KINABUKASAN AY MAAGANG ginising ni Gavin ang asawa kahit na nasa kasarapan pa ang tulog nito. Ayaw pa sanang bumangon ni Bethany noon na nagawa pang yakapin ang anak na mahimbing pa rin ang tulog, ngunit napilitan pa rin na sundin ang asawa sa bulong nito. Kailangan nilang mag-usap ni Bethany dahil hindi nila iyon magagawa kapag nasa paligid ang kanilang anak. Tiyak na aangkinin na nito ang ina niya na hindi malamang mangyari dahil kilalang-kilala ito ni Gavin. Baka nga kahit yakap, ipagdamot na sa kanya.“Bangon na, Thanie…” “Ang aga pa, Attorney. Bakit?” “Marami tayong dapat na pag-usapan tungkol kay Gabe. Samahan mo akong uminom ng kape.” “Antok pa ako.”“Kaya nga iinom tayo ng kape, pampagising. Tulog na lang ulit tayo mamaya.” Naramdaman ni Bethany ang paghalik ni Gavin sa labi ngunit nanatiling nakapikit ang kanyang mga mata. Para bang buong buhay niya after na manganak at ng mga nangyari ay iyon ang pinakamasarap na tulog na mayroon siya. Pilit pa rin siyang hinihila ng hig
ISANG LINGGO ANG matuling lumipas. Hindi pa rin makapaniwala si Bethany sa natatamasa niyang kasiyahan sa piling ng kanyang mag-ama sa kanilang marangyang villa. Naisip niya na marahil ay hindi pa alam ng ibang kamag-anak na nasa bansa na siya. Hindi rin siya nag-reached out lalo na sa tiyuhin sa Baguio dahil tutok siya sa anak. Sa loob ng isang Linggong iyon ay para pa 'ring nananaginip lang siya ng gising sa lahat ng mga nangyayari. Dati hangad lang niya iyon, kumbaga ay naiisip lang niya pero ngayon ay tunay pala. Hindi pa rin maabot iyon ng kanyang isipan pero unti-unti rin niyang napaniwalaan na totoo ang lahat at hindi bahagi ng ibang mundo niya.“Hindi naman niya kailangang araw-araw na pumasok ng school. Masyado pa siyang bata. Thanie, isinali ko lang siya doon para naman may pagkaabalahan siya habang nasa trabaho ako. Ang hirap niyang iwanan at hindi ko naman pwedeng dalhin siya sa office ko at ibang environment iyon sa kanya.” ito ang naging sagot ni Gavin nang magtanong ang
LUMAKAS ANG HALAKHAK ni Bethany na nakababa na ng hagdan. Nilingon niya ang asawa na para bang nalugi ang hitsura sa tinuran ng kanilang anak. Hindi makapaniwala ang kanyang mga mata. Napalingon pa si Bethany sa mga maid na naglilinis ng mga vase ng kanilang villa sa gilid ng hagdan na paniguradong narinig ang usapan ng mag-ama na walang kakwenta-kwenta. Na-back to you agad ng anak ang ama niya. Gusto sanang dugtungan ni Bethany ang pang-aasar ng anak nila sa asawa, kaya lang ay baka naman umiyak na sa inis niya si Gavin.“Gabe, bawiin mo ang sinabi mo. Di ba sabi mo noon gusto mo ng baby brother at baby sister? Anong nangyari? Bakit binabawi mo naman iyon anak? Walang bawian. Sa korte, kapag sinabi mo na at na-record na bawal na iyong bawiin at salungatin.”Nasa hapag na sila pero iyon pa rin ang topic nila. Naiiling na lang si Bethany sa mag-ama. Ini-upo na niya si Gabe na agad hinagilap ang kubyertos niya.“Wala kang ebidensya Daddy na sinabi ko ‘yun. May patunay ka bang maiipakita
PAGKALIPAS NG KALAHATING oras ay tumigil ang sasakyan ni Gavin sa isang kilalang high end kindergarten sa lugar. Sabay na lumabas sina Gavin at Bethany sa loob ng sasakyan upang kunin ang anak nila sa likod. Si Gabe na sa sandaling iyon ay malawak na nakangisi. Iniisip ng bata na ito na ang pagkakataong matagal niya ng pangarap; mabuo sila at makita iyon ng lahat ng mga kaklase niya. Tumatalon-talon pa ang munting mga paa habang hawak ng ama at ina ang tig-isang munting palad habang papasok sila ng gate ng paaralan kung saan napapatingin ang ibang nakakakita sa kanila.“Teacher, ito po ang Mommy ko!” may kalakasang bulalas niya na sinadya upang iparinig iyon sa iba pa. Napalingon ang maestra nila na hindi na nagulat sa sinabi ni Gabe. Alam niya naman kung sino ang asawa ni Mr. Dankworth kung kaya wala na doong kagulat-gulat.“Anong masasabi mo sa kanya, Teacher?”Pa-squat na naupo ang Teacher sa harap ni Gabe at bahagyang hinaplos ang gilid ng panga ng bata na naghihintay ng sagot ni
MULA SA GABING iyon kung saan nasabi na ni Gavin ang lahat sa asawa ay unti-unti silang umayos at bumalik sa normal na pamumuhay. Habang abala si Bethany na ubusin ang oras niya sa anak, unti-unti rin na bumabalik sa trabaho si Gavin hindi bilang abogado dahil mula ng mag-retiro ay wala na siyang planong bumalik pa. Isa na siya ngayong full time businessman na ini-expand ang negosyo sa Asia. May mga business trips, pero sa lahat ng iyon ay sinasama niya ang kanyang mag-ina upang maibsan ang kanyang pag-aalala kapag nasa malayo siya. Nagagawa niyang pagsabayin ang pamilya at negosyo nila.“Kailan mo ba kami papayagang umakyat ng Baguio? Baka magtampo na sina Tita Victoria, Lola Livia at si Tito Giovanni niyan sa akin. Ilang buwan na ako sa bansa tapos hindi man lang ako nagpapakita sa kanila.”“Hindi sila magtatampo. Alam naman nilang sinasama ko kayo ni Gabe sa mga business trips ko.”“So kailan nga, Gavin?”“After natin makipag-dinner sa mga magulang ko.”Nanlaki ang mga mata ni Beth
NANG SUMUNOD NA weekend ay nagpasya ang pamilya Dankworth at Bianchi na magkaroon ng banquet sa mansion ng mga Dankworth. Disguise na family dinner iyon pero lingid sa kaalaman ni Bethany ay pupunta ang lahat ng kapamilya niya doon upang e-surprise siya. Hindi lang iyon, maging ang kanyang ama na si Mr. Conley ay umuwi pa ng bansa kasama ang kanyang asawa na kalaunan ay tinanggap na rin si Bethany bilang anak ng kanyang asawa. “Bakit kailangan pang naka-dress? Hindi ba at normal family dinner lang naman natin iyon kina Mommy at Daddy? Baka naman pagtawanan nila ako na ganito ang ayos ko ngayon, Gavin? Napakabonggan naman yata ng pa-dress.” “Hindi porket sa loob lang iyon ng mansion gaganapin ay hindi ka na mag-aayos, Thanie.” Sa halip na makipagtalo ay sinunod na lang ni Bethany ang gusto ng kanyang asawa. Isa pa, twinning sila ni Gabe na sadyang ipinasadya pa ni Gavin. Iyon ang unang beses nilang gagawin iyon ng anak kung kaya naman pareho silang excited na magkita. Matapos na ayu
HINDI AKMA SA okasyon pero ganun na lang ang gulat ni Bethany sa sinabi ng asawa. Ang tagal niya ng nakauwi pero ngayon niya lang ito nabanggit. Nakokonsensya tuloy siya na ngayon pa niya ito napansing wala ang presensya.“Ano? Bakit niya naman gagawin iyon?” Medyo nakaramdam pa ng pagkakonsensya pa si Bethany dahil hindi niya ito nabanggit sa asawa. Kinukumusta niya ito kay Gavin, pero hindi siya ang literal na nagre-reached out sa hipag. Ni hindi niya nga ito natawagan dati eh at nagui-guilty siya dahil noong nasa hospital siya, nagawa pa siya nitong bantayan kahit na tinakasan niya pa ito dati. “Bakit hindi mo sinabi sa akin? Hindi niyo pa rin ba siya nahahanap hanggang ngayon? Anong taon na?” “Thanie, problemado na tayo noon sa buhay natin iisipin pa ba natin siya? Malaki na siya. Alam na niya ang tama at mali. Saka kung gusto niyang umuwi, palagi namang bukas ang tahanan namin sa kanya. Hayaan mo na ng matuto.”“Matuto? Gavin, Gabriella is your only sister. Noong may problema t
BOOK 2The Stunning Wife of Governor BianchiGabriella Dankworth and Giovanni Bianchi StoryBLURBSa edad na thirty-five, isang kahibangan para kay Governor Giovanni Bianchi ang makipagrelasyon sa isang babaeng bata sa kanya ng sampung taon. Hindi lang iyon, ang pinakamalalang eskandalo pa dito ay bunsong kapatid ito ng asawa ng kanyang pamangkin. Ano na lang ang sasabihin ng mga nakakakilala sa kanya? Mahilig siya sa bata? Hindi lang sa kanya kundi sa pamilya rin ng dalaga. Sobrang nakakahiya kung itutuloy pa ni Giovanni ang nararamdaman para kay Briel. Subalit, paano niya pipigilan ang sarili kung kada makikita niya ang pamilyar at mapanghalinang mukha ni Gabriella Dankworth ay nakakalimutan niya ang malaking agwat ng edad na naghihiwalay sa kanila at ang tanging naiiwan sa malanding utak niya ay ang mga eksena ng gabing nagiging isa ang mga katawan nila? Alam nilang pareho na mali, isang katangahan at kasuklam-suklam sa mata ng karamihan ngunit paano ba nila mapipigilan ang kanilang
MULI SIYANG INALALAYAN na puno ng pag-iingat ni Giovanni habang dinadala sa gitnang space kung saan nakasabog ang maraming petals ng mga bulaklak na nanunuot na sa ilong nilang dalawa. Domoble pa ang kaba ng dating Gobernador nang makita ang photographer at videographer na kanyang inimbita. Gusto niyang maging detalyado ang kanyang proposal kung kaya naman naroon sila at kanyang kinuha. Naroon din ang ilang waiter ng hotel na nakahandang magsilbi sa kanilang dalawa ni Briel. Napakurap na si Giovanni nang makarating sila sa gitna at ipahawak na kay Briel ang malaking bouquet ng bulaklak na inihanda. Napakagat an sa kanyang labi si Briel na inaasahan na iyon pero iba pa rin ang naging kaba niya.“Ano ‘to?!” nangangatal na tanong ni Briel kahit pa naguguni-guni na niyang proposal ang gagawin ni Giovanni, nagmamaang-maangan lang siya kahit na bakas na sa kanyang boses ang labis na excitement.“Wait lang, Briel…huwag mo munang tatanggalin ang piring. Hintayin mong sabihin ko sa’yong pwede
NAGING PALAISIPAN KAY Briel ang sinabi ni Giovanni na okay na ang ginawa nila matapos na maramdaman niya ang pananakit ng mga muscles sa kanyang magkabilang binti. Hindi naman naging mabilis ang ginawa nilang paglalakad, naramdaman pa rin ng babae ang epekto noon. Hindi naman na niya isinatinig pa iyon kahit na gusto ng magreklamo. Tama na ang ginagawa nila? Ibig sabihin ay tapos na rin sila sa sinasabi nitong date? Iyon na iyon? Ni hindi nga siya nito pinakain man lang o pinainom man lang ng kahit na tubig o softdrinks man lang? Ano ba sila senior citizen na para maging date at bonding ang paglalakad para hindi matulog ang kanilang mga buto? Naisip doon ni Briel na isa iyon sa mahirap kapag malaki ang distance ng edad sa partner nila. Masaya na mahirap din. Gusto pa ni Briel sanang umalma at magreklamo, ngunit hinayaan na lang niya at hindi na nagsalita nang paglingon niya kay Giovanni ay malapad itong nakangiti na para bang tini-testing nito ang magiging reaction niya. Kung uu
IPINAGKIBIT NA LANG ni Briel iyon ng balikat. Hindi na siya nag-e-expect kay Giovanni noong mga gasgas na dinner na may pasabog ng petals sa nilalakaran. Masyado na siyang matanda para sa bagay na iyon. Naranasan na niya iyon sa iba niyang manliligaw, pero para sa kanya ay hindi naman na iyon mahalaga. Magiging masaya na lang siya kahit saan pa sila pumunta ni Giovanni basta magkasama, sapat na sa kanya ang bagay na iyon. Hindi siya nag-e-expect nang mas bongga sa dati dahil para sa kanya ang makapiling ito gaya ngayon ay sapat ng regalo. Ano pa ang hihilingin niya dito?“Burnham Park? Anong gagawin natin dito?” puno ng pagtatakang tanong ni Briel nang bumaba na sila matapos i-park ang sasakyan at maglakad na patungo doon, “Galing na tayo dito kanina di ba? Sumakay pa nga tayo ng boat eh.” dagdag ni Briel na blangko na ang mukha kung bakit kinakailangan nilang bumalik doon ni Giovanni gayong napuntahan na nila kanina, pinasakay nila si Brian na nakailang balik dahil ayaw pa nitong bu
SABIK NA NAGPATULOY ang usapan nina Rina at Bethany na mabilis na nilang naibaling sa ibang bagay ang paksa. Sa pagkakaroon nila ng buhay may asawa na iyon napunta. Kung paano naging mahirap na maging ina kahit na masarap umanong maging asawa ang mga taong sobrang pinapahalagahan umano sila. Naging lampas-lampasan lang naman iyon sa tainga ni Briel na pagkaraan pa ng ilang sandali ay tumayo na nang maubos ang kanyang kape upang magpaalam na. Sabay siyang tiningnan nina Rina at Bethany na parehong nagulat sa agad niyang pagpapaalam. Puno ng pagtataka ang kanilang mukha sa mga katanungan na hindi maikukubli sa kanilang mga matang mapanuri doon.“Ha? Hindi ka sasabay sa akin pauwi, Briel? Saan ka pa naman pupunta?” natatarantang alma na ni Bethany na tumayo pa at nameywang dahil wala naman iyon sa kanilang usapan ng hipag na kailangan nilang maghiwalay kapag nasa city proper na, ang usapan lang nila ay sabay silang mag-shopping at inaasahan na ni Bethany na sabay rin sila nitong uuwi. Ka
KANINA PA PANAY ang irap ni Briel na nakatayo na sa may pintuan at hinihintay ang hipag na nagpapaalam sa kanyang kapatid. Naroon din si Giovanni na karga si Brian na kinausap na nang masinsinan ni Briel na may bibilhin lang siya sa labas. Kung gaano ito kaluwag sa kanya, napakahigpit ng kapatid niya na akala mo may kabalbalan silang party na pupuntahan. Sa mall lang naman sila. Bale-baleng batukan na ni Briel nang harapan ang kanyang kapatid.“Oo nga Kuya Gav, bigyan mo naman si Bethany ng oras para sa kanyang sarili. Nakakapagod kayang mag-alaga ng bata bente-kwatro oras at alam mo naman iyon. Saka, hayaan mo na kaming mag-date na dalawa. Huwag kang epal diyan!” singit ni Briel na sinamaan ng tingin ang kapatid na mukhang ayaw pa yatang payagan ang kanyang asawang umalis.“Oo na, pero huwag kayong magtatagal. Oras na magtagal kayo, ako mismo ang susundo kung nasaan man kayo! And please, huwag kayong papasok ng bar sa gitna ng tirik na araw. Binabalaan kita, Gabriella. No alcoholic d
GINALUGAD NILANG MAG-ANAK ang lahat ng pasyalan sa buong Baguio at umabot pa sila sa La Trinidad kung nasaan ang malawak na taniman ng strawberry. Kumikinang ang mga mata ni Brian nang makita niya ang mga strawberry. Hindi ito nagpaawat sa pagha-harvest na ang feeling ay sa kanila ang tanimang iyon. On guard naman ang mga kasamang bodyguard tutal ay public place iyon. Panay ang halakhak ni Giovanni at Briel habang pinapanood ang anak. Bitbit ni Giovanni ang ilang basket na nagawa ng mapuno ni Brian, samantalang si Briel ay nagmistulang photographer ng anak. Maging si Giovanni ay kinunan niya ng larawan na hindi naman umangal. Ultimong SM Baguio ay kanilang pinuntahan upang makakuha lang ng maraming pictures na hindi maintindihan ni Giovanni kung bakit kailangang e-detalye pa iyon ni Briel. May mga katanungan man ay kanya na lang iyong hinayaan. Sinakyan na lang ang lahat ng kalokohan ni Briel. Ganundin naman ito noong namasyal sila sa Italy. Batid niyang sa mga susunod na panahon maga
BUMABA NA SINA Briel at Giovanni pagkatapos ng ilang minuto na matapos ang kanilang kababalaghang ginawa. Humarap sila kay Donya Livia na para bang walang nangyari habang salitan ang malagkit at makahulugan nilang mga tingin. Hindi naman sila tinanong ng matanda kung bakit natagalan bago bumaba. Dala ni Briel ang pamalit na damit ni Brian na sa mga sandaling iyon ay ang dungis na ng mukha dahil sa kung anu-anong kinain nito. Pagkatapos ng hapunan ay hindi naman na sila pinigilan pa ni Donya Livia na umakyat na ng silid upang umano ay magpahinga. Batid niyang pagod sila sa biyahe kahit pa chopper ang ginamit nila. Pinatunayan iyon ni Brian na agad nakatulog pag-akyat nila ng silid. Matapos na i-pwesto nang maayos ni Briel ang anak ay nahiga na rin siya. Tumabi naman sa kanya si Giovanni na agad na doong nakayakap sa kanya. Ang akala pa ni Briel ay lalabas ito upang may asikasuhin na trabaho.“Wala kang gagawing trabaho?” harap na ni Briel sa kanya at ginantihan na ito ng yakap, nasanay
MULING HINALIKAN SIYA ni Giovanni ngunit sa pagkakataong iyon ay namasyal na sa loob ng bibig ni Briel ang dila nitong mapaghanap at kung saan-saan pumupunta na para bang mayroon doong kung anong bagay na hinahanap. Sa inis ni Briel ay inihawak na niya ang dalawa niyang kamay sa garter ng suot nitong pajama na pangbahay. Walang kahirap-hirap na nagawa na niyang ipasok ang isang kamay sa loob noon habang patuloy ang kanilang mas lumalim na halikan. Hindi pa nakuntento doon ang babae na ipinasok na sa loob ng boxer ang kanyang isang palad. Segundo lang at nagawa na niyang mahawakan ang pagkalalaki ni Giovanni na mabilis ng nag-react sa init ng palad ni Gabriella.“Briel!” bulalas ni Giovanni na mabilis ng ini-angat ang katawan na para bang sinisilaban na ang buo niyang pagkatao at napaso sa hawak pa lang ni Briel sa kanyang pagkalalaki, windang na windang ang mukha niya sa ginawa ni Briel.Napangisi na doon si Briel na hinagod na ng tingin si Giovanni na para bang nang-aasar. Napaupo na
NANLALAKI ANG MGA matang pinalo ni Briel ang palad ni Giovanni nang maramdaman niyang yumakap ito mula sa kanyang likuran habang nagpapalit siya ng damit. Nakapalit na siya ng pants ngunit hindi pa ng pang-itaas na suot. “Tigil nga, baka mamaya biglang umakyat dito ang Mama mo at kasama si Brian!” asik pa niya habang nandidilat na humarap na kay Giovanni na pinapapungayan na siya ng mga mata, “Mamaya na lang, hindi ka ba napapagod, hmm? Bugbog pa tayo sa biyahe. Uso ang magpahinga muna.” taas pa ng isang kilay dito ni Briel na halatang nate-tempt din. Makahulugang ngumisi si Giovanni nang maalala ang nangyari sa kanila ng nagdaang gabi. Ito kaya ang gutom na gutom na kulang na lang ay lamunin siya nang buo kung makakaya lang nitong gawin ang bagay na iyon.“Ano bang inaarte mo? Kagabi nga ayaw mo akong tigilan, tapos ngayong nakabawi na ako ng lakas ang dami mong dahilan. Ready na ako ngayon, Baby, kahit ilan pa. Kung gusto mo bukas na tayong umaga lumabas ng silid na ito eh!” nagta