NATAWA LANG ANG Ginang. Hindi naman lingid sa kanilang kaalaman iyon. Sinabihan nga niya na bumalik na si Ceska sa villa na binili ng dating Governor noong bata pa lang ito at mag-hire na lang ng mga makakasama niya ngunit ganun na lang ang tanggi ng dalaga. Ayaw na niya doon. Ayaw niya rin ng kasama nang dahil sa mga naging trauma ng dalaga noon.“Kung gugustuhin ko pong kumuha ng place na titirahan, new place na lang po Mommy.” Naiintindihan naman iyon ng Ginang dahil sa hindi nito magandang karanasan noong kabataan kaya di na ipinilit pa.Nasa labas na ng bakuran si Ceska, palakad-lakad sa labas at inip na naghihintay nang sapitin nila ang tahanan ni Benedict. Malapad na ang ngiti niya habang tinatanaw ang pagpasok ng kanyang ina. Nauuna si Benedict na may bitbit na malaking bag na malamang ay mga gulayin at kung anu-anong pagkain na dala ng kanyang ina mula sa Baguio.“Mom!” takbo na ni Ceska na sinalubong na ang ina nang mahigpit na yakap. Naluluhang ginantihan naman siya ng Gi
BUMITAW SA YAKAP sa aso ang dalaga at nilingon na ang tumawag ng pangalan niya. “Tumawag ang Mommy mo, sinagot ko ang cellphone mo na naiwan sa loob. Sabi niya pupunta raw siya dito bukas upang bisitahin ka.” pagbibigay-alam niya dito na humakbang na palapit sa kinaroroonan nito.Panandaliang natigilan si Ceska. Hindi siya pwedeng makita ng kanyang ina na nalulungkot. Kailangan niyang umayos.“Sinabi mo ba sa kanya ang nangyari?” Umiling si Benedict. Alam niya kung ano agad ang tinutukoy ng babae. Broken hearted siya. Mag-aalala kasi ang matanda na baka bumalik ang kanyang dating sakit kapag hindi niya iyon kinaya. Dapat hindi nila malaman ang pinagdadaanan.“Wala akong sinabi pero kailangan mong uminom ng gamot na ibinigay ng doctor.” Ayon sa check up nito, sobrang emotional ng babae at may tendency na magkaroon na naman ng depression. Ang marinig pa lang iyon, sobrang nag-aalala na si Benedict para sa babae kung kaya naman lagi niya itong pinapaalalahanan na maraming nagmamahal s
NAPABUGA PA SIYA ng hangin upang kalamayin ang kanyang sarili habang pinagmamasdan ang paglapit ng kanyang secretary kasunod ang mabagal na taxi na kanyang kinuha upang kanilang sakyan. Ginugulo siya ng gusto ng kanyang puso at isipan.“Sir, narito na po ang taxi…” anitong binuksan na ang pintuan noon sa gilid. Muli pang sumulyap si Brian sa loob ng hospital na para bang kapag ginawa niya iyon ay makikita niya si Ceska. Kung gugustuhin niya ay pwede naman siyang pumasok sa loob, kaya lang ano bang gagawin niya doon? Wala naman. Magmumukha lang siyang engot kapag ginawa. “Thanks.” Inabala ng binata ang kanyang sarili pagdating sa opisina upang itaboy ang mga naiisip niya. Namalayan na lang niya na alas-otso na ng gabi. Naka-dalawang tawag na rin ang kanyang ina, ngunit sinabi niyang may tinatapos pa siya kaya maya-maya pa. Pinauwi na rin niya ang kanyang secretary na noong una ay nag-alangan na iwan siya, subalit sa bandang huli ay napilit niya pa rin itong umuwi na. Pagkaalis nito
WALANG HUMOR NA tumawa si Haidy na nilingon muli ang kanyang amo. Humihingi ito ng pahintulot kung pwede niya bang sagutin ang tanong ng ina ng kanyang amo. Ngunit sa hilatsa ng mukha nito, halatang mariin na ang pagtutol nito. “Mommy, wala nga! Huwag ka ng makulit.” “Hindi eh, parang meron.” halukipkip na ni Briel na sobrang naaaliw na sa reaction ng anak, para kasing ang Kuya Gav niya ito kapag inaasar niya, sobrang napipikon. Nilingon niya ulit si Haidy na hindi maintindihan kung bakit hindi ng amo maamin sa ina ang tungkol sa designer na si Franceska Natividad. Mukha namang mabait ang ina ng amo. “Malaki ka na, hindi ka na dapat nahihiya. Kapag mayroon, pwede mo sa akin sabihin nang palihim, ililihim natin sa Daddy mo.” “Sabi ngang wala, Mommy. Nangungulit ka na naman!” nabubugnot ng sagot niya sa ina, natawa si Haidy kung kaya siya naman ang pinagbalingan ng inis ni Brian na mayroong pagbabanta. “Humarap ka na nga sa unahan, Haidy!” Sinunod naman iyon ng kanyang secretary. Sa
MALIIT NA NAPANGITI na si Brian. Sa palagay niya, hindi nabawasan ang pagmamahal dito ng Daddy niya. Ang tatanda na kasi nila ay may nalalaman pa itong pagseselos. Sabagay nga naman, matanda nga pala ang Daddy niya dito ng sampung taon. Dapat lang talagang magselos ito dahil parang bulaklak na walang kupas ang ganda ng ina niyang si Briel.“Okay Dad.” “Gusto rin niyang mag-commute, ayaw niyang magpahatid sa driver at mag-chopper. Higit daw siyang mag-e-enjoy kung may mga kasama siyang ibang pasahero. Pwede mo bang sunduin din siya sa bus terminal sa Pasay?” “Sure Dad, kokontakin ko na lang si Mommy para ma-monitor ko kung anong oras ang kanyang dating.”“Salamat, Gabriano. Ikaw na ang bahala sa Mommy mo ha?” “Of course, Daddy.” tawa pa ni Brian dahil kung kausapin siya ng ama ay para bang isang batang paslit pa rin siya.Pagkababa ng tawag ng ama ay ang secretary naman niyang si Haidy ang kanyang tinawagan. Nais niyang ipalinis ang apartment. Akmang aalis na sana siya ng silid nang
HINDI KAILA KAY Brian na close sila na parang magkapatid lang, ngunit nang harap-harapang makita niya kung paano i-trato ni Benedict si Ceska na parang mas malalim sa magkapatid ang kanilang relasyon, parang sasabog sa galit at selos ang kanyang puso. Aminado siyang nagse-selos siya ngunit hindi pwedeng ipakita niya iyon ngayon sa kanilang dalawa. Masunurin na pumasok si Ceska habang inaalalayan ng lalaki ang katawan nito at upang hindi rin siya mauntog noon sa bubong ng sasakyan. Nakita ni Brian ang bawat detalye noon na mas nagpaselos pang lalo. Siya dapat ang gumagawa noon sa babae at hindi ang ibang lalaki. Pagkasara ng pintuan ay hindi agad si Benedict sumakay sa loob kundi hinarap niya si Brian na nakamasid pa rin sa kanila. Gwapo rin ito, pero syempre mas magandang lalaki pa rin si Brian sa isip niya. A good-looking man like him, exuding wild hormones all over his body. He looked like he was not easy to mess with. Ganunpaman ay hindi siya ginawang atrasan ni Brian na taas ang n