DUMAKO NA ANG paningin ng binata sa paa nitong walang suot man lang na tsinelas. Nabasag pa ang kanyang puso doon, natatandaan niyang ilang beses niya itong sinabihan na kahit anong mangyari huwag siyang maglalakad ng walang tsinelas. Marahil sa pagmamadali niyang habulin siya kung kaya nakalimutan niya iyon. Malakas na itong umiiyak na mas nagpabasag pa ng kanyang puso. Pakiramdam ni Brain ay hindi na siya makahinga sa bahang-bahang mga luha nito sa buong mukha gaya noong kinagat niya noong mga bata pa lang sila habang tumatakbo ito palayo, ang kaibahan lang ngayon ay hinahabol naman siya nito. Hindi para tumakas kung hindi para pigilan siyang umalis sa tabi.“Gab!” malakas nitong sigaw na bumulabog sa tahimik ng paligid, nahanap na niya ang mga mata ni Brian na nakaburo na rin ngayon sa kanya. Walang kahit na anong emosyon na makikita. “Huwag mo akong iwan! Please? Let’s talk! Gab!” Never pang nagkaroon ng karelasyon ang dalaga kung kaya naman wala siyang mapagkumparahan ng sakit n
GANUN NA LANG ang iling ng ulo ni Ceska habang nanlalaki ang kanyang mga matang hindi na maitago ang pamumula, nagbabadya ng bumagsak ng kanyang mga luha ngunit pilit niyang pinipigilan iyon. Ayaw niyang maging pabebe sa harapan ng nobyo at baka mas lalo siyang ayawan niyo. Nangangatal man ang katawan sa labis na kaba ay patakbo na siyang lumapit kay Brian. Napaigik ang lalaki nang bigla siyang yakapin ng nobya. Halos hindi na siya doon makahinga sa sobrang higpit noon. Pinag-locked pa ni Ceska ang mga palad sa kanyang likod habang nakasubsob na ang mukha sa dibdib niya kung saan ay naramdaman ni Brian ang paghingal ng dating nobya dala ng pagkataranta. Hindi naglaon ay tumingala ang babae at nagtama ang kanilang mga mata. Napuno ng pagmamakaawa ang kanyang mga mata ni Ceska na nakikiusap na huwag nitong gawin ang sinabi niyang maghiwalay na sila. Kaunti na lang ay tiyak na iiyak na doon ang babae dahil sa pagkabiglang pakikipaghiwalay ng nobyo. Kanina lang ay ang saya-saya pa nila, n
WALANG IDEA SI Brian kung anong klase ng babae ang gusto niya, ngunit nang makilala niya si Ceska naisip niya na ang gusto niyang babae ay iyong nakikinig sa kanya at dumi-depende. Nagbagong tuluyan ang kanyang isip. Dahil sa nangyari, bukas na lang niya sasabihin sa babae ang magiging break up nila ng kasintahan. Bukas na lang iyon. Ito muna ang kailangan niyang asikasuhin. Mahihirapan ito kung ngayon din na gabi. Matapos lagyan ng benda ang sugat ni Ceska, nilinis ni Brian ang kalat ng bubog sa kusina. Nagtungo naman si Ceska sa kanyang studio na hinayaan na lang din naman doon ni Brian. Pinuntahan na lang niya ang babae sa kanyang studio matapos na maayos na niya ang kalat. Nakita na naman niya ang mataman nitong pagco-concentrate sa kanyang iginuguhit. The light from the desk lamp made her profile look particularly perfect, especially her straight nose with a little hump, which made her face look smaller and more three-dimensional. Tahimik na pinagmasdan siya ni Brian mula sa ka
PUMUTOK ANG PAG-ASA ni Ceska na singsing ang laman noon nang makita niyang hindi ito ang inaasahan, isa iyong gold bracelet. Mamahalin iyon na makikita sa simpleng design pa lang. Sa paningin ni Ceska ay 24K carat iyon. Hindi niya ipinahalata na hindi niya nagustuhan ang regalo ni Brian. Isinukat na niya ito sa kanyang isang braso at ipinakita kay Brian ang pinakamalaki niyang mga ngiti upang ipakita na na-appreciate niya ang regalo nitong ibinigay sa kanya.“Thanks, ang ganda niya at alam kong ang mahal din ng halaga nito.” “Kaya huwag mong iwawala.” “Hindi ko na lang susuotin ng matagal. Kapag may mahalagang okasyon ko na lang siya gagamitin.” ani Ceska na nakayakap na agad sa katawan ni Brian, tumingkayad at muling humalik sa kanya. “Alam mo naman ako, medyo burara.” Tumango lang si Brian. “Halika na, kumain ka na.” Sabay nilang tinungo ang kusina at binalikan ang pagkain na inihahanda ni Brian doon kanina. Tahimik na kumain si Ceska habang panaka-nakang pinagmamasdan siya ni
MADILIM MAN ANG loob ng silid na hindi na nagawa pang buksan ni Brian ang ilaw ay hindi iyon naging alintana ng dalawa na patuloy sa halikan nilang ginagawa. Tanging ang malamlam na liwanag lang na nagmumula sa nakabukas na pintuan ang tanglaw ng katawan nilang parehong gumagalaw at nagpapalitan ng nagbabagang init. Lumapat ang likod ni Ceska sa malambot na kama, pagkatapos ay kinubabawan na siya ng bulto ni Brian na halatang nasa kalagitnaan ang init ng katawan na kanyang nararamdaman. Panaka-naka na maririnig pa rin ang mga munting ungol, tunog ng halik at mga halinghing na tanging sila lang ang may karapatan na e-explain ang kahulugan. Hinalikan pa ni Brian ang panga ni Ceska pababa ng kanyang leeg. Hindi alintana ng lalaki ang dilim dahil memoryado niya ang parte ng katawan nito kahit pikit. Sa katunayan ay takot si Ceska sa dilim, lalo na kapag nakasara ang pintuan at katiting ang liwanag na makikita ngunit sa presensya ng nobyo na kasama at kaniig niya ay bahagyang naibsan noon
NAPAKURAP-KURAP NA ANG mga mata ni Brian, sobrang mino-moved ng boses ng babae ang kanyang emosyon at hindi niya iyon magawang pigilan. Para tuloy ayaw na lang niyang gawin ang kanyang plano na iwan ito at hayaang masaktan. Hinawakan na niya ang isang kamay ni Ceska na humaplos nang marahan sa kanyang tiyan. Sunod-sunod siyang napalunok ng laway.“Ikaw? Kumain ka na ba? Laging ako ang inaalala mo. Baka pinapabayaan mo rin ang sarili mo.” “Hmm, k-kumain na ako…” sagot niyang hindi pa rin nililingon ang nobya.“Busy ka ba sa trabaho? Ang sabi mo kasi kanina, maaga kang uuwi para ipagluto ako…” Umikot na si Brian ngunit nanatiling nakayakap ang mga braso ni Ceska sa kanyang katawan. Under the light, his young face was handsome, but there was something she couldn't see through. Mahal na mahal siya ng babae, nararamdaman din naman iyon ni Ceska. May mga bagay siyang nais na itanong sa nobyo, ngunit palaging pinanghihinaan siya ng loob. Gaya na lang ng kailan siya nito ipapakilala sa kan