WALANG IDEA SI Brian kung anong klase ng babae ang gusto niya, ngunit nang makilala niya si Ceska naisip niya na ang gusto niyang babae ay iyong nakikinig sa kanya at dumi-depende. Nagbagong tuluyan ang kanyang isip. Dahil sa nangyari, bukas na lang niya sasabihin sa babae ang magiging break up nila ng kasintahan. Bukas na lang iyon. Ito muna ang kailangan niyang asikasuhin. Mahihirapan ito kung ngayon din na gabi. Matapos lagyan ng benda ang sugat ni Ceska, nilinis ni Brian ang kalat ng bubog sa kusina. Nagtungo naman si Ceska sa kanyang studio na hinayaan na lang din naman doon ni Brian. Pinuntahan na lang niya ang babae sa kanyang studio matapos na maayos na niya ang kalat. Nakita na naman niya ang mataman nitong pagco-concentrate sa kanyang iginuguhit. The light from the desk lamp made her profile look particularly perfect, especially her straight nose with a little hump, which made her face look smaller and more three-dimensional. Tahimik na pinagmasdan siya ni Brian mula sa ka
PUMUTOK ANG PAG-ASA ni Ceska na singsing ang laman noon nang makita niyang hindi ito ang inaasahan, isa iyong gold bracelet. Mamahalin iyon na makikita sa simpleng design pa lang. Sa paningin ni Ceska ay 24K carat iyon. Hindi niya ipinahalata na hindi niya nagustuhan ang regalo ni Brian. Isinukat na niya ito sa kanyang isang braso at ipinakita kay Brian ang pinakamalaki niyang mga ngiti upang ipakita na na-appreciate niya ang regalo nitong ibinigay sa kanya.“Thanks, ang ganda niya at alam kong ang mahal din ng halaga nito.” “Kaya huwag mong iwawala.” “Hindi ko na lang susuotin ng matagal. Kapag may mahalagang okasyon ko na lang siya gagamitin.” ani Ceska na nakayakap na agad sa katawan ni Brian, tumingkayad at muling humalik sa kanya. “Alam mo naman ako, medyo burara.” Tumango lang si Brian. “Halika na, kumain ka na.” Sabay nilang tinungo ang kusina at binalikan ang pagkain na inihahanda ni Brian doon kanina. Tahimik na kumain si Ceska habang panaka-nakang pinagmamasdan siya ni
MADILIM MAN ANG loob ng silid na hindi na nagawa pang buksan ni Brian ang ilaw ay hindi iyon naging alintana ng dalawa na patuloy sa halikan nilang ginagawa. Tanging ang malamlam na liwanag lang na nagmumula sa nakabukas na pintuan ang tanglaw ng katawan nilang parehong gumagalaw at nagpapalitan ng nagbabagang init. Lumapat ang likod ni Ceska sa malambot na kama, pagkatapos ay kinubabawan na siya ng bulto ni Brian na halatang nasa kalagitnaan ang init ng katawan na kanyang nararamdaman. Panaka-naka na maririnig pa rin ang mga munting ungol, tunog ng halik at mga halinghing na tanging sila lang ang may karapatan na e-explain ang kahulugan. Hinalikan pa ni Brian ang panga ni Ceska pababa ng kanyang leeg. Hindi alintana ng lalaki ang dilim dahil memoryado niya ang parte ng katawan nito kahit pikit. Sa katunayan ay takot si Ceska sa dilim, lalo na kapag nakasara ang pintuan at katiting ang liwanag na makikita ngunit sa presensya ng nobyo na kasama at kaniig niya ay bahagyang naibsan noon
NAPAKURAP-KURAP NA ANG mga mata ni Brian, sobrang mino-moved ng boses ng babae ang kanyang emosyon at hindi niya iyon magawang pigilan. Para tuloy ayaw na lang niyang gawin ang kanyang plano na iwan ito at hayaang masaktan. Hinawakan na niya ang isang kamay ni Ceska na humaplos nang marahan sa kanyang tiyan. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway.“Ikaw? Kumain ka na ba? Laging ako ang inaalala mo. Baka pinapabayaan mo rin ang sarili mo.” “Hmm, k-kumain na ako…” sagot niyang hindi pa rin nililingon ang nobya.“Busy ka ba sa trabaho? Ang sabi mo kasi kanina, maaga kang uuwi para ipagluto ako…” Umikot na si Brian ngunit nanatiling nakayakap ang mga braso ni Ceska sa kanyang katawan. Under the light, his young face was handsome, but there was something she couldn't see through. Mahal na mahal siya ng babae, nararamdaman din naman iyon ni Ceska. May mga bagay siyang nais na itanong sa nobyo, ngunit palaging pinanghihinaan siya ng loob. Gaya na lang ng kailan siya nito ipapakilala sa kan
NAPABUGA NA NG hangin si Brian na idinilat na ang mga mata. Hindi niya pwedeng gawin iyon. Ang pinaka-last na gusto niyang gawin sa buhay ay ang saktan at paiyakin ang kanyang ina. Napakarami nitong sakripisyo sa kanya noong bata pa lang siya, kota na rin ito sa pasakit na ginawa ng kanyang ama. Kung dadagdagan niya pa iyon, nasaan ang utang na loob niya sa ina? Parang wala na rin siyang pinagkaiba sa kanyang ama na kailan lang tumino at naging maayos.Kalahating oras pa ang lumipas at tumigil na ang sasakyan sa harap ng building ng apartment. Nilingon na siya ng driver sa pag-aakalang nakatulog siya at akmang gigisingin na sana doon. “Sir, mas malapit ang villa niyo sa company. Why bother to go far away here?”Ang pinupunto nito ay bakit hindi na lang niya itira si Ceska sa villa nila? Hindi niya pwedeng gawin ang bgay na iyon. Kilala ng batang Ceska ang villa nila. Nakarating na ito doon at malamang kapag dinala niya ito doon, malalaman na nito kung sino talaga siya. Bagay na ayaw
PAGKATAPOS NG TAWAG ng ama kay Brian ay nilapitan na siya ni Haidy. Nakangiti na siyang nilingon ni Brian nang makita ang bulto na nasa kanyang gilid. Bahagya pa siyang lumapit dito nang makita na may sasabihin sa kanya ang secretary. Ang binata na ang siyang nag-adjust doon.“Mr. Bianchi, nagawa niyo na pong madaluhan ang mga events na kailangan niyong puntahan. You've been busy all day and it's time to go back and have a good rest, Sir.” ngiti pa rito ng babae. Totoong napagod nga si Brian at ngayong nabanggit iyon ng kanyang secretary, mas naramdaman niya pa ang pagod na sinasabi nito. Ibinigay niya kay Haidy ang hawak niyang goblet ng wine. He gently hooked his slender fingers into the knot of his tie and pulled it gently. Pakiramdam niya ay nasasakal at ang gawin iyon ay medyo makakahinga na siya nang maayos.“Tama ka, kailangan ko ng umuwi. Please notify the former senior management of Lapresa’s Corporation that we are going to hold a meeting at nine o'clock tomorrow morning.