka welcome dito!” Hindi pinansin ni Atticus ang sunod-sunod na tanong at rant ni Jake.“Bingi ka ba? Tinatanong kita!” “May sakit ka na nga ganyan ka pa kung umasta. Dinalhan kita ng pork ribs stew at—” “Bakit mo ako dadalhan? Hindi ko kakainin iyan. Malay ko bang nilagyan mo iyan ng lason para mapadali ang buhay ko!” bintang pa ni Jake na pulang-pula na ang mukha sa galit na kanyang nararamdaman sa presensya ng kanyang karibal.Tumigil ang galaw n

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 18.2

    SAKTONG NAGCRA-CRAVE NOON si Gabe sa vegetables salad kung kaya naman hindi na siya umangal pa. Nag-iinit pa rin ang mukhang sumunod siya kay Atticus, dumadampot ng mga nadadaanan nila na sa tingin niya ay kailangan nila at wala sa penthouse. Nagmistula tuloy silang bagong kasal. Si Atticus ang nagdedesisyon kung ano ang kanilang papamilhin, paminsan-minsan ay tinatanong niya si Gabe kung ano ang gusto nito lalo na pagdating nila sa fruit section. Isang oras silang tumagal sa pamimili. Dalawang box ang kanilang bitbit pag-akyat ng penthouse. Pagod ang katawang tinanggal ni Gabe ang kanyang suot na heels. Humilata siya agad sa sofa na tila patang-pata ang katawang lupa sa lumipas na araw.“Grabe nakakapagod!” tahasang reklamo niya na pinanood si Atticus na buksan ang aircon sa sala. “Fourth, sa sunod huwag mo na akong isama sa pag-grocery. Grabe mas nakakapagod pa iyon kumpara kapag nasa court session ako eh!”Natawa lang si Atticus na dinala na ang dalawang box ng kanilang pinamili sa

  • The Spoiled Wife of Attorney Dankworth   Chapter 18.1

    IPINAGPATULOY LANG NI Gabe ang kanyang pagkain ng sandwich habang tahimik siyang pinagmamasdan ni Atticus. Sanay na doon si Gabe kung kaya naman hindi na niya sinaway sa ginagawa niya si Atticus. Nang matapos kumain ay nagtungo siya ng law firm. Umaga ng araw na iyon ay mayroon siyang court hearing. Naka-plano na ang mga gagawin niya buong araw na ang isa doon ay pagkatapos umattend ng hearing ay pupunta siya ng hospital para makita si Jake. Hindi rin siya ginulo ni Atticus buong araw na ipinagtaka naman ni Gabe. Ni hindi nag-send ng message ang lalaki sa kanya o kahit ang isang beses na tumawag. Nang tingnan niya ang CCTV sa penthouse ay hindi niya ito mahanap. Nag-backward siya ng footage at nakita niyang umalis pala ang lalaki na malamang ay sa Creative Crafters ang tungo. Subalit nang paalis na sana siya sa hospital ng araw na iyon, nakita niya si Atticus na kausap ang dean ng hospital. Hindi siya lumapit at nanatili siyang nakatayo malayo sa kanilang banda, mga ilang metro ang la

Bab Lainnya
Jelajahi dan baca novel bagus secara gratis
Akses gratis ke berbagai novel bagus di aplikasi GoodNovel. Unduh buku yang kamu suka dan baca di mana saja & kapan saja.
Baca buku gratis di Aplikasi
Pindai kode untuk membaca di Aplikasi
DMCA.com Protection Status